webnovel

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.

Gonz0 · LGBT+
Classificações insuficientes
36 Chs

Chapter 6 - Tequila Part 2

Date: March 30, 2020

Time: 6:00 P.M.

Kadarating lang nina Jon at Chris galing sa drugstore at basang basa na parang naligo dahil sa ulan.

"Sir Jon, sorry po, basang basa ka dahil sa akin. Baka magkasakit ka." nag aalala na sinabi ni Chris. 

"Ah ito ba? 'Wag ka mag alala, sinanay ko na sarili ko sa mga ganito. Nagwo-work out ako sa ulan, kaya normal na lang sa akin 'to." confident na sinabi ni Jon, ngunit nasa isip niya ay nasanay na lang siya na laging pinapayungan ng t-shirt si Chris sa ulo sa tuwing aabutan sila ng ulan, dahil pareho silang tamad magdala ng payong.

Pumasok muna si Jon sa kwarto upang kumuha ng extra t-shirt para ipahiram kay Chris. Pagkatapos ay iniabot niya kay Chris ang isang kulay light green na t-shirt at shorts at pinauna na sa C.R. para makapagpalit na muna.

Nang makapasok na si Chris sa C.R., nag prepare na si Jon ng food at gamot para sa batang Jin, at nilagay ito sa isang mini table. 

Habang nasa C.R. si Chris ay tinitingnan niya ang kanyang sarili sa salamin na suot ang damit ni Jin at hindi niya  mapigilang ngumiti. Scent ni Jin ang naaamoy niya  sa damit nito  at pakiramdam niya ay niyayakap siya ng katawan nito. Hindi niya  na rin napigilang matawa dahil sa mga type na damit na gusto ni Jin lalong lalo na sa kulay. "Hindi halata kay Jin na sobrang paborito niya talaga ang color green. Oo, mukhang hindi niya talaga gusto ang green."

Pagkalabas niya ng C.R. ay nakangiti lamang siya  habang hinahaplos ang tela ng damit na suot niya.  

"Chris, paki dala naman nitong food at gamot kay Jin para makainom na siya. Magaayos muna ako at magpapalit." pakiusap ni Jon kay Chris.  

"Galit si Jin sa green!" natatawang sinabi ni Chris sa kanyang isip habang kinukuha niya  ang green na mini table na may lamang food at gamot sa tabi ni Jon. "Ako na bahala dito, Sir Jon. Magbihis ka muna."

Nang makuha na ni Chris ang mini table, pumasok na siya sa kwarto ni Jin at pagkabukas niya ng ilaw ay naramdaman niya  ang napakainit na singaw. Gusto niya  sana hubarin ang t-shirt niya dahil sa init, pero nang makita niya si Jin na nakahiga sa kama at balot na balot ng kumot, nawala sa isip niya ang init dahil labis siyang  nagalala sa kalagayan nito. Ito ang pangalawang beses na nakita niya si Jin na nagkasakit. Una ay noong nag inuman sila sa bahay ni Luna noong November 2019, at pagkatapos ay ngayon naman.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa cabinet na nasa tabi ng kama ni Jin at pinatong ang mini table sa ibabaw ng cabinet na kulay green din. Nakatayo lang siya at pinagmamasdan si Jin habang natutulog. Hindi siya mapalagay dahil nakikita niya sa mukha nito na hirap na hirap na ito. 

Hindi kayang tiisin ni Chris  na makitang nahihirapan ang maamo na mukha ni Jin lalo na't nakakunot ang  noo nito dahil sa hindi magandang pakiramdam at nanginginig din dahil malamig ang pakiramdam nito. Hinawakan niya ang kanang pisngi ni Jin at naramdaman niya na sobrang init nito. Nilagay niya ang index finger niya sa nakakunot nitong  noo at dahan dahan niya itong minasahe hanggang sa nakikita niya na medyo narerelax na ito. Hinaplos niya rin ang kanang part ng leeg nito at damang dama niya ang sobrang init ng katawan nito. Pero habang hinahawakan niya ang kanyang leeg ni Jin, nakikita niya na humihina na ang panginginig ng katawan nito. Napansin niya na dahan dahang minulat ni Jin ang mga mata nito at nagising dahil sa haplos ng malambot na kamay niya.

"Sorry Jin, hindi ko sinasadya."

Tila may gustong sabihin si Jin ngunit  nanghihina pa ang katawan nito.

Nagising si Jin dahil may naaaninag siyang anino na nakatayo sa tabi niya at bigla siyang hinawakan.

"Huh? Kaninong kamay 'to? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba 'yung sinasabi nilang "Touch of God"? Pakiramdam ko, kamay ng isang angel ang humahawak sa katawan ko at pinaparelax ito. Pero sandali, bakit may naaamoy akong sopas? May ganito ba sa langit?" nasa isip ni Jin.

Hindi pa masyadong mulat na mulat na ang mga mata ni Jin, kaya hindi pa rin malinaw ang kanyang paningin at ang nakikita niya ay isang tao na nakatayo sa tabi niya habang hinahaplos ang kanyang leeg. Isang tao na napakaputi ng katawan, may malalambot na kamay, at napakaganda ng itsura ng mukha.

Nang makadilat na siya ng maigi, nakita niya ang nag-aalala na mukha ni Chris. "Sa kanya pala ang malambot na kamay na humahaplos sa katawan ko." nasa isip ni Jin. "Chris, nandito ka na pala." nanghihinang sinabi ni Jin ngunit may ngiti sa mga labi nito.

"Oo, nagmadali ako noong sinabi mo na hindi maganda pakiramdam mo. Hinanda ka namin ni Sir Jon ng food, para magkaroon ka ng lakas, tapos inumin mo 'tong gamot"

Pumikit muli si jin at napangiti dahil may naalala siyang pangyayari na katulad din nito dati at kinausap niya si Chris tungkol dito.

"Naalala mo ba dati, noong November 2019 ba 'yun? 'Yung una kitang niyaya makipag-inuman? Nagkasakit ako pagkatapos kita ihatid sa bahay nila Rjay?" sinabi ni Jin at sa loob niya ay hindi niya sinisisi si Chris na nagkasakit siya.

"Oo, sorry, 'wag mo na paalala kasi hiyang hiya ako sayo noon. Saka hindi ko rin gusto 'yung nangyari." nalulungkot na sinabi ni Chris.

Dumilat na muli si Jin  at umupo sa kama para makakain at makainom na ng gamot na hinanda para sa kanya. Nang makaupo na siya, sinadya niyang hindi gumalaw at tinitingnan niya lang si Chris at hinihintay niya na subuan siya nito.

Nagtaka na si Chris dahil nakaupo lamang si Jin at walang ginagawa.

"Aaaaahhhh" Bigla binuka ni Jin ang kanyang bibig.

"Hmmm?" gulat na tanong ni Chris dahil hindi niya alam kung anong gusto nitong mangyari.

"Subuan mo ko, please? Wala pa kong lakas" nagmamakaawa na sinabi ni Jin.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Chris at mas naging rosy cheeks pa siya kumpara sa normal. Tila, nagulat siya sa request ni Jin.

"Chris, alagaan mo ako, please." sambit ni Jin.

"Hala! Nahihiya akong subuan si Jin! Pero at the same time, masaya ako na sa ganitong paraan maaalagaan ko siya." nasa isip ni Chris.

Kinuha na ni Chris ang food na sopas sa mini table, kumuha ng isang spoon ng soup at dahan dahang sinubuan si Jin. Nang makakain na si Jin, natuwa si Chris sa itsura nito. Pakiramdam niya na parang isang baby si Jin na sinusubuan ng magulang. 

Nakangiti lang si Jin at nakatitig kay Chris at hindi inaalis ang tingin, at dahil dito, nailang at nahiya na naman si Chris at hindi makatingin ng diretso. 

"Mas masarap pala kumain pag may nagsusubo sa'yo." pabirong sinabi ni Jin kahit medyo nanghihina pa siya.

"Kumain ka na lang d'yan! Ang dami mo pang sinasabi!" naiilang na sagot ni Chris.

"Marunong ka na pala magalit sa 'kin ngayon, Chris. Hehe."

