webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urbano
Classificações insuficientes
388 Chs

Chapter 223

"Paano yung sakin?" Parang batang tanong niya.

"Yung blue, diba yun ang gusto mo?" Naka taas kong kilay na tanong sa kanya.

Nung di siya kumibo inutusan ko yung Attendant na kunin din yung blue na necktie na tinuro ni Martin kanina at dumiretso na ko sa cashier para magbayad. Agad namang sumunod sa akin si Martin.

"Wala ka ng bibilhin?" Tanong ko sa kanya pagka abot ko ng aking pinamili.

"Wala na, doon na tayo sa pangbabae." Malungkot niyang sabi sabay kuha sa pinamili ko.

Naglakad kami papuntang left wing nung Mall, andun kasi naka yung mga apparel ng mga pambabae. Unang pinasok namin yung mga damit.

"Anong naiisip mong suotin sa party?" Tanong niya sa akin habang nagmamasid sa paligid.

"Like ko sana mag skirt and spaghetti strap na blouse." Simpleng kong sagot sa kanya.

Agad nanlaki yung singkit niyang mata nung marinig niya yung gusto kong suotin.

Alam ko naman di siya papayag sa ganung style talagang sinadya ko lang talagang asarin siya. Naka titig parin siya sa akin na parang hinihintay niyang baguhin ko yung sagot ko, pero di ko siya sinagot sa halip ay dinilaan ko siya at nag marcha ako palayo sa kanya.

Pumunta ako sa mga jeans section. Maya-maya nasa likod ko na si Martin.

"Kala ko ba skirt ang gusto mo?" Tanong niya habang naka poker face.

"Parang papayag ka namang bilhin ko."

"Papayag naman akong bilhin mo di nga lang ako papayag na isuot mo!"

"Haist... para kang ewan!" Irap ko sa kanya.

"Miss, okey lang ba isukat?" Tanong ko sa Sales Lady.

"Sure Ma'am! This way po!" Sabay guide sakin papauntang fitting room.

Habang naglalakad kami nung Sales Lady naka sunod parin si Martin sa akin.

"Wait mo nalang ako dun!" Sabay turo sa bakanteng upuan kung saan pwedi siyang maghintay.

Pero di siya natinag kaya muli akong nagsalita.

"Di ako mawawala! Wait mo na ko dun!" Naiirita ko ng utos sa kanya.

Paano ba naman parang napaka akward kung sasama pa siya sakin sa fitting room.

Dahil nga nakita niyang naiirita na ko wala siyang nagawa kundi maglakad na papuntang upuan.

Habang naglalakad si Martin, mabilis kong dinampot yung isang mini-skirt na kanina ko pang gustong kunin. Kulay cream siya na haggang kalahati ng legs ko. Simple lang yung design pero napa classy.

"Bagay po sa inyo Ma'am!" Papuri ng Sales Lady sa akin habang tinitingan ko yung reflection ko sa salamin.

Nung makuntento ako sa pagmamasid sakin muli akong bumalik sa fitting area at isinukat yung pantalon. Color black siya na fitted sa akin.

"Bagay po yan sa damit na ito Ma'am." Sabay pakita sa akin nung black din na cashmere shirt with short-sleeve turtleneck.

Inabot ko 'yon para tingnang mabuti. Nung wala naman akong makitang flaws at sa tingin ko sin bagay siya sa jeans ko, agad akong sumang-ayon kaya muli akong bumalik sa fitting room.

"Paresan niyo po Ma'am ng black na sinturon, then boots." Muling payo sa akin nung Sales Lady.

Napaka conservative nung itsura ko pero in the same time napaka sexy dahil nga parehas fitted yung damit ko kitang kita yung kurba ng buo kong katawan. Di ko maiwasang mapangiti kasi lalong nangibabaw yung kaputian ko sa suot kong damit.

"Sige kunin ko na ito!" Sagot ko sakanya at muli akong bumalik sa loob para magpalit ng damit.

"Tapos na?" Tanong ni Martin nung makita niya kong palapit sa kanya.

"Hmmm!" Sagot ko.

"Patingin!" Sabay abot sa bitbit kong damit na mabilis ko naman inabot sa kanya.

Masusi niyang tiningnan yung mga napili ko. Pumasa naman halos lahat maliban sympre sa skirt at sa backless na damit na alam ko naman talagang di papasa.

Nung okey na sa kanya tumayo na siya at lumakad papuntang cashier.

"Bakit iniwan mo ito?" Sabi ko sa kanya habang lumalakad ako kasunod niya.

"Wag ka ng makulit!"

"Sabi mo pwedi kong bilhin!"

"Masasayang lang!"

"Okey lang ikaw naman magbabayad!"

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Akala ko bubulyawan niya ko pero sa halip kinuha niya yung damit na nireject niya at isinama sa babayaran niya.

Dahil sa ginawa niya di na ko nakapagsalita at naka tingin nalang sa kanya hanggang sa makalabas kami ng store.

"Sa taas tayo! Andun yung mga jewelry." Sabi niya sa akin habang hinawakan yung kamay ko para makasakay kami sa escalator.

"Alahas ba balak mong bigay sa nabunot mo?"

"Oo, atleast may value!"

"Ibig mong sabihin yung binili kong necktie walang value?" Naka taas kong kilay na tanong.

"Wala namang value, pero may purpose!" Sagot niya sa akin sabay kindat.

"Suntukin kita diyan eh!" Ismid ko sa kanya at ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

"Masyado mong pinipintasan yung pink kong necktie. Makikita mo bagay yung sa nabunot ko!" Pagmamalaki ko.

Nanatili lang tahimik si Martin hanggang makapasok kami sa last destination namin.

"Bilisan mo bumili ha! Magsasara na yung Mall!" Sabi ko sa kanya habang dumiretso ako sa mahabang upuan. Hinayaan ko lang siyang pumili ng guso niya.

Habang hinihintay ko siya naisip ko munang mag scroll ng cellphone ko at tuming sa social media account ko. Just sending likes sa mga post ng mga kaibigan at mga kakilala.

"Bagay sayo ito!" Narinig kong sabi ni Martin kaya nagtaas ako ng tingin.

Nakalaylay sa harap ko yung kumikinang na kwintas na white gold kung saan may pendant siyang heart na puno ng diamond.

"Mahal yan!" Tanging nasabi ko sa kanya.

"Bakit ikaw ba magbabayad?" Sabi niya sa akin.

Di ko akalaing na ibabalik niya sa akin yung sinabi ko sa kanya kanina habang namimili kami nung necktie.

"Dapat sinabi mo kagad!" Sagot ko sa kanya at muli akong yumuko para tingnan yung cellphone ko uli.

Muling umalis si Martin, makalipas ng ilang minuto bumalik siya dala na yung binili niya. Agad narin akong tumayo para maka alis na kami.

"Hatid mo pa ko?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami papuntang parking area.

"Di na sa bahay ka na matulog. Tumawag na ko kay Mama."

"Sabagay, Inaantok na ko!"

"Wag kang mag-alala patutulugin kita kagad!" Sabay kindat sa akin.

"Asa!" Usal ko.