webnovel

Mary The Last Love

Natural lang sa pag ibig na masaktan, kasi nga kakambal ito ng pagmamahal. Pero hindi porket nasaktan ka, wala ng magmamahal sayo ulit. Pero bakit ganito? Sa dinami-daming tao sa buong mundo bakit ako pa ang pinag-aagawan ng dalawang tao. Bakit ako pa ang nahihirapan ng ganito? Nasaktan ako at may nasaktan ako. Ang hirap sa posesyon ko habang ako ay nalilito may dalawang tao akong napagulo. Habang ako ay nahihirapan may dalawang tao akong napapahirapan. Saan ako lulugar sa puntong ito? Sa taong mahal ko ngunit iniwan ako, o sa taong mahal ako ngunit natatakot akong iwan sya, dahil alam ko ang pakiramdam na iniwan ng walang dahilan. Marami akong nasaktan dahil binaliwala ko si Matteo, at marami din akong nasaktan ng pinili ko si Rocky. Bakit ganon? Ginawa ko na nga ang tama, may nasasaktan parin ako. Yung taong pinapangarap ko ay pinapangarap ng iba, samantala ang taong nangangarap sakin ay nanatiling umaasa sa pangarap niya. Ang hirap-hirap, sabi nila masaya ang pinag-aagawan ng dalawa tao, pero sa posesyon ko sobrang lungkot. Hindi masaya ang maraming naghahangad sayo, dahil may masasaktan at mapapaasa kang tao. Hanggang kailan ako mag titiis? Hanggang kailan ako mahihirapan? Kaya ko pa bang tiisin si Matteo? O ayaw ko nang mahirapan si Rocky? Sinong pipiliin ko? Ang taong mahal ako, o ang taong nagmamahal sakin? "MARY THE LAST LOVE" (Book 3) All Rights Reserved Written By: Mommy_J

Mommy_J · Urbano
Classificações insuficientes
7 Chs

KABANATA 3

Angry

Nakaupo ako saking swivel chair habang nilalaruan ang hawak kong ballpen. Minsan ay napapatingin ako saking braso dahil sa may sugat ito. Napahimas ako saking balat at bigla ko nalang ulit naalala ang lahat ng nangyari kagabi. That was the first time I saw Rocky, angry. Rocky was so caring and I was surprised because he suddenly did that.

~Flashback~

Sobrang lalim ng tingin ni Rocky, ang kanyang isang kamay ay nakahawak saking braso. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya saking braso kaya napangiwi ako.

"Rocky nasasaktan ako," usal ko, nanatiling nakatitig sya sakin. Igting panga syang galit.

"Hinatid kita ng safe and then you'll come here?" naging paos ang boses niya ngayon. Hinawi ko ang kamay niya saking braso, ngunit hindi niya ako binibitawan.

"Rocky nag text ako sayo, nag paalam ako sayo." sagot ko at ramdam na ramdam ko na ang takot.  First time ko syang makitang magalit ng ganito.

"But did I agree?" matigas niyang sabi. Napayuko, inaamin ko nagkamali ako sa ginawa ko.

"Rocky, Mary? Andito pala kayo." sabay kaming napalingon kay Clark na ngayon ay nakangiti saming dalawa. Hindi sumagot si Rocky bagkus ibinalik ang tingin sakin. "May problema ba?" bumagsak ang mata ni Clark sa braso ko, kong saan ay hawak ako ni Rocky. Kumunot ang noo niya at nagtaka.

"Lets go," hinila ako ni Rocky palabas ng dancefloor, at tuloyan ko nang hindi naaninag si Clark. Marahan niya akong kinaladkad palabas ng bar at tumungo kami sa kotse. Binitawan niya ang aking braso rason kong bakit ako napahimas saking balat.

"Rocky sorry," usal ko at wala akong masabi. Sumulyap sya sakin na galit na galit. Lumpit sya sakin at hinawakan ang magkabila kong braso.

"Galit na galit ako Mary, hindi sayo kundi sa kasama mo sa loob. May tiwala ako sayo Mary pero wala akong tiwala sa mga kasama mo sa loob. Alam mo naman siguro kong ano ang ibig kong sabihin diba?" nagulat ako ng sinabi niya iyon. Niyugyog niya ako ng pangalawang beses. Napahalukipkip ako!