Tumingin si Chris bigla sa mga mata ni Jin  at nagpalinawag.

"Hindi ako galit sa'yo, Jin. Never akong magagalit sa'yo." nagaalalang sinabi ni Chris dahil ayaw niya na isipin ni Jin na galit siya dito.

Nang maubos na ni Jin ang food, iniabot na ni Chris ang gamot at pinainom na rin ito ng tubig. Pagkatapos niyang maasikaso si Jin ay humiga na itong muli at pumikit habang nililigpit na niya ang plate at baso sa mini table.

Inaayos at nililinis ni Chris  ang mga kalat nang biglang hinawakan ni Jin ang kaliwang kamay niya. Damang dama niya ang init ng kamay nito at ang napakatender na pagkakahawak sa kanya.

"Chris, pwede, dito ka lang muna. 'Wag ka muna umalis sa tabi ko?"

Alam ni Jin na lalabas na si Chris sa kwarto pagkatapos mag-ligpit, kaya pinigilan niya ito.

 Naisip na Chris na ito na nga ang effect 'pag may sakit si Jin, na hindi nito mapigilan ang sarili. Dahil kapag nasa normal na state si Jin, alam niya hindi nito gagawin ang mga bagay na ginagawa nito ngayon. "Matutuwa ba ako ngayon na ganito siya sa akin, o hindi dahil may sakit siya at nahihirapan?" nasa isip ni Chris.

Napatigil siya sa pag aayos ng kalat at tiningnan niya si Jin na biglang dumilat muli at tinitingnan siya.

"'Wag ka muna umalis. Pwede ba na dito ka muna sa tabi ko hanggang gumaling ako?" pakiusap ni Jin. Tahimik lang si Jin at hinihintay ang sagot.

Tinanggal ni Chris  ng marahan ang kamay ni Jin  na nakahawak sa kaliwang kamay niya at umupo sa sahig sa tabi ng kama.

"Oo, dito lang ako, hindi ako aalis. 'Wag ka magalala." nakangiting sinabi ni Chris, pero sa loob niya ay labis ang kanyang pag aalala.

Pumikit na muli si Jin at pinagmamasdan lang ni Chris ang  napaka-amo mukha nito habang nagpapahinga.

Napapansin niya na tila nahihirapan na naman si Jin, kaya naman, hinawakan niya ang mga kamay nito na nakapatong sa dibdib upang marelax at maramdaman na nasa tabi lang siya nito

"Pwede ba na hawakan mo lang muna ang mga kamay ko? Mas narerelax kasi ako pag alam ko na nandyan ka, saka gusto ko yung lambot ng kamay mo." biglang sinambit ni Jin habang nakapikit siya at nakangiti.

Hindi na nakasagot pa si Chris kay Jin, pero nakangiti na lang siya sa mga oras na 'to. Nararamdaman niya na patulo na ang mga luha sa kanyang  mata dahil sa labis na tuwa. Pero ayaw niyang isipin ni Jin na hindi siya masaya kaya siya umiiyak, kaya pinipigilan niya ito.

Sumandal siya sa kama ni Jin habang hawak ang mga kamay nito  at nakatingin lang siya sa napaka amo at gwapong mukha nito. Ganito lang ang pwesto nilang dalawa hanggang sa sabay na silang nakatulog.

"Okay na kayang pumasok sa kwarto ng batang Jin? Siguro naman wala na silang ginagawa ni Chris na baka ikagulat ko. Wala na akong ingay na naririnig." natatawang sinabi ni Jon sa kanyang sarili habang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng article sa kanyang phone. Tumayo siya sa tapat ng pinto ng kwarto at pinakinggan niya muna kung nag-uusap pa ang dalawa, ngunit dahil wala siyang marinig, "Pwede na siguro ako pumasok, for real."

Dahan-dahan niyang  binuksan ang pinto ng kwarto at nakita niya na nakabukas pa ang ilaw, ngunit nakatulog na ang dalawa.

"Kita mo nga naman oh, mga bata ko talaga magaling, magaling! Tama lang ako na hindi ko sila inistorbo. Mukhang masaya ang bata kong si Jin. Kanina nakakunot ang noo bago ako umalis. Pero ngayon akala mo maamong tupa." bulong ni Jon.

Habang pinagmamasdan niya ang dalawa, naawa siya sa pwesto ni Chris, dahil nakaupo lamang ito sa sahig at nakasandal sa kama.

"Nako, ikaw talaga, Chris! Masyado mo naman pinapahirapan sarili mo para sa batang Jin. Sus!" bulong muli ni Jon. Kahit hindi sa kanya ginagawa ito ni Chris ngayon, masaya siya para sa batang sarili niya at tila kinikilig.

Kinuha niya ang kanyang na nakapatong lamang sa sofa sa living room at pinatong ito sa katawan ni Chris. Pagkatapos ay kinuha na rin niya ang mini table na nakalagay sa ibabaw ng cabinet, pinatay ang ilaw, dahan-dahang sinara ang pinto at lumabas na rin ng kwarto.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: March 31, 2020

Time: 5:00 A.M.

Jin's POV

Bigla akong nagising dahil naiinitan na ako sa loob ng kwarto ko at tila naalimpungatan ngunit naramdaman ko na wala na ang lagnat ko. Gusto ko sana ipabukas kay Jin Tanda ang  aircon dahil tinatamad pa ako bumangon. Tatayo na sana ako nang bigla akong nakaramdam ng malambot na nakahawak sa aking mga kamay. Tiningnan ko dahan dahan kung ano 'yung malambot na nararamdaman ko sa mga kamay ko.

"Whaaaaat! Paano? Bakit at anong nangyari? Bakit hawak ni Chris kamay ko! Nakakahiya! 'Wag mo sabihing si Chris ang nagalaga sa akin buong gabi?" sinisigaw ko na sa isip ko.

Medyo malabo ang mga natatandaan ko sa nangyari kagabi, ngunit laking gulat ko na lang nang makita ko si Chris na nakahawak sa mga kamay ko! 

Dahil na rin sa aking hiya kay Chris, dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay ko para hindi siya magising, kahit na gusto ko pang maramdaman ang lambot ng kamay niya. Pero, naramdaman ata ni Chris na inaalis ko ang mga kamay, kaya hinigpitan niya ang paghawak sa akin at pinisil ito!

"Whaaaat! Napakalambot talaga ng kamay ni Chris! Forgive me, Lord!"

Tinitingnan ko ang napaka cute na mukha ni Chris na nakaharap sa akin habang nakapikit pa siya at tingin ko ay tulog pa siya— o nag ku-kunwaring tulog?

"Hindi kita bibitawan, Jin. Promise ko sa'yo na hindi ako aalis, saka sabi mo hahawakan ko lang ang kamay mo hanggang gumaling ka." hirit ni Chris habang nakapikit siya at medyo antok pa ang kanyang boses.

Nagulat ako sa biglang sinabi ni Chris dahil hindi ko alam na sinabi ko ito sa kanya kagabi! Mukhang nawalan na naman ako ng control sa sarili! 

"Ano ano kaya nagawa ko sa kanya kagabi?"

Hiyang hiya na ako dahil hindi ko na siya pinaalis, pinahirapan ko pa ang lagay niya, at naistorbo ko pa siya! Wala na akong mukha na ihaharap pag gising ni Chris. Bakit ba kasi sa tuwing nagkakasakit ako, ganito nangyayari sa akin. Baliktad talaga ako! 'Pag nakainom ako ng beer, normal lang ako. 'Pag naman nagkasakit ako, doon ako nawawala sa wisyo. Sana mapatawad ako ni Chris sa ginawa ko sa kanya, at sa kung ano man 'yun.

Pangalawang beses ko na siyang naistorbo kapag may sakit ako. Alam ko marami pa siyang mas importanteng bagay na inaasikaso, at hindi kami ganoong nag-uusap, pero bakit siya nagbibigay ng effort tuwing nagkakasakit ako? Nawawala na kaya ang pagka-ilang niya sa akin? Pero sana oo, kasi matagal ko na rin gusto makausap si Chris ng maayos at normal. Hindi 'yung sa inuman ko lang siya nakakausap ng matagal.

