webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · Adolescente
Classificações insuficientes
35 Chs

Chapter 19

Chapter 19

Lumipas ang mga araw naging maayos ulit kami ni Kenneth.Iyong narinig ko kay Adelah ay pinag-sawalang bahala ko na, at hindi ko iyon binanggit kay Kenneth.Nag fucos ako sa aming dalawa ni Kenneth,sa relasyon namin at syempre sa pag-aaral ko.Hindi yong puro landi aral din for the bright future.

Sa relasyon hindi mawawala ang tampuhan, hindi pagkaka-intindihan,awayan at iyakan pero normal lang yan basta ang importante walang sukuan at walang iwanan dahil pagsubok lang yan. And I'm glad kasi hindi ako sinukuan ni Kenneth kahit minsan hindi maintindihan ang ugali ko.Simple lang akong babae pero minsan may pagka mongoloid.

Sa tatlong buwan na relasyon namin nagbago ako.I've become clingy. I've become showey too.Super caring.And having proud of him.I did everything to show him how much I love him and how important he is to me.

"Hindi ako naniniwala na wala kayong relasyon dalawa, " I said when I saw him laughing together with Analyn.

Gulat silang lumingon sa akin at sabay na napamura. Gusto kong matawa sa reaksyon nilang dalawa. Para silang natuklaw ng ahas sa pagkabigla. Pinatili kong naka blangko ang aking tingin sa kanila at diritsong umupo sa bakanteng upuan sa kanilang harapan.

"Seriously pinsan?"

Tinaasan ko lang ng kilay si Analyn.Na milog ang kanyang mata hindi makapaniwala sa aking inasta.Bumuka ang kanyang bibig ngunit agad niya rin itong itinikom hindi alam ang sasabihin.

" Bhe," sambit nito at akmang hahawakan ang kamay ko ngunit hindi natuloy dahil iniwas ko ang aking kamay.

"Bhe naman-," hindi niya naituloy ang dapat sabihin ng lagyan ko ng headset ang aking tainga.

"Kausapin mo yang pinsan ko."

"Ikaw kuma-usap sa pinsan mo.Ayoko kausapin kapag ganyan siya.P*tik baka maging tigre yang pinsan mo."

Gusto kong samaan ng tingin si Kenneth sa sinabi niya. Akala nila hindi ko sila naririnig, design lang tong headset ko dahil gusto kong inisin si Analyn maka ganti man lang sa hindi niya pagsama sa akin noong sabado.

"Kausapin mo na," pamimilit ni Analyn.

"Ang maldita ng pinsan mo hindi naman siya ganyan dati."

"So,nagsisi ka ganon?" Sabat ko na nagpa putla sa kanya.

" Bhe,hindi-,"

" Ano naman kung maldita ako?Edi doon ka sa babaeng hindi maldita," inis na saad ko at padabog na tumayo.

Mabilis siyang tumayo at humarang sa daraanan ko, muntik pa siyang matisod.

"Tabi!"

"Bhe. Hin-hindi na-man iyon ang i-big kong-,"

"Tumabi ka kundi makakatikim ka sa akin!"

Gusto ko lang naman inisin si Analyn pero bakit ako ang naiinis ngayon? Ang babaw ng rason ko pero naiinis ako sa sinabi niya. Edi doon siya sa Adelah niya na mala anghel na hindi marunong magalit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko basta ang alam ko nag pupuyos ako sa inis sa sariling iniisip ko.

"Ganyan ka na lang ba palagi Ri? Aalis at iiwas sa tuwing galit ka at na iinis sa akin?"

Natigilan ako sa kanyang sinabi.Hindi ko inaasahan na pagsabihan niya ako,seguro subra na ako,na napuno na siya sa ganitong pag-uugali ko.

"Ano naman ngayon sayo?"

"Yan. 'Yang ganyang pag-uugali mo ang ayaw ko-, "

" Bakit ka pa nanatili sa akin kung ayaw mo pala? " Hindi ko naitago ang pag garalgal ng boses ko. Kaunti nalang tutulo na ang luha ko.

"Saka nalang tayo mag-usap kapag maayos nasa ayos na 'yang pag-iisip mo," sabi niya at tinalikuran ako.

Pinahiran ko ang luhang lumandas sa aking pisngi.Bakit masakit sa dibdib?

"Ri."

Umupo akong muli at ngumiti kay Analyn. " Biro lang iyong sinabi ko kanina. Gusto lang kitang inisin dahil hindi ko ako sinama noong sabado."

"Loko-loko ka talaga," nang gigil na saad niya at kinurot ako. " Dinamay mo pa si Kj sa pang-inis mo sa akin."

"Kausapin ko lang siya mamaya."

Dumating si Homer kasama si Archie, