webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Adolescente
Classificações insuficientes
35 Chs

Chapter 21

Ang tanga ko,bakit ko pa ginawa ang bagay na yon kanina.Bakit ko hinayaan na hawakan niya ang parteng iyon.Ang tanga mo Fahrhiya.Ang g*g* mo! Hinayaan mo na lamasin niya ang dibdib mo. P*t*ng *na at na gustuhan mo pa. Napatingin ako sa selpon ko ng tumawag siya,hindi ko sinagot at hinayaan lang na tumunog iyon.Ang gulo niya,bakit pa siya nanligaw sa akin noong una kung mahal niya pa pala ang ex-girlfriend niya. Bakit pa niya sinayang ang oras niya sa akin? Para ano? Para saan? Para patuyan na isa siyang ultimate playboy? Kung ganon bakit sa akin pa?

Hindi na siya tumawag ulit ngunit tinadtad naman ako ng text. Napabuntong-hininga ako.Hindi ko binuksan ang kanyang mensahe at binura iyon lahat. Ano pa ang silbi? Mag hingi lang naman siya ng sorry, pa ulit-ulit na sorry. Kung ilang sorry ang sasabihin niya doble naman ang kasalanang gagawin niya. Kasalanang hindi mababayaran ng sorry. Pinatay ko ang cellphone ko, kahit ngayon lang gusto kong mapayapa ang utak ko.

Kinabukasan, wala akong text na natanggap galing sa kanya ayos lang sanay na naman ako hindi na ako aasa na susuyoin niya ako at gagawa ng paraan para maging okay kami.Ang masaklap nagawa niya paring makipag landian kay Adelah. Ibinaling ko sa iba ang tingin ko sira na ang araw ko.

"Bff! I miss you!" Patakbo na lumapit sa akin si Mea at niyakap ako.

"Miss you too. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko at sabay kaming nag tungo sa room namin.

Napayuko ako nang makita ko si Lian pababa ng hagdan kasama ang kaibigan niya, na alala ko ang nangyari kahapon gusto kong umiwas pero baka magtaka si Mea. Umakto ako ng normal ngunit hindi ko inasahan na magkasalubong kami sa gitna ng daan.

"Hi Riya. Ang cute mo talaga, pwede pa kurot ng pisngi?" Sabi ni Jay at akmang abutin ang pisngi ko ng batukan siya ni Lian. Inakbayan niya ito at hinila palayo sa akin ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkindat nito sa akin. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko. Wala siyang salita at tipid na ngumiti sa akin bago niya hinila pa alis si Jay. Mabuti at hindi iyon na pansin ni Mea.

Binuksan ko ang cellphone ko ngunit walang tawag o text na galing kay Kenneth huminga ako ng malalim para ma wala ang bigat ng loob ko.Fucos muna sa klase Fahrhiya.

"T*gina! Dahan-dahan naman Albert," hiyaw ko.Nagsasanay kami ng Arnis ngayon at siya ang partner ko.

"Saluhin mo ang atake ko Fahrhiya huwag kang umangal," sagot niya at binilisan ang pag-atake sa akin nasalo ko naman lahat iyon nga lang hindi ko kinaya ang pwersa niya.

"Ahh!!" Hiyaw ko ng matumba ako sa huling atake niya.

"Ayos ka lang?" Nag-alala na tanong niya at tinulugan akong makatayo.

"Ang paa ko.Ang sakit," humihikbi na sabi ko.Pakiramdam ko na pilay ang paa ko.

" Fahrhiya sorry.Hindi ko sinasadya."

" Ayos lang hindi mo naman kasalanan.Nawalan lang ako ng balanse kaya na tumba ako."

" Sigurado ka?Tara dalhin kita sa clinic."

" Hindi na ayos lang ako."

" Okay.Puntahan ko lang si ma'am para ma excuse ka."

Hinimas ko ang paa ko na namaga.Ang sakit niya hindi ko alam kung kaya ko bang ilakad ito mamaya.Buti nalang at uwian na bago ito nangyari.Magpasundo nalang siguro ako kay kuya Richard. Nang uwian na pa ika-ika akong naglakad,mag-isa lang ako hindi ko alam kong nasaan sila Analyn.

Huminto ako para talian ng panyo ang paa ko upang hindi umakyat sa aking hita ang sakit. Pag angat ko ng tingin hindi ko inasahan ang nakita ko. I saw Kenneth passing by together with Adelah, naka akbay pa ito. Sumakit bigla ang dibdib ko, lalo na at parang hangin lang ako sa kanyang paningin. Imposible naman na hindi niya ako nakita na dito sila mismo dumaan sa tabi ko. Pa ika-ika akong lumakad, sa tuwing ilapat ko ang aking paa umaakyat sa aking hita ang sakit. Tumulo ang luha ko, hindi ko alam kong dahil pa sa sakit ng paa ko o dahil sa nakita ko si Kenneth at Adelah.

"Homer, hintay."

Kumunot ang kanyang noo ng makita akong pa ika-ika.

"Anong nangyari sa paa mo? "

" Na sprain. "

" Kaya mo ba mag lakad? Cheng, dalhin mo itong gamit ni Fahrhiya. "

Kinuha niya lahat ng gamit na bitbit ko at binigay kay Archie at inalalayan ako. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa sakit ng paa ko dagdag pa ang paninikip ng dibdib ko dahil sa pag pigil ng iyak. Subrang sakit naman ang ginawa mo Ken.

"Ri, anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" nag alala na tanong ni Analyn ng ma abutan kami.

"Alalayan niyo muna si Riya may kaka-usapin lang ako," wika ni Homer naka igting ang panga nito.

Bago ako mawalan ng malay narinig ko pa ang pag sigaw ni Analyn kay Homer at nagka-gulo.

Nagising ako ng makaramdam ng sakit sa aking kuko na pinipisil ni Mabel.Naka sandal ako kay Analyn habang pinapaypayan niya ako.

"Homer! Ano ba! Tama na 'yan! Si Fahrhiya!" Sigaw ni Mabel, na nginginig ang kanyang boses, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa takot o galit.

"Tarantado ka! Huwag ka ng mag tangka na lumapit ulit kay Fahrhiya dahil hindi lang iyan ang aabutin mo."

Magka halong kaba at pag-alala ang naramdaman ko ng makita ko si Homer. Naka higa si Kenneth habang hawak ni Homer ang kwelyo ng kanyang damit at may putok ang kanyang kanang labi. Anong nangyari?

"Homer tama na, gising na si Riya," wika ni Analyn.

Nag tagpo ang tingin namin ni Kenneth nang tumingin siya sa aking gawi. Binigyan niya ako ng madilim at malamig na tingin nang magtama ang aming mga mata.At Hindi ko ma tukoy ang paraan ng pag tingin niya sa akin. Gusto kong tumayo at lapitan siya, tanungin kung ayos lang ba siya pero nakakatanga naman kung gawin ko iyon dahil obvious naman na hindi siya okay.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Agad na tanong ni Homer. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bugbogin kita kapag naging maayos na ako, " seryosong saad ko.

Umigting ang kanyang panga at umiwas ng tingin sa akin.Tinulungan niya akong makatayo.

"Kulang pa nga yong ginawa ko sa kanya e. Aray ko naman Ri!"

"Hindi lang kurot ang aabutin mo kapag inulit mo pa 'yon, " ginaya ko ang huling sinabi niya kay Kenneth.

Yes, Kenneth hurt me emotionally but I can't bear to see him hurt just because he hurt me. Hindi bale na ako ang masaktan huwag lang siya dahil doble ang sakit na maramdaman ko kapag nakikita ko siyang nasasaktan.