webnovel

Make you mine

Jin Cielo is the pampered princess of Giua family. Perfect na sana ang pagiging princesa niya kung hindi lang siya palaging iniiwan ng mga nagiging boyfriend niya. then one day ang pinapangarap niyang perfect night para sa bago niyang boyfriend ay nauwi sa disaster! sa halip na ang boyfriend niya ang kasama niya ay nagising siya sa kama ng bestfriend ng kuya niya!

Anne_ter17 · Urbano
Classificações insuficientes
21 Chs

Chapter 17 Sleep Over

"Vince," kinalabit pa ni Cielo ng bahagya ang braso nito "nagugutom na ako, daan kaya muna sa resto ni kuya Junno?"

"Negative po! eleven pm na at siguradong nasa JnJ's na si Junno." bahagya lang itong lumingon sa kanya.

"E di sa bar nalang tayu pumunta, maaga pa naman e!" medyo nakatulis pa ang nguso niya.

"Sa bar? ng ganyan ang itsura mo? no way!" halos mabali ang leeg ni Vince sa pag iling," Kung talagang gutom kana, daan nalang tayo sa bahay ko, ipagluluto nalang kita!"

Bahagyang napayuko si Cielo at sinipat ang suot nyang gown, oo nga naman! mababa ang neckline ng gown niya at sumisilip ang bubong ng kanyang dibdib. "Okay!" sagot niya dito, nagconcentrate nalang si Cielo sa mga street light na nadadaanan nila.

Nagsisimula ng pumikit ang mga mata ni Cielo sa pagkakahiga nya sa sofa ng bahay ni Vince, doon lang siya pinaghintay nito habang naghahanda ng pagkain para sa kanya kaya naisip nyang maglaro nalang ng brick game para malibang, ilang minuto na rin ang lumipas at plak!!! "Ouch!" nabitiwan nya ang kanyang cellphone at pumatak iyon sa kanyang mukha, sakto sa ilong! halos maiyak sya sa sakit kaya bigla syang bumangon para mabawasan sana ang sakit ng ilong nya.

"What happened to you?" nag aalalang tanong sa kanya ni Vince ng madatnan siya nitong nakapikit at tinatakpan ng kaliwang kamay ang nasaktang ilong. dali dali nitong inilipag sa mesitang katapat ng sofa ang dala dalang tray.

"Nagpatak yung phone ko sa mukha ko e!" maktol niya dito, "bakit kase ang tagal mong maghanda ng pagkain? nainip na tuloy ako!" pagalit nyang sagot para matakpan ang hiyang nararamdaman.

"Patingin nga?" dahan dahang inalis ni Vince ang kamay ni Cielo sa mukha nya, "Aw, shit!" bigla itong nataranta ng makitang dumurugo ang kanyang ilong, "don't move, kukuha lang ako ng gamot!" Inabutan muna sya nito ng tissue bago patakbong pumasok sa kwarto nito.

Dahan dahang pinunasan ni Cielo ang ilong nyang parang may sipon dahil sa pagtulo ng dugo. Pagbalik ni Vince ay dala na nito ang medicine kit nito.

"Gamutin muna natin yan bago ka kumain!" inalis nito ang tisyung ipinasak niya sa butas ng kanyang ilong. Marahan nitong idinikit sa ilong nya ang cotton buds na may malamig na ointment para kumalma ang balingusan nya at ng tumigil na ang pag dugo niyon.

"Ouch!" bahagya pang napaurong si Cielo ng maramdaman ang paglapat ng gamot sa ilong nya kaya hinawakan sya ni Vince sa batok para mapanitili sya sa pwesto nya. "Vince, pwede ba akong magtanong?" saad nya ng matapos ito sa paglalagay ng gamot.

"What?" habang ibinabalik nito ang mga gamot sa lagayan nito.

"Bakit matagal ka na atang hindi nag gegirlfriend?"

