webnovel

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.

Gonz0 · LGBT+
Classificações insuficientes
36 Chs

Chapter 8: LQ

Date: April 2, 2020

Time: 11.00 P.M.

"Pwede ba sa inyo muna ako matulog?"

Nanlaki ang mga mata ng dalawang Jin nang marinig nila ang request ni Chris.

"Umm..." 

Tinitingnan lamang ni Jin ang mukha ni Chris na tila nagmamakaawa. Hindi niya alam ang kanyang isasagot at hindi rin siya makapag-isip ng maayos.

"Paano 'yung susuotin mo bukas, Chris? 'Yung mga essentials gaya ng toothbrush or kung ano pa man?" hirit ni Jon.

"May dala po akong extra na damit palagi, saka dala ko rin po mga gamit ko." paliwanag ni Chris.

Hindi pa rin alam ng dalawang Jin kung papayagan nga nila si Chris na matulog sa kanila at nagdadalawang isip pa rin sila.

"Hindi ba hahanapin ka ng papa mo niyan? Baka magalit siya pag nalaman niyang hindi ka matutulog sa inyo?" tanong ni Jin.

Si Jon naman ay nagtataka sa biglaang pag request ni Chris na makitulog sa bahay nila. Napagtanto niya na masyado pang maaga at ang natatandaan niya, unang beses nagyaya si Chris na matulog sa bahay niya ay noong June 2020 at nangangamba siya dahil April pa lang ngayon. Iniisip niya na baka masyadong napapabilis ang mga pangyayari. "Whaaaatt! Baka nabago ko na naman ang timeline? Malaking problema 'to! Tsk! Kailangan, hindi ko hayaan na makatulog si Chris muna sa amin." nasa isip ni Jon. "Ummm, ano Chris, pasensya ka na. Siguro next time na lang muna. Nag general cleaning kasi ako sa bahay kanina, at nag pintura din ako, kaya maamoy pa at hindi pa tapos. Baka mahirapan ka lang matulog. Okay lang ba?" palusot ni Jon.

"Ay gano'n po ba Sir Jon? Sige po, okay lang. Next time na lang po siguro." malungkot na pagkakasabi ni Chris at pagkatapos ay bigla siyang ngumiti, "Sorry sa biglaan kong tanong." nahihiyang sagot ni Chris.

Tinawag na ni Jon ang waiter upang mag bill out at agad naman itong lumapit at binigay  niya na rin ang bayad at ang tip. Inayos na nila lahat ng kanilang gamit at lumabas na rin sa Jinny's Resto Bar pagkatapos. Dahil 11 p.m. na rin, napansin ni Jon na wala ng masyadong mga sasakyan para ihatid si Chris, kaya naman itatanong niya sana kung magpapahatid na lang ba ito sa driver niya.

"Chris—" Naputol ang dapat na sasabihin ni Jon dahil biglang humirit si Chris.

"Sir Jon, okay lang po ba kung samahan niyo na lang po ako papunta sa bahay namin? Malapit lang naman 'yun dito" pakiusap ni Chris.

Naisip ni Jon na tila may problema si Chris kaya ayaw nito matulog sa kanila, pero hindi niya alam kung ano ito. "Mas okay na siguro na ihahatid namin siya. Mas mapapanatag ako na makita siyang makauwi sa bahay nila ng hindi napapahamak." nasa isip ni Jon. "Sure Chris. Samahan ka namin ni Jin." nakangiting sagot ni Jon habang ginugulo niya ang malambot na buhok ni Chris dahan-dahan.

Tumingin si Jon sa batang Jin at tumango naman ito na samahan nila si Chris pauwi. Nagsimula na sila maglakad at nasa harap na niya ang dalawa. Napansin niya na hindi nag-uusap ang dalawa habang naglalakad.

Nakatingin lang si Chris sa mga ilaw sa paligid, habang ang batang Jin naman ay diretso lang na nakatingin sa kanyang nilalakaran. Tinawag ni Jon ng mahina ang batang Jin, at nang tumingin ito sa kanya ay palihim niya itong sinenyasan na tanungin si Chris kung bakit ayaw nito umuwi sa bahay.

"Ako bahala." Sagot ng batang Jin pero lipsync lang dahil maririnig sila ni Chris.

Iniisip na ni Jin kung paano niya  tatanungin si Chris kung bakit ayaw nitong umuwi sa paraang hindi siya nanghihimasok sa business nito. Pero gusto niya rin talaga malaman kung bakit, dahil alam niya na may mabigat na  dahilan ito. Alam niya rin na hindi ito basta basta mag re-request sa kanya dahil hindi pa naman sila ganoong vocal sa isa't isa, at nitong mga nakaraang araw na lang sila halos nagsimulang magkasama madalas. 

Huminga muna si Jin ng malalim at dahan dahan siya lumapit kay Chris at inakbayan ito. "Whaaat! First time ko pala inakbayan si Chris! Para akong may niyayakap na malambot na unan! Jin, Focus!" sinisigaw na ni Jin sa kanyang isip nang maakbayan niya na si Chris.

"Ehem!" Biglang nag react si Jon sa likod, napapailing at natatawa na lamang.

Napalingon si Jin dahil sa pag react ni Jon at tiningnan niya ito ng masama. Pagktapos ay muli siyang tumingin kay Chris bago niya ito kausapin, ngunit pakiramdam niya ay hindi siya makahinga ng maayos dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Habang tinitingnan niya si Chris na nakangiti at diretso lang ang tingin sa daan, hindi na napigilan magtanong ni Jin.

 "May tanong ako, Chris."

"Ano 'yun?"

Bigla lumingon si Chris kay Jin at dahil sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa, kitang kita ni Jin ang mamula-mulang mga cheeks ni Chris at ang mga mata nito na nakatitig sa sa kanya. Pati na rin ang moist ng pawis sa forehead nito kitang kita niya rin na tila gusto niya sana ito punasan kaso nahihiya siya.

"Saglit lang naman, Chris! Hindi naman ako handa sa ganito. Masyado tayong malapit sa isa't isa! Wooh!" nasa isip ni Jin at huminga siya ng malalim at nagtanong, "Bakit sa amin mo gustong matulog? May problema ka ba sa inyo?" 

Napayuko si Chris at huminga ng malalim bago siya sumagot.

"Hmmm. Kasi, ayaw ko makita si papa. Naiinis ako sa kanya." biglang sagot ni Chris habang nakasimangot siya at tila nag aalala.

"Bakit naman?"

"Pinagagalitan niya ko kasi gusto niya na ako 'yung hahawak sa lahat ng business niya."

"Umm, 'yung business niyo na gumagawa or nag po-produce ng mga electronics and advanced technology na gadgets, tama ba ako, Chris?"

Tumango lang si Chris habang nakayuko pa rin at nag aalala.

"Nagagalit siya sa akin kasi mas pinili ko pa daw ang magtrabaho sa iba, kaysa magtrabaho sa company namin para hawakan 'to balang araw."

Naintindihan ni Jin ang side ng papa ni Chris, pero hindi siya naliliwanagan kung bakit nga ba ayaw ni Chris hawakan ang company ng family nito. Para sa kanya, kung siya ang nasa kalagayan ni Chris ay kukunin niya ang opportunity.

"Oh, bakit nga naman hindi ka sumunod sa yapak ng papa mo? Isa pa, tingin ko naman magiging maganda 'yung future mo kung doon ka sa company niyo magtatrabaho. Tingin ko naman kayang kaya mo yan kasi alam ko kung gaano ka katalino at kagaling."

"Mayroon kasi akong dahilan pero hindi ko pa pwedeng sabihin ngayon. Noong una, balak ko naman talaga na sa company namin ako mag-apply pero nagbago ang isip ko." sagot ni Chris.