"Mukhang hindi papakawalan ni Chris ang mga kamay ko anytime. Sige, hahayaaan ko muna na maramdaman ang lambot ng kamay niya. Matutulog muna ako ulit. Thank you, Chris, sa pagbantay at alaga sa akin." Pumikit na akong muli  at habang nagpapaantok, naalala ko 'yung time na nakilala ko si Chris. 

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Jin's Flashback

5 years na kaming magkakilala ni Chris bilang magkaibigan at nasa iisang circle of friends lang kami. Pero nakakatawa lang dahil hindi kami masyadong malapit sa isa't isa kahit ang tagal na naming magkakilala. Hindi ko rin alam kung bakit sa lahat ng tao, si Chris ang pinakanaiilang pagdating sa 'kin. Pero recently, nagiging mas okay kami ni Chris kumpara noong una ko siyang nakilala, as in hindi kami nag-uusap at dead air palagi pag kaming dalawa ang magkasama.

"Possible pala na magkaroon ka ng kaibigan at tropa na hindi mo close? Haha!"

June 25, 2015, 'yun ang first day ko sa university. Pero ayoko na magkwento ng kung ano pa ang nangyari sa akin noong araw na 'yun dahil ayoko na rin maalala pa!

Anyway, doon ko unang nakilala si Rjay, at sunod naman ay pinakilala niya sa akin si Chris. Akala ko nga magkapatid sila, kasi si Chris suplado kung tingnan, tapos si Rjay naman matapang o maangas tingnan. Tapos, parati pa sila magkasama kung saan man sila pumunta. Pero sinabi sa akin ni Rjay na mag childhood friends pala sila ni Chris, kaya naman malapit sila sa isa't isa. Isa pa, mag business partners ang mga papa nila since bata pa lang sila, kaya naman sabay na rin silang lumaki. "Bantayan ng maigi si Chris" 'Yun ang bilin ng dad ni Rjay sa kanya, dahil dito nakasalalay ang pagiging business partners ng pamilya nila. Siguro gano'n talaga pag kailangan mo ng connection 'no, Lahat gagawin mo.

Noong first day ng class namin sa Uni, katabi ni Rjay si Chris sa room, pero di ko siya narinig magsalita. Nakaupo lang siya at nakikinig lagi sa lessons. Pag wala namang professor, nagbabasa lang siya ng libro, kaya hindi ko siya nakausap at nakilala.

Ayun na nga, bago kami mag practice ng basketball ni Rjay para sa tryout namin as varsity sa ECE Department sa university namin, pinakilala niya muna sa akin si Chris. Kararating lang ni Chris at may hawak siyang libro sa kanang kamay, at kiwi juice naman sa kaliwang kamay niya. Buong akala ko lasing ang taong nasa harapan ko, kasi ang pula ng mga pisngi niya. Pero nagkamali ako, sobrang rosy cheeks niya lang pala. May lalaki pala na may ganitong features, akala ko sa babae lang.

Mukhang suplado siya sa unang tingin at 'pag kinausap mo, pakiramdam mo na hindi ka niya sasagutin. Pero noong ngumiti siya sa akin for the first time, grabe, napaka cute ng lalaking 'to. Hindi siya mukhang maangas kahit mukha siyang suplado, pero kapag ngumiti siya, parang kahit sino ay pwedeng ma-fall sa kanya. Paano ba naman, mapula ang mga labi niya, mahaba ang mga pilik mata, brownish at may pagka western ang mga mata niya. Mas maliit si Chris kumpara sa 'kin. Kung ako nasa 5'9, nasa 5'6 or 5'5 naman siguro siya. Maganda din ang pangangatawan niya, pero hindi kasing toned tulad sa akin, pero tamang tama lang para sa kanya.

Para siyang 'yung nakababatang kapatid or bunsong kapatid na dapat mong proteksyunan o bantayan sa mga masasama o mga mapagsamantalang tao. Medyo may pagkainosente kasi kung kumilos si Chris. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang tao para sa isang lalaki. Pakiramdam ko, kung naging babae to si Chris, niligawan ko na to! Haha!

Napakadisente niya gumalaw na parang walang mali sa katawan at makikita mo na galing talaga siya sa isang mayamang pamilya. Madalas kong makita pag galing sa mayayamang pamilya, medyo ipagmamayabang nila ang kanilang mga sarili, pero iba siya, tahimik at napakamahiyain. Hindi ko alam pero baka 'yun ang pagpapalaki sa kanya ng parents niya o baka sobrang introvert niya lang din talaga?

Siya rin 'yung tipo ng tao na noong una kong nakilala, parang ayaw ko na siya galawin o suyuin pa. Dahil baka mapahamak siya kung maging kaibigan niya ako at mamulat siya sa mga kalokohan ko at magaya siya sa akin.

Tingin ko sa kanya ay parang isang mamahaling sapatos na napolish na at maayos na maayos. Tapos, biglang mapapasama siya sa isang tulad ko na parang lumang sapatos at gamit na gamit na. Haha!

Marami rin umaaligid sa kanya pero hindi niya pinapansin 'yung mga babae na sumusuyo sa kanya. Madalas inaabutan siya ng mga snacks or kung ano ano pa mang letter ng mga babae, pero parang hindi niya naman pinapansin. Hindi ko alam, baka mataas lang standards niya siguro dahil nga sa mayaman ang pamilya nila. Baka pagdating sa kaibigan, mataas din ang standards niya siguro, kaya si Rjay lang ang kasama niya!

Dahil si Rjay ang una kong naging kaibigan sa university at naging close na rin kaming dalawa dahil sa mga interests namin, magkasama kaming tatlo tuwing lunch at laging nakabuntot si Chris kay Rjay. Pero kahit magkasama kaming tatlo at sabay kumakain, kaming dalawa lang ni Rjay ang magkausap, at si Chris naman ay tila may sariling mundo.

Hindi nababahala si Rjay pag hindi nagsasalita si Chris, siguro sanay na siya. Pero ako kasi, naninibago ako. Kating kati ako na kausapin 'yung mga tahimik na tao at gusto ko malaman ang kwento nila. Pero iba kasi si Chris, although may pagka makapal ang mukha ko, parang pagdating sa kanya, napapa-atras ako. Parang hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya susuyuin. Pakiramdam ko kasi susungitan niya lang ako kasi baka hindi siya nakikipag kaibigan sa tulad ko. 'Pag kaming dalawa lang ang natitira sa table lalo na 'pag umalis saglit si Rjay, dead-air ang ganap!

Hindi ko siya kinakausap kasi ayaw ko mapahiya sa kanya. Pakiramdam ko, iba ang topics na gusto niyang pinaguusapan at hindi mga kalokohan. Parang gusto niya mga studies, literature, mathematical equations at baka hindi kayanin ng utak ko at baka mag mukha lang akong tanga pag kinausap ko siya ng mga bagay bagay! Napakatalinong tao kasi ni Chris at napakataas ng I.Q. level nito. Feeling ko nga, si Chris ang pinakamatalino sa buong batch namin, kung hindi, baka kaya niya pang lamangan 'yung mga seniors namin! Para siyang walking encyclopedia kung tutuusin. Naririnig ko pag nagtatanong si Rjay sa kanya, nasasagot niya agad at parang kusang lumalabas sa bibig niya at hindi na iniisip. Sabi rin ni Rjay, accelerated dapat si Chris ng 4 years dahil sa napakatalino niyang tao, ngunit tinanggihan niya daw ito. Napakataba rin ng utak niya at grabe ang skills niya pagdating sa pagoobserve. 

The best si Chris lalo na pag may group project kami. Nagiging groupmate ko siya dahil kay Rjay, kasi matic na pag ka-group mo si Rjay, kasama na si Chris doon. Ang nakakabilib sa kanya, kasi ultimo 'yung pinakamaliit na details na pwedeng magpaganda o makasira sa project namin, nadedetect niya. Pag may project kami tungkol sa mga circuits at minsan nakakalito at hindi na namin talaga maintindihan, para sa kanya, maning-mani lang! Kaya naman laging ang taas ng grades namin pag siya ang groupmate mo, at siya ang leader. Haha!