Napabuntong hininga muna si Vince bago sumagot sa kanya, " I have a lot of responsibility as of now, saka hindi naman ako nagmamadali sa pagkakaron ng girlfriend! why did you ask?" inilack na nito ang medicine kit na ginamit.

"Wala naman, nakucirious lang! medyo matagal na rin kase akong walang balita sa lovelife mo kaya naiintriga ako!" masamang tingin ang naging tugon sa kanya ng binata.

"My dear little princess! nagiging tsismosa kana ata ngayun? epekto ba yan ng sunod sunod mong break up? o gutom na gutom kana talaga kaya kung ano anong pumapasok jan sa isip mo?" inayos na nito ang mga pagkaing inihanda para sa kanya.

"Sinabi kona sa inyo, hindi naman ako masyadong naapektuhan ng mga break up ko dati, di naman ako seryoso sa kanila no!" dinampot ni Cielo ang malaking slice ng pizza at inumpisahang upakan yon.

Napapangiti nalang si Vince habang pinapanood syang kumain, manaka naka nitong pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi nya dahil sa sauce na kumakalat doon.

"Vince, tinatamad akong umuwi sa bahay, pwede ba akong makitulog dito sa bahay mo? alas dose na rin naman! para hindi kana mahirapang ihatid ako pag uwi!" pangungumbinsi niya dito.

"Cielo, isa lang ang room ko dito sa bahay at wala akong balak matulog dito sa sofa kase sasakit ang batok ko!" natigilang sagot nito sa kanya.

"Okay lang yun, di naman ako malikot matulog kaya magkakasya naman tayo sa kama mo!" inubos na niya ang hawak na pizza.

"Are you sure you wanna sleep with me?" nakakunot noong tanong sagot sa kanya ni Vince.

"Uhum!" patango tango pa siya dito.

"Then, sayo nangaling yan hindi sakin ha!" tumalikod na ito at iniwan sa sala.

"What the hell is she thinking?" nakapameywang si Vince habang nakatitig sa kama nya, "hindi nya ba alam ang ibig sabihin ng sleep with me? o hindi nya lang naiisip na lalaki ako at hindi kami magkapatid dalawa?" Hayyy! napabuntong hininga nalang sya sa sariling tanong, mukhang magiging mahaba at nakakapagod ang gabi nya!

"Cielo, the bed is ready! change your clothes first." tawag niya sa babaeng busy na naman sa pagtipa sa hawak na cellphone.

"Yeah, wait lang, nagtatanong kase si Kuya Jion kung nakauwi na tayo kaya sinabi ko sa kanya na dito ako makikitulog sa bahay mo." kaswal na sagot sa kanya nito.

"Okay, mauna na ako sa room, sunod ka nalang kung tapos kana jan." iniwan na uli niya ito sa sala.

"I should be worry about myself! siguradong puputaktihin ako ng magkapatid na yun dahil sa babaeng to!" bulong ni Vince sa sarili habang naglalakad pabalik sa kwarto nya.

"Hey Vince!" tawag ni Cielo sa kanya, "Sinong naglalaba ng damit? ambango ha!" habang sinisinghot singhot nito ang pares ng pajama na binigay nta dito.

"I wore it last night kaya hindi ko pa nalalabhan yan!"

"Yuck!" bigla nitong inilayo sa mukha ang pajama at inirapan sya, "may banyo ba sa kwarto mo? don nalang ako magbibihis.

"Meron naman!" hinihintay nyang ibalik sa kanya ng babae ang hawak na damit pero hindi yun nangyari, bagkus nauna pa itong pumasok sa kwarto nya habang bitbit ang kunwari ay madumi nyang pantulog.

"Hey, hindi mo ba papalitan yang pajama na yan?" tanong nya dito.

"Hindi ko naman kailangan maging choosy! nanghihiram lang ako kaya hindi ako pwedeng mag inarte!" napailing nalang si Vince sa sagot ng dalaga.