"Oh ano naman ung nagpabago sa isip mo?"

Tumingin si Jin saglit kay Jon na naglalakad kasunod nila para tanungin ito ng palihim. Pero, hindi nito sinabi kung ano ang nagpabago sa desisyon ni Chris at nagkunwaring hindi niya alam. Muling tumingin si Jin kay Chris at hinayaan niya ito magsalita para ilabas kung ano man ang tinatago nito sa sarili.

"Hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi kailangan ko piliin kung saan ako mas magiging masaya 'pag tumagal. Pakiramdam ko kasi, ang tagal ko ng hindi pinahalagahan 'yung sarili kong desisyon at saka kasiyahan."

"Naiintindihan ko si Chris sa point na 'to, pero ano 'yung 'Kasiyahan'  na sinasabi niya?" nasa isip ni Jin.

"Lagi ko kasi sinusunod ang mga gusto ni Papa, dahil gano'n 'yung pagpapalaki niya sa akin. Noong nalaman niya na hindi ako nag-apply sa company namin, nagalit siya ng sobra. Sabi niya, titingnan niya daw kung hanggang saan ako tatagal sa company na inapplyan natin. Dahil kung hindi, siya ang mismong magpapabagsak doon."

Napalunok si Jin bigla sa sinabi ni Chris. Hindi pa niya nakikilala ang papa ni Chris, pero  sa kwento pa lang nito ay  natatakot na siya. Isa pa, madadamay silang lahat at  mawawalan ng trabaho. "Gano'n ba kayaman 'yung pamilya nila?" nasa isip ni Jin. "Bakit nga hindi ka sa inyo nag apply, Chris?" 

Tumingin ulit si Chris kay Jin, pero hindi muna siya sumagot.

Nakatingin lang sila sa isa't isa habang naghihintay si Jin ng sagot ni Chris. Pero habang hinihintay niya ang sagot, sinamantala niya  ang oras upang titigan ang napakagandang mukha ni Chris. 

Ang daming gustong sabihin ni Chris ngunit hindi niya alam kung paano ito aaminin kay Jin. Gusto niyang sabihin na si Jin ang taong muling nagparamdam sa kanya na pwede pa pala siya maging masaya muli. Ang buong akala niya habang buhay na magiging role niya ay ang sundan ang yapak ni Mr. A. Wala siyang  ginawa kundi mag-aral at gawin lahat ng gusto nito. Pero simula nang makilala niya si Jin, biglang nagkaroon siya ng bagong masasayang araw na dati ay parang ayaw niya nang gumising. Pero ngayon, gusto na niyang gumising araw-araw iniisip na marami pa siyang gustong gawin kasama si Jin. "Gusto ko na sundan kita kahit saan. Kapag lagi kitang kasama, lagi lang akong masaya na hindi ko naramdaman kahit kanino. Ikaw lang nakaka-appreciate sa akin." nasa isip ni Chris.

Ginagawa niya naman lahat para kay Mr. A, pero sa tingin niya lahat ng efforts na binubuhos niya ay hindi nito napapansin. Pero si Jin, kahit ang pinakamaliit na bagay ay nakikita nito sa kanya samantalang si Mr. A ay hindi alam ang mga hilig niya.

Para kay Chris, si Jin ang muling nagpabago sa buhay niya, kaya naman gusto niya lagi na makita itong masaya. Gusto niya na lagi lang siyang nasa tabi ni Jin  at susuportahan kahit alam niya na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya.

Ito lahat ang nasa isip ni Chris kung bakit hindi niya tinanggap ang family business nila, ngunit hindi pa niya ito masasabi kay Jin sa ngayon. Ayaw niya na isipin ni Jin na ito ang dahilan kung bakit hindi niya  sinusunod ang gusto ni Mr. A. para sa kanya.

Ngumiti lang si Chris kay Jin at sinagot na ang tanong nito.

"Hmmm, sabihin na lang natin na mas masaya ako kung nasaan man ako." 'Yan ang sinabi niyang dahilan lingid sa kung ano talaga ang nais niyang sabihin. "Hindi ko  pa kayang aminin lahat, dahil ayaw ko na malaman ni Jin ang dahilan kung bakit hindi ako sa company ng family namin nag trabaho. Alam ko kapag nalaman niya ang reason, pipigilan niya ako at sabihin na sundin ko si papa." nasa isip ni Chris.

"Pero, Isipin mo rin kung ano 'yung mas makakabuti sa'yo. Baka nga masaya ka kung nasaan ka ngayon. Pero paano pagdating ng araw? Paano kung hindi ka maging successful gaya ng papa mo? Baka magsisi ka balang araw." paliwanag ni Jin.

"So, sinasabi mo ba na mali ang pinili kong desisyon na ikaw ang sundan ko? Nilalayo mo ba ko sa'yo?" nasa isip ni Chris. Naiintindihan niya  ang point ni Jin, pero gusto niyang sundin ang kanyang puso kaysa sa sinasabi ng kanyamg utak. "Naisip ko na rin 'yan, pero aanhin ko naman yung pagiging successful ko kung hindi naman ako masaya gaya ni Papa na nawalan na ng oras para sa sarili?" sagot ni Chris.

Medyo nakakaramdam na siya ng lungkot at pagkadismaya sa puntong ito. Kaya ayaw niya sabihin ang totoo dahil alam niya na ito ang sasabihin ni Jin sa kanya, kaya nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag. "Ayaw ko maging kagaya niya na puro na lang trabaho ang nasa utak. Nakalimutan niya na may buhay sa labas ng trabaho. Hindi niya nga ata alam na anak niya ko at baka akala niya empleyado niya din ako, kaya gusto niya lagi siyang nasusunod"

Sobrang disappointed na si Chris sa pag-uusap nila ni Jin. Alam niya na tama ang mga tinuran nito, pero nalulungkot siya dahil for once pinili niya ang taong alam niya na magiging masaya siya.

"Pero siempre, gusto lang naman ng papa mo kung anong mas makakabuti sayo. Kung ako nga siguro 'yun, kukunin ko na 'yung oppurtunity eh. Siguro andami ko ng pera no'n!" natatawang sagot ni Jin.

Hindi kayang tumawa ni Chris at hindi niya rin magawang ipeke ang mga ngiti niya. Hindi niya alam kung kanino siya madidisappoint. Iniisip niya kung sa sarili niya ba dahil hindi niya inaamin ang totoo, o kay Jin na hindi makaramdam sa posisyon niya. Ngunit, hindi niya masisisi si Jin dahil hindi pa nito alam kung anong klaseng buhay ang mayroon siya.

Tumingin na lang siya kay Jin habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ang kaninang Jin na labis ang pagtawa, ay unti-unti nahiya at napakamot na lamang ng ulo.

"Sorry Jin, alam ko na ako din ang may kasalanan. Ako itong hindi nagsasabi ng totoo. Ako itong nagtatago ng nararamdaman. Ayoko nang ituloy 'tong usapan. Labis lang akong nasasaktan." nasa isip ni Chris. Tumingin na lamang siya kay Jon na naglalakad kasunod lang nila at nagpaalam, "Thank you po Sir Jon, sa pagyaya sa akin sa dinner na 'to. Mauuna na po ako." 

Nag message na siya sa driver niya na sunduin na lang siya. May kalapitan lang ang bahay ni Chris sa lugar na pinagkainan nila, pero ayaw niya na mag-alala sina Jon at Jin sa kanya kaya mas minabuti niyang magpasundo na lang. Gusto pa sana niya silang dalawa kasabay, pero hindi na niya kaya na ituloy ang pag-uusap nila at hindi pa siya handa. Agad namang dumating driver kaya naman nagpaalam na siya sa dalawa at tumungo na sa kotse.