"Rocky oo kasalanan ko, oo inaamin ko nagkamali ako sayo ngayon. I'm sorry Rocky!" isa-isang tumulo ang luha ko ngayon. Dahan-dahan ay binitawan ako ni Rocky, napaatras ako at napahimas saking magkabilang braso. Niyakap ko ang aking sarili. "Wala akong ginawang masama Rocky, dahil takot akong mawala ka." dugtong ko. Napahilot si Rocky sa kanyang noo, napahilamos sya at tinalikuran ako. Ramdam na ramdam kong uniiyak sya ngayon. Dahan-dahan ko syang nilapitan, hinawakan ko ang kanyang braso. "Im sorry Rocky, hindi na mauulit. Hindi na ako aalis ng wala ka." mabilis syang sumulyap sakin na luhaan. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Babe, nadala ako sa galit ko. Patawarin mo ako sa ginawa ko. Natatakot ako na baka magkasama kayo ni Matteo, natatakot ako na baka iwan mo ako." isinubsob niya ang kanyang mukha saking leeg. Niyakap ko sya ng mahigpit. Hinding-hindi ko iyon gagawin dahil mahal na mahal ko si Rocky. Sya lang ang nag mahal at nag alaga sakin ng ganito.

~End of Flashback~

Pagkatapos non ay hinatid niya ako pabalik sa condo ko. Pumayag akong samahan niya ako sa loob upang magamot ang aking pasa sa braso. Napasandal ako sa swivel chair at pumukit ng panandalian. Kasalanan ko rin naman dahil umalis ako at hindi hinintay ang response ni Rocky.

"Excuse maam," bumalik ang diwa ko ng tumambad sakin ang aking sikretarya. "Nasa labas po si sir Rocky, hinahanap ka." napatayo ako sa sinabi niya. Inayos ko ang sarili at aakmang aalis na sana nang tumambad sakin si Rocky sa pintoan. Bumagsak ang mata ko sa dala niyang bulaklak.

Nakangiti syang lumapit sakin, napahawak ako saking kamay habang namumula ang magkabilang pisnge.

"Hi," bati niya at hinalikan ako sa noo. Bumagsak ang mata ko sa inilahad niyang boquet. "For you, babe" napanguso ako at tinanggap iyon. Inamoy ko ang bulaklak bago tingnan si Rocky.

"Thank you babe, ang sweet talaga ng boyfriend ko." kinurot ko ang pisnge niya. Napangiwi sya at natawa sa ginawa ko.

Umupo kami sa mahabang sofa, bitbit ko parin ang boquet at hindi ko maalis ang tingin sa bulaklak. Nakakailang bigay na sya sakin at hanggang ngayon ay kinikilig parin ako.

Napahimas sya sa braso ko, kitang-kita sa mata ni Rocky ang pagsisisi.

"I am sorry, Mary. Sobrang nag-alala ako sayo kaya naparito ako." buntong hininga niya. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon.

"I'm okay dont worry, hindi naman masakit eh. Kalimutan na natin iyon." matapang kong sagot. Umusog sya sakin, hinawakan niya ang buhok ko at inilagay niya iyon saking tenga. Naglaban kami ng titig!

"I missed you so much," napangiti ako sa sinabi niya.

"Araw-araw din kitang na mimiss, Rocky." sagot ko. Hinawakan niya ang ibabang labi ko. Napalunok ako at napatitig sa mapupula niyang labi.

"Can I kiss you Mary?" naging maamo ang mukha ni Rocky ngayon, napabuntong hininga ako at dahan-dahang tumango. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang labi niya saking labi. Napapikit ako at hinayaan syang halikan ako. Hindi ko alam kong bakit hindi ko sya mahalikan pabalik.

Nanigas ako ng maramdaman ko ang kamay niya saking isang dibdib. Kumunot ang noo ko habang patuloy niya akong hinahalikan.

"Rocky," inatras ko ang aking mukha at natigilan sya. Bumagsak ang mata ko sa dibdib kong hawak niya. Hindi ko nalang pala namalayan na halos makita ang aking bra dahil natanggal niya ang dalawang butones. Dahan-dahan bumaba ang kanyang kamay, umayos sya ng pagkakaupo.

"I know you're not ready, I understand you again." napahilot sya sa kanyang noo. Marahan syang tumayo na nakapamulsa bago ako tignan. "Mary mahal mo ba talaga ako?" napatayo ako sa tanong niya. Nasaktan ako dahil bakit niya kinikwestyon ang pagmamahal ko sa kanya.

"Rocky mahal kita alam mo naman yan diba?" sagot kong marahan. Natawa sya ng mahina habang umiiling.

