webnovel

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.

Gonz0 · LGBT+
Classificações insuficientes
36 Chs

Chapter 20 - D-day Part 2

Date: May 25, 2020

Time: 7:30 P.M.

Madilim at tila ang spotlight lang sa stage ang makikita mo kung saan si Chris lang ang tanging natatanaw ng lahat ng nasa Midnight Hall.

Pagkatapat ng ilaw sa gitna ng stage ay umupo na ang lahat at nakatingin lamang kay Chris na nakasuot ng color dark blue na coat at sa loob ay kulay puti na long sleeves at blue na bowtie, dark blue na tuxedo pants at brown dress shoes.

Sa tabi ni Chris, nakita nila ang isang puting piano na labis ang pagkinang dahil sa ilaw na mula sa stage spotlight.

Umupo si Chris tapat ng piano, at tahimik pa rin ang lahat na sinusubaybayan ang bawat galaw ni Chris. Wala kang maririnig kung hindi ang aircon at iba pang ingay gawa ng mga gamit sa Midnight hall, at ang paghinga ni Chris sa kanyang mic.

Napalunok na lamang si Jin dahil kinakabahan siya sa gagawin ni Chris at nakatitig lang siya at hindi kumukurap.

"Jin, ang tagal kong hinintay ang araw na 'to. Dito ko ipaparamdam sa'yo at sasabihin lahat ng matagal ko nang tinatago sa'yo. Sa pamamagitan ng gagawin ko, gusto ko na maabot nito ang ang nilalaman ng puso ko para sa'yo. Sana magustuhan mo." nasa isip ni Chris bago siya magsimula.

"Good evening po sa lahat. Gusto ko lang po sabihin na bago ako magsimula, Ito po ang kauna-unahang beses na gagawin ko ito. Dinededicate ko ito para sa isang tao na mahalaga para sa akin. Isinulat ko itong kanta na ito para sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin at nararamdaman para sa'yo. Sana ay marinig at magustuhan mo." sinabi ni Chris bago niya kantahin ang sarili niyang isinulat na kanta.

Natulala lamang si Jin at hindi niya alam ang gagawin dahil never niya narinig kumanta si Chris. Napatingin siya kay Jon ngunit hindi makapagsalita.

"Makinig at manood ka na lang, Jin!" Tinapat ni Jon ang ulo ni Jin sa stage para panoorin lamang si Chris.

Nagsimula na siyang tumugtog ng piano, tahimik ang lahat at tila sa pag piano pa lang ni Chris ay damang dama na nila agad ang nais iparating nito. Lahat ng audience ay tila gumagaan ang pakiramdam sa bawat tono na pinapatugtog ni Chris.

Damang dama ng lahat ang init na nababalot sa pagtugtog ng piano ni Chris. Napakainit sa puso at tila ang gaan sa loob na parang dinuduyan sila sa pagtulog.

Nagsimula na si Chris mag-hum hudyat na magsisimula na ang kanyang pag kanta nang biglang nagulat si Jin at napanganga sa narinig niya. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Chris—isang tunog na pamilyar sa kanyang pandinig.

"Alam ko 'tong boses na 'to! Whaaaaat! 'Wag mo sabihin na all this time kay Chris 'yung boses na naririnig ko?"  gulat na gulat na sinabi ni Jin dahil hindi niya inakala na ang boses na kanyang narinig sa roof top noong una, at ang mga kasunod na encounter, ay galing pala kay Chris.

"Oo, kay Chris 'yung boses na 'yun, ang ganda 'no? Dito ko lang din nalaman 'yung tinatagong talent niya. Walang nakakaalam nito, pero sa ganitong event niya nilabas. Ibig sabihin importante talaga para kay Chris itong point ng buhay niya na 'to. Ang brave niya dito, kumakanta lang siya and hindi nahihiya na ipakita kung ano 'yung nararamdaman niya, sa tapat ng maraming tao." bulong ni Jon.

Hindi na nagsasalita si Jin at nakatitig na lang siya kay Chris. Wala na siyang ibang nakikita sa paligid kung hindi si Chris at ang piano. Wala na rin siyang ibang tunog na naririnig, kung hindi ang piano at ang boses ni Chris na napakalamig at tila hinahawakan nito ang puso niya.

Sa pananaw naman ni Chris, habang nagsisimula na siya kumanta, ay wala siyang ibang iniisip kung hindi si Jin lamang. Si Jin na nasa harap niya habang sinasabi niya ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagkanta.

Title: Makasama Lang Kita

Composer and Singer: Gonzo

Kapag ikaw ang nakita ko

nabubuo na ang araw ko.

Pagsapit ng dilim,

ay makasama lang kita.

Kung mapipigil ang orasan,

hinding hindi na aalis.

Kung pwede lang na tayo lang,

ay makasama lang kita.

Pero kapag iniwan mo ako,

'andito lang ako sa isang tabi

na magdamag na magmamasid,

hanggang ika'y bumalik.

Sana naman,

maramdaman aking pagmamahal.

Ang nais ko'y masilayan mo,

kasama ka sa buhay ko.

Bakit naman,

hindi ba pwedeng magkasama lang?

Kahit walang ginagawa,

'andito lang sa tabi ko.

Sa pag pikit ng mga mata,

makita lang ang mga ngiti.

Pagsapit ng umaga,

sana 'andyan ka pa rin.

Maari ba na hayaan mo ko,

maparamdam na mahal kita.

Hinding hindi na magsisisi,

'andito lang ako.

Ito ang kantang ipinahatid ni Chris para kay Jin at nakapaloob dito ang totoong nararamdaman niya. 

Nilabas na ni Chris ang matagal niya ng lihim, kahit na alam niyang walang kasiguraduhan, at kung anong magiging reaction ni Jin dito.

Nakatulala lang si Jin sa buong magdamag na kumakanta si Chris. Pinapakinggan niya ang bawat salita na binibigkas nito at dinadamdam ang malamig na tinig ng boses ni Chris.

Lahat ng tao ay sobrang tahimik habang kumanta si Chris at pinapakinggan lang ang awitin. Ang lahat ay tila nagandahan sa boses ni Chris, dahil pakiramdam nila ay gumaan ang kanilang loob at narerelax sila sa malamig na boses nito, ngunit kasabay nito ay naiiyak sila dahil sa naramdaman nila ang lungkot na bumabalot sa mensahe na nais rin ipahatid ni Chris sa pamamagitan ng kanyang kanta. Nararamdaman nila ang saya pag kasama mo ang taong mahal mo, at ang lungkot na bumabalot sa oras na iwanan ka nito.

Ang malamig at magaan na boses lang ni Chris ang nangingibabaw sa buong Midnight Hall, tila ang lahat ng attention ay na sa kanya na talaga.

Pati ang buong Operations team sa audience ay napanganga na lamang habang pinapakinggan ang boses ni Chris at hindi makapaniwala.

Si Jon naman ay natutuwa sa reaksyon ng bawat isa, at tiningnan niya ang reaksyon ni Jin, upang malaman niya kung anong itsura niya sa pagkakataong iyon.

Para mas gumanda pa ang mood, itinaas ni Jon ang kanyang lightstick na siya namang sinundan ng mga kasama nila sa Operations team sa Audience. Isa isa nagsitaasan ng lightsticks sina Jorge, Dave, Fred at iba pang kasama nila sa Operations team. Hindi lang ito, nagsimula na ring binuksan ng iba ang flashlight ng kanilang mga phone hanggang sa lahat na ng audience ay nakataas ang kamay. Pati na rin ang mga judges at ang host ay nakisali sa pagtaas ng kamay at hawak ang kanilang phone na nakabukas ang flashlight. Tila 'pag nasa malayo ka, ay para kang nakatingin sa kumikinang na mga bituin sa gabi.

Si Jin naman ay nakatayo lang at hindi makagalaw, ngunit nakafocus ang kanyang sarili kay Chris, na kahit nasa malayo siya, ang tingin niya ay tila nasa harap niya lang si Chris na kumakanta para sa kanya.

"'Yung kanta ni Chris, para sa akin 'yun? Ang ibig sabihin ba niya, ako 'yung tinutukoy niya sa kwento ng kanta? Na gusto niyang tumigil ang oras na kasama lang ako? Ibig sabihin ba nito, gusto ako ni Chris? Totoo ba 'to? Mahal ako ni Chris? Hindi siya natakot na aminin 'to? Sa harap ng maraming tao?" nasa isip ni Jin.