"Sorry Jin, ako ang may mali. Hindi ko pa kayang aminin ang lahat. Mas gugustuhin ko na maging masaya kasama ka kapalit ng kapangyarihan at kayamanan." nasa isip ni Chris.

Nang makaalis na ang kotse na sinasakyan ni Chris, napakamot na lang ng ulo si Jin at nagtanong. 

"Nagalit ba sa akin si Chris sa sinabi ko? Bakit hindi na siya nagpasama sa atin?" tanong ni Jin habang nakatingin sa malayo.

"Ano sa tingin mo?" 

"Eh totoo naman 'di ba? Kung ako 'yun, kukunin ko talaga yung company ng family. Sayang din 'yun saka pera rin 'yun oh? Lahat ng gusto ko mabibili ko!" natatawang sagot ni Jin.

"Alam mo—" Napailing na lang si Jon at nanliliit ang mga mata sa inis. Hindi na tinuloy ang kanyang nais sabihin. Nauna na siyang maglakad at  iniwan si Jin dahil sa pagkainis. Dahil sa bilis nang lakad niya, hinabol siya ni Jin para kausapin.

"Sandali lang! May mali ba sa sinabi ko kanina kaya nauna na si Chris? Totoo naman 'yun ah? Gusto lang naman ng papa niya maging successful din siya balang araw! Anong problema doon?" tanong ni Jin.

"Kung ano 'yung problema? Ikaw!"

Patuloy na naglalakad si Jon ng mabilis at hinahabol pa rin siya ni Jin.

"Hindi ko magets. Hindi ko makita saang part ng sinabi ko yung mali?" nagtatakang tanong ni Jin.

"Ganito ba ko na sobrang manhid talaga dati? Hindi ko akalain na wala pala akong modo dati! Tingin ko hindi naiintindihan ng batang Jin ang pinapahiwatig ni Chris sa kanya." nasa isip ni Jon. Naiinis siya sa batang Jin dahil kung ano-ano sinabi nito, ngunit sa isang banda ay naiintindihan niya si Jin dahil hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman nito para kay Chris. "Pero grabe naman, kaunting empathy naman batang Jin! Bahala siya alamin kung ano yung mali niya!"

Ayaw sabihin ni Jon na ang sinasabing kasiyahan ni Chris ay ang batang Jin, dahil kapag sinabi niya ito,  pipilitin ng batang Jin si Chris na sundin si Mr. A. Nasa isip niya na imbis mapalapit sila sa isa't isa, baka magkalayo pa mga feelings nila. "Hindi pwede! Kung magbago ang mga pangyayari at hindi mabuo ang feelings ng batang Jin para kay Chris, maaaring hindi rin mabuo ang time machine—katapusan ko na!" nasa isip ni Jon.

Nang makarating na silang dalawa sa tapat ng pinto ng bahay nila, habang binubuksan ng batang Jin ang lock, sinubukan ulit niyang magtanong kay Jon.

"Ano ba talaga 'yung nasabi kong mali ha? Inisip ko kung ano 'yun, pero wala talaga akong makitang mali." tanong ni Jin pagkatapos niya mabuksan ang padlock ng pinto.

Click!

"Bahala ka mag isip!" sagot ni Jon.  Pagbukas ng pinto, dumiretso na siya sa loob ng bahay at humiga na sa sofa at pumikit na, "Basta ako, matutulog na ko. Problema mo na 'yan!"

Lumapit ang batang Jin sa sofa kung saan siya  nakahiga at nagmamakaawa.

"Huy! Hindi mo ba ako tutulungan? 'Di ka ba naaawa sa batang sarili mo? Sagutin mo naman 'yung tanong ko kung ano ba 'yung nagawa ko." nagaalalang tanong ni Jin habang inaalog niya ang nakahigang si Jon sa sofa. 

"Kaya mo na 'yan! Malaki ka na. Itulog mo na lang 'yan, tapos isipin mo kung saan siya nainis sa mga sinabi mo sa kanya."

Pagkatapos magsalita ni Jon, tinalikuran niya ang batang Jin at umiba ng pwesto ng higa. Sumuko na rin ang batang Jin sa pagtatanong at pumasok na lang siya ng kwarto. 

"Alam ko, mahabang pag iisip ang gagawin niya buong gabi. Good luck, batang Jin!" bulong ni Jon.

Pagkapasok ni Jin ng kwarto, binaba  na niya ang kanyang bag sa ibabaw ng green na cabinet sa tabi lang ng kama. Pagkatapos, naghubad na rin siya ng t-shirt at itinabi ito sa tabi ng kanyang unan. Humiga na rin siya sa kama at nakatingin lamang sa ceiling at iniisip ang mga nangyari kanina.

"Hanggang ngayon, naguguluhan ako kay Chris. May mali nga ba kong nasabi kanina? Parang puro words of encouragement nga sinabi ko sa kanya. At saka totoo naman, kung maging successful ka, lahat ng gusto mo, makukuha mo. Kung ako sa kanya, susundin ko na lang ang papa niya, kasi alam ko na magiging maganda buhay niya. Pero ano 'yung sinasabi niyang kasiyahan? Na masaya siya kung nasaan man siya ngayon? Hindi ba mas magiging masaya siya kasi magiging boss na siya kung itutuloy niya 'yung company nila? Easy money! Pero nagtataka pa rin talaga ako kung ano kaya 'yung kinaiinisan niya kaya siya nauna umuwi?"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 

Date: April 3, 2020

Time: 2:00 A.M.

Alas-2 na ng madaling araw ngunit ang batang Jin ay hindi pa rin makatulog. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung ano ang nasabi niyang mali o kung may nagawa siyang hindi maganda na kinainisan ni Chris.

Refresh lang siya ng refresh ng news feed sa Facebook sa phone at tinitingnan kung may bagong post ba si Chris na status nito. Tiningnan niya rin sa profile nito kung may updates, pero walang post si Chris.

"Hindi kaya na block na ako? Hindi naman siguro."

Sinubukan niya rin tingnan ang Messenger ni Chris, at sakto dahil online pa ito, naisip niya na mag message kaso may isang problema si Jin—hindi niya alam kung anong sasabihin niya.

Magco-compose siya ng message at pagkatapos ay buburahin niya na naman at paulit-ulit lang. Hindi siya mapalagay dahil baka mamaya ay may masabi siyang hindi maganda.

"Magtatanong ba ako kung anong nagawa kong mali, o dapat ba na magsorry ako sa kung may nasabi ba akong mali?"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Fast forward

Time: 4:30 A.M.

"Whaaaaatt!"

Hindi pa rinmakapag-decide si Jin ng sasabihin kay Chris at 4:30 na ng umaga. Hindi pa rin siya  nakakatulog at hindi pa rin siya nakakapag-send ng message.

"Pero bahala na kung anong sasabihin ko sa kanya!"

Sinumulan na niya ang pag-compose ng message at ang nais niyang sabihin, ngunit biglang nag-offline na si Chris sa Messenger.

"Paano na 'to? Ganoon na ba talaga kalaki galit sa akin ni Chris? Paano na mamaya sa office? Tingin ko magiging awkward mamaya, saka wala pa pala akong tulog! Bangag ako nito mamaya lalo! 3 hours na lang pala ang pahinga ko!"

Dahil nag offline na si Chris, tinamad na mag compose si Jin ng message. Sinubukan niya na lang matulog ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Paiba iba na siya ng pwesto makuha ko lang ang pinaka komportable na position. Nagbilang na rin siya from 1 to 1000 para lang antukin, pero wala pa rin talaga.

"Ano na gagawin ko nito?"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Fast forward

Time: 8:30 A.M.

Pagkatapos ng mahabang seremonyas ay nakuha na din ni Jin ang tamang posisyon at dinalaw na rin siya ng antok, nang biglang nag ring ang alarm niya pagsapit ng 8:30 a.m.

