"Trending ka, 'tol, ah."
Napalingon si Markus sa kaibigang si Gino na tumabi ng upo sa kanya sa library.
"Trending?", kunot-noo niyang tanong sa kaibigan.
"Kasama mo kahapon si Joanne kaya malamang mag-trending ka."
"Sandali nga, 'tol. Magkasama lang kami kahapon tapos magte-trending na ako?", naguguluhang tanong niya sa kaibigan.
"Tol, hindi mo ba kilala si Joanne bago kahapon?", tanong ni Gino.
"Hindi", sagot niya. "Kahapon ko lang siya nakita sa school." Napapaisip tuloy siya kung bakit parang may alam ito na hindi niya alam.
"Hindi ka ba nanonood ng TV? Andami-dami niyang sikat na TV ads. Celebrity iyon, 'tol. A very famous one".
"Huwaw! Celebrity ang kasama ko kahapon?" Tumango si Gino. "Kaya pala pinagtitinginan kami kahapon. Ang lakas ng loob kong mag-alok na ihatid siya. Ako na isang hamak na hampas-lupa", natatawang saad niya.
"Alam mo, Markus, iyan ang pinaka-kinaiinisan kong ugali mo. Iyang panghahamak mo sa sarili mo", inis na sabi ni Gino. "Pwede bang tigilan mo iyan pati pagiging insecure mo? Marami kang magagandang katangian. I'm so proud of you, 'tol, so please stop thinking that you are nothing because you are something."
Parang napahiya naman siya sa sinabi nito. Alam naman niyang naiinis talaga ito kapag nagse-self-pity siya subalit hindi talaga niya maiwasan. Pakiramdam kasi niya ay wala talaga siyang maipagmamalaki sa kahit kanino. Oo nga at matalino siya pero bukod doon ay wala na. Wala siyang pamilya, wala ring pera. Malungkot ang buhay niya pero pinasaya nito at ni Karina.
"Pasensiya na, 'tol, natuwa lang ako sabihin. Pero hindi nga, celebrity pala iyon."
"Isama mo sa birthday ko tutal mukhang palagay na ang loob niya agad sa iyo. Harmless ka kasi tulad ko", nakangiting sabi nito.
"Naku nakakahiya naman kung iimbitahin ko siya".
"Don't worry, I'll invite her myself when I see you two together."
At hindi na nga nakatanggi si Joanne sa imbitasyon ni Gino sa nalalapit na birthday ng huli nang minsang makita sila nito sa library.
"Boxx, 'yung isang boylet mo mukhang nakahanap na ng iba. At in fairness, celebrity pa."
Kunot-noong nilingon ni Karina si Maya. Of course she heard the news that Markus and the celebrity, Joanne, are getting along well now. Pero duda siyang magugustuhan ni Joanne si Markus romantically. For sure, she likes him only as a friend. Mabait naman kasi talaga ang binata at, oo, harmless talaga. Galit lang naman siya dito dahil nga sa bromance nito kay Gino but if not for that, maybe she could like him too, but only as a friend. Why did she sound so defensive? Seems like she's singing a new song.
"So what? And stop saying he's my boylet. So ewww!", maarte niyang pagre-react.
"Maka-ewww naman 'to. Boxx, you have to admit that he's gorgeous. Wala lang talagang pera. Magpasalamat ka nga walang pera iyan dahil kung mayaman iyan baka ilang babae na ang pinaluha niyan at kasama ka pa."
"You know what, Maya? You're so gross. I wouldn't be one of his girls because I've been in love with Gino since forever. Nakita mo ba akong nagkagusto sa ibang guys?"
"So okay lang sa 'yo if ever maging girlfriend ni Markus si Joanne?", pananalakab ni Maya.
"More than okay and I'll bet my one month allowance that she will never like him romantically," nasisigurong wika niya dito.
"Boxx, no need to bet. Makita lang kitang umiiyak dahil naging sila is more than enough for me," nakakalokang biro nito.
Tinawanan na lang niya ang pag-iilusyon nito.