Walang kaalam-alam si Jin sa tunay na nararamdaman ni Chris para sa kanya. Ang buong akala niya ay siya lang ang nakakaramdam ng kakaibang warmth kapag magkasama sila. Ngayon niya lang napagtanto na may tinatago rin si Chris na lihim na pagtingin sa kanya.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang dibdib at nadama niya ang napakabilis na tibok ng kanyang puso.  Napaka gaan ng kanyang loob at damang dama niya ang tuwa. Gusto niyang humiyaw sa tuwa pero hindi niya magawa. Gusto niya lang pakinggan ang boses ni Chris at hindi na ito tumigil sa pagkanta.

Ngunit sa likod nito, tinatanong pa rin ni Jin ang kanyang sarili. Iniisip niya pa rin kung hindi ba sila matatakot sa mga maaaring mangyari o kakayanin ba nila itong dalawa. Hindi niya din alam kung handa na ba siya o kung mahal niya na din ba talaga si Chris. Pumapasok rin sa isip niya kung kapatid nga lang ba ang turing niya dito o mas higit pa roon.

"Ang daming tanong sa sarili ko pero isa lang ang sinasabi ng puso ko, sa ngayon, hindi ko pa man maamin sa sarili ko 'yung totoo kong nararamdaman, pero kung titigil man yung oras... gusto ko na ikaw lang din ang kasama ko, gaya sa kanta mo, Chris." nasa isip ni Jin.

Hindi lang ang audience ang nakikinood, pati na rin ang iba pang mga participants sa backstage ay sumilip nang kumakanta na si Chris. Sina Jade at Luna ay magkayakap at naluluha na dahil sa kanta ni Chris. Si Will naman sa gilid ay tila punas nang punas ng kanyang mga mata dahil sa tuloy-tuloy niyang pagluha. Si Julian naman ay nakangiti at pinagmamasdan si Chris habang kumakanta ito.

"Ang tagal na namin magkaibigan ni Chris, pero di ko alam na may talent pala siya sa pagkanta at paggawa ng kanta. Sa sobrang tahimik ni Chris, hindi ko alam na ito na pala 'yung tinatago niya matagal na." sinasabi ni Luna habang naluluha siya.

"Ako din, girl! Tapos, damang dama ko 'yung message ng kanta niya. Nalungkot ako kasi parang nangungulila siya doon sa sinasabihan niya, pero at the same time masaya siya dahil nakakasama niya 'yung mahal niya." naiiyak na sinabi ni Jade.

"Iba talaga nagagawa ng love, grabe, parang gusto ko na lang ulit ma-inlove. Hindi natin inakala na ganito pala kalaki 'yung talent ni Chris na nagtatago sa kanya. Fan niya na ako!" naluluhang sinabi ni Mr. Will.

Magkatabi silang tatlo at magkakaakbay habang pinapanood si Chris.

Matapos kumanta si Chris ay tahimik pa rin ang lahat at umupo na ngunit tila wala sila sa wisyo at masyado silang nadala sa ipinakita ni Chris.

Nagtaka si Chris dahil walang nagsasalita. Pagkabukas ng ilaw sa Midnight hall, nakita niya na ang lahat ay nakaupo, at ang tanging nakatayo na lamang ay si Jin.

Ang lahat ay tila nabitin at gusto pang kumanta si Chris at nagaabang pa.  Nang matauhan na ang lahat, ay sabay sabay na nagpalakpakan at naghiyawan.

Nakita ni Chris na si Jin lang ang nakatayo at hindi kumikilos. Sumenyas naman si Jon kay Chris ng okay sign na nagpapahiwatig na okay lang si Jin at 'wag siyang mag alala para dito.

Tumango naman si Chris at ngumiti kay Jon. Tumayo na siya at nag bow sa lahat, na siyang pinapalakpakan at labis na natuwa sa kanyang ipinakita.

Bumalik na ng backstage si Chris na nakangiti at tila nakahinga siya ng maluwag dahil nasabi niya sa pamamagitan ng kanyang kanta ang nais sabihin para kay Jin sa napakatagal na panahon.

Pagbalik ni Chris, pinalakpakan siya ng lahat ng nasa backstage, at niyakap siya nina Jade at Luna.

"Chris! Grabe, ang brave mo doon! Bilib na bilib ako sa'yo! Hindi ko akalain na maaamin mo sa kanya 'yun gamit 'yung kanta mo!" naiiyak na sinabi ni Luna.

"Oo, Chris! Ako din! Bilib na bilib ako sa'yo at sobrang proud ako sa'yo! Kasi noong una kitang makilala, sobrang mahiyain ka. Tingnan mo ngayon, ang laki na ng pinagbago mo. Ang tapang-tapang mo na at nalalabas mo na 'yung feelings mo!" naiiyak na sinabi ni Jade.

Natuwa naman si Chris at niyakap niya din ang dalawa. Habang magkayakap silang tatlo, ay lumapit sa kanila si Julian at binati niya si Chris.

Meanwhile, sa front stage naman ay nagsalita na ulit ang host, "Grabe naman ang feels ng kinanta ni Mr. Chris. Ang lalim ng hugot ah? Nandito ba sa audience natin 'yung kinantahan niya? Asan ka? Para mainterview ka naman namin!"

Dahan-dahan nagtinginan ang teammates ni Jin sa kanya. Nagulat siya at nagtaka kung bakit nakatingin sa kanya ang lahat.

"Oh! Bakit sa akin kayo nakatingin? Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?" nanginginig na sinabi ni Jin. Tiningnan niya rin si Jon na nakatingin pabalik sa kanya at kinakabahan.

"Ano, wala ba dito sa audience? Gusto namin malaman ang saloobin mo sa kanta ni Mr. Chris." Hinahanap pa rin ng host kung para kanino ang kanta.

Binulungan ni Jin si Jon, "Huy, anong gagawin ko? Magpapakilala ba ko? Anong nangyari dito!" kabadong tanong niya.

"So feeling mo talaga para sa'yo 'yung kanta? Inangkin mo na?" asar ni Jon.

Nainis na naman si Jin at sasapakin niya dapat ito, ngunit wala siyang lakas dahil sa kanyang pilay.

Biglang nagsalita si Jon, "'Wag ka magpapakilala, hindi ako nagpakilala noon. Kung malaman nila na ikaw 'yun, baka mapahamak ka o si Chris. Tandaan mo, hindi lang puro mga nagtatrabaho dito ang audience. May mga ibang tao rin, kilala si Chris at 'yung family niya, kaya ingat din tayo." paalala ni Jon.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nang matapos ang talent portion, naka formal wear na ang suot ng mga participants. Pinalabas na silang lahat sa stage upang mag announce ng mga awards, at ang papasok sa top 2 ng Mr. and Ms. Star of the night.

Nang makapwesto na ang lahat ng participants sa stage, ay nagsalita na muli ang host para i-announce ang mga papasok na participants.

"Okay! Ngayon naman ang ating mga awards at ang papasok sa ating top 2! Ready na ba kayo lahat? Unahin muna natin sa mga awards! Siempre sa umpisa pa lang ng event ay pinapanood na kayo agad ng mga judges! Kaya naman ang award na ito, ay para sa best dancer of the night noong opening number niyo! At ito ay para kay... Ms. Jade ng Operations team!"

Pumunta si Jade sa gitna ng stage para isabit sa kanya ang sash ng "Best Dancer" at bumalik na siya sa kanyang pwesto pagkatapos ng picture taking.

Sunod na award naman ay ang inannounce ng host, "Mayroon din tayong award for best 50s outfit! At ang nakakuha sa lalaki ay si... Mr. Julian ng Research and Development team! Sa babae naman, ay ang partner niya na si Ms. Maxene ng Research and Development Department!"

Lumapit na sa gitna ang dalawa upang isabit sa kanila ang sash, at pagkatapos ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga pwesto.

"Next up! Ang nakakuha ng Best in Talent! Malaki ang points na makukuha sa best in Talent at mas malaki ang chance na pumasok sa susunod na round. Ang nanalo sa ating best in talent ay si, Ms. Jade ng Operations team!"

Nagulat si Jade nang tawagin ang kanyang pangalan sa Best in Talent. Masayang masaya ang lahat ng Operations team na nasa audience at biglang naghiyawan halos lahat ng lalaki sa audience. Pagkatapos ay lumapit na siya sa stage upang kunin ang kanyang sash.

Bumalik na si Jade sa kanyang pwesto pagkatapos niyang mabigyan ng award at nagsalita na ulit ang host.

"Ang susunod na award ay ang Best in Photoshoot! Sa babae ang nakakuha ng Best in photoshoot award ay si, Ms. Luna ng Management team!"