"Whaaaaatt! Ngayon ko lang nakuha 'yung tulog ko! Bakit ganito? Pinaparusahan na ba ko! Pati ba naman 'yung antok ko galit sa akin?" halos mangiyak-ngiyak na sinabi ni Jin sa kanyang sarili.

Wala na siyang magawa at tumayo na lamang sa kama. Wala siyang gana at lakas, at kitang kita na hindi siya nakatulog buong magdamag dahil sa kanyang eye bags. Sinuot niya ang kanyang t-shirt na nasa tabi ng unan niya, at pagkalabas niya ng kwarto ay inasar agad siya ni Jon na nag aayos ng breakfast nilang dalawa.

"Oh, ano nangyari sa'yo? Ba't ang laki ng eyebags mo?" asar ni Jon.

"Thank you ah? Ang laki mong tulong! Zzz!" naiinis na sinabi ni Jin.

Dumiretso na siya sa C.R. at naligo na para makapag bihis na rin at makakain pagkatapos.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nakabihis na si Jin at habang kumakain silang dalawa ng breakfast sa dining table sa kitchen, tila walang siyang gana at napansin naman ito ni Jon.

"Hindi ba masarap ang niluto ko ngayon? Bakit parang wala kang gana?" tanong ni Jon.

"Bakit kaya hindi mo itanong sa sarili mo kung bakit ako walang gana! Dahil sayo! Grrrr! Kung di ka pa dumagdag! Nako! Pasalamat ka masarap 'tong pagkain. Kung hindi talaga—" naiinis na sinabi ni Jin dahil cranky na siya at wala pang matinong tulog.

Kalahati lang ang naubos sa pagkain niya nang tumayo na siya at sinabi niyang busog na siya. Pagkatapos ay nag toothbrush na siya at nagpaalam na aalis na rin. 

Pinagmasdan lang ni Jon ang batang Jin na papaalis ng kanilang bahay at tila antok pa at walang gana. 

"Ayan, isip ka ng isip ngayon kung anong nagawa mo! Naaawa naman din ako sayo, pero pag wala na talagang pag asa, sige, sasabihin ko sayo." natatawang sinabi ni Jon sa kanyang sarili nang makaalis na ang batang Jin.

Nang makarating na si Jin sa office, umupo na siya sa swivel chair sa kanyang pwesto. Habang nagmamasid-masid lang siya sa room, tiningnan niya ang oras sa kanyang relo, at nakitang 9:30 a.m. na, ngunit wala pa rin si Chris sa office. Hinihintay niya na dumating ito para agad kausapin. Wala ng hiya hiya at didiretsuhin niya na ito.

"Pero 9:30 a m. na, wala pa rin siya? Hindi kaya na-late siya ng gising?"

Pagkakatanda ni Jin, 4:30 a.m. si Chris nag-offline at inisip niya na baka na-late ito sa pag gising. Ang alam ni Jin ay hindi ito nag-aabsent kahit dati pa kaya patuloy na lamang siyang nakatingin sa pinto ng Operations room at inaabangan ang pagdating ni Chris. 

Lumapit sa kanya  ang lalaking senior na katabi ni Chris sa desk nito. Mga nasa late 30s, maganda ang pangangatawan, maputi, maayos at disente ang pormahan. Nasa 5'6 ang laki, chill at laid back lang ito kung kumilos. Chinito ang mga mata at may kakapalan din ang kilay at gwapo rin, dahil gusto ng Manager ng Operations team na puro gwapo ang nasa team nito. Nang makatayo na ito sa tabi ni Jin, ay bigla itong nagtanong. 

"Hi, Jin, tama ba? Ako pala si Mike, ako yung senior na katabi ni Chris. Pansin ko lang, parang hindi pa ata kasi siya dumadating and 9:55 a.m. na which means malapit na mag start ang shift natin at may mga ituturo ako sa kanya sana ngayon. May nasabi ba siya sa'yo na aabsent siya?"

"Ummm, sorry po Sir Mike, kaso wala rin po sinabi sa akin si Chris. Hindi ko rin po alam kung aabsent siya or baka na-late lang, pero tatawagan ko po siya para malaman."

"Okay, sige, pa-update na lang ako if makakapasok siya ngayon, para maayos ko ung mga files na ituturo ko sa kanya. Thank you Jin!" sagot ni Mike at bumalik na ito sa kanyang desk.

"Whaaaat!" bulong ni Jin sa kanyang sarili, dahil nawala bigla sa isip niya at nasabing tatawagan niya si Chris. "Hindi ko nga siya ma-message kahapon, tapos ngayon tatawagan ko siya? "Arrrgghh! Pero dahil para 'to sa work, sige tatawagin ko siya. Tatapangan ko ang loob ko!" 

Lumabas muna siya sa Operations room at tumayo malapit lang sa pinto. Kinakabahan siya at sobrang bilis ng tibok ng puso habang hinahanap ang pangalan ni Chris sa contacts ng phone niya.

Unang attempt na tinawagan niya si Chris ay nagri-ring lang ang phone nito at hindi sinagot ang tawag niya. 

"Hindi kaya tulog pa 'to? Tawagan ko nga ulit." 

Sinubukan ulit niya na tawagan si Chris, ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang call.

"Wala pa rin talaga? May galit pa rin kaya si Chris sa akin?"

Sinubukan niya pa ulit at nagbabakasakali.

"The number you dialed cannot be reached, please try again later"

"Whaaaaatt! Pinatayan ba ko ni Chris ng phone o baka nalowbat siya? Paano na 'to? Galit na galit nga ata sa akin. Pinatayan ako ng phone! Hmm, paano na? Mukhang hindi 'to papasok. Sasabihin ko na lang kay Sir Mike na hindi maganda pakiramdam ni Chris at hindi siya makakapasok." 

Pumasok na siya sa Operations room at nilapitan si Mike sa desk nito para ipagpaalam si Chris.

"Sir Mike, sorry po, hindi daw makakapasok si Chris ngayon. Hindi daw po maganda yung pakiramdam niya. Babawi na lang daw po siya bukas."

"Ay gano'n ba? O sige, thank you, Jin! Salamat sa pag update!"

Tinapik ni Mike ang balikat niya at nginitian siya nito at pagkatapos ay humarap na ulit ito sa kanyang desk para ituloy ang ginagawa. Bumalik na rin si Jin sa kanyang desk dahil tinatawag na siya ng katabing senior niya na si Jade. Nasa Late 30s na ito ngunit mukha pa rin nasa late 20s ang itsura at mukhang bata. Mala-Chinese ang beauty, naka bob cut at may bubbly na personality. 

Nang makaupo na si Jin sa swivel chair niya, ay agad siyang kinausap ni Jade na parang may gusto itong tanungin.

"Wala si Chris 'no? Yung cutie mong "Friend" na kasama mo kahapon? Sayang, manlilibre pa naman si Boss Dave ng lunch ngayon. Bakit daw siya absent? Siguro nag LQ kayo no hihi!" hirit ni  Jade.

Nanlaki ang mga mata ni Jin sa sinabi ni Jade, kaya naman napatingin siya sa mga mata nito ng dahan-dahan, at nang mag-tagpo na ang kanilang mga mata, labis ang ngiti ni Jade sa kanya.

"LQ po? Ano pong ibig niyo sabihin Ms. Jade?" nagtatakang tanong ni Jin.

"Shhh! 'Wag ka mag-alala." hininaan ni Jade bigla ang boses niya at bumulong, "Secret lang natin 'to. malakas kasi ako makasense ng alam mo na—" nakangiti lang si Jade at kinikilig kilig, "isang tingin ko pa lang, malalaman ko pag may something, at 95% chance na tama ako. So ung 5% ibig sabihin mali ako. Saka certified Fujoshi ako 'no! Secret lang natin to Jin ah? Ayoko kasi na malaman nila. Sasabihin nila ang weird ko, Ikaw ba tingin mo ba weird ako?"