Malayo ang mararating ni Chris, hindi dahil sa kilala ang pamilya niya at malakas ito sa school at sa kung saan pa man, kung hindi dahil sa kakayahan niya din talaga. 'Yan ang nagpapabilib sa akin kay Chris. 'Yung iba kasi ginagamit ang yaman para makaangat, pero siya hindi. Ginagamit niya mismo yung skills at talino niya. 'Di tulad ko,  hindi naman ako matalino masyado. Siguro masipag lang ako kaya nakakahabol ako.

Pero hindi perfect si Chris, at ito ang hindi alam ng lahat. 

Pagdating sa confidence level, sobrang bagsak siya doon. Kaya pag magpre-present na kami ng project or magrereport, hindi siya ang magsasalita sa harap. Either ako o si Rjay ang magsasalita, dahil hindi niya kaya humarap sa maraming tao. Nawawalan ng boses si Chris at nauutal siya pag kaharap niya ang maraming tao. Kaya naman, parang siya ang utak namin madalas tapos kami ang katawan at bibig niya sa mga projects at reports.

At dahil din sa pagiging napakatalinong tao ni Chris, pakiramdam ko mahirap siya suyuin pagdating sa mga kalokohan na pag-uusap. Parang dapat ang pag-uusapan pagdating sa kanya ay mga seryosong bagay lang. Mga school works lang or lahat ng tungkol sa mga pang matalinong conversation. Bawal ang loko-loko, gano'n! Pakiramdam ko, anytime, pwede ko mabastos si Chris pag kinausap ko siya ng labas na sa school works ang usapan. Feeling ko kung anong masama ang masabi ko sa kanya at 'pag nagkataon, baka isumbong niya ako sa parents niya!

Sabi ni Rjay, isa sa pinakamayaman na businessman ang papa ni Chris. So kung mabastos ko si Chris, ibig sabihin, parang binastos ko na ang pamilya niya. Baka mamaya, maisip niya pa na ireport ako at ma-expel pa ako sa university, or worse, makulong ako! 'Pag nawalan ako ng school o makulong man ako, walang mag liligtas sa akin! Ako na lang kasi ang mag-isa sa buhay. Maagang nawala ang parents ko dahil sa isang malubhang sakit, at di ko na rin kilala ang mga relatives ko. Buti na lang nag-iwan sina mama at papa ng malaking ipon para sa mga needs ko bago sila mawala, at malaking tulong iyon para sa akin.

Kaya ito ako, minabuti na hindi na lang siya masyadong pansinin at kausapin, although kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. 'Yun nga lang, ilang lang din siya sa akin, kaya hindi kami nag-uuusap. Pero okay na siguro 'yun, para hindi siya mahawa sa akin.

Dahil alam din ng lahat na galing si Chris sa isang kilala o makapangyarihang pamilya, pansin ko na wala siyang masyadong kaibigan o walang nakikipag-usap sa kanya bukod kay Rjay. Naiintindihan ko 'yung part na 'yun, dahil ako mismo, kung hindi dahil kay Rjay, hindi ko masyadong lalapitan din si Chris. Siguro, dahil sa fact na natatakot silang makipagkaibigan kay Chris, dahil ayaw nilang masangkot sa problema kung nagkataon, katulad ko.

Pero minsan, naaawa ako kay Chris lalo na kapag nakikita ko na mag-isa siya at walang kausap. Pag free time namin o vacant, makikita mo siya sa library na nagbabasa lang o kaya minsan nasa benches lang at nakatingin sa malayo at nag-iisa. Nalulungkot ako para sa kanya pag nakikita ko siyang mag-isa, pero anong magagawa ko, para kasing nakakatakot suyuin si Chris. Imbis na ma-comfort ko siya, baka mairita pa siya. Haha!

Kapag nakikita ko siya na mag-isa, naiisip ko na hindi sapat ang pagiging mayaman para maging masaya. Kita ko na malungkot pa rin siya, siguro dahil wala siyang kaibigan na makakasama niya sa tuwa at lungkot. Oo, si Rjay close niya, pero siempre iba pa rin kung marami ka pang kaibigan na masasandalan. Dahil dito, nilakasan ko ang loob ko para mas kilalanin si Chris. Gusto ko malaman kung bakit hindi siya masaya kahit na parang nasa kanya na ang lahat.

Alam ko delikado para sa akin, ngunit dahil kaibigan ni Rjay si Chris, ay kaibigan na din ang turing ko sa kanya pagdaan ng panahon kahit hindi kami gaanong naguusap at awkward kami sa isa't isa. Mas tatapangan ko ang loob ko pagdating sa kanya at magbibigay ng extra effort. Gusto ko makilala si Chris, kahit paunti-unti, para naman malaman ko kung ano ang kwento niya, kung bakit siya tahimik. Medyo nakakahiya, pero sige, para sa ikatatahimik ng loob ko! 

Isang araw nagkaroon kami ng group project at kila Rjay kami nag sleep over at doon namin tinapos ang project. Siguro nasa 1 a.m.  na rin noong mga oras na 'yun kaya halos lahat ng groupmates namin ay tulog na.  Ako at si Chris na lang ang gising ng mga oras na 'yun at tinatapos namin ang project. Hindi kasi ako makakatulog hangga't hindi kami natatapos. Bilib nga ko dito kay Chris, kasi nakakatagal siya at nasasamahan niya ko. Tuwing may project kami, bukod sa akin, siya ang pinakahuling tao na makikita ko na gising pa at talagang tutulungan ka niya. Hindi dahil siya ang group leader, pero dedicated lang din siya siguro talaga sa mga ganitong pagkakataon.

Dahil nabobored na ako at gusto ko ng kwentuhan, nilakasan ko ang loob ko na magtanong ng topic sa kanya na out of school works, dahil 'yun lang ang madalas na tanong ko sa kanya pag kausap ko siya.

"Chris, wala ka bang girlfriend?" natatawa kong tanong sa kanya, pero sa loob ko ay kinakabahan na ako.

Nagulat siya sa tanong ko at hindi muna sumagot. Ang nasa isip ko lang ay dalawa. Either hindi niya sagutin ang tanong at 'di ako kausapin, o kaya naman hanggang bukas na lang ako mabubuhay sa mundong ibabaw! Pero nagulat ako at sumagot siya. Sabi niya ay wala pa at hindi siya tumitingin sa akin. Dalawang bagay rin ang sumagi sa isip ko. Una, sumagot siya sa tanong ko na walang katuturan na akala ko hindi niya sasagutin. Pangalawa, pati sa fact na hindi pa siya nagkakaroon ng GF.

"Maniwala ako sayo? Paanong walang magkakagusto sayo? Kahit isa?"

"Wala nga, saka wala naman magkakagusto sakin. Mahiyain ako at tahimik, hindi din ganun kalakas loob ko."

First time ko makausap si Chris ng ganito, kaya naman kinakabahan talaga ako at binabantayan ko ang bawat salita na lalabas sa bibig ko. Pero, lalo ko nilakasan ang loob ko at tininginan ko siya sa kanyang mga mata. Gusto ko lang malaman kung seryoso ba siya o niloloko niya lang ako. Gusto ko lang din malaman kung galit ba siya o hindi para alam ko kung may chance pa ko na mabuhay bukas, dahil baka na-offend siya. Tumingin siya sa akin saglit at muling nag-focus sa screen ng laptop niya. 

"Baka siguro nawalan na siya ng gana na kausap ako. Sabi ko na, hindi ko talaga siya makakausap pagdating sa kalokohan." nasa isip ko. Kaya naman para hindi nakakahiya at awkward, ay ako na lang ang huling nagsalita, "Parang hindi ako naniniwala sayo, hmmm, wala ka sa tipong maangas ang pormahan. Pero, kung titingnan mabuti, cute ka nga eh, lalo na kapag nakangiti ka. Lagi ka lang ngumiti!" nakangiti kong sinabi ko sa kanya habang hindi siya nakatingin sa akin. Pero hindi pa rin siya nagre-react, kaya nagsalita ako ulit at hindi na napigilan ng bibig ko na napakadaldal. "Minsan nga, parang gusto ko pisilin yung mga pisngi mo. Imposible na walang magkakagusto sayo?" Napagtanto ko na parang inasar ko na si Chris. "Patay! Baka ito na ata ang huli kong buhay hahaha!"

