webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

Don't Leave Me

Mag seseven na nga umaga ng mag decide akong bumalik sa hotel. Kahit labag sa kalooban ko kailangan ng tumigil kasi nga nagpunta ako dito para mag work di para mag bakasyun kaya napilitan na kong umahon. Bitbit ko yung rubber shoes ko sa kanang kamay ko samantalang sa kaliwa yung jacket habang naglalakad pabalik sa hotel.

Papasok na ko ng hotel ng mapansin ko na nakatayo si Sir Martin sa entrance ng hotel may hawak siyang bathrobe sa kanang kamay.

"Baka magswimming din!" Sabi ko sa isip ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang isang dipa nalang ang layo ko sa kanya. Napilitan akong batiin siya

"Morning Sir!" Kinalimutan ko na yung nangyari kagabi iniisip ko kasi baka lasing lang si Sir kaya kung ano-ano sinasabi kagabi. Sa halip na sumagot iniabot niya sa akin yung bathrobe. Nagulat ako kaya di ko tinanggap.

"Okey lang ako Sir!" Paakyat naman na ko sa kuwarto mariin kong tanggi.

Mukang di naintindihan ni Sir Martin yung sinabi ko kasi lalo siyang lumapit sa akin. Isinampay niya yung bathrobe sa balikat ko, tapos kinuha niya yung rubber shoes at jacket na hawak ko.

Nung mapansin niya di parin ako kumikilos dahil sa pagkagulat. Ipinatong niya muna yung rubber shoes ko sa buhanginan at isinampay sa balikat niya yung jacket ko. Tapos kinuha niya uli yung bathrobe at isinuot sa akin. Lalo nanlaki yung mata ko sa ginawa niya, Nung akma niya ng ibubuhol yung tali sa harapan ko, bigla akong natauhan kaya agad akong nagsalita na

"Ako na!" Sabay hablot sa tali na hawk hawak niya. Dahil dun di ko maiwasang magdikit yung kamay namin na dahilan kung bakit namula yung muka ko. Agad kong iniayos yung bathrobe at ibinuhol, ng matapos doon ko napansin na sobrang lapit niya sa akin. Kaya agad akong humakbang pakanan para makaiwas sa kanya pero bago ako maka alis agad niyang hinawakan yung braso ko kaya agad akong tumingala para tingnan siya.

"DON'T LEAVE ME!" Mariin niyang sabi habang hawak parin ako sa braso ko.

"Sir?" Takang tanong ko. Doon niya ata na realize na di ko siya naiintindihan pero sa halip ba bitawan ako ay lalo niyang hinigpitan yung pagkakahawak sa braso ko at galit na nagsalita.

"Sa susunod na lalabas ka, sana magpaalam ka sa akin, Para di ako nag-aalala sayo. Saka bakit wala kang dalang tuwalya man lang balak mo palang maligo di mo man lang ako sinabihan para samahan kita mamaya may mangyari sayo diyan."

"Nag iwan ako ng note sa table ah, di mo ba napansin Sir?" takang tanong ko.

Isa pa parang ang OA naman ng reaction niya. Kaya bahagya kong hinila yung braso ko para makawala sa pagkakahawak niya.

Nung mapansin niya na di ako komportable sa pagkakahawak niya, agad niya rin akong binitiwan. Muli kong inayos yung bathrobe na medyo bumukas. Nang masigurado kong okey na, muli akong humakbang papalayo sa kanya dahil nga ang lapit namin sa isat-isa. Di pa ko masyadong nakakalayo ng muli siyang magsalita.

"Basta sa susunod na aalis ka magpaalam ka sakin ng direkta di yung note. Ano ba namang kumatok ka sa kuwarto ko or you can call me via phone. Nagpahanda na ko ng breakfast para sating kaya tara na!" Sabay hawak sa palad ko na di ko naiwasan at hinila na niya ako paalis. Kaya napilitan akong sumunod sa kanya. Pinipilit kong hilain yung palad ko habang naglalakad kami pero napaka higpit ng pagkakahawak niya at kahit anong gawin ko di ako makakalas at dahil doon wala na kong nagawa. Iiling-iling nalang ako habang naglalakad.

Dinala niya ko sa roof top ng hotel. Meron din palang kainan dun at swimming pool. Napa ganda ng ambiance, maraming halaman na puro namumulaklak. Kaya napaka freash ng paligid.

Agad niya kong dinala sa isang mesa na pang dalawahan lang kaya umupo kami ng magkaharap. Sinenyasan niya yung waiter na agad namam nagdala ng almusal namin. Mukang kanina pa siya nag-order kasi mabilis itong na prepare. Nagbaba ng simple meal ang waiter gaya ng itlog, bacon, hotdog at bagnet saka sinangag na kanin. Meron ding pares ng dark coffee. Nung umalis na yung waiter, agad nilagyan ni Sir Martin yung plato ko ng kanin saka ng mga ulam. Tapos iniabot niya yung kutsara at tinidor. Sabay tanong kung ilang sugar daw ang ilalagay niya sa kape ko.

"Ako na lang!" Sabay hawak ko sa tasa ng kape para ilapit sa akin. Pero hinawakan niya rin yung tasa pero dahil hawak ko na nakapatong yung palad niya sa mismong kamay ko na. Kaya agad ko siyang tiningnan.

"Sir ako na pong bahala sa sarili ko.Wag mo na po akong intindihin, Salamat!" Sabay hila ng bahagya sa tasa para bumitaw siya. Pero di siya nagpatinag, nilagyan parin niya ng asukal yung kape ko at di niya binitiwan yung kamay ko.

"Two cubes tama na?" Ma-ingat niyang tanong na sinagot ko nalang ng tango kasi wala na kong masabi sa ginagawa niya. Ng matapos niyang haluin saka niya lang tinanggal yung kamay niya.

"Diba sinabi ko sayo na liligawan kita, kaya hayaan mo kong pagsilbihan ka. Saka wag mo na kong pino-po at kung pwedi Martin nalang tawag mo sa akin. Yung sinabi ko sayo kagabi seryoso ako dun. Kaya sana bigyan mo ko ng chance." Mahaba niyang salaysay habang nakatingin sa mata ko.

Hinawakan ko yung tasa ng dalawa kong kamay... para mapigilan yung panlalamig nito. Di ko kayang salubungin yung tingin ni Sir Martin kaya ibinaba ko yung tingin ko sa kape na hawak ko. At malumanay akong nagsalita.

"Pasensya ka na po Sir, Pero wala po ako ngayon balak magpaligaw. Marami akong gustong gawin sa buhay ko pero wala dun ang magka boyfriend focus muna ako sa trabaho dahil marami akong gustong abutin para sa career ko. Sana naiintindihan mo po". Sabay tingin sa kanya.

"I will wait for you!"

Maikli niyang sagot habang punong puno ng sensiredad. Dahil dun di na ko nakasagot kay nagumpisa na siyang kumain na parang bale wala yung sinabi ko. Bumuntong hininga na lang ako at kumain narin