Hindi alam ni Jin ang sasabihin niya kay Jade, pero marunong naman siya magtago ng secrets. 

"Hi-Hindi po, Ms. Jade. Okay lang po, promise hindi ko sasabihin kahit kanino." Kaso, bigla niyang naalala na nasabi ni Jade na L.Q. sila ni Chris. "Whaaaat? Sinasabi niya ba na may something samin ni Chris? Na mag boyfriend kami ni Chris?" nasa isip ni Jin. "Ahmm. Ms. Jade, mali po kayo ng—"

Hindi na nakapagrason si Jin dahil tinakpan ni Jade ang mga labi niya gamit ang index finger nito.

"Shhhh... Wag ka mag alala, Jin. Hindi ko naman sasabihin sa iba at ako lang naman nakakalam. Support ko kayo ni Chris. Aabangan ko 'yung love story niyo ah? Hihingi ako sa'yo ng updates araw-araw!" natutuwang sinabi ni Jade.

Hindi na  nakapagreact si Jin at dahil napansin ni Jade ito, tinanggal na nito ang index finger niya sa mga labi ni Jin at humarap na sa desk nito at ipinagpatuloy ang  pag-makeup.

"Paano na 'to? Ang akala ni Ms. Jade ay mag boyfriend kami ni Chris! Kapag sinabi ko naman na hindi, which is totoo naman talaga, baka hindi siya maniwala na kaibigan lang talaga kami. Bahala na nga!" nasa isip ni Jin. Hindi na niya alam ang gagawin dahil hindi na nga papasok si Chris, pinaghihinalaan pa siya ni Jade.

Habang nagme-makeup si Jade at nakatingin sa maliit na salamin sa harap niya, nagsalita siyang muli at kinausap si Jin.

"Wala akong papagawa sa'yo ngayon, Jin, don't worry! Kasi, buong araw tayong magchichikahan tungkol sa inyo ni Chris!" kinikilig na sinabi ni Jade at tumingin siya kay Jin habang kalahating part ng labi pa lang niya ang nalalagyan ng lip stick. "My God! Ang tagal ko na sa office pero walang ganap! But now, buti na lang dumating kayo ni Chris. May bago na kong aabangan sa inyong dalawa! Paano ba naman puro mga walang love life mga lalaki dito!"

Hindi masyadong nag sisink-in ang mga sinasabi at kinukwento ni Jade kay Jin dahil nakatingin lang siya sa labi nito na hindi pa kumpleto ang lip stick at natatawa siya.

"Ewan ko ba sa kanila, puro sila work! Ang popogi nga ng mga lalaki, pero hindi man lang sila naiinlove sa isa't isa! Huhuhu!" patuloy na kwento ni Jade.

"Ms. Jade, hindi naman lahat ng lalake eh nafafall sa mga poging lalake agad. Baka naman kasi straight talaga sila at masyado ka ata nag iimagine?" nasa isip ni Jin. "Baka po may mga Girlfriend na po sila kaya gano'n, Ms. Jade?"

"Siguro nga. Hay! Kaya walang ganap sa office. Pero mas gusto ko talaga nakikita 'yung isang guy tapos sinusuyo niya pa 'yung isang guy,  parang mas nakakakilig kaysa sa mga hetero couples!" natatawang sinabi ni Jade at tumingin na muli sa kanyang maliit na salamin at tinuloy niya na ang pag lipstick sa part ng labi niya na hindi niya pa nalalagyan, at muling nagpatuloy sa pagkwento. "Pero now, nandito na kayo ni Chris at kikiligin na ko sa inyong dalawa. Parang tingin ko, nasa isang series na kayong dalawa!"

"Ms. Jade, may tanong po ako."

"Yes, Sexy baby boy?"

"Paano niyo po nasabi na may LQ kami ni Chris?" 

Gustong malaman ni Jin kung anong tumatakbo sa isip ni Jade at bakit nito pinagkakamalaman na mag boyfriend sila ni Chris.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Jade's POV

Sobra akong happy for Jin and Chris! As in, nahahalata ko sa kanilang dalawa na may something na kakaiba! Anyway, it's not a big deal para sa dalawang lalaki ang maging lovers! 

"Like, hello? 2021 na and it's a free country!"

So, tinanong sa akin ni Sexy Baby boy kung paano ko nalaman na may L.Q. Sila ni Cutie Baby boy.

"Ha! It's a woman's intuition!"

Buti na lang super strong and grabe ang functionality ng radar ko pagdating sa mga ganitong bagay. I can just sense it sa mga mata pa lang nilang dalawa at sa kilos ng mga katawan nila. Diniretso ko na kay Jin kung paano ko nasabi na may naramdaman akong something different sa kanila ni Chris

"Ahh 'yun ba? Hmmm, kahapon kasi tinitingnan ko kayong dalawa. Nakaupo ka d'yan sa swivel chair mo and tingin ka ng tingin kay Chris kahapon! Kulang na nga lang sabihin ko tumabi ka na lang kaya sa kanya?"

Isa-isa ko nang itinatago ang mga make-up ko sa neon pink ko na kit, and nagpatuloy sa pagkwento kay Jin.

"Pero siempre pinagmasdan ko muna kayo. Tapos, itong si kuya mong Chris naman, tuwing hindi ka nakatingin, my God, sumisilip siya at parang may tinitingnan sa likod habang nakaupo siya sa swivel chair niya!"

Tinuro ko kay Jin 'yung nasa bandang likod ko kung saan inakala kong sinisilip ni Chris.

"Tiningnan ko kung ANO yung sinisilip niya at the back. Akala ko 'yung orasan sa likod ko! Pero pagtingin ko, wala namang orasan doon! Silly me!"

Tinuro ko bigla si Jin at siempre, gulat na gulat ang kuya mo! Haha!

"Tapos tinancha ko kung SINO 'yung tinitingnan niya!"

Nginitian ko na ang kuya mong Jin at tinuturo ko na ang hard rock chest niya ng aking index finger na may pink na nail polish with french tip.

"Ay! Alam ko na! I knew it! Ikaw ang tinitingnan niya! Well, hindi ko naman masisisi si Chris, super lakas naman talaga ng dating mo, Jin. And marami na agad ang may crush sayo dito sa office natin kahit bago pa lang kayo. Pero no worries, ako ang bodyguard niyo ni Chris! Walang sino man ang pwedeng sumira sa inyong dalawa! You are both under my protection! Habang nasa tabi kayo ng Jade's aura, walang makakagalaw sa inyo!"

Sisiguraduhin ko na walang makakasira sa mga babies ko! I'll make sure na ako ang makakaharap nilang lahat kung may sumingit man na babae or lalaki na magpapapansin sa kanila!

"Pero siempre hindi pa nagtatapos doon ang kwento, Jin. Kanina lang, dito ko na-confirm na LQ nga!"

Hininaan ko na ang boses ko dahil nararamdaman ko na palakas na to ng palakas at mas nagiging high pitched na rin. 

" Okay! Tuloy sa kwento! Tinawagan mo si Chris kanina 'di ba? Nandoon ako sa likod ng pinto ng room natin. Narinig ko lahat pero hindi ko sinasadya na mag eavesdrop ha? So ayon na nga, nag ring then hindi sumasagot. Tapos, tumawag ka ulit then hindi sinagot. Tapos, binabaan ka ng phone? Hala! Kawawa naman ang baby Jin, hindi sinasagot ng Chris, kaya ayon!"

"Hindi ko po alam kung bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko? Hindi ko din alam kung may nagawa ba ko?" biglang tanong sa akin ni Jin and I can see na sobra siyang nagwo-worry.

