"Kanina pa ko tumatawag sayo!" Sabi ni Martin ng maka alis si Alvin.
"Pasensya ka na di ko na na-check yung phone ko!" Sagot ko nalang para di na humaba yung usapan.
"Bakit di mo ko tinawagan na may emergency na palang nangyari? Kanina pako naghihintay dun sa parking lot sa office niyo kundi ko pa tinawag yung Boss mo di ko pa malalaman ng umalis ka at si Alvin yung kasama mo!"
Ipinikit ko na lang yung mata ko para kunyari di ko narinig yung sinasabi ni Martin.
"Wag mong sabihin sakin na mas gusto mo pang kasama yung Alvin na yun sa ganitong sitwasyon kaysa sakin?" Muling sabi ni Martin ng di ako sumagot. Dahil sa sinabi niya lahat ng pagtitimpi ko naubos at pinatulan ko siya.
"Kailangan ko pa bang isipin kung sino dapat kong makasama sa ganitong pagkakataon? Martin nasa emergency yung tatay ko, uunahin ko pa ba dapat kung anong iisipin mo? Bakit ano bang ginawa ng tao, tinulungan niya lang ako!" Gigil na gigil kong sabi.
"Kung ako yung tinawagan mo di sana ako tumulong sayo!"
"Martin please! Parang awa mo na, wag ngayon... please wag ngayon!" Sabi ko saknya habang nanggigil ako at umiiyak.
Doon lang siya natauhan at pinipilit akong yakapin pero itinulak ko siya para lumayo sakin. Di ko kailangan yung comfort niya kung lagi na lang niya ko pag-iisipan ng masama. Marami akong dapat isipin at wala akong lakas para isama pa siya dun.
Hinayaan na lang muna niya ko kumalma saka muli siyang nagsalita.
"I'm sorry!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko marahil narealized niya yung mali niya at sana ganun nga. Di ako sumagot pero di ko na tinabig yung kamay niya. Nanatili akong naka tingin sa operating room, nagdadasal na sana may lumabas na doon at sabihing okey na yung Papa ko.
Naramdaman kong inakbaya ako ni Martin at kinabig ako palapit sa dibdin niya.
"Wag kang mag-alala okey lang si Papa. Kaya niya yun! Walang masamang mangyayari sa kanya!"
Yun yung kanina ko pa hinhintay na sabihin ni Martin sakin yung comforting words na nagsasabing magiging okey ang lahat. Dahil dun di ko na mapigilang mapayakap sa kanya at umiyak.
"Natatakot ako!" Sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.
"Wag kang matakot! Andito ako!"
"Huhu...Huhu.... Paano kagag di succesful yung operation?"
"Wag kang mag-isip ng ganyan! Strong si Papa at saka isa pa ihahatid ka pa niya sa altar sa kasal natin kaya di siya susuko!" Sabi ni Martin sakin.
"Tama, ihahatid pa ko ni Papa sa altar sa kasal natin!" Sabi ko habang naka ngiti na kay Martin.
"Tahan na!" Sabi niya habang pinupunasan yung luhang umaagos sa mata ko.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya nung tumigil na ko sa pag-iyak.
"Hindi pa! Di ako nagugutom!"
"Tara kain tayo!" Yaya niya sakin.
"Yokong umalis dito baka mamaya lumabas yung Doctor at hanapin ako tapos di niya ko makita kaya dito lang ako!" Mabilis kong tanggi kasi gusto ko paglabas ng Doktor matanong ko siya kagad sa kalagayan ni Papa.
"Oh sige, dito ka muna ha! Bibili muna ako!"
"Sige!" Pagsang-ayon ko. Kaya agad siyang tumayo pagkatapos akong halikan sa noo.
Halos ilang minuto lang nawala si Martin at naka balik siya kagad may dalang kanin at ulam.
"kain ka muna kahit kunti para magka energy ka!" Sabi niya sakin habang binuksan yung dala-dala niya. Kahit di ako gutom kumain parin ako dahil sa pagpupumilit ni Martin. Nakaka-ilang subo pa lang ako ng maalala ko na kailangan ko palang tawagan si Mike kaya kinuha ko yung bag ko.
"Ano hinahanap mo?" Tanong ni Martin ng makita niyang kinakalkal ko yung bag ko.
"Yung cellphone ko, kailangan ko kasing tawagan si Mike!" Paliwanag ko naman habang patuloy na naghahanap.
"Ako na tatawag!" Sabi ni Martin habang inilabas yung phone niya sa bulsa ng pantalon.
"Anong sasabihin ko?" Muli niyang sabi habang hinahanap yung number ni Mike sa phone book niya.
"Paki sabi na nasa operating room pa si Papa kaya siya muna bahala kay Mama."
"Sige!" Sabi ni Martin sabay layo sakin kasi walng signal dun sa pwesto namin.
Maya-maya may lumabas na tao sa operating room kaya mabilis akong lumapit.
"Kamusta po yung Papa ko?" Mabilis kong tanong. Di pa nakaka sagot yung Doctor ng makalapit na samin si Martin at inakbayan ako.
"Nailigtas na namin siya sa bingit ng kamatayan! Kailangan nalang natin maghintay para malaman kung may iba pang kumplekasyon!"
"Salamat sa Panginoon!" Nasabi ko.
"Kaya lang di namin nailigtas yung mga paa niya!" Malungkot na sabi ng Doctor. Bigla akong natigilan at di naka sagot.
"Ano pong ibig niyong sabihin Doc?" Tanong ni Martin habang hinigpitan yung pagkakahawak sa balikat ko.
"Kinakailangan naming putulin yung dalawang paa niya na nadurog dahil sa aksident!"
"Boom!" Parang bomba na sumabog yun sa akin na di ko kinaya kaya nawalan ako ng malay.
"Michelle!" Tawag ni Martin sa akin pero nag black-out na talaga yung utak ko.
"Dalhin mo siya dito!" Sigaw ng Doctor at agad akong chineck.
"Mukang na shock siya dahil sa nangyari. Mabuti pa iuwi mo muna siya para makapag pahinga. Lalo pa nga at nagdonate siya ng dugo." Payo ng Doctor.
"Sige po, Salamat!" Sabi ni Martin pero sa halip na sundin yung Doctor na iuwi ako. Kinuhaan niya ko ng isang private room kung saan pwedi akong matulog kasi alam naman niya na pag inuwi niya ko ay magagalit ako sa kanya kasi iniwan namin si Papa na mag-isa sa hospital.
Nanatili lang siya sa tabi ko habang hawak-hawak yung kamay ko at hinihintay akong magising.
Nakatulog ako ng halos dalawang oras. Bumungad sakin yung magandang kwarto na para bang nasa isan five star hotel ako. Ang pinagkaiba lang is kulay puti yung buong paligid kaya alam ko na nasa hospital parin ako kasi yung amoy ng disinfectant ay napaka lakas.
Doon ko lang napansin si Martin na naka upo sa tabi ko at hawak-hawak yung kamay ko samantalang yung isa ay busying busy sa pagta-type sa cellphone niya. Malang nagbibilin kay Yago tungkol sa trabaho.