"Mahal mo ako, oo alam ko pero hindi ko ramdam." napayuko ako sa sagot ni Rocky. Habang tumatagal kami ay lagi niyang tinatanong kong mahal ko pa ba sya. Naramdaman ko nalang ang kamay niya mula saking braso. "Mary natatakot ako na baka nagtitiis ka lang sa ugali ko, napipilit ka lang sakin dahil ako ang palaging nasa giliran mo, simula pa noon. Sabihin mo sakin Mary? Diba totoo?" kuyom ang dalawa kong kamao sa sinabi niya. Napapikit ako dahil bigla ko nalang naramdaman ang galit ngayon.

"Rocky pinag-usapan na natin ito diba? Bakit paulit-ulit nalang Rocky? Bakit lagi mo nalang pinagdududahan ang pagmamahal ko sayo. Hindi tayo mag tatagal ng isang taon kong hindi kita minahal ng totoo." salaysay ko. Napaiwas sya ng tingin sakin. Agaran niya akong tinalikuran habang nakapamulsa.

"Iparamdam mo sakin Mary, yon lang ang gusto ko." nagulat ako dahil tuloyan syang lumabas ng aking opisina. Napahawak ako saking dibdib. Hindi ko sya maintindihan, pinaparamdam ko naman sa kanya ang lahat. Saan ako nagkulang?

Dahan-dahan akong napaupo sa sofa habang nakahalukipkip. Nasaktan ako sa pagtalikod niya sakin ng walang dahilan.

"Maey?" napalingon ako sa pintoan ng aking opisina, bumungad sakin ang tatlo kong kaibigan. Napapikit ako, ngayong araw pala ay magsusukat kami ng damit para sa darating na kasal ni Erika.

"Maey anong nangyari? Bakit dali-daling lumabas si Rocky? Hindi manlang niya kami pinansin." napasinghap ako sa sinabi ni Ivony tinabihan nila akonat sinabi ko sa kanila lahat.

Habang nasa byahe ay sobrang tahimik ko. Kanina pa nahahalata ng tatlo dahil hindi ako umiimik habang nagmamaneho. Pagdating namin sa sinasabing shop ni Erika ay naabotan namin syang inaayosan ng may-ari. Dali-dalin silang lumapit kay Erika na may ngiti.

"Hala ang ganda mo naman Erika," si Ivony na halos maiyak. Napaupo ako sa sofa at pinapanuod sila. Pinapangarap naming mga kakabaehan ang ma kasal sa tamang tao.

"Sobrang saya namin para sayo, hindi ka pa kinakasal naiiyak na kami." si Jessica na ngayon ay uniiyak na. Nagtawanan silang lahat maliban sakin na nakatitig lang sa kanila.

"Maey?" si Erika na tinawag ako, kumaway ako at ngumiti. Lumapit sakin ang tatlo.

"Kanina ka pa tulala Maey, sure ka lang okay ka?" Si Ivony na ngayon ay tumabi sakin. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi din ako sure kong okay lang ba talaga ako ngayon. Iniisip ko parin si Rocky.

"Huwag nyo na akong isipin, okay lang ako. Mahal ako ni Rocky at hindi niya ako matitiis, sigurado akong susunduin niya ako mamaya." sagot ko sa taltlo at nagkatinginan sila. Nagkibit balikat si Ivony pagkatapos ay ipinatong niya ang kanyang ulo saking balikat. Hawak-hawak niya ang isa kong kamay.

Hindi na sila muling nagtanong pa.

"Maam kayo na po," sambit ng may-ari ng wedding shop at ang kanyang dalawang assistant. Tumayo si Ivony, Jessica at Grace at lumapit mula ron para ayosan. "Mam kayo po?" kaway sakin nong isang assistant. Umiling ako at ngumiti, mukhang hindi ko na kailangang mag pasukat dahil may balak na akong suotin para sa kasal ni Erika.

"Maey?" lumapit sakin si Erika at tumabi. Hinawakan niya ang kamay ko. "Kanina ko pa napaghahalatang malungkot ka, tinanong ko ang tatlo at ang sabi ay nag-away kayo ni Rocky." kitang-kita sa mata niya ang pag-alala. Tumango ako na may ngiti! "Maey hanggang ngayon ba naman ay nagdududa si Rocky sayo?"

"H-hindi ko alam, Erika. Simula nong malaman niyang minsan na kaming mag-usap ni Matteo ay bigla nalang syang nagalit. Bumabalik sa kanyang isipan na minsan ko nang minahal si Matteo." salaysay ko bago napabuntong hininga. "Lagi niyang kinikwestyon ang pagmamahal ko sa kanya, Erika. Palagi niyang sinasabi na hindi niya maramdaman ang pagmamahal ko." dugtong ko na ikinagulat niya. Humarap sya sakin. She was look surprise.