Okay, Jade! It's time to make your move! Kailangan mong mapag-bati ang dalawa! Gagawin ko ang lahat at gagamitin ko ang lahat ng natutunan ko sa mga BLs na napanood at nabasa ko. It's time to apply what I've learned throughout the years. Hahaha!

"Sure ka ba d'yan, Jin? Isipin mo mabuti, baka may nasabi ka na hindi nagustuhan ni Chris? Sige ganito na lang, kailan mo ba siya huling nakausap?" tanong ko kay Jin.

"Kagabi po, noong nag inuman kami. Tapos habang pauwi na kami at nagkukwentuhan, bigla na lang siya umuwi mag-isa."

"Okay, ano 'yung pinag-uusapan niyo noon before siya parang nagalit?"

"Tungkol sa pagiging successful pati sa  pagtatrabaho."

"Okay, so kung tungkol sa work ang pinag-uusapan niyo, may certain topic ba kayo na pinag-uusapan noong mga time na yun?"

"'Yung tungkol sa company ng family niya. Mayaman kasi family nila Chris. Pero mas pinili niya na mag work kung saan daw siya masaya."

Bigla na lang ako kinilig sa sinabi ni Jin. So, doon pa lang gets ko na ang gusto ni Chris. Hindi ko napigilan na paluin ang desk ko dahil kinikilig ako sa move na ginagawa ni Chris. Para bang he's defying all odds!

Jin > Family, wealth and power!

This is the logic na nakikita ko kay Chris. O.M.G, I can't! Gusto ko makausap si Chris! Okay Jade, kalma ka lang, tinitingnan ka na ng mga officemates natin. So, I composed myself, breathe in and breathe out. Napansin ko na nagulat si Jin sa reaction ko, pero it's okay. Masasanay din siya sa akin. This is it, I need to dig deeper!

"So, alam mo ba yung sinasabi niya na kung saan siya masaya?" tanong ko kay Jin.

"Hindi po. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ba mas magiging masaya ka kung kukunin mo 'yung advantage na nand'yan na 'yung work para sa'yo, ikaw na lang hinihintay?"

Nagpintig 'yung ears ko w/ orbital piercing sa narinig ko kay Jin! Clearly, hindi niya masyadong naisip 'yung side ni Chris. Gets ko siya, pero please read between the lines naman, Jin! Naintindihan ko na kung bakit nagtampo si Chris kahit hindi ko nakita ang buong pangyayari. With this alone, I conclude, Jin is super manhid plus isa rin siyang "Denial King"! Napailing na lang ako sa sinabing reason ni Jin.

"Pati rin po ba kayo Ms. Jade naiinis sa mindset ko?" nahihiyang sinabi niya sa akin.

"Alam mo, Jin, nagegets naman kita. Okay, point taken na gusto mo maging successful. Pero na-gets mo din ba si Chris sa point na mas pinili niya maging masaya kaysa maging successful?" Sana sa part na 'to, medyo ma-enlighten si Jin. Please? "Hindi mo ba na isip na baka hindi 'yung company ng family niya ang magpapasaya sa kanya? Maybe, may ibang bagay na nagpapasaya sa kanya OR maybe may "Tao" na nagpapasaya sa kanya?"

Nako Jin! Binigyan na kita ng clue, kapag ito hindi mo pa nagets ahh? Kaya ka hindi sinasagot ni Chris sa phone eh! Kaya LQ kayo ngayon! Tinitingnan ko ang reaction ni Jin, pero feel ko napapaisip na siya at medyo nakukuha na niya 'yung gist.

"Ganito na lang, Jin. Sabi mo mayaman ang family nila Chris, 'di ba and may sarili silang company?"

"Opo."

"Okay! May nasabi ba si Chris na dahilan kung bakit ayaw niya kunin o tanggapin 'yung company ng family niya?"

"Sabi niya po kasi, napapagod na daw siya sa expectations at pressure ng papa niya. Pakiramdam niya daw, hindi anak ang turing sa kanya at parang empleyado lang."

"Okay, so sabihin na nating malungkot si Chris dahil sa family problems at personal issues. Pero kailan mo nakikitang masaya si Chris? Kailan mo siya huling nakitang nakangiti?"

"Hmm, sa pagkakatanda ko, nakikita ko siyang masaya kapag kinakausap ko siya ng mga walang katuturang bagay. O kaya pag nginigitian ko siya tapos ngingiti naman siya pabalik sa akin. Kapag magkasama rin kami, mas madalas siyang nakangiti."

Tinitingnan ko si Jin habang sinasabi niya 'yung mga reasons. My God! Napakainosente niya! Wala man lang expression noong sinabi niya 'yung mga times na nakikita niya si Chris. Parang sumasagot lang sa recitation! Pero natutuwa ako kasi at this point, naisip niya 'yung mga ganitong bagay. Naaalala niya kung kailan nagiging masaya si Chris, so hindi naman talaga totally manhid si Jin. Siguro may walls lang siya para sa feelings niya kay Chris?  Maybe? But, we're not sure. Kaya naman tinapik ko ang kaliwang balikat ni Jin at nginitian ko siya.

"So alam mo na ba, Jin? Ang sagot sa tanong?"

"Medyo? Pero 'yun ang mga times na nakikita ko lang na masaya si Chris."

"And, ang conclusion?"

"Na masaya si Chris pag kasama ako?"

Unang beses, alam ko hindi nag sink-in sa kanya 'yung sinabi niya. Pero, that's it! Nakuha mo na ang sagot, Jin! Pinapalo palo ko na ng mahina ang left shoulder ni Jin, kulang na lang pati yung ulo niya paluin ko para magising, but I won't. Hindi ko pwedeng paluin ang mga babies ko

"I'm so proud of you, Jin! Malapit ka ng hindi maging manhid!" 

Sana naman, maisip na niya kung anong problema ni Chris. Please, Jin, I'll give the rest to you.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Masaya si Chris pagkasama ako?"

Naisip ni Jin na nakikita niya si Chris na masaya tuwing magkasama sila. Napansin niya rin na pag magkasama sina Chris at Rjay o kaya naman ni Luna ay normal lang ito kumilos. Pero pagdating sa kanya, halos mahiya na ito ng sobra at minsan naiilang pa nga pero iba ang mga ngiti ni Chris kapag kausap siya.

"Masaya si Chris pag kasama ako. Kapag kasama—ako? Hindi kaya ang tinutukoy niya na kasiyahan na pinipili niya ay ako? Ako ang nagpapasaya sa kanya? Whaaaaatt!!" sinisigaw na ni Jin sa isip niya. "Ibig niyo po ba na sabihin, Ms. Jade, kaya nagtatampo sa akin si Chris kasi hindi ko inisip 'yung feelings niya?

"Yasss!"

"At parang nilalayo ko siya sa akin gano'n po ba?"

Napatayo si Jade at biglang pumalakpak dahil sa sagot ni Jin kaya pinagtinginan tuloy sila ng lahat ng nasa Operations room pero hindi na nila ito  pinansin. Pagkatapos, umupo ulit si Jade at binulungan si Jin.

"So Jin, for the 2nd time, alam mo na ba ang sagot sa tanong?"

"Na ako 'yung kasiyahan na pinili niya. Tapos parang nilalayo ko pa siya sa akin at hindi ko naisip 'yung side niya, kung ano talaga 'yung pakiramdam niya dahil hindi ko alam kung ano talaga 'yung pinagdadaanan niya."

"Good! dapat ganyan!" natutuwang sinabi ni Jade.