Pinapunta sa harap si Luna upang kunin ang kanyang portrait at sash. Habang nasa gitna si Luna, ay nagpatuloy sa pag a-announce ang host.

"Ang nanalo sa male category ng Best in photoshoot ay si... Mr. Chris ng Operations team!"

Nagcheer ang Operations team para sa award na nakuha ni Chris. Lumapit siya sa gitna upang kunin ang kanyang portrait at masuotan ng sash. Nakangiti naman siyang sinalubong ni Luna nang makarating siya sa gitna.

Tuwang tuwa ang dalawa habang hawak nila ang kani-kanilang portraits at nag picture taking.

Pagkatapos ng photo session, ay pinabalik na sina Luna at Chris para iannounce ang top 2.

"All right! Ito na ang pinakahihintay natin! Ang papasok sa ating top 2! Tig-isa ang tatawagin ko for each category na papasok para sa ating top 2! Pupunta sa gitna ang aking mga tatawagin. Okay! Unahin natin sa girls. Ang pasok sa top 2, in no particular order… pumunta ka na sa pwesto mo sa gitna ng stage, Ms. Luna ng Management team!"

Naghiyawan ang Management team nang makapasok si Luna sa top 2 ng mga babae. Ang dalawang Jin ay nag che-cheer din dahil pasok ang kanilang kaibigan at patuloy na nag announce ang host para sa Top 2 sa mga lalaki.

"Okay! Next, sa male category! Pumunta ka na sa pwesto mo, Mr. Kit ng Management Team ulit! Wow! Parehas nakapasok ang participants ng Management team! Palakpakan natin sila!"

Nagsigawan ang Management team ulit dahil dalawa ang pasok sa kanilang department. Kinakabahan na ang Operations team dahil hindi pa natatawag sina Chris at Jade.

Nagsalita na ulit ang host para i-announce ang susunod na papasok.

"All right! Next up! Sa female category ulit tayo! Magready ka na, dahil ikaw na ang susunod na pupwesto sa gitna. Mula sa Operations team! Ms. Jade!"

Nagsitalunan ang mga nasa Operations team dahil si Jade ang huling tinawag para sa mga babae.

At ngayon naman ay kinakabahan na si Jin dahil ang male category na ang susunod.

Nagsalita na muli ang host upang mag announce, "Next up! Sa male category naman tayo! Ang papasok sa ating top 2  ay si... pumwesto ko na sa gitna dahil hinihintay ka ng ibang mga nanalo at maghanda ka na mula sa Research and Development team! Mr. Julian! Palakpakan natin siya!"

Nalungkot ang lahat ng nasa Operations team nang hindi tinawag si Chris. Pati sina Jade at Luna na pasok sa top 2 ay nadismaya din. 

Napatingin si Chris kay Jin at disappointed siya dahil hindi siya nakapasok sa top 2. Tiningnan naman siya ni Jin pabalik at sumesenyas ng okay sign pampalakas ng loob niya, ngunit labis pa rin ang disappointment na nararamdaman niya.

"Sayang, hindi pumasok si Chris. Si Ms. Jade na lang ang i-cheer natin." bulong ni Jin kay Jon.

Inakbayan ni Jon ang batang Jin para damayan ito sa pagkabalisa, at sa pagkakataong ito ay hindi tinanggal ni Jin ang kamay niya.

Nagsalita na muli ang host para sa mga susunod na announcement.

"Okay! Dahil nandito sa gitna ang ating mga kasama sa top 2, hindi pa tapos ang ating surprises! Dahil mayroon pa tayong isa pang idadagdag for both categories! Stay put lang ang mga hindi natawag. Ang susunod natin ay voting system! May dalawa pang madadagdag na papasok sa next round! Kung sino ang mananalo sa voting/fan favorite natin, ay siyang papasok at makikipag lalaban para sa title ng Mr. and Ms. Star of the night!"

Tila nabuhayan ng loob ang mga nasa Operations team dahil may pag-asa pa na matawag si Chris. Si Jin naman ay natuwa dahil pwede pang matawag si Chris at pumasok pa sa Top 3.

Nag salita na muli ang host para sa gagawing voting system/Fan favorite.

"Para sa ating gagawing fan favorite, ang gagawin natin ay voting system! Kunin niyo na ang inyong mga phones, dahil sa inyo nakasalalay ang magiging kapalaran ng ating mga natitirang participants!"

Kinuha na ng lahat ng audience ang kani-kanilang phone at nakaready na para sa mga susunod na gagawin.

"All right, buksan ninyo ang ating Mr. and Ms. Star of the Night App sa inyong mga phones, at makikita niyo ang Events Stream sa homepage ng inyong app. Pindutin niyo iyon at lalabas ang option para sa ating Voting system. Makikita niyo ang list ng mga participants na pagpipilian. Isang beses lang pwedeng bumoto. Naka grayed-out na sina Luna, Jade, Kit at Julian sa mga pagpipilian. Magkakaroon tayo ng 5 minutes time frame para sa voting system. Ang timer ay nasa ating screen at magsisimula na tayo, in 5, 4, 3, 2, 1! Go! Voting lines are now open!"

Busy ang lahat sa pag vote ng kani-kanilang mga pambato. Lahat ng Operations team ay binoto si Chris, habang Si Chris naman ay kinakabahan na sa kanyang pwesto at nakatingin lamang siya kay Jin.

Meanwhile, nag-usap sina Jade at Luna habang hinihintay na matapos ang voting system.

"Girl, sana pumasok si Chris! Ito na lang ang pagasa natin!" hirit ni Jade.

"Amen! Papasok 'yan si Chris, Ms. Jade! Magtiwala tayo!" sagot ni Luna.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"5, 4, 3, 2, 1 and time is up!" Natapos na ang timer at nagsalita na ang host para sa mga announcements, "Okay! Tapos na ang ating Voting system and voting lines are now officially closed! Tinatally na lang ito ng ating mga coordinators! Sino sino kaya ang papasok para sa ating susunod na round!"

"Kinakabahan ako! Papasok ba si Chris? Sabihin mo sa akin! Hindi ko na kasi kinakaya 'yung mga pangyayari!" bulong ni Jin kay Jon at labis ang kaba niya.

"Hintayin na lang natin yung results." natatawang sagot ni Jon at binitin na naman si Jin.

Biglang lumabas na screen ang dalawang box na may silhouette ng dalawang participants na papasok sa next round at nag salita na muli ang host.

"Mukhang nandito na screen ang results! Ready na ba kayo malaman kung sino ang last na papasok?"

Naghiyawan ang lahat at excited na kung sino-sino ang papasok para sa susunod na round.

"Simulan na natin sa female category! Ang may pinakamataas na votes para sa mga babae ay si… I-reveal na natin!" Dahan dahan nag fade in ang color ng silhouette ng isang babae sa box, "pumwesto ka na... Ms. Lizzie ng Finance team!"

Naghiyawan ang mga nasa Finance team dahil pasok ang isa sa kanilang mga participants.

Kinabahan na naman ang buong Operations team dahil isa na lang ang tatawagan at dinadasal nila na sana ay si Chris na ito.

"Okay! Ito na ang pinakahihintay natin! Ang kukumpleto sa ating Top 3! Sino kaya siya? Mag ready ka na—" Dahan dahan nag fade in ang color ng silhouette ng isang lalaki sa box na nasa screen, "pumwesto ka na sa gitna dahil tuloy pa ang laban mo—"

Tila hindi na makapagpigil ang mga nasa Operations team dahil sa tindi ng suspense na ibinibigay ng host sa kanila. Si Jin naman ay nakatitig lang kay Chris, habang nakatitig naman ito pabalik din sa kanya.

Muli na nagsalita ang host para i-announce na ang papasok sa next round.

"Maglakad ka na at pumunta ka na sa gitna! Mula sa... Operations Team! Mr. Chris!"

Sabay na nanlaki ang mga mata ni Jin at Chris habang magkatitigan sila nang marinig nila na binanggit ng host ang Operations Team.

Nagtalunan ang lahat ng nasa Operations team dahil sa labis labis nilang tuwa. Dalawa din sa kanilang department ang nakapasok.

Bakas ang labis na saya  ni Chris sa kanyang mga mata at sa ngiti, dahil pasok siya sa top 3. Buong magdamag ay nakatingin lang siya kay Jin at nakita niya ang reaction nito na masayang masaya para sa kanya, kaya mas lalong lumakas ang loob niya na galingan pa sa susunod na round.

Nang makatayo na ang top 3 ng mga girls at boys sa gitna ng stage, ay pumwesto na sa gitna ang host at nagsimula na mag salita.