Kaya niligpit ko na ang mga gamit pagkatapos, dahil hindi na siya sumagot at hinayaan ko na lang.

Ang mga sumunod na araw pagkatapos ng gabing sinabi ko sa kanya yun, kabadong kabado ako! Siempre baka anytime ay kidnappin ako dahil sa nagawa kong pambabastos kay Chris. "Gusto ko pa po mabuhay! Haha!"

Kaya naman balik ako sa dating gawi, casual na usap lang kay Chris at ganoon pa rin pag lunch, awkward pero napapansin ko na paunti-unti nagiging komportable si Chris pagtapos ng pag-uusap namin na 'yun. "So good sign dahil hindi pa huli ang lahat at mabubuhay pa ko!"

Nagdaan ang mga araw, mas pinapansin ko siya at madalas din nginingitian,  dahil gusto ko maramdaman niya kahit kaunti na hindi lang si Rjay ang kaibigan niya at nandito din ako. Although, alam ko na parang nanghihimasok ako sa business niya at siempre nakakahiya.

Iba ang mundo ni Chris sa mundo ko. Ako, nabubuhay lang para maging masaya. Pero siya, tingin ko nabubuhay siya para sa expectations at pressure ng kanyang papa. Medyo naaawa ako sa lagay niyang 'yun at pakiramdam ko na parang andami niyang namimiss na kaganapan sa buhay. Kaya naman nakapag-decide na ako. Ito na ang pinakamatinding decision na gagawin ko up to date.

"Yayayain ko si Chris makipag inuman!"

Nababaliw na ata ako, pero, 'di ko alam bakit gusto ko gawin. Siguro ay naaawa ako, kasi ayaw ko na nakakakita ng taong malungkot gaya niya, na ayaw ipaalam sa mundo kung ano ang nararamdaman at sinasarili na lang ito.

Nagset ako ng inuman sa bahay ni Luna at niyaya ko si Chris nung kumain kami ng Lunch kasama si Rjay. Kung natatandaan ko pa, November 2019 nangyari ito. Nilakasan ko na lang loob ko dahil alam ko na hindi naman siya sasama siguro pero it's worth a try. Basta alam ko na hindi na ko nito isusumbong sa papa niya, pero siempre nangangamba parin ako.

"Chris, gusto mo ba sumama sa amin  mamaya? May drinking session kami nila Rjay." Nang matanong ko ito kay Chris, naka poker face lang siya, "Patay, baka nagalit sakin at naisip na niyayaya ko siya sa mga walang kwentang bagay. Wrong move ba ko?" nasa isip ko.

Nagsalita si Rjay at parang ayaw niya sumama si Chris, dahil baka mapagalitan siya ng dad niya at ng papa ni Chris pag nalaman na dinala siya sa inuman. Pero naginsist ako na ako ang bahala kay Chris at papanindigan ko siya.

Oo, ako ang bahala sa kanya dahil pag may nangyari, buhay ko ang kapalit, alam ko. Pero nandito na ko, wala ng atrasan to, niyaya ko na siya at nilakasan ang loob. Nasa sa kanya na lang ang decision.

"Nako, hindi mo alam kung gaano kalupit si dad at ang papa ni Chris. Saka, baka mamaya may hindi sinadyang mangyari kay Chris at lasing pa tayo, ma-GG pa tayo!" sambit sa akin ni Rjay.

"'Wag ka mag alala, ako bahala kay Chris, Hindi ko yan papainumin. Hehe! kaunti lang." Tumingin ako kay Chris ng nakangiti pero naka evil smile, "Pero promise, ako bahala sa'yo, para naman may bago kaming kasama sa inuman." Niloko ko na lang para hindi gaanong mabigat masyado ang usapan, nang biglang sumagot si Chris.

"Sige, sasama ako..."

Nagulat ako sa sagot niya, pero mas nanaig ang saya ko kaya naman nakangiting tagumpay ako at proud ako na ang nag iisang "The Chris" ay napapayag kong sumama sa inuman.

"Pero—" biglang humabol si Chris sa sasabihin niya, "—pero dahil ayaw ko mapagalitan si Rjay ni tito. Uuwi din ako para hindi kami mahuli. Okay lang ba?"

Dahil buhay ko ang nakataya at damay din si Rjay, ay pumayag na ko sa condition ni Chris. Saka, maganda na rin 'yun para walang problema.

"Ayan! G na 'to! Doon tayo kila Luna mamaya ah? Malapit lang naman yun sa bahay niyo Rjay. Mga ilang kanto lang naman kaya tingin ko makakauwi 'yan ng safe si Chris. Basta ako bahala d'yan sa bata natin. Hehe!"

Natuwa ako para kay Chris dahil at last, magkakaroon na rin siya ng tunay na experience na maging hindi matino paminsan minsan. Hayaan ko na, na ako ang unang magturo sa kanya ng mga bagay na to. Total, sinimulan ko na, ako na tatapos kahit buhay ko pa kapalit. 

Pagkatapos ng klase namin ng araw na niyaya ko si Chris makipag-inuman, pumunta na kami sa bahay ni Luna. Lahat kami ay nakaupo na at ready ng uminom. Ako na ang naging tanggero para naman masukat ko ang iinumin ni Chris. Kasi pag si Luna ang naging tanggero, baka wala pang 30 minutes ay ubos na agad dahil sa bilis nito magpaikot. Kung si Rjay naman, baka mamaya hindi niya ibigay kay Chris ung shot.

Tequila ang hinanda ni Luna para sa inuman namin. Medyo kinabahan ako, kasi para sa hindi umiinom na tulad ni Chris, Tequila ang ipapainom namin sa kanya. Pero sige, susukatin ko na lang.

Hindi pala marunong si Chris uminom ng Tequila at first time niya 'yun. Nakakatuwa kasi achievement na ako ang unang magtuturo sa kanya ng mga kabalastugan sa buhay. At the same time, kinakabahan ako dahil baka masira ang buhay niya. Pero may tiwala naman ako sa kanya dahil alam kong matinong tao to si Chris at baka curious lang siguro siya sa mga bagay bagay.

Tinuro ko sa kanya kung paano uminom. Pinakita ko sa kanya ang lemon na kukunin niya sakin at kakainin pagtapos niya mag shot. Naglagay ako ng isang kurot ng asin sa kamay ko para 'yun ang isusunod niya pagkatapos sipsipin ang lemon.

Nang mag shot na si Chris, kita ko na diring diri siya sa amoy pero bilib ako sa tapang niya. Ginawa niya 'yun kahit alam niya na medyo hindi maganda ang lasa. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagkakapait dahil sa lasa ng Tequila, at kinuha niya sa akin ang lemon. Pagkatapos niyang sipsipin ang lemon, medyo hindi pa rin nawawala sa itsura niya ang pagkapait. 

Naawa ako kasi tingin ko hindi niya nagustuhan yung lasa at baka hindi na siya umulit. Sabi ko dilaan niya 'yung asin na nasa kamay ko para pampawala ng lasa. Inasar ko lang naman siya na dilaan niya ang asin sa kamay ko dahil alam ko hindi niya ito gagawin. Ang nasa isip ko kukunin niya yung asin gamit ang daliri niya, dahil siempre baka mandiri siya sa kamay ko. Pero, nagulat ako dahil biglang hinawakan ni Chris ang kamay ko at nilapit niya ito sa mukha niya, at kinain ang asin—gamit 'yung mga labi niya!

Nagulantang ako, hindi dahil sa ginawa ni Chris, pero nagulat ako kasi nang dumampi yung mga labi niya sa kamay ko, isa lang ang pumasok sa isip ko— "Ang lambot at ang init ng mga labi ni Chris!"

Oo wala ng iba! Grabe ang lambot na parang gummy bears 'yung texture! Gano'n ba talaga ang labi ng mga anak mayaman? Siguro iba yung kinakain nila sa kinakain namin na lower class. Bakit gano'n, parang gusto ko pa ipaulit kaso nahihiya ako. Mainit at malambot, yun ang naalala ko noong oras na ginawa niya 'yun. Nahiya na ko pagkatapos at normal na shot na lang ang ginawa ko.