Ngayon, mas naiintindihan na ni Jin kung bakit nagtampo si Chris. Hindi pumasok sa  isip niya  na may pinagdadaanan rin ito na mga personal issues sa buhay. Hindi rin niya naisip na isa siya sa mga nagpapasaya ng araw nito. Nainis siya sa kanyang sarili dahil sinabi pa niya ang tungkol sa magagawa ni Chris lahat ng gusto nito pag kinuha niya ang business ng papa niya, pero 'di niya naisip na parang nakakulong ito sa mundo na hindi ito malayang makakagalaw.

"Ang tanga mo talaga, Jin! Tama si Ms. Jade, ang manhid ko nga! Waaah!" nasa isip ni Jin. "Ms. Jade, thank you po. Kagabi ko pa talaga iniisip kung anong mali nasabi ko o nagawa kong mali. Ngayon hindi na ko matatakot mag sorry. Pero, Ms. Jade, hindi po talaga kami ni Chris. Close friend lang po kami." nahihiya niyang sinabi habang nagkakamot ng ulo.

"Shhhh! Okay lang, Jin, I understand. Hindi 'Pa' kayo for now, and hindi pa kayo 'Allegedly'. It's okay baby, no need to rush." kinikilig na sinabi ni Jade at napapasayaw pa ang dalawa niyang balikat.

"Promise po talaga Ms. Jade, mali po kayo ng iniisip."

"Okay sige, for now! Hihintayin ko na lang ikaw mag update ulit sa akin at aabangan ko na lang hanggang ikaw na ang magsabi sa akin na kayo na!"

Alam ni Jin na talo na siya kay Jade at kahit ano pang ikatwiran niya, hindi niya na talaga mababago ang isip nito. Nang matapos na ang pag-uusap nila ni Jade, kinuha na niya ang kanyang phone. 

"Hmmm. Mag so-sorry ako kay Chris, mas maganda i-text ko na lang siya dahil hindi niya sasagutin yung phone." bulong ni Jin habang hawak niya  na ang phone at ready nang i-message si Chris.

Magsisimula na dapat siya mag-compose ng message para kay Chris nang biglang kinuha ni Jade ang phone sa mga kamay niya.

"Ooopsss! Anong ginagawa mo Jin?" tanong ni Jade habang nilalayo nito ang phone kay Jin at tila nagagalit. 

"Mag sosorry po kay Chris."

"Through text?" naiinis na tono ni  Jade.

"Opo. Hindi naman po siya sasagot kung tatawag ako."

Napa-buntong hininga at umiling  si Jade, "Jin! Big no 'to!" biglang napasigaw si Jade at sobrang high pitched ang kanyang pagkakabitaw ng mga salita.

Nagtaka si Jin sa kung anong nais ipahiwatig ni Jade at anong "big no" sa pag message ng sorry kay Chris through text.

"Kung magso-sorry ka, walang effect 'tong text na 'to! Walang emotions! Yuck! Ewe! So gross!" naiinis na sinabi ni Jade at napa eye-roll na lamang ito at ibinalik kay Jin ang phone.

"Ano po dapat kong gawin?"

"Mamaya, 30 minutes before ng end of shift natin, ako na ang mag papauwi sayo agad. Puntahan mo si Chris sa kanila, tapos mag sorry ka, sa harap niya. Okay ba?"

Nagulat si Jin sa sinabi ni Jade na puntahan niya si Chris sa bahay nito. Iniisip niya kung kaya niya ba. 

"Pero, Ms. Jade—"

"Walang pero pero! Puntahan mo si Chris mamaya. Wala akong pake kung malayo man 'yun dito. Hindi ko alam kung saan bahay niya, pero puntahan mo siya at mag sorry ka ng personal."

"Pupuntahan ko ba talaga si Chris sa kanila?" Napalunok na lang si Jin dahil iniisip niya pa lang na pumunta sa bahay nila Chris, baka hindi na siya makalabas ng buhay at makita pa siya ni Mr. A. Ngunit naisip niya rin na tama si Jade na mas okay mag sorry ng personal. Isa pa, makakamusta niya si Chris kung okay nga ba talaga ito. "Sige po Ms. Jade, pupuntahan ko po si Chris mamaya."

"All right! Jade saves the day!" sigaw ni Jade sa kanyang isip at tuwang tuwa siya, "I'm super happy dahil sa mga napapanood ko na mga BL stories, na-apply ko 'to sa tunay na buhay."

Gusto niya makita na mag flourish at kung paano mag grow ang feelings nina Jin at Chris sa isa't isa. Ang hiling niya ay sana may kasama siya sa kilig at tuwa dahil nahihirapan siyang kiligin mag-isa.

"Okay, good. Matutuwa ako sa'yo 'pag ganyan ka. If may hindi ka ma-gets o kung may mga gumugulo sa utak mo, sa akin mo itanong, okay?" hirit ni Jade. "Feeling ko, isa na talaga akong BL Guru!" natutuwang sinabi ni Jade sa kanyang isip.

"Okay po Ms. Jade. Thank you po. Pero hindi po talaga kami ni Chris ah?"

"Hay nako, Jin. Bahala ka sa buhay mo! One day, ikaw din ang magsasabi sa akin na kayo na ni Chris!"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Inaayos ni Jade ang mga files sa desktop niya at nagso-sort ng mga task for para bukas, nang bigla siyang napatingin sa time na nakadisplay sa desktop.

"Oh no! 5:30 P.M. na, kailangan ko na paalisin si Jin sa office para maaga siya makapunta kila Chris." Pinatigil niya na si Jin sa ginagawa nitong mga task, "Jin, go na! Umalis ka na habang maaga pa. Ako na mag sasabi kay Boss Dave at mag iisip ng dahilan kung bakit kita maaga pinauwi."

"Sige po Ms.Jade, thank you po."

"Go na! Para mahaba pa ang gabi niyong dalawa"

"Huh? Anong ibig niyong sabihin?"

"You know, holding hands, hugging, and ooops! Masyado pang maaga para doon!" Biglang nanliit ang mga mata ni Jin sa sinabi ni Jade. "Nothing! I mean para mas matagal kayong magkasama, baka miss ka na ni Chris. Dapat pumasok na siya bukas ah? Assignment mo for me! Pag hindi siya pumasok, lagot ka sa akin!" Pinamadali niya  na si Jin na umalis dahil gusto niya  na magkabati na ang dalawa at excited na siya  bukas, dahil si Chris naman ang hot seat niya.

Pagkatapos nila mag usap ni Jade, lumabas na ng office si Jin at tinawagan niya muna si Jon sa phone para magpaalam.

Jin: Nasaan ka ngayon? Nasa bahay ka ba?

Jon: Wala, may pinuntahan lang ako sa labas. Pero pauwi na rin ako, bakit?

Jin: Pupunta ako kila Chris ngayon, baka gabihin ako.

Jon: Aba! Ano nakain mo? May sakit ka ba? Ano naisip mo bakit ka pupunta sa bahay nila Chris?

Jin: Mahabang paliwanagan! Isa pa, assignment ko to kay Ms. Jade! Dapat daw bukas makapasok na si Chris.

Jon: Sino nag sabi? Si Ms. Jade?

Jin: Oo si Ms. Jade.

Biglang humalakhak si Jon nang marinig niya ang pangalan ni Jade.

Jin: Oh bakit ka tumatawa? Anong mayroon kay Ms. Jade?

Biglang naalala ni Jon si Jade sa kanyang panahon na siyang number one supporter at fan nilang dalawa ni Chris at siya rin ang laging nag-aayos sa kanilang dalawa. Natutuwa si Jon  dahil sa panahon ng batang Jin, ang persuasive skills ni Jade lang din pala ang makakapag paunawa at makakatulong dito.