"Maey yong totoo nag sex na ba kayo?" nanlaki ang ko sa tanong niya. Hindi ko magawang sumagot at napatitig nalang kay Erika. "Maey nowadays sex is normal, kong hindi pa kayo nag si'sex simula nong naging kayo," napabuntong hininga si Erika. "Kokwestyonin niya talaga ang pagmamahal mo, kasi may gusto syang isang bagay na gustong maramdaman galing sayo, at yon ay ang sex." napahawak ako ng mahigpit saking sling bag. Napapikit ako dahil hindi ko rin inisip na iyon ang gustong mangyari ni Rocky.

"Never pa kaming nag sex, at never pa naming ginawa iyon. He never ask me about it." sagot ko.

"Pano naman kasi niya itatanong sayo kong sa mga galaw at pananalita mo palang ay mukhang ayaw mong gawin iyon. Maey babae ako at naiintindihan kita," napasulyap akong muli kay Erika. Sobrang bilib ko sa kanya simula pa noon, nalalaman niya talaga ang nararamdaman ko. "Kong hindi ka pa ready maiintindihan niya naman yon diba, unless kong talagang mahal mo sya? Kasi pag mahal mo ang isang tao, kaya mong ibigay sa kanya ang lahat-lahat." napatuwid ako sa pagkakaupo sa sinabi ni Erika. I gasped again.

"Ang totoo, takot akong malaman niyang hindi na ako virgin." sa pagkakatong ito ay nagulat sya, hindi makasagot si Erika habang pabalik-balik ang tingin sakin at sa mga kaibigan namin sa harap.

"Maey buong akala ko ay alam niya? Akala ko ba ay alam niyang si Matteo ang una," napatakip si Erika sa kanyang bibig. Napailing ako bago yumuko. Iyon ang main reason ko kong bakit hindi pa ako nagpapagalaw kay Rocky. Buong akala niya ay buo pa ako, dahil simula nong naging kami ni Matteo ay naniniwala si Rocky na walang nangyayari saming dalawa.

Natahimik kami ni Erika at nagkatitigan lang, napasimangot sya at bigla akong niyakap ng mahigpit. Sobrang sikip ng dibdib ko. Gusto kong umiiyak ngunit pinipigilan ko lang.

"Hello maam Daisy, welcome back po." humiwalay sakin si Erika ng marinig naming may pumasok. Kumunot ang noo ko sa nakita. "Maam andito po yong napili nyo, pwede nyo na pong sukatin." wika nong may-ari.

"Oh my gosh ang ganda niya, sigurado akong matutuwa ang boyfriend ko nito." niyakap niy ang dress na para bang nasisiyahan ngayon. Marahan akong lumingon kay Erika at napatingin na pala ito sakin.

"Parang pamilyar sakin ang babae, ka condo ko sya." nagtaka si Erika at natawa ng mahina.

"Talaga? Pinsan sya ni Diego, Maey." nanlaki ang mata ko sa sagot ni Erika, napahawak ako saking dibdib.

"Girlfriend sya ni Matteo." nanlaki rin ang mata ni Erika ngayon. Napahwak sya sa kanyang bibig.

"Hi Erika andyan ka pala!" sabay kaming napalingon kay Daisy na ngayon kumakaway kay Erika habang sinusukatan sya ng damit na para sa kanya. Nagkatinginan ulit kami ni Erika na may pagtataka. Sobrang liit talaga ng mundo at si Daisy pa talaga ang girlfriend ni Matteo.

"Hon," mabilis napatayo si Erika ng tumambad samin si Diego na nakangiti. Mas lalo akong nagulat sa lalaking kasama niya na ngayon ay nakapamulsa habang suot ang kulay itim na sunglasses. Napaiwas ako ng tingin at umayos ng pagkakaupo, hindi ko alam kong bakit ako natataranta ngayon. Nag-iba ang kilos at reaksyon ko.

"Hon mag-usap muna tayo sa labas," si Erika at lumapit ito sakin. "Okay ka lang dito? Babalik din ako agad." tumango ako bilang sagot at tuloyan ng umalis si Erika kasama si Diego. Ramdam na ramdam ko ang paninitig sakin ni Matteo, nakatayo sya mula saking gilid. Napalingon sakin ang tatlo kong kaibigan at sininyasan ko sila gamit ang dalawa kong mata.

"Love what you think bagay sakin?" si Daisy at umikot-ikot ito sa harap ni Mattoe, tumango si Matteo bilang sagot at nanatiling nakapamulsa. Napahinto sya ng makita ako, naglaban kami ng titig. "Excuse me miss, you look familiar." nag taas ako ng kilay sa tanong niya. Matapang akong tumayo at hinarap syang nakangiti.