Nakakailang rounds na din kami, at paubos na 'yung isang litro ng Tequila. Napapansin ko hindi na gumagalaw si Chris at nakatingin ng diretso sa akin. "Baka mamaya iniisip na nito kung paano niya ko isusumbong sa papa niya!" nasa isip ko. "Oh, bakit ka nakafocus sa akin Chris? Mayroon bang madumi sa akin?" Tinanong ko na lang ng pabiro si Chris.

"Ah sorry, nahihilo kasi ako pag tumingin ako sa kaliwa o sa kanan. Hindi ko sadya na sa'yo ako nakatingin ng diretso."

Nang malaman ko ang dahilan, napalagay ang loob ko dahil hindi niya pala ako isusumbong. Pero, dahil nahihilo na siya, hindi ko muna siya bibigyan ng shot ng mga dalawang rounds. Ako na lang kukuha ng shot niya muna. 'Yung unang beses, nagtaka siya kung bakit nalampasan ko siya. Sabi ko next round nalang siya at pumayag naman. Nung pangalawang round, sabi ko next round nalang ulit para hindi lumakas ang pagkahilo niya at pumayag naman siya. Pero balak ko na 'wag na din siya bigyan ng shot. Dahil, sa akin nakasalalay ang buhay ng lahat ng nandito!

Nakita ni Chris na nag shot ako ng dalawang beses sunod sunod pagkatapos ko siyang lagpasan. Nalaman niya na ako ang kumukuha ng kanyang shot, nang bigla siyang tumayo sa pwesto niya. Nagulat ako kasi lumapit siya sa akin at kinuha niya ang shot glass sa kamay ko. Kinabahan ako sa puntong iyon, dahil hindi ko na alam gagawin niya at baka mamaya may hindi magandang mangyari. "Ito na ang Chris kapag nasa ilalim na ng alcohol. Nakakatakot, dahil grabe ang lakas ng loob niya! Wala na ang Chris na mahiyain, hindi ko na makita!" nasa isip ko.

Kinuha niya ang bote ng tequila at pinuno niya ang baso ng halos dalawang shot. Sinubukan ko siyang pigilan dahil alam ko na hindi niya kakayanin. Ako nagdala sa kanya dito, dapat ako ang magbantay at umaalalay sa kanya. Ako dapat ang bahala sa kanya. Pero ano 'to? Bakit ka naman naging matapang masyado sa pag inom!

"Katapusan ko na! Haha!"

Ininom na ni Chris ang baso na may katumbas na dalawang Shot. Alam ko na hindi niya kakayanin ito. Pagkatapos niya mag shot ay pinagmamasdan ko siya. Nararamdaman ko na anytime susuka na 'to si Chris kaya naman naka ready na ko para isugod siya sa C.R. Tahimik na si Chris at hinahawakan niya na ang kanyang tiyan, hudyat na nasusuka na 'to. Tumayo na ko at agad ko na siyang dinala sa CR para sumuka.

Habang hinihintay ko siya matapos sa CR ay inihanda ko na ang  towel niya at ang mga gamit niya, dahil pagkatapos nito ay pauuwiin ko na siya. Tama na siguro 'to, sumuka na siya at lesson learned na si Chris siguro na last niya na 'to iinom. Baka hindi na siya sumama sa susunod. Sorry Chris 'di ko sinasadya. Gusto ko lang maranasan mo 'tong mga pagkakataon na to para naman hindi maging boring ang buhay mo na puro aral lang! 

Nang lumabas na siya sa CR, kita ko ang mukha niya at mas mapungay na ang mga mata niya. Medyo hilo habang naglalakad at basa ang mukha dahil naghilamos siya. "Pero bakit gano'n, iba talaga ang mga anak mayaman at pinagpala." Hindi mukhang wasted si Chris at maganda pa rin ang itsura kahit kakagaling lang sa pagsusuka. Pero mas namumula ang mga pisngi niya kumpara sa pag normal. Inabot ko na ang towel sa kanya at pinagbihis na siya at nag-uusap lamang kami na parang normal. Natutuwa ako kasi nakakausap ko siya sa mga ganitong pagkakataon, pero sa inuman lang! Dito ko lang kasi nakita si Chris na kakaiba, at tingin ko babalik na siya sa dati pag nasa wisyo na siya. Baka di ko na naman siya makausap ng maayos.

10:30 p.m. na rin at baka gabihin na si Chris, kaya naman pinagpaalam ko na siya kila Luna. Si Rjay sana ang maghahatid pauwi sa kanya kaso, wala na din lakas si Rjay, nakatingin na lang siya sa kisame kapag kinakausap. Nang makalabas na kami ni Chris ay naramdaman ko na parang malamig, hudyat na uulan. Binilisan ko ang lakad ko dahil baka abutan kami ng ulan, pero si Chris ay medyo mabagal sa paglalakad baka dala ng kalasingan.

Hindi kami nag uusap habang naglalakad, pero napansin kong nakatingin siya sa akin, kaya tiningnan ko rin siya ng nakangiti. Nahiya yata siya at lumihis ng tingin paglingon ko sa kanya.

Biglang may pumatak na tubig sa ilong ko na akala ko pawis, pero 'yun pala ay unti-unti ng bumubuhos ang pagpatak ng ulan. Tatlong kanto pa bago kami makarating kila Rjay, kaya sabi ko bilisan namin.

Nang makarating kami sa unang kanto, ay biglang mas lumakas ang pagpatak ng ulan. Walang dalang payong si Chris at lalo naman ako. Hindi din naman namin inaasahan na biglang uulan. Kargo ko siya at pag may nangyari dito, ako ang mananagot! Okay lang siguro na magkasakit ako basta 'wag lang siya mapahamak. Dahil sa kanya nakasalalay ang buhay ko, kung okay man ako at si Chris hindi, tiyak katapusan ko na. 

Wala na akong ibang maisip na gawin para lang hindi mabasa ng ulan si Chris. Tinanggal ko ang t-shirt ko at nilagay ko 'to sa ulo niya. Ito lang ang paraan na alam ko para hindi siya gaanong maulanan at magkasakit.

Malamig dahil sa ulan at nadadagdagan pa ng ito dahil sa simoy ng hangin. Giniginaw ako sobra, pero, basta mainitan lang si Chris at hindi gaanong mabasa ay okay na ko. Wala na kaming choice at hindi kami pwedeng mag stay muna, dahil baka gabihin kami lalo at di ko alam kung hanggang kailan titigil ang ulan. Wala din naman ng trike o taxi na pwedeng maghatid sa kanya, kaya ito na lang ang kaya kong gawin para kay Chris.

Nang maipatong ko na ang t-shirt ko sa ulo niya, tiningnan ko siya para malaman kung okay pa siya at nakangiti naman siya sa akin. Natuwa ako kasi para akong may kasamang bata na masaya, kasi binigyan mo ng candy. Ganoon ang itsura niya habang pinagmamasdan ko siya.

"Lagi ka lang ngumiti, Chris, mas mapapanatag ako pag nakangiti ka. Sa susunod, malalaman ko rin ang kwento ng buhay mo." nasa isip ko habang pinagmamasdan ko siya.

Nagpatuloy na kami sa paglakad papunta kila Rjay. Hindi na nagsasalita si Chris at siguro ay antok na siya at pagod. Hindi ko na din siya kinausap dahil baka ayaw niya na magsalita. Nang maihatid ko siya sa bahay nila Rjay, kinuha ko na ang t-shirt ko na basang basa. Gumaan ang loob ko ng maihatid ko siya sa bahay nila Rjay ng kumpleto ang katawan at maayos. Kahit mawalan ako ng isang parte ng katawan, basta kumpleto ko maiuuwi si Chris ay okay na ko.

Ang hirap pala mag alaga ng ganitong klaseng tao. Pero wala eh, ginusto ko to! Haha! Pagkatapos ng inuman namin at pagdating ng kinabukasan, grabe ang sakit ng ulo ko at nilalamig rin ako—nilalagnat na pala ako.

