Paggising ko wala na si Martin sa tabi ko. Masarap yung tulog ko kaya di ko namalayang tanghali na kaya ng makita kong seven na ng umaga agad akong bumangon. Sakto namang bumukas yung pinto ng kwarto.
"Morning!" bati ni Martin na pumasok.
"May binili ka bang damit pamasok ko?" kapal mukha kong tanong, paano wala naman kasi akong balak mag-sleep over kaya wala akong dalang damit kahit isa, ultimo underwear wala. Iniisip ko kasi mayroon nga siyang pinasuot na pangtulog sakin malamang may ipapasuot din siya saking pamasok.
"Meron naman," sagot niya habang lumapit sa may cabinet niya.
"Buti naman," sagot ko habang umalis na ko sa kama. Iniisip ko kasi yun kasi kung sakaling wala talaga mapipilitan akong wag ng pumasok at umuwi na lang.
"Ito na lang suot mo?" tanong ni Martin habang ipinakita sakin yung itim na slacks na may pares na blouse na kulay puti. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon bago ako pumasok ng banyo.
Paglabas ko wala na si Martin at ipinatong lang niya sa kama yung damit kasama yung underwear ko. Hanggang ngayon alam na alam parin ni Martin yung sukat ng katawan ko kasi saktong-sakto yung binili niya saking damit.
"Bakit di ka nag-blower ng buhok mo?" tanong ni Martin ng makita niya ko.
"Maya na lang pagtapos kumain!" sagot ko sa kanya habang umupo na ko sa may lamesa. May mga pagkain na dung naka hain. Pagkalagay ni Martin ng kape sa harap ko ay umupo narin siya sa tabi ko.
"Sana tinuyo mo nalang muna di naman tayo nagmamadali,"
"Bakit di ka magmamadali eh late na nga tayo mag-eight na!"
"Baka nakakalimutan mo Boss ako kaya okay lang ma-late, kain ka na!" pagrarason ni Martin habang nilagyan ng kanin yung pinggan ko.
"Pinaluto mo?" tanong ko habang pinagmamasdan yung pagkain sa lamesa. Pork chop na prinito yung ulam namin na may kasamang sunny side up na itlog at fried rice yung pares.
"Niluto ko!" proud na sabi ni Martin. Napatingin ako sa kanya nung marinig ko yung sinabi niya. Makikita mo sa mukha ko na di ako naniniwala kaya agad dumipensa si Martin.
"Totoo ako nagluto niyan!' pag-uulit niya para makumbinse ako at itinaas pa niya yung palad niya at nanumpa.
"Buti di ka napaso!" sagot ko habang tinikman yung pork chop na niluto niya. Hinati-hati na niya yun sa bite size para mas madaling kainin and in fairness masarap naman yun.
"Actually napaso ako," naka ngiti parin niyang sagot habang ipinakita sakin yung talsik ng mantika sa kanang kamay niya.
"Sa susunod wag ka ng magluto!"
"Bakit di ba masarap?"
"Masarap naman kaya lang baka mamaya matadtad ka ng paso sa kalokohan mo." paalala ko sa kanya.
"Uy nag-aalala siya sakin?" sagot niya sakin sabay hawak pa sa kamay ko.
"Kumain ka na nga dami mo pang alam, late na tayo!" anggil ko, paano naman kasi napaka-cheesy at nasasagwaan ako.
"Parang gusto ko ngang wag ng pumasok, ano sa tingin mo? Nuod nalang tayo ng sine o kaya masyal na lang tayo!" bumibilog yung mata ni Martin dahil sa naiisip niya.
"Sakin okay lang, Ang tanong magkano naman babayad mo sakin para samahan ka?"
"Grabe ka, pinagluto na nga kita tapos binilhan ng damit di na nga kita siningil tapos ako gusto lang kitang makasama gusto mo bayaran pa kita."
"Syempre naman, alangan naman bumuntot ako sayo ng wala akong mapapala?"
"Anong walang mapapala, syempre sisiguraduhin kong mapapasaya kita?"
"Kung saya lang makukuha ko wag na!" mabilis kong tanggi kasi kapag nagkataong nakita kami ng kahit sinong malapit kay Ellena o sa pamilya niya malamang yung saya na mararamdaman ko ay mapalitan ng sakit kaya mahirap ng makipagsapalaran.
"Mukang nagiging materialistic ka na ngayon Michelle ah!" seryosong sabi ni Martin pero alam kong nagbibiro lang siya kasi masaya parin yung mukha niya.
"Practical lang ako!" sagot ko sa kanya sabay subo sa bibig niya yun pork chop na tinusok ko ng tinidor para kumain na siya kasi kanina pa siya daldal ng daldal at di kumakain.
"Ako na maghuhugas ng pinggan, maligo ka na para makaalis na tayo!" sabi ko sa kanya nung tapos na kami kumain.
"Sige, pero magsuot ka ng apron para di madumihan yung damit mo," sagot naman niya bago tumayo at iniwan ako.
Pagkatapos kong magligpit ng kalat sa kusina ay muli akong pumasok sa kwarto para tuyuin yung buhok ko sa blower. Naglalagay na ko ng make-up ng lumabas si Martin galing banyo.
"Blower mo buhok ko," sabi niya nung lumapit sakin sa may tokador. Tumayo ako para paupuin siya at pagbigyan yung hiling niya bayad sa pagluluto niya ng almusal para sakin.
"Balak mo bang pahabain uli yung buhok mo?" sabi niya habang pinagmamasdan ako sa salamin, tiningnan ko muna siya bago ako sumagot.
"Depende sa mood ko," Kaya ko lang naman pinagupitan yung buhok ko kasi naalala ko si Martin kapag tinutuyo ko iyon. Favorite niya kasi yung blower nung kami pa pero syempre di ko masabi sa kanya na siya ang dahilan kung bakit ayaw ko ng magpahaba ng buhok.
"Mas bagay parin kasi sayo yung mahabang buhok," comment niya. Tiningnan ko lang siya at di na ko nagsalita.
"Tapos na!" sabi ko makalipas ng ilang minuto.
"Thank you!" sagot naman niya habang niyakap ako at hinalikan sa pisngi. Dapat labi ko yung gusto niyang dampian pero umiwas ako kaya sa pisngi siya napunta.
"Magbihis ka na at anong oras na!" muli ko sa kanyang paalala kasi parang wala talaga siyang pake sa oras.
"Kiss mo muna ako sa lips para bihis na ko!" paglalambing niya habang naka hawak parin sa baywang ko.
"Kung ayaw mong pumasok, mauna na lang ako sayo!" sabi ko habang tinatanggal ko yung kamay niya sa baywang ko.
"Kung makaka-alis ka!" naka tawa niyang sabi habang lalong hinigpitan yung pagkakayakap sakin.
"Kapag di mo ko tinigilan charge kita uli ng isang milyon!" pagbabanta ko.
"Kapag charge mo ko ng isang milyon bukas ka na lalabas sa kwarto ko!" sagot ni Martin sakin at talagang binagalan pa niya yung pagsabi nung sa kwarto niya na para bang may iba siyang ibig sabihin.
Tinitimbang ko yung sitwasyon at mukang dis-advantage ako kaya wala akong nagawa kundi ilapit yung mukha ko sa kanya para halikan siya sa labi. Smack lang sana gusto kong gawin pero hinawakan ni Martin yung likod ng ulo ko kaya nauwi yun sa french kiss at wala akong magawa kundi tanggapin yun.