Jon: Wala naman!  Naalala ko lang si Ms. Jade. Hahaha! Sige na, siguraduhin mong mapapasok si Chris bukas. Kung hindi, malalagot ka kay Ms. Jade! Nakakatakot magalit 'yun kaya, good luck! Lock ko na lang pintuan! D'yan ka na kila Chris matulog! Hahaha! 'Wag ka uuwi dito mamayang gabi! Umuwi ka na lang ng maaga bukas! Hindi kita pagbubuksan ng pinto!

Binaba na  agad ni Jon ang phone para hindi na maka-angal ang batang Jin dahil alam niya maaasar na naman ito. "Pero tama kaya 'tong ginagawa ko?" sinabi ni Jon sa kanyang sarili.

Bigla niya naisip na baka nababago niya ang mga pangyayari dahil ibang iba na 'to sa mga naganap sa oras niya. Pero para sa kanya, as long as hindi magkaroon ng malaking problema habang hinihintay niya ang araw na 'yun, ay ayos lang sa kanya. Ang gusto niyang mangyari ay mas maging close at maramdaman ng batang Jin ang feelings niya para kay Chris at hindi sila mapapahamak. Ang tanging mission niya muna ay mag-imbestiga.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Jin's POV

Kalalabas ko lang ng office building at nagsimula na rin ako maglakad dahil baka lalo pa akong gabihin, although medyo may kalapitan lang naman ang bahay nila Chris sa lugar na 'to. Habang naglalakad ako, iniisip ko na agad kung anong sasabihin ko kay Chris. Kung paano ko siya kakausapin, o sa paanong paraan ako magsisimula. 

"Pero mamaya, baka naman pag nasa harap na ako ng bahay nila, hindi ako siputin ni Chris! O kaya baka sakmalin ako ng mga alagang niyang aso! Kita ko pa naman na may dalawa siyang aso tapos ang lalaki pa, si Atarah, isang Golden Retriever at si Primo, isang St. Bernard! Cute nga sila, pero nakakatakot pa rin! Isa pa, baka mamaya ang bumungad sa akin ay 'yung papa ni Chris! Siguro mas natatakot pa ako sa papa niya, kaysa sa mga aso niya!"

Hindi pa ako nakakarating sa bahay nila Chris, ang dami na agad pumapasok sa isip ko. Habang naglalakad ako, may naadanan akong stall ng Candy Corner. Naalala ko bigla na mahilig si Chris sa Sour Apple Tapes, kaya naman naisip ko bumili nito bilang peace offering. Feeling ko magugustuhan 'to ni Chris. Hindi ko alam kung anong masarap dito, pero bakit kaya gustong gusto niya 'to eh napakaasim naman? Pero magandang peace offering na siguro 'to.

Napakahilig ni Chris sa maasim na pagkain. Ang pinaka paborito niya, manggang hilaw na kasing puti ng pipino yung kulay. 'Yung tipong sobrang lutong nito tas pag narinig mong kinakain niya 'to tapos isasawsaw niya sa boneless bagoong, parang ikaw pa 'yung mangangasim sa kanya!

Pagkatapos ko bumili ng Sour Apple Tapes, naglakad na ako muli papunta kina Chris habang nagmamasid sa daan. At sa 'di inaasahan, may nakita na naman akong gusto kong bilhin. Lumapit ako sa isang stall ng mga bracelet kung saan pwede mo ipa-customize 'yung itsura, design, at pangalan.

"Hmmm, ang tagal ko ng gustong bumili ng ganito pero wala akong time, makabili nga! Bibilhan ko na rin si Chris para pangdagdag peace offering. Bilhan ko na rin kaya si Jin Tanda? Pero baka meron na siya nito? 'Wag na lang kaya? Pero sige na nga, para may souvenir siya galing sa akin."

Nagpagawa ako ng 3 bracelet at pina-customize ko ito ng pangalan ko, pangalan ni Chris at pangalan ni Tanda na may nakalagay na 'Jin T' short for Jin Tanda!

Nang makuha ko ang mga nagawang bracelet at binayaran ang mga ito, ay umalis na rin ako. Hindi na ako titingin sa paligid! Ayoko na rin tumingin sa iba pang mga stalls, dahil baka mapabili na naman ako ng kung ano-ano! 

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

6:30 p.m. nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Chris pagkatapos ng maraming pagpigil sa mga temptations sa mga stalls na nakikita ko sa daan! Nagtago muna ako sa isang malaking puno ng mangga sa tapat ng bahay nila Chris sa kabilang street side, para kumuha ng lakas ng loob.

Habang nakatago ako sa likod ng puno, iniisip ko na 'yung mga plano kung paano ipapaalam kay Chris na nasa tapat na ako ng bahay niya. Nag-iisip ako ng mga sasabihin ko kay Chris, nang nakita ko na biglang bumukas ang gate nila. Nagtago ako ng mabuti sa likod ng puno at sinilip kung sino ang lalabas.

"Sandali?" Bulong ko sa aking sarili dahil nagulat ako sa taong lumabas ng bahay nila Chris. "Si Rjay?"

Nakita ko si Rjay na lumabas sa bahay nila Chris, pero iniisip ko kung  bakit siya nandito. "Ano kaya ang pinunta niya dito? Baka kinamusta niya si Chris? Inalam niya siguro 'yung lagay ni Chris kaya siya andito. Buti pa siya, malayang nakakapasok sa bahay nila. Pero bakit parang balot na balot naman ata 'yung suot ni Rjay? Naka itim siya na leather jacket at pants, tapos nakashades pa? May tinataguan ba siya? At ang nakapagtataka, bakit nakalugay ang buhok ni Rjay samantalang gusto niya lagi siyang naka man bun? Hmm, Pero hindi niya ako pwede makita dito. Hihintayin ko na lang muna siya makaalis."

Habang pinagmamasdan ko si Rjay na papalayo sa bahay ni Chris, para siyang nagmamadali at aligaga at tila may tinataguan na tao. "Sino kaya? Siguro 'yung kapitbahay nila Chris na may galit kay Rjay, si Sol! Haha!"

Nang tuluyan na mawala si Rjay sa paningin ko, back to business na ulit ako. Iniisip ko kung paano ko sasabihin at paano 'yung approach ko kay Chris na nasa tapat ako ng bahay nila.

"Hi Chris, kamusta ka na? Ako nga pala ang kaibigan mo si Jin. Hehe!"

"Ekis! Ano to? Nagpapakilala ako?"

"Yo! Chris! Ano, bati na ba tayo? Haha! Kasi ako bati na kita!"

"Ang panget, walang dating."

"Chris, may mahalaga akong sasabihin sa'yo. Makinig ka, alam mo ba na gusto ko mag sorry sa'yo?"

"Not bad? Pwede na siguro 'to!"

Tiningnan ko ang phone ko at binuksan ang Messenger upang alamin kung online ba si Chris para i-message ko siya na nandito ako sa tapat ng bahay nila, kaso naka-offline siya. Balak ko sana mag text, pero baka hindi niya agad makita ang message at maghintay ako ng matagal sa labas ng bahay nila. Wala na akong choice. Tinawagan ko na lang ulit si Chris, baka sakaling this time, sasagutin niya na ako. "I mean 'yung tawag ko!" huminga ako ng napakalalim, "Okay Jin! Kaya mo 'to!"

Sinimulan ko nang tawagan ang number ni Chris at sana sumagot siya. 

Nagsimula na mag-ring ang phone niya. Habang nakatingin ako sa gate nila at hinihintay na sagutin niya ang call ko, parang may naririnig akong isa pang phone na nagri-ring sa likod ko. Gusto ko sana patahimikin 'yung phone na nagri-ring sa likod ko kaya nilingon ko ang taong may ari ng phone para pagsabihan ito. Pagkalingon ko sa taong nakatayo sa likod ko, hindi ko inaasahan ang nakita ko! Ang tanging nasambit ko na lamang sa taong ito—

"Hi... Chris? Kamusta? Hehe!"

End of Chapter 8