Nagtext ako kay Rjay na hindi muna ako papasok sa training namin sa Basketball dahil sa lagnat at sakit ng katawan ko at ulo.

"Rjay, pasabi kay coach na hindi ako makakaattend ng training. Nilalagnat ako, itutulog ko lang 'to at okay na ko kinabukasan. Salamat"

Tuwing magkakasakit ako ay tinutulog ko lang ito hanggang gumaling ako. Wala naman na kasi akong kasama sa bahay para may mag-alaga sa akin, at wala naman ako lakas para pumunta ng clinic. Ito ang hirap pag magisa ka lang nakatira sa bahay. 'Pag nagkasakit ka, walang mag-aasikaso sa'yo kung hindi sarili mo lang.

Habang nagpapahinga ako dahil sa lagnat, nagising ako at nauhaw. Tatayo na dapat ako, nang nakita ko na may nakasandal na ulo sa tabi ng kama ko, nakatalikod sa akin, at nakapwesto ito sa tabi ng kamay ko. 

Medyo malabo ang paningin ko dahil kagigising ko lang, pero, ang nasa isip ko, ay si Rjay 'yun dahil siya lang naman 'yung huli kong tinext at baka binisita niya ko. Hinawakan ko ang ulo ng taong nakahiga sa tabi ko para tapikin ito, ngunit dahil medyo nanghihina ako hinaplos ko na lang ang buhok niya imbis na tapikin. Nagising ang taong nasa tabi ko at nagulat ako sa nakita ko nang humarap ito sa akin  ngunit wala na akong lakas para ipakita ang pagkagulat ko. Nakita ko si Chris, na nakaupo sa sahig na nakasandal sa kama ko at binabantayan ako. Gusto ko sana sabihin kung bakit siya nandoon, at baka mahawa siya. Ngunit wala na din talaga akong lakas magsalita. Ang nasa isip ko nalang ay natutuwa ako na makita siya na okay lang siya, pagkatapos ng gabi na ihatid ko siya sa bahay nila Rjay.

Akala ko ay nagkasakit siya dahil naulanan kami, ngunit masaya ako na makita na ayos lang siya. Sabi ko nga, okay lang na magkasakit ako, 'wag lang si Chris, dahil buhay ko ang kapalit!

Dahan-dahan ko na lang hinaplos ang buhok ni Chris. "Ultimo pati buhok niya, ang lambot. Siguro mamahalin ang shampoo nito ni Chris! Haha!" Hinayaan niya lang ako na haplusin ang kanyang buhok at nakangiti lang siya sa akin. Pakiramdam ko ay okay lang sa kanya, kaya tinuloy ko na lang din dahil narerelax ako habang hinahaplos ko ito. "Dito ka lang muna, wag ka muna umalis hanggang hindi pa ko gumagaling please?" Ang tanging nasabi ko na lang sa kanya, at hindi napigilan ang sarili ko. Para bang hinahanap hanap ko 'yung pakiramdam ng may nag-aalaga kaya ayaw ko muna siya paalisin kahit alam ko na nakakahiya ito, ngunit hindi mapigilan ng katawan ko. Hindi ko alam pero baliktad ako. Mas nawawalan ako ng control sa sarili pag nagkakasakit ako, kumpara sa pag nakainom ako ng alak.

Nakatingin lang sa akin si Chris, ngumiti at pumikit dahan dahan.

"Dito lang ako sa tabi mo hanggang gumaling ka." 'Yan ang huling sinabi ni Chris na narinig ko bago ako makatulog ulit, tila kampante na nasa tabi ko lang siya at hinahaplos ko lang ang kanyang buhok.

Narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Dumilat ako ng kaunti para makita kung sino 'yun. Medyo malabo ang paningin ko dahil sa antok na rin ako, ngunit nakita ko na si Rjay 'iyon at nakatayo. Napansin ko na parang nakasimangot siya kaso hinayaan ko na lang dahil sa antok ko  at natulog na ulit ako.

Nang magising ako kinabukasan, wala na ang nararamdaman kong lagnat at sakit ng ulo. Tumingin ako sa paligid ngunit wala na si Chris sa tabi ko kung saan ko siya nakita kahapon. Napansin ko na nag-iwan na lang siya ng note kung saan nakahiga siya nakasandal.

Hi, Jin, Sorry hindi na ko nakapag paalam, kailangan na rin namin umuwi ni Rjay dahil hahanapin kami. Pero wag ka mag alala, hindi ako pumayag na umalis hanggat hindi ka pa gumagaling, kaya inasikaso ko muna ikaw hanggang sa mawala ang init sa katawan mo. Tanungin mo pa si Rjay bilang witness ko, iniwanan kita ng food sa kitchen mo at nilagay ko sa ref, initin mo nalang pag gising mo. Thank you sa paghatid sakin sa bahay pauwi at sorry dahil sa akin nagkasakit ka.

Napangiti na lang ako nang mabasa ko ang note ni Chris. Masaya ako dahil hindi ko inakala na ang isang tulad niya ay pagtutuunan ako ng pansin,  kahit magkaiba kami ng mundo na ginagalawan. Dito ko napagtanto na maalalahanin siya at mabait, di gaya ng iniisip ko dati na wala siyang pakialam sa akin at mahirap pakisamahan. Magandang kaibigan si Chris. Hindi siya mayabang at mapagmalaki. Iyan ang nagustuhan ko sa kanya, kaya tiyak na isa siya sa mga magiging matalik kong kaibigan pag mas naging mas close pa kami.

Bagamat magiging awkward pa rin siya sa akin sa mga susunod na araw, papansinin ko na lang siya, at mas magiging mabait ako sa kanya para mas maging komportable pa siya at hindi na mahiya. Nang sa gano'n ay pagkatiwalaan niya ako at maituring  niya din ako bilang isang kaibigan.

End of Flashback

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: March 31, 2020

Time: 7:30 A.M.

Nagising na ulit ang batang Jin at tiningnan niya muna ang oras sa kanyang phone na nakalagay sa tabi ng kanyang kama. 

"March 31, 7:30 a.m. na pala" antok na pagkakasabi ni Jin. 

Nawala na rin ang sakit niya at bumalik na siya sa normal. Tiningnan niya ang part kung saan nakahiga si Chris ngunit wala na ito. Kinapa niya ang pwesto kung saan nakasandal si Chris kung nag iwan ito ng note gaya ng dati, ngunit wala siyang nakita. Medyo malungkot siya, pero, hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Lumabas siya ng kwarto at nakita niya si Jon sa sofa na nagbabasa lamang ng article sa phone.

"Nasaan si Chris? Umuwi na ba siya?" tanong ni Jin.

"Oo, hinahanap na si Chris siya ng papa niya kaya umuwi na siya. Ayaw pa nga niyang umuwi kasi sabi niya hindi 'daw' siya pwedeng umalis hangga't di ka pa 'daw' magaling, sabi mo. Talaga naman, inutusan pa!" sagot ni Jon.

"Hindi ko siya inutusan! Alam mo naman na nawawalan tayo ng control sa sarili kapag nagkakasakit!" katwiran ni Jin at nakatingin lamang siya kay Jon habang pinakikinggan niya ito magsalita.

"Narinig ko nga noong tinawagan siya ng papa niya, parang sinisigawan siya. Siempre kinabahan ako, kaya pinauwi ko na siya. Sabi ko, ako na bahala magsabi sa'yo, kasi ayaw ka niya talaga iwan at pinipilit niya." paliwanag ni Jon at huminga ng malalim dahil nag-alala siya kay Chris, at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. "Pero tawag ng tawag sa kanya 'yung papa niya. Sabi ko na lang sa kanya na ako yung witness para pag gising mo, alam mo na hindi ka niya gusto iwanan."

Biglang napalagay ang loob ni Jin nang malaman niya ang dahilan ng biglang pag alis ni Chris. Natuwa siya dahil alam niya na ayaw siyang iwan nito, at tila natutuwa siya kasi parang habang tumatagal, ay mas napapalapit ang loob ni Chris sa kanya.