"Dahil nandito na ang top 3 natin at nakita na rin natin ang talents nila, kaya next naman na ite-test ay ang kanilang wits! Oo, nasa Q and A portion na tayo ngayon! May dalawang rounds ang ating Q and A. Sa Round 1 muna tayo! Pabubunutin natin sila ng number kung sino ang mauuna at kung anong tanong ang makukuha nila. So bumunot na kayo lahat!"

Pinabunot ng host ang lahat ng kasali sa top 3 sa isang bowl na may numbers na nasa harap nila.

Sa babae:

1 - Lizzie

2 - Jade

3 - Luna.

Sa Lalake:

1 - Kit

2 - Julian

3 - Chris.

Nauna nang tinawag si Lizzie para sa kanyang tanong. Lumapit na siya sa tabi ng host at bumunot sa bowl na hawak ng host.

Nagsalita na ang host para sa tanong na nakuha ni Lizzie.

"Ang nakuhang question ni Lizzie ay 'Kung last day mo na sa earth, anong lugar ang pinakahuli mong pupuntahan at bakit?'"

"If last day ko na sa earth, ang pinakahuli kong pupuntahan, if nabubuhay pa ang parents ko, kahit nasaang lugar man sila, kahit saan mang sulok ng mundo, ay pupuntahan ko sila. Dahil noong unang araw ko dito sa mundo, sila ang kasama ko. Gusto ko, sila pa rin ang kasama ko sa huling araw ko sa mundo."

Naghiyawan ang lahat sa sagot ni Lizzie at bumalik na ulit siya sa kanyang pwesto at nag salita na muli ang host.

"Napakaganda naman ng sagot ni Ms. Lizzie! Okay, next naman natin ay si Ms. Jade ng Operations Team!"

Tumungo na si Jade  sa tabi ng host para sa kanyang question.

"Ang question na nabunot mo ay 'Kung sa susunod na buhay ay magiging isa kang lalaki, ano pinakagusto mong gawin at bakit?"

"Pasensya na po sa inyong lahat, medyo SPG itong isasagot ko. Pero dahil ito ang tanong, at gusto ko malaman ang feeling kung maging lalaki man ako, ang pinakagusto kong gawin ay mag j**ol wooh!" proud at pabirong sinabi ni Jade na may kasamang sigaw at sumasayaw pa ang mga balikat.

Bumalik na si Jade sa kanyang pwesto at natawa ang lahat sa sinagot ni niya. Humiyaw naman ang halos lahat ng kalalakihan dahil sa sagot niya. Pati rin sina Jorge ay tawang tawa sa sagot niya dahil pati ba naman sa Q and A ay mapagbiro pa rin siya.

"Oo nga naman! Siempre curious lang din si Ms. Jade! Good one! Palakpakan natin siya! Dahil dyan, ang susunod naman natin ay si Ms. Luna at pumunta ka na sa tabi ko."

Tumungo na si Luna sa tabi ng host at nabunot na ang kanyang question.

"Ms. Luna, ang question na nabunot mo, 'Anong pipiliin mo, ang mabuhay ng immortal ngunit malungkot o ang mabuhay ng panandalian ngunit masaya?'"

"Para sa akin, mas gusto ko ang mabuhay ng panandalian lang ngunit masaya. Dahil sabi nga nila, Y.O.L.O. Sa mga sandali ng buhay ko, kung magawa ko lahat ng gusto ko, pakiramdam ko na-achieve ko ang lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko. Gusto kong gawin lahat ng bagay na magpapasaya sa akin, kaysa manatili akong malungkot panghabambuhay na para akong habambuhay na pinapatay sa damdamin ko."

Bumalik na si Luna sa kanyang pwesto at pinalakpakan naman siya ng kanyang mga teammates at pati narin ang dalawang Jin.

"Napakagandang sagot, Ms. Luna, thank you sa'yo. Okay, dahil tapos na ang ating mga girls, next naman ay sa mga boys na tayo. Mauuna si Mr. Kit!"

Tumungo na si Kit sa tabi ng host at nakuha na rin niya ang kanyang question.

"Ang question mo ay, 'Kung may isang wish ka na matutupad, ano ito at bakit?'"

"Kung may isang wish ako, gusto ko magkaroon ng kapatid. Dahil wala akong kapatid, at naiinggit ako sa iba na may mga kapatid. Parang ang saya nila lalo na kapag may mga bagay sila na gustong i-share sa isa't isa."

Pagkatapos sumagot ni Kit, ay naghiyawan ang mga nasa Management team at bumalik na rin siya sa kanyang pwesto, at nagsalita na muli ang host.

"Palakpakan naman natin si Mr. Kit sa kanyang sagot! Okay! Next naman natin ay si Mr. Julian!"

Si Julian naman ang tumungo sa tabi ng host at bumunot para sa kanyang tanong.

"Ang tanong mo ay 'Magiging masaya ka ba na makitang masaya ang taong mahal mo sa piling ng iba? Oo o hindi?'"

"Sa pagkakataong ito, Oo. Mas mapapanatag ang loob ko na makitang masaya ang taong mahal ko sa iba, kaysa makita kong siyang malungkot kung ako man ang kasama niya at hindi niya naman mahal. Basta naka suporta lang ako sa kanya kung saan ang kaligayahan niya, dahil para sa akin, 'yun ang mas mahalaga."

Ngumiti si Julian pagkatapos niya sumagot at tiningnan niya si Jin na pumapalakpak para sa kanya at bumalik na rin siya sa kanyang pwesto. Naghiyawan ang mga nasa Research and Development team sa kanyang sagot at muli nagsalita na ang host.

"Aba naman, napaka mapagpaubaya pala nito ni Mr. Julian. Palakpakan natin siya! Ang susunod naman ay si Mr. Chris!"

Naglakad na patungo sa tabi ng host si Chris at tila hindi siya kinakabahan at buo ang loob niya. Bumunot na siya ng kanyang magiging question at ibinigay na ito sa host.

"At ang tanong mo ay, 'Kung makakabalik ka ng oras or sa past ng 1 minute, sa anong pagkakataon gusto mong bumalik?'"

Nagtinginan ang dalawang Jin sa tanong kay Chris dahil tungkol ito sa pagbalik sa oras, at inabangan nila ang sagot nito.

"Gusto kong balikan ang araw na kasama ko pa ang mama ko. Gusto ko ulit makita ang mga ngiti niya sa isa pang pagkakataon ng mas malinaw. Gusto ko ulit maramdaman ang pagmamahal ng isang ina na maagang nawala sa akin kahit isang minuto lamang."

Naghiyawan ang buong Operations team sa sinagot ni Chris at pati na rin ang dalawang Jin ay labis na natuwa sa isinagot ni Chris sa kanyang tanong.

Habang pabalik si Chris sa kanyang pwesto, hindi napigilan ni Jin na itanong ang tungkol sagot ni Chris kay Jon.

"Jin Tanda, kung nakabalik ka dito sa oras ko, kaya mo ba gawin 'yung gusto ni Chris? Kaya mo ba pabalikin si Chris sa time na makikita niya yung mama niya?"

"Ito talaga ang pinaka-reason kung bakit naplano ang pagbuo ng time machine, ang mabigyan ng pagkakataon si Chris na makabalik sa oras para sa mga hiling niya at makita ang mama niya ulit. Sa kasamaang palad, nawala siya at kinailangan ko itong gamitin para ibalik si Chris." nasa isip ni Jon. "Hindi ko alam, pero pwede natin subukan, Jin. Gusto mo ba gumawa tayo ng time machine?" tanong ni Jon.

"Oo! Gusto ko makita ni Chris 'yung mama niya kahit isang beses. Tulungan mo kami, please?" Pakiusap ni Jin.

"Wag ka magalala, tutulungan kita. Makikita ni Chris ulit ang mama niya. Pero teka, kilala mo ba mama niya?" tanong ni Jon, at natatawa siya sa kanyang sarili dahil hindi niya pa nakikita o nakikilala ang mama ni Chris.

"Nakita ko lang sa picture noong araw na pumunta ako kina Chris. Nakita ko 'yung wedding photo ng parents niya. Nakalagay doon 'Villafuerte-Mapa Wedding'. Ikaw ba nakita mo na?" paliwanag ni Jin.

Nagulat si Jon sa narinig niyang surname na tila pamilyar sa kanya.

"Ano nga 'yung nakalagay sa photo? Kaninong wedding?" nagtatakang tanong ni Jon.

"Paulit-ulit? Hindi mo ba kilala 'yung mama ni Chris eh mas matagal mo na siyang kasama?"

