webnovel

Pahinga

Kasalukuyan ay nais nang dumaan,

upang makahimlay, isang sugatan.

Kung saan nagsimula'y hindi alam,

kaya't wakas ang inaasam-asam.

Buhay ay isang laban, wika nila,

ang mandirigma ay pagod na.

Paglisan ang tungo ng mga paa,

Nagmamadali, naghahabol ng hininga.

Yakap sa nakaraa'y mahigpit pa,

Takot na baka ang pagbitaw ay 'di kaya.

Kaya't naghihintay sa oras ng pahinga,

na nakakamit lang sa pagpapalaya.