"Ikaw rin pamilyar sakin, but...." head to toe ko syang tinignan. "Im not interested, excuse me." tinalikuran ko sya at napagdesyonang lumapit saking tatlong kaibigan.

"Love narinig mo iyon ang bastos niya," maarte nitong saad. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Matteo kaya napalingon ako. Nakayakap si Daisy kay Matteo na para bang nanglilimos ng paglalamabing. Natawa ako saking isipan!

Nagpaalam ako sa tatlo na lumabas ako saglit dahil kanina pa ako naiirita sa boses ng Daisy na iyon.  Napaka clingy at halos kainin si Matteo. Alam na alam kong kanina pa ako tinititigan ni Matteo, hindi ko lang makita ang mga mata niya dahil naka sunglasses ito.

Hindi pa ako nakakaabot saking kotse ay mag biglang humila saking braso. Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin si Matteo na ngayon ay hinubad na ang sunglasses niya.

"Excuse me, why did you grab me?'" binawi ko ang aking braso ngunit nagalit sya. Igting panga niya akong tinignan. Bumagsak ang mata niya sa braso ko kaya napayakap ako saking sarili. Umiwas ako ng tingin.

"Rocky hurts you," wika niya. Nagalit ako at itinulak sya ng mahina.

"Huwag mo akong kausapin, at isa pa hindi ako sinaktan ni Rocky." tinalikuran ko sya ngunit hinila niya ulit ang braso ko. Napaharap ako sa kanya.

"You will not decieve me, Mary. Hindi ako bata at alam ko ang itsura ng pasa at sugat." sa pagkakataong ito ay mas lalo akong nagalit. Binawi ko ang aking braso ngunit hindi niya parin ako binibitawan.

"Wala kang pakialam, Matteo. Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan. Bitawan mo ako dahil wala kang karapatang hawakan ako." singhal ko na ikinagalit niya. Nagulat ako ng mahina niya akong hinila palakad at dinala sa isang sulok ng building. "Bitawan mo ako Matteo," sigaw ko at hindi niya ako magawang lingonin.

Napalingon ako sa buong paligid at walang ka tao tao. Nagulat ako ng mahina niya akong isinandal sa isang pader. Ikinulong niya ako sa magkabila niyang braso. Itinulak ko sya ngunit ang lakas niya. Napahawak ako saking dibdib, hingal na hingal.

Nagtama ang aming mga mata.

"Sabihin mo sakin ang totoo, papakawalan kita." namilog ang bibig ko sa sinabi niya.

"What? Gago ka ba Matteo? Pakawalan mo ako kundi sisipain ko yan.." ngusong turo ko sa ibabang bahagi niya. Aakamang bababa ako para makatakas ngunit hinarangan niya ang paa ko ng kamyang hita. Sobrang lapit ng aming mukha ngayon.

"My question is simple, why can't you answer?" pagbabanta niya sakin. Nilabanan ko ang titig niya. "Kanina ko pa nakikita yang pasa mo sa braso at alam kong sinasaktan ka ni Rocky." usal niyang padabog.

"Wala kang alam kaya manahimik ka, tsaka anong pakialam mo sa relasyon namin ni Rocky? Labas ka kong anong meron samin ngayon. Dont even think like a child, Matteo." naging marahas ang sagot ko. Sa pagkakataong ito ay napaatras sya, bagsak ang magkabila niyang braso.

Inayos ko ang aking sarili at hinarap sya.

"Sa susunod matuto kang lumugar, Matteo. Think before you make a fool of yourself. Hindi kana bata para makialam sa may sariling relasyon. Mag bago ka, stop acting like a super hero, hindi kana nakakatuwa." huli kong sabi bago sya tinalikuran. Napahinto ako nang marinig ko ang paghingos niya, napahawak ako saking dibdib ng masilayan ko ang iilang luha na bumagsak sa sahig.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang noo at nagtagpo ang aming mga mata, sumikip ang dibdib ko dahil may luha nga sa kanyang mga mata. Ibinalik niya ang kanyang sunglasses at dahan-dahan naglakad palapit sakin. Huminto sya sa gilid ko at ramdam kong nilingon niya ako.

"Don't worry, I am about to disappear. As long as im okay, let me continue my love for you." huli niyang sabi bago ako iniwang may question mark sa pag-iisip.

Napahawak ako saking dibdib at napabuntong hininga. Ang lalim ng sinabi niya at nagugulohan ako kong anong gusto niyang mangyari. Bakit niya sinabi iyon?

Anong mawawala?