"Hindi! Never ko narinig pangalan ng mama ni Chris. Ano nga ulit, kaninong wedding?" tanong ni Jon at pursigido siya na marinig ulit ang surname ng mama ni Chris.

"Villafuerte-Mapa Wedding. Haist! Pambihira, close ba talaga kayo ni Chris?" naiinis na sinabi ni Jin habang umiiling siya kay Jon.

Biglang naalala ni Jon ang pangalan ng street na "V. Mapa" At naisip niya ang sinabi sa kanya ng guard noong nagtanong siya, na ang may ari ng street ay isang mayamang businessman. Naalala niya ang tatay ni Chris ay isa sa mga makapangyarihang businessman at ipinangalan ito sa kanya at sa asawa niya.

"Totoo ba 'tong narinig ko kay Jin? Ang surname ng mama ni Chris ay Mapa? Kung 'yun nga, Ang V sa V. Mapa ay ang surname ni Mr. A na Villafuerte at sa mama naman ni Chris ay Mapa, ibig sabihin sa kanila ang street na 'yun? Si Mr. A. ang may-ari nito? So Alam kaya ni Chris ang tungkol dito? Pero hindi niya alam 'yung lugar noong sinabi niya sa akin sa Voice message. Pero bakit nasa kanya 'yung 306 St. na note? Saan galing 'to? Bakit nasa kanya 'yun?" nasa isip ni Jon at tila mas nagkakaroon na ng mga clues na makakatulong sa kanya.

Tinatapik ni Jin ang balikat ni Jon dahil napansin niya na malalim ang iniisip nito.

"Huy! Sasabihin na 'yung susunod na mga mangyayari, nanonood ka ba?" tanong ni Jin.

"Oo nanonood ako. 'Wag mo ko pansinin, si Chris lang tingnan mo." sinabi ni Jon at patuloy siyang nag-iisip ng tungkol sa nalaman niya.

Meanwhile, nag-announce na ang host muli para sa mga susunod na ganap.

"Ngayong nakasagot na ang ating top 3, ay pipiliin na ang ating papasok sa top 2! Ang susunod na mga pangalan na tatawagin ko ang mag aadvance sa Round 2 ng Q and A! Ready na ba kayo malaman?"

Kabado ang lahat ngunit sabik na rin ang lahat ng audience na malaman kung sino-sino ang mga pasok sa final round.

"'Wag na nating patagalin pa! Ang unang papasok sa ating Top 2 sa girls ay si Ms. Lizzie ng Finance team!"

Naghiyawan ang mga nasa Finance team dahil pasok ang kanilang pambato, at nagpatuloy na sa pag announce ang host.

"Next naman ay si Ms. Luna ng Management team!"

Naghiyawan ang lahat sa Management team, at pinalakpakan naman ng Operations team si Jade dahil umabot siya sa top 3 at proud sila sa kanya. Ngunit, kinakabahan pa rin sila dahil sa mga lalaki naman ang susunod na tatawagin.

"Ready na ba kayo sa guys! Ang susunod na papasok sa ating top 2 ay si Mr. Julian ng Research and Development!"

Naghiyawan ang lahat ng kasama ni Julian sa Research and Development nang marinig ang pangalan niya. Ang Operations team naman ay nakapikit na at nagaabang ng pangalan ni Chris. Ang dalawang Jin ay hindi kumurap at nakatingin lamang kay Chris na nakangiti at hindi kinakabahan.

"At ang susunod naman ay si Mr.—"

Sabik na sabik na malaman ni Jin kung papasok ba si Chris at nakaabang na ang lahat sa susunod na pangalan na sasabihin ng host. Mahigpit rin ang pagkakakapit ng bawat isa sa Operations team at kabado sila sa magiging announcement ng host.

"Ang papasok sa Top 2 natin ay galing sa... Mag ready ka na, dahil ikaw na ang next na papasok! Mula sa Operations Team! Mr. Chris!"

Naghiyawan ang lahat at nagtalunan ang mga nasa Operations Team. Pati na rin ang dalawang Jin, ay tuwang tuwa dahil umabot si Chris sa Top 2. Nagulat si Chris nang matawag siya. Hindi niya inakala ito at okay na siya na umabot sa sa top 3 para sa kanya.

"Tama ba itong narinig ko? Pasok ako sa Top 2? Hala! Hindi ko akalain na aabot ako dito! Ang gusto ko lang naman kahit makakanta ako para kay Jin! Hindi ko inexpect na aabot ako dito! Okay na ako sa 3rd Place pero labis pa ang binigay sa akin!" nasa isip ni Chris at tuwang tuwa siya.

Nakatulala lang si Chris dahil nagulat siya na isa siya sa mga tinawag. Dinala na siya ni Julian sa harap dahil nakatayo lamang siya sa kanyang pwesto at hindi gumagalaw.

"Mukhang hindi makapaniwala si Mr. Chris ah? Okay let's proceed!" natatawang sinabi ng host habang dinadala ni Julian si Chris sa gitna. "Dito sa final round ng ating Q and A, lahat kayo ay may pareparehas na tanong. Ngunit, tatakpan namin ang mga tainga ng mga participants na hindi muna sasagot, para hindi nila marinig ang question, at para fair, magbubunutan muna tayo kung sino ang mauuna at mahuhuli."

Bumunot na ulit sila para sa kanilang order.

Sa babae:

1 - Luna

2 - Lizzie

Sa lalake:

1 - Julian

2 - Chris

Tinakpan na ang mga tainga nila Chris, Julian at Lizzie dahil unang sasagot si Luna.

Pumunta na siya sa gitna upang sumagot sa question para final round.

"All right Ms. Luna, Handa ka na ba sa iyong question for the night?" tanong ng Host kay Luna.

"Handa na po!" sagot naman ni Luna habang nakangiti.

"Ang question is 'Kung may chance na kausapin mo ang younger self mo, ano ang pinakagusto mong sabihin sa kanya?'"

"May isang babae na kapangalan ko ang nagsabi sa akin nito noong bata pa ako, at never ko itong nakalimutan at nainspire ako sa kanya, kaya ito rin ang gusto kong sasabihin ko sa younger self ko. Gusto ko ay magtiwala lang siya sa sarili niyang kakayahan. 'Wag siyang susuko at gawin niya lahat ng magpapasaya sa kanya."

"Thank you sa iyong answer Ms. Luna, maari ka ng bumalik sa pwesto mo."

Sumunod naman si Lizzie at tinanggal na ang headset sa kanyang tainga at pinapunta na sa gitna.

Nang makapwesto na si Lizzie sa gitna, nagsalita na ang host para sa question niya.

"Ms. Lizzie, ito ang ating final question, 'Kung may chance na kausapin mo ang younger self mo, ano ang pinakagusto mong sabihin sa kanya?'"

"Ang gusto ko sabihin sa kanya, be brave and take risks. 'Wag panghihinaan ng loob. Keep moving forward at kung magkamali man siya, ay gawin niya itong lesson para mas maging successful. At higit sa lahat, gusto ko sabihin sa kanya, na maging proud siya sa sarili niya."

"Aba naman! Palaban din ang sagot ni Ms. Lizzie! All right, maari ka ng bumalik sa iyong pwesto. Ang next naman natin ay si Mr. Julian!"

Tinanggal na ang headset ni Julian at pumunta na siya sa gitna para sa kanyang turn.

"Mr. Julian, ang question is 'Kung may chance na kausapin mo ang younger self mo, anong pinakagusto mong sabihin sa kanya?'"

"Ang nais ko lang sabihin sa kanya ay sundin niya 'yung pangarap niya. 'Wag niyang kakalimutan kung bakit siya nagsimulang nagsumikap in the first place at 'wag siyang titigil sa pagkanta."

"Awe, tama! Wag mo siyang patitigilin! Good answer! Maaari ka ng bumalik dahil ang ating last na sasagot for the night, Mr. Chris!"

Pagkatapos sumagot ni Julian ay tinanggal na nila ang headset na suot ni Chris dahil siya na ang susunod na sasagot.

Pumunta na si Chris sa gitna at tinanong na siya ng host.

"Mr. Chris, ang question ay, 'Kung may chance na kausapin mo ang younger self mo, anong sasabihin mo sa kanya?'"

Nagtinginan ang dalawang Jin bago sumagot si Chris, dahil nakaka-relate silang dalawa sa tanong. Napangiti na lang silang dalawa at sabay umiling, at bumalik ng tingin kay kay Chris.

"Sa pagkakataon na makausap ko ang younger self ko, ang nais ko lang sabihin sa kanya, 'wag siyang titigil magmahal. 'Wag niya nang itatago ang nararamdaman niya sa kanyang sarili lamang. 'Wag siyang matatakot at 'wag na 'wag niyang tatanggalin ang mga ngiti na nawala sa akin ng matagal na panahon. Kahit anong mangyari, tatagan niya lang ang sarili niya, dahil maraming nagmamahal para sa kanya."

