Maaga akong nagising kinabukasan kasi nga niyaya ako ni Christopher na sunduin daw namin si Anna at Annalyn sa airport at dahil wala naman akong gagawin ng araw na iyon sumama ako. Kasalukuyan na kaming papuntang airport.
"Pumunta ako sa inyo kahapon, umalis ka daw?" sabi ni Christopher sakin
"Oo!" Tanging sagot ko.
"Saan ka nagpunta?"
"Diyan lang sa tabi-tabi!"
"Maghapon?" Tiningnan ko lang si Christopher ng masakit para ipaalam sa kanya na wala siyang karapatang magtanong ng magtanong. Mukang na-gets naman niya kaya nanahimik na siya.
"May desisyun ka na ba kung babalik ka pa sa America kasama namin?" Tanong uli ni Christopher makalipas ng ilang minuto.
"Wala pa nag-iisip pa ko."
"Sana sumama ka nalang pabalik samin." Malungkot na sabi ni Christopher.
"May three weeks pa naman ako para makapag-isip, tingnan na lang natin."
"Sabagay! Siya nga pala Michelle baka pwedi naman tayong mamasyal bukas at saka kumain."
"Lalabas kami bukas nila Anna!"
"Ah talaga sama ako!"
"Di ka pweding sumama girls nights out yun!"
"Baka pwedi naman!"
"Wag kang makulit!" Pambabara ko kay Christopher. Si Robert nga di pwedi sumama kung tutuusin asawa na yun ni Nina siya pa kaya na panggulo lang. Isa pa matagal na naming plano yung apat na magnight-out kami at sa hotel na lang matutulog kaming apat lang at bawal ang boys.
"Kung ganun baka pwedi naman sa Saturday tayo lumabas."
"Di pwedi baka may hang over pa ko nun!"
"Eh di sa Sunday na lang!"
"Magsisimba kami ni Mama!"
"Eh di sa Monday!" Muling sabi ni Christopher di parin talaga siya sumusuko kahit pinararamdam ko na di ko siya gustong makasama.
"Sige sa Monday!" Pagsang-ayon ko kasi nga wala na kong madahilan.
"Salamat!" Masaya nitong sagot sakin.
"Saan mong gustong pumunta?" akala ko dahil napagbigyan ko na siya, okay na pero ito at tinatanong nanaman ako. Di ba niya nakita na busy ako sa phone ko.
Paano kasi ka-text ko si Zaida, sinabihan ko siya na di ako makakapunta sa birthday ni Lucas mamaya at ang dinahilan ko nalang is darating yung mga kaibigan ko. Nagreply naman siya sakin ang laman nga lang is number ni Lucas sa kanya daw ako magsabi.
Mabilis ko naman itong tinext pero ang reply sakin ay "NO!" nagtry akong magdahilan pero ganun parin yung sagot. Basta ipapasundo daw niya ko mamaya at di daw aalis yung taong magsusundo sakin hanggat di ako naisasama.
"Michelle!" Tawag ni Christopher ng di ako sumagot.
"Pumayad na nga akong makipag-date sayo sa Monday pero kung ako pa papaproblemahin mo kung san tayo pumunta eh mas mabuting maulog na lang ako sa kwarto ko." Asar kong sagot sa kanya.
"Hehehe... wag kang ako na ang bahala at sigurado ako muli kang ma-inlove sakin." sabi niya sa akin sabay kindat pa. Irap lang ang sinagot ko sa kanya.
Sakto naman pagdating namin sa airport palabas narin si Anna at Annalyn.
"Michelle!" Tili ni Anna habang yumakap sakin.
"OA ah!" sabi ko sa kanya. Paano ba naman wala pa nga kaming isang lingo di nagkita akala mo decade na kung makapag-react.
"Niyakap ka lang nagsusungit ka na!"
"Bitaw, mainit!" reklamo ko kasi lalo pang hinigpitan ni Anna yung pagkakayapos sakin.
"Ikaw habang tumatanda lalo kang nagiging masungit, yan ba ang cause ng sunod-sunod mo na break-up?" Pang-aasar sakin nito.