"Matanong ko lang, nakita mo na ba 'yung papa ni Chris? Sa tagal ng panahon, malamang nakita mo na yun? Hindi ko pa nakikita ung papa niya pero sabi nila, isa daw 'yun sa mga pinakamakapangyarihan na businessman. Kilala mo ba siya?" tanong ni Jin.

"Oo, nakikita ko na siya sa TV, pero hindi ko pa siya nakita ng personal, kahit magkaibigan kami ni Chris. 'Pag pumupunta kami sa kanila, madalas wala 'yung papa niya at nasa business trips or meeting. Ang alam ko lang nakakatakot 'yung papa niya at napakastrikto pagdating kay Chris. Kaya naman kita mo naman kung gaano katino at kadisente gumalaw si Chris 'di ba?" paliwanag ni Jon.

"Hmm, kaya siguro gano'n na lang si Rjay kung mag alala kay Chris noong nakikitira siya sa kanila. Hindi ko kasi talaga alam kung anong klaseng tatay mayroon si Chris." pag aalala ni Jin.

"Basta ang payo ko sa'yo, 'wag na 'wag mong lalapitan o 'wag kang magkakaroon ng kahit anong engagement sa papa ni Chris. Kahit anong mangyari, 'wag." banta ni Jon.

Nagtaka si Jin, ngunit ayaw na niya magtanong kung bakit at kung tungkol saan ang sinabi ni Jon.

"Basta alagaan mo lang si Chris, wag mo siya pababayaan. Kung maaari, lagi mo siyang ililigtas okay ba?" palalala ulit ni Jon.

"Oo alam ko 'yun, 'wag ka mag alala. Natatandaan mo ba 'yung sinabi natin kay Chris noon? Noong niyaya natin siya sa inuman?" tanong ni Jin.

"Alin doon?" 

"Ang sabi natin, tayo ang bahala kay Chris. Wala naman tayong sinabi na tayo ang bahala kay Chris hanggang inuman lang. Hanggang mamatay na tayo noon!" pabiro na sinabi ni Jin.

Naalala ni Jon  'yung oras na niyaya niya si Chris, "Oo nga pala, sinimulan natin, tayo dapat ang tatapos. Kung hindi dahil sa katigasan ng ulo natin, hindi mapapalapit si Chris sa atin. Kaya dapat nating panindigan ang sinabi natin. Na kahit anong mangyari, dito lang tayo para sa kanya."

"Wala ka bang napapansin kay Chris?" tanong ni Jin.

"Anong napapansin? Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ni Jon.

"Wala lang, hindi mo talaga napapansin?" natatawa na lamang si Jin dahil niya masabi ang gusto niyang iparating.

"Alin nga?" naiinis na tanong ni Jon.

"Iisa lang tayo, dapat alam mo ibig kong sabihin." hirit ni Jin.

"Oo iisa lang tayo, pero siempre magkaiba tayo ng iniisip din dahil magkaiba na oras natin" 

"Hay! Akala ko pa naman napapansin mo." hirit ni Jin.

"Ano nga? Ang kulit nitong batang Jin na to eh! Kukutusan na kita eh!" naiinis na tono ni Jon.

"Hindi mo ba napapansin, parang—" nahihiyang sinabi ni Jin.

"Parang ano?" Nakaabang na si Jon at alam niya na kung ano 'yun ngunit gusto niya na si Jin ang magsabi.

"Parang… hindi ko alam kung paano ko sasabihin!" nahihiya at napapakamot na lang si Jin.

"Sige isa isahin mo na lang." pakiusap ni Jon.

"Okay ganito. 'Di ba kaya natin gusto maging kaibigan si Chris, kasi wala siyang masyadong kaibigan?" hirit ni Jin.

"Oo, oh anong mayroon doon?" tanong ni Jon.

"Diba natuwa ka din na medyo napapalapit na sa'yo si Chris noong mga panahong nag-uusap kayo ng topics bukod sa school works, at noong nayaya mo siya ng unang beses sa inuman?" tanong ni Jin.

"Oo natuwa ako, oh ano mayroon ulit doon?" 

"Kasi, ang nasa isip ko noong mga oras na 'yun, natutuwa ako na napapalapit na si Chris sa atin kahit papano. Kasi parang mas nag o-open up na siya, at natutuwa ako na kinikilala  niya na tayo bilang kaibigan." paliwanag ni Jin.

"Okay, point taken. O tapos?" hirit ni Jon.

"Hindi ko alam sa sarili ko, kasi nitong mga nagdaang araw—" kinakabahan si Jin  sa sasabihin niya.

"Oh ano!" Kinakabahan din si Jon  sa sasabihin ni Jin.

"Kasi, parang—" nahihiya si Jin mag salita, kaya huminga muna siya ng malalim at nagpatuloy, "Mas nagiging cute si Chris sa paningin ko kumpara dati! Hindi ko maipaliwanag, pero sa tuwing nakikita ko si Chris, parang hindi na katulad ng dati na, oo, may itsura siya at cute, alam ng lahat 'yan. Pero hindi ko maipaliwanag, bakit parang iba na ngayon parang natutuwa 'yung pakiramdam ko pag nakikita ko siya!" Paliwanag ni Jin habang nalilito na siya sa nararamdaman niya.

Nakatingin lang sa kanya si Jon na nakangiti, tila natatawa at pinipigilan niya ito.

"Pe- Pero, hindi ibig sabihin na pinagnanasahan ko si Chris!" katwiran ni Jin.

"Okay, wag defensive. Wala pa 'kong sinasabi, hindi pa kita hinuhusgahan!" pabirong sinabi ni Jon.

"Pero kasi, noong una, ang tingin ko lang kay Chris, parang bunso o nakababatang kapatid. 'Yun lang talaga ang nasa isip ko promise. Alam mo yan, magkamatayan na kung ikaila mo yan!" nangangambang sinabi ni Jin. Nakangiti lang sa kanya si Jon at hinayaang maglabas ng saloobin, at patuloy na nagpaliwanag. "Pero nitong mga nagdaang araw, hindi ko alam kung bakit tuwing nakikita ko siya, pag nakikita ko 'yung mukha niya, 'yung labi niya, 'yung mata niya, 'yung mapula niyang cheeks, bakit hindi ko maiwasan! Tapos 'yung kamay niya na gusto ko laging hawakan, pati 'yung malambot niyang cheeks din! Pakiramdam ko ang sama kong tao!" nagaalala na sinabi ni Jin.

"Gusto mo na si Chris?" diretsong tanong ni Jon

"Hindi! Gusto ko muna malaman kung ano itong nararamdaman ko. Gusto ko malaman, kung totoo ba 'tong nararamdaman ko o baka kathang isip lang at baka nadadala lang ako sa mga nangyayari." Napatingin si Jin ng diretso sa mga mata ni Jon, "Kaibigan natin si Chris. Ayaw kong pumasok sa isang bagay na makakasira sa kanya. Kaya gusto ko munang bigyan ng oras sarili ko para malaman kung ano ba talaga tong nakikita ko sa kanya at kung bakit lagi ko na siyang hinahanap." paliwanag ni Jin.

Hindi na nagsalita si Jon at  tumingin lang siya kay Jin at pagkatapos ay pinatong ang kamay niya sa ulo nito at ngumiti.

Agad namang tinanggal ni Jin ang kamay ni Jon dahil naiinis siya at nandidiri.

"Pwede ba? 'Wag mo nga gawin sa akin 'yun! Nakakadiri!"

"Pero 'pag si Chris ang hahawak sayo kulang na lang gusto mo buong katawan mo mahakawan niya?" natatawang sinabi ni Jon.

Inis na inis si Jin  at wala siyang magawa dahil totoo ang mga ito, kaya pumasok na lang siya ng kwarto at humiga na lang ulit at nag isip isip.

"Mukang alam ko na ang gagawin ko para malaman kung ano tong nararamdaman ko kay Chris. Sige, susubukan ko muna."

Ganoon din si Jon, humiga sa sofa sa living room at nag-isip ng mga gagawin para maintindihan ng batang Jin ang feelings niya para kay Chris.

"Mukang alam ko na ang gagawin ko para malaman kung ano 'yung nararamdaman niya para kay Chris. Sige, susubukan ko."

End of Chapter 6