Naghiyawan ang mga taga operations team, at ang iba ay naiyak sa sinagot ni Chris. Naluha din si Jon sa sinagot ni Chris dahil naalala niya itong gabi na ito, ang gabi kung bakit niya nais na makabuo ng time machine ng mga panahon na ito. Ngayon, gusto niya na matupad ang mga pangarap ni Chris, na hindi nangyari dahil maaga itong nawala. May pagkakataon na siya para baguhin ang nakaraan at matupad ang mga nais ni Chris.

Inakbayan ni Jon ang batang Jin muli at sa pagkakataong ito, hindi ulit tinanggal ni Jin ang kamay ni Jon at hinayaan niya lang ito.

"Okay! Nakasagot na lahat ng ating mga participants! Ngayon ay pinag-uusapan na ng ating mga judges ang final scores at kung sino-sino ang tatanghaling Mr. and Ms. Star of the Night!"

Habang hinihintay ng lahat ang results, kabado na naghihintay ang Operations team sa magiging resulta ng final Q and A.

Pagkatapos mag deliberate ng mga Judges ay ibinigay na sa host ang card para sa list ng mga nanalo, at nagsimula na siya magsalita.

"Nasa kamay ko na ngayon ang mga nanalo para sa ating Mr. And Ms. Star of the Night! Ready na ba kayo?"

Naghiyawan ang mga audience dahil handa na sila malaman kung sino ang mananalo at hindi na makapag-hintay.

"Unahin natin sa mga babae. Ang ating Ms. Star of the night ay si Ms. Lizzie from Finance team!"

Naghiyawan ang lahat sa finance team sa pagkapanalo ni Lizzie. Pinalakpakan naman ng dalawang Jin si Luna dahil sa umabot ito ng 2nd place at masaya sila para sa kaibigan nila.

"Okay! Handa na ba kayo? Para sa ating Mr. Star of the Night! Ang nanalo ay magaling kumakanta!" sinabi ng host at binitin ang mga audience.

"Parehas 'yan kumakanta! Ano ba 'yang clue na 'yan!" sigaw ng isa sa mga audience

"Ang nanalo ay tumugtog ng instrument!"

"Parehas din sila host! Wooh!" sigaw naman ng isa pa sa  mga audience.

"At ang nanalo sa ating Mr. Star of the night, Walang iba kung hindi si Mr.—" at nagsimula na ang drum-roll, "Ang ating this year's Mr. Star of the night ay mula sa Operations Team! Si Mr. Chris! Silang dalawa ang nanalo ni Ms. Lizzie sa voting system, at sila din ang nanalo parehas at nakakuha ng title! Palakpakan naman natin ang dalawang ito, at sa kanilang journey sa Mr. And Ms. Star of the Night! Congratulations to the both of you!"

Nang marinig ni Chris ang kanyang pangalan, ay napaupo siya bigla sa stage dahil ang nasa isip niya ay si Julian na ang mananalo. Nagulat siya nang tawagin ang kanyang pangalan at hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari.

Lahat ay naghiyawan at sinuportahan si Chris. Lahat ay nagcheer para sa kanya kahit sa ibang department ay gusto ang pagkapanalo ni Chris, dahil una pa lang ay siya na ang crowd favorite.

Tuwang tuwa ang dalawang Jin at labis ang kanilang mga ngiti sa pagkapanalo ni Chris. Naalala nila, na ang dating Chris na kilala nila na nasa gilid at nasa tabi lang nakatago, ngayon ay pinapalakpakan at tinitingala na ng maraming tao. Sobrang proud ang dalawa sa nagawang achievement ni Chris para sa kanyang sarili at paglabas niya sa kanyang comfort zone.

Tuwang tuwa naman ang Operations sa pagkapanalo ni Chris at sinisigaw ang pangalan nito.

Binulungan bigla ni Jon ang batang Jin, "Mag ready ka na! Sa mga sususunod na araw, hindi na katulad ng dati. Marami nang aaligid kay Chris. Bantayan mo ah?" pabirong sinabi ni Jon.

Nagulat si Jin at ngumisi na lang siya at patuloy na pinalakpakan si Chris kahit na medyo hirap siya dahil naka cast ang isang braso niya.

Sa stage naman ay lumapit si Luna kay Chris at itinayo ito dahil nakaupo na lang ito at hindi na makatayo sa pangyayari. Tinulungan niya na lumapit sa gitna si Chris upang kunin ang sash, ang crown at ang prizes nito.

"Chris! Tayo na! Panalo ka! Halika na! Naghihintay na sa'yo ang korona, kasi ikaw na talaga! Congratulations Chris! Super proud ako para sa'yo!" nakangiting bati ni Luna.

Tumayo na si Chris at sinamahan siya ni Luna papunta sa gitna ng Stage. Nang isuot na niya ang sash at crown, tumingin siya sa harap at pinagmasdan ang audience. Nakita niya na lahat ay nakatingin sa kanya at pinapalakpakan siya.

Natutuwa si Chris dahil ito ang ka-una unahang beses na nakatanggap siya ng kakaibang treatment sa harap ng maraming tao na hindi niya inaasahan. Ang dati niyang tahimik na buhay at sariling mundo, ngayon maraming tao na ang nakakakita sa kanya.

Nakatayo siya sa harap ng maraming tao, ngunit isa lang dito ang hinahanap niya. Gusto niya makita kung ano ang reaksyon nitong taong ito.

Tiningnan niya si Jin at nakita niya kung gaano ito kasaya para sa kanya at sinesenyasan siya nito ng okay  sign sa malayo at pati na rin si Jon. Biglang naluha si Chris dahil alam niya na masaya si Jin ng sobra para sa kanya.

Nagsalita na ulit ang host pagkatapos mabigyan ng award ang mga nanalo.

"All right guys! Sana nag enjoy kayo ngayon at siempre hindi pa tapos ang event! Meron pa tayong special guest! ang Never the Strangers! Up next na sila kaya abangan! Again, my name is Blue, and this is your host for this year's Mr. And Ms. Star of the night, now signing off!" pagpapaalam ng host at pumunta na siya sa backstage.

Pumasok na sa backstage ang lahat at pinalakpakan ang mga nanalo at niyakap sila ni Will, pinasalamatan at binati ng congratulations.

Niyakap nila Luna at Jade si Chris dahil sobrang saya nila para sa kanilang kaibigan. Nilapitan din ni Julian si Chris upang batiin ito.

Nagaayos na ang iba upang kunin na ang kani-kanilang mga gamit para magligpit at para makanood rin sa concert.

Hinintay ni Chris kung pupunta ba ng backstage si Jin, ngunit hindi ito pumunta pagkatapos niya maghintay ng ilang minuto. Narinig na rin niya mula sa backstage na nagsisimula na kumanta ang Never the Strangers, at naghihiyawan na ang mga audience.

Pumunta si Chris sa labas at nakita niya na ang lahat na nakatayo at magulo na ang pwesto kumpara sa kanina dahil nagsama-sama na ang mga tao at lumapit sa bandang harap ng stage.

Hinanap niya kung nasaan sila Jin para puntahan ito. Habang nasa gitna siya ng maraming tao, ay nag simula nang kumanta ang Never the strangers at pinapatugtog ang kantang "Bago Mahuli Ang Lahat".

Naglalakad at tinitingnan ni Chris ang bawat tao sa kanyang paligid, ngunit hindi niya makita si Jin dahil sa dami ng nagkukumpulan. Habang hinahanap niya sina Jin, narinig niya na may bagong kinakanta ang lead singer ng Never the Stranger at pinapatugtog ang isa sa mga paboritong kanta niya, ang "Moving Closer". Tumigil muna siya sandali para panoorin ito ngunit dahil hindi gano'n kalakihan si Chris ay medyo nahihirapan siya makita ang singer sa stage. Kaya naman tumitingala siya at tumitingkayad para lang makita ito.

Habang pinipilit niya ang kanyang sarili at tumitingkayad dahil hindi niya makita ang pinapanood, ay may biglang humawak sa baywang niya at nagulat siya kung sino ito. Pagtingin niya sa gilid ay si Jin at paglingon naman niya sa likod ay si Jon na nakahawak sa baywang niya.

"Ready ka na Chris? Hindi mo ba makita?" tanong ni Jon.

Nagtaka si Chris sa tanong ni Jon at bigla siyang nagulat nang buhatin siya nito at pinatong sa mga balikat nito.