"Manahimik ka!" sabay kurot sa tagiliran niya.
"Aray, para kang si Titser Lorena. Sabagay idol mo pala yun, Haha...haha...!"Tuwang-tuwang sabi ni Anna sakin.
"Sira idol ni Annalyn yun haha...haha...!" tawa ko narin.
"Si Anna ang may idol dun!" Ganti ni Annalyn.
"Malamang pag di kayo naghabol tatlo talagang magiging idol niyo na si Titser Lorena being old maid!" Sabi ni Christopher habang nilalagay yung mga maleta sa trunk ng kotse.
Si Titser Lorena kasi yung masungit naming titser nung elementary dahil nga old maid laging mainitin ang ulo kaya kapag nagsusungit yung isa samin yung ang tinatawag namin sa kanya.
"Sinong magiging old maid?" galit na tanong naming tatlo kay Cristopher na para bang handa na kaming bugbugin siya if ever magkamali siya ng sagot.
"Si Mam Lorena yung old maid." Palusot nito.
"Umayaos ka diyan baka mabugbog ka!" Paalala ni Anna na papasok na sana sa backseat pero mabilis ko siyang hinila palayo doon.
"Sa unahan ka, ikaw makipagkwentuhan sa kapatid mo, tara Analyn!" sabi ko sabay pasok na sa loob ng sasakyan.
Tahimik akong nakikinig sa mga reklamo ni Anna habang nasa biyahe na kami papunta sa bahay nila. Si Analyn kasi ay nauna na naming naibaba sa bahay nila, ako naman walang gagawin sa bahay kaya naisip ko munang tumambay kina Anna.
Dahil sa pagod sa biyahe naka-idlip kami ni Anna sa kwarto niya, nagising na lang ako ng gisingin ako ni Anna.
"Bakit?"
"Kanina pa yung phone mo tumutunog baka balak mong sagutin." Napilitan akong bumangon at puntahan yung phone ko na na nakapatong sa study table ni Anna.
"Hello Ma, bakit po?" sagot ko.
"Asan ka, bakit parang kagigising mo lang?"
"Dito ako kina Anna, nakatulog ako Bakit po kayo napatawag?"
"Andito si Mang Kanor, susunduin ka daw!"
"Si Mang Kanor, driver ni Martin?" Gulat na gulat kong tanong.
"Oo, nagakabalikan na ba kayong dalawa?" tanong ni Mama.
"Di Ma, ikaw naman alam mo naman may fiancee na yun diba nakwento ko sayo!"
"Eh bakit ka pinapasundo?"
"Di naman si Martin nagpapasundo sakin si Lucas yung pinsan niya kasi nga birthday niya ngayon at pinapapunta ako."
"Alam mo naman palang may pupuntahan kang birthday eh bakit di ka umuwi."
"Wala nga akong balak pumunta! Wait lang Ma, tawagan ko lang si Lucas." Paalam ko kay Mama.
Pagbaba ko nun agad kong tinawagan si Lucas kasi nga ayaw ko sana talagang pumunta kasi nga iniiwasan kong makita si Martin at saka malamang andun din si Elena. Ayaw ko ng gulo kaya kung maari ay iiwas na lang ako.
Naka-ilang dial na ko pero di sinasagot ni Lucas yung tawag ko. Sa huli si Zaida yung tinawagan ko pero gaya kanina ang sagot lang nito sakin si Lucas daw ang kausapin ko kaya muli ko itong tinawagan kaya lang gaya din kanina di niya ko sinasagot.
Napagpasyahan ko si Mang Kanor yung tawagan ko para pabalikin na sa Manila at di ako sasama.
"Sorry Mam pero sabi ni Sir Lucas wag daw akong babalik kung di ka kasama."
"Kaya lang Kuya ayaw ko kasi talaga sanang pumunta." Paliwanag ko
"Basta Mam ang bilin sakin isama daw kita by hook or by crook kundi magresign na lang daw ako." malungkot na sabi ng matanda.