Nang makaupo na si Chris sa mga balikat ni Jon, ay kitang kita niya na ang stage at tuwang tuwa siya. Nakahawak lang siya sa ulo ni Jon para hindi siya malaglag, at pinagmamasdan ang stage na labis ang mga ngiti at mga mata niya na tila kumikislap dahil sa pagkamangha.

Tiningnan ni Jin si Chris at kitang kita niya kung gaano ito kasaya.

"Sorry, Chris, hindi kita mabuhat kasi may pilay ako, kaya si Jin Tanda muna ang bubuhat sa'yo." bulong ni Jin.

Pumunta siya sa harap ni Jon at Chris at doon pumwesto.

Nang makapwesto na si Jin sa harap ng dalawa, tumingin muna siya kay Jon at nginitian niya ito habang pinapanood ang Never the Strangers sa stage. At pagkatapos ay tumingin naman si Jin kay Chris at patuloy niyang pinagmamasdan ito na masayang nanonood.

"Bigyan mo pa ko ng kaunting oras, Chris. Hintayin mo ko. At kapag handa na ko, sasabihin ko sa'yo ang nararamdaman ko." nasa isip ni Jin.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Tapos na ang lahat ng event, at nasa labas na ng building si Jin kasama sina Jon at Chris. Habang nakatayo lang sila, biglang nagtanong si Chris kung gusto ba nilang mag celebrate.

"Jin, Sir Jon, gusto niyo ba mag celebrate tayo ngayong gabi? Para sa pagkapanalo nila Jin sa basketball tapos 'yung sa akin din." nakangiting tanong ni Chris.

Nagkatinginan ang dalawang Jin at nag ngitian sila, at biglang nagtanong si Jin.

"Hindi ka ba hanapin ng papa mo niyan, Chris? Baka mamaya mapagalitan ka?" pabirong sinabi ni Jin.

"Hindi uuwi si papa ngayon, nasa ibang bansa siya ngayon dahil sa business trip nila" paliwanag ni Chris.

"Edi kung gano'n, tara na!" hirit ni Jon.

"Saan pala tayo mag ce-celebrate?" tanong ni Jin.

"Sa Jinny's! Nandoon na sila Ms. Jade, pati si Luna tsaka iba pa nating teammates. Nauna na sila sa atin, hintayin na lang natin si Mr. Jill, kasi sabi ko ihatid tayo doon."

Pagkadating ni Mr. Jill, nakita niya si Chris na may sash at may nakasuot na crown. Nagulat siya nang makita niya ito, "Sir Chris? Bakit ka nakasuot ng gan'yan tsaka bakit may korona ka din?"

"Alam niyo po ba, Mr. Jill, Si Chris lang naman po ang nanalo sa Mr. Star of the night sa buong company!" proud na sinabi ni Jin.

Laking tuwa ni Mr. Jill nang marinig niya ito, at napatulo ang luha niya na agad niya namang pinunasan.

"Sir Chris, congratulations at nanalo ka! Sir Jin, maraming salamat din sa pagsuporta kay Sir Chris."

"Wala po 'yun! Si Chris po lahat may gawa at saka magaling po pala kumanta si Chris?" hirit ni Jin.

Mas natuwa lalo si Mr. Jill nang marinig niya na kumanta si Chris. Matagal na panahon na din nang huli niyang marinig si Chris na kumanta noong nabubuhay pa ang mama nito. Napatingin siya bigla kay  Jon dahil ngayon niya lang ito nakita ng harapan.

Nanlaki ang mga mata ni Jon dahil tinitingnan siya ni Mr. Jill at medyo nailang siya.

"Mr. Jill, si Sir Jon nga po pala, kapatid ni Jin." pakilala ni Chris.

"Ah, Sir Jon, parang pamilyar ang mukha mo. May kamukha ka na matagal ko ng kakilala dati. Hmmm, nagkita na ba tayo dati?"

Iniisip ni Mr. Jill kung saan niya nakita ang mukha ni Jon at tila parang pamilyar ang mukha nito para sa kanya. Isang tao na matagal niya ng kakilala.

"Ahh baka ako po 'yung nakikita niyo kay kuya Jon, Mr. Jill, kasi medyo magkamukha kami." Biglang sumingit si Jin upang hindi na mag isip pa si Mr. Jill.

"Oo nga! Magkamukha nga kayo, Sir Jin. Sige na at pumasok na kayo sa kotse para maihatid na namin kayo."

Nakapasok na silang lahat sa loob ng kotse ni Chris. Habang papunta sila sa Jinny's, nagbubulungan ang dalawang Jin.

"Sabi kanina ni Mr. Jill parang may kamukha ka daw na kakilala niya. Nagkita na ba kayo dati?" bulong ni Jin.

"Hindi ko alam. Noong pumunta ako dito, hindi pa kami nagkakausap ni Mr. Jill. Hayaan mo na!" bulong ni Jon.

Nang makarating na sila sa Jinny's, ay punong puno ang lugar at halos walang bakante sa mga table. Maingay, nagkakatuwan at naghihiyawan ang lahat.

Pagkababa nila Jin sa kotse ay biglang sumigaw si Luna.

"Jin! Chris! Keye Jeeeennn! Endete pe keme! Dete pe keyee!" Biglang sumigaw si Luna at nilapitan naman siya  ni Jade.

"Girl, ano nangyari sa'yo ba't puro 'E' na lumalabas sa bibig mo?" tanong ni Jade at natatawa siya kay Luna.

"Eh Ms. Jade, nand'yan kasi 'yung kapatid ni Jin. Ang hot kasi, tsaka pag nakita mo 'yung katawan niya, matutunaw ka!" napatili bigla si Luna, "Tapos 'di ko alam, biglang nagiging puro 'E' na 'yung vowels pag nag sasalita ako!" natatawang sagot ni Luna.

"Ay gusto ko 'yan! Mamaya, kunwari madudulas ako tapos matatapon 'yung tubig sa t-shirt niya! Tapos mag huhubad siya para magpalit!" bulong ni Jade

"Ms. Jade, I love it! Gusto ko 'yang plano mo na 'yan!" bulong ni Luna habang natatawa siya sa plano ni Jade.

"Wala pa ba siyang partner? Baka mamaya malagot tayo ah?" biglang nag alangan si Jade.

"Sa pagkakaalam ko, Ms. Jade, wala pa. Pero alam mo ba noong una kaming nagkita, binigyan niya ng back hug si Chris!" bulong ni Luna habang kinikilig na nagkukwento.

"Talaga? Napakahaba naman ng buhok nito ni Chris! Tingnan mo, parehas na magkapatid may gusto sa kanya! Grabeng plot twist 'to para sa kanilang tatlo!" hirit naman ni Jade.

Lumapit na sina Jin sa upuan nila Luna at kinamusta sila.

Hinanap ni Jin si Rjay dahil kanina niya pa 'to hindi nakikita at tinanong niya si Luna.

"Luna, hindi mo ba kasama si Rjay? Parang hindi ko siya nakita pagkatapos ng basketball match?"

"Hmm. Hindi ko na din siya nakita kanina, kahit sa Midnight Hall. Hindi ko alam kung nasaan siya."

Umorder na sila Jin at habang hinihintay ang kanilang food and drinks, ay may biglang nagsalita sa stage.

Isang pamilyar na boses—

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Sana po ay nasarapan kayo sa food ngayon at mag enjoy lang po kayo! Para sa inyo lahat ang kanta na 'to!"—si Julian na nasa stage para sa kanyang Gig.

"Wuy! 'Yung friend nating singer! Go Julian! Woooh!" sigaw ni Jade.

Natawa at napangisi na lang si Julian dahil sa tili ni Jade.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Pagtapos kumanta ni Julian ay pinalakpakan siya ng lahat at bigla siyang may inannounce muli.

"Dahil nandito ang ating Mr. Star of the night, pakantahin naman natin siya sa stage!"

Nagulat si Chris at umiiling dahil nahihiya siyang kumanta sa harap. Lahat ng nasa Jinny's ay sinisigaw ang pangalan ni Chris at pinapapunta sa harapan para kumanta.

"Chris, sige na, isang kanta lang." nakangiting pakiusap ni Jin.

Wala nang  nagawa si Chris dahil 'pag si Jin ang nagrerequest hindi niya kayang tumanggi. Tumayo na siya at lumapit kay Julian. Medyo nahihiya pa siya  habang naglalakad papunta sa stage ngunit pinapalakpan na siya ng lahat.

Nang nakatayo na sa stage si Chris, ay tinanong ni Julian kung anong kakantahin ni Chris at si Julian na ang mag gigitara para sa kanya.

"Hindi okay lang, ako na lang ang tutugtog. Pwede ko hiramin 'yung gitara mo?" tanong ni Chris.

"Marunong ka din pala mag gitara? Wow! Ikaw na ang maraming alam sa instruments! Oh ito." Inabot na ni Julian ang gitara kay Chris at iniwan niya na ito sa stage.

Umupo na si Chris at pumwesto. Nakangiti siya ngunit bakas pa rin ang hiya sa mga kilos niya.

Biglang naghiyawan ulit ang lahat, at pinalakpakan si Chris para mas lumakas ang loob nito. Nagsimula na rin si Chris tumugtog ng gitara.

"Marunong pala si Chris mag gitara din? Ano 'to? Marami siyang instruments na alam na hindi natin alam na marunong siya? Ano pa tinatago ni Chris na mga talent?" bulong ni Jin kay Jon habang pinapakinggan niya na tumutugtog ng gitara si Chris.

"Sa totoo lang, 6 na instruments ang kaya niyang tugtugin! Piano, acoustic guitar, cello, saxophone, drums, at pati na rin pag harp di niya pinalampas! Alam mo namang gifted child 'yan si  Chris!" hirit ni Jon.

Nang magsimula na kumanta si Chris at marinig na ng lahat ang napakalamig na boses niya, tumahimik na ang mga kumakain sa Jinny's at dinadamdam ang kanta niya.

Tile: Until We Sleep

Composer and Singer: Gonzo(Leyo)

Making yourself

trying to find the peace,

in this lonely night

which i would want to cease....

Tomorrow might be

a good place to come and see.

I'd like a dream,

to be with you at sea....

I love the moon,

that watches over us.

Remember the sun,

that slowly comes up too soon....

Together, we'll watch it,

until we sleep.

The sound of the night,

is so warm and calm....

I can see the stars

that lights up the darkest night.

Forever I'll pray,

that you won't go away....

I'll hold your hand

and never let go again.

Mas lalong narerelax ang lahat dahil sa malamig na simoy ng hangin sa lugar, dagdagan pa ng magandang view ng ilog at ang boses ni Chris nakakagaan ng pakiramdam.

Halos ang iba ay nakapikit na lamang at pinapakinggan ang magandang tono ng boses ni Chris. Ang dalawang Jin naman ay nakatingin lang kay Chris habang kumakanta ito.

Biglang lumapit si Julian kay Jin, at may inabot na papel. Ngumiti kay siya kay Jin at pagkakuha nito sa papel at umalis na siya.

Nang makaalis na si Julian, ay binasa ni Jin ang sulat.

Hi Jin, Gusto ko lang mag thank you na nakilala kita sa maikling panahon. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, pero bigla kitang nagustuhan. Sorry! Oo nga pala, Last mo na 'to na makikita ako. Aalis na ko at mag aaral sa ibang bansa para sa pangarap ko. Good luck sa inyo ni Chris. Kung sino man ang maging single sa inyong dalawa ni Chris pagbalik ko, siya 'yung una kong lalapitan. Parehas ko pa kayong nagustuhan sa magkaibang paraan haha! Thank you ulit Jin at naging kaibigan ko kayo! - Julian

Nakangiti lang si Jin nang mabasa niya ang sulat, ngunit sa isang banda, nalulungkot din siya dahil nalaman niya na aalis na si Julian. Tiningnan niya si Jon at kinausap niya ito.

"Kaya pala nakalimutan mo na 'yung boses ni Julian noong unang beses natin siya narinig kumanta, kasi sandaling panahon lang natin siya nakasama. Nakakalungkot lang kung kailan may bagong kaibigan, tsaka naman aalis agad. Tsaka kahit may gusto siya sa aming dalawa ni Chris, mabait na kaibigan si Julian, kaya okay lang sa akin." malungkot na pagkakasabi ni Jin.

"Gano'n talaga, may mga kaibigan tayo na biglang dadating at bigla rin mawawala. Pero at least, nakakilala tayo ng mga tao na naging parte ng buhay natin." nakangiting sagot ni Jon.

"Napaka Cheesy mo! Haist! Ayaw ko maging ganyan!" pabirong sinabi ni Jin.

Nang matapos kumanta si Chris, ay pinalakpakan na ulit siya at hiniyawan. Bumalik na rin siya sa kanyang sa pwesto sa tabi ni Jin.

Lahat ay nag-iinuman lang at nagsasaya sa gabing iyon. Walang iniisip na problema at nag ce-celebrate ng kani-kanilang mga panalo.

Habang nagkukuwentuhan sila, ay sinimulan na ng dalawang babae ang kanilang plano kay Jon.

"Guys, kukuha lang ako ng tubig, sinong may gusto?" tanong ni Jade sa mga kasama niya sa table.

Nagtaas ng kamay si Jon dahil gusto niya ng tubig.

Nagtinginan ng palihim sina Luna at Jade at naka ngiti na silang parehas.

Umalis na si Jade at pumunta sa counter upang humingi ng 2 glasses of water at dinala ito papunta sa table nila.

Lumapit na si Jade sa upuan ni Jon, at sinadya niya na matabig ang tubig sa t-shirt nito.

"Hele, Keye Jen! Nebeshe ke! Sheree" sigaw ni Luna nang makita niya na nabasa na si Jon.

Dahil nabasa ang damit ni Jon, ay hinubad niya ang kanyang t-shirt agad agad, na siya namang nakita din ng dalawang babae ang tinatagong magandang pangangatawan nito.

"I'm sheree, Jen, hende ke sheneshedye, hende ke ete geneste! Peteweren me eke!" Biglang nagsalita si Jade ng puro 'E' na vowels na parang kay Luna nang makita niya ang katawan ni Jon. (subtitle: I'm sorry, Jon, hindi ko sinasadya. Hindi ko ito ginusto, patawarin mo ako.)

Biglang humalakhak si Luna dahil natawa siya sa kung paano mag salita si Jade at biglang sumingit si Jin,

"Natatawa ka ngayon, Luna, eh ganyan ka magsalita 'pag kausap mo si Kuya Jon! Ngayon alam mo na? Na wala kaming maintindihan sa sinasabi mo 'pag puro E 'yung lumabas sa'yo?" natatawang sinabi ni Jin.

Nagtawanan ang lahat, pati na rin si Jon. Masaya lang ang lahat sa gabing iyon.

Meanwhile, habang nagsasaya ang lahat, may isang lalaking nakatayo sa labas ng Jinny's restaurant, pinagmamasdan sila Chris at kinukuhaan sila ng litrato. Habang kumukuha ng litrato ang taong ito na nakatayo sa labas ng Jinny's resraurant, biglang nagflash ang ilaw ng camera. Dahil dito, kahit nasa medyo may kalayuan itong taong kumukuha ng litrato, ay napansin ito ni Chris. Nagtaka siya dahil parang may naaninag siyang umilaw sa labas ng Jinny's, kaya tinanong niya si Jin.

"Jin, nakita mo ba 'yung nag flash na ilaw sa entrance ng Jinny's?" tanong ni Chris.

"Wala naman? Baka 'yung mga ilaw lang sa labas. Baka may pumutok." paliwanag ni Jin  at sabay uminom ng beer.

Hindi na rin masyadong pinansin ni Chris ito at nagpatuloy na lang sa pakikipagkwentuhan.

Habang nakikinig sila sa mga kwento, tuwing magtatagpo ang mata nina Jin at Chris, ay nakangiti lang sila sa isa't isa na tila may kasama itong kilig.

"Akala ko, pagkatapos ko sabihin 'yung message ko para kay Jin sa kanta ko kanina, maiilang na siya sa akin at hindi na ko papansinin. Buti na lang nandito pa rin siya sa tabi ko. Pero natatakot pa rin ako, dahil mapanganib pa rin para sa aming dalawa ni Jin. Pero gusto ko subukan magmahal. Gusto ko maramdaman magmahal at mahalin ni Jin." nasa isip ni Chris.

Hinawakan ni Jin ang ulo ni Chris at ngitian niya lang ito, habang sina Luna at Jade naman ay ginagaya silang dalawa at inaasar.

Si Jon naman ay pinapanood lamang sina Jin at Chris at nakangiti, ngunit may itinatagong mga tanong sa kanyang isipan.

"Chris, may mga gusto akong itanong sa'yo, pero hindi ko alam kung pwede ko bang gawin 'to. Hmmm, pero tingin ko hindi pa 'to 'yung tamang oras. Ako muna ang gagalaw." nasa isip ni Jon.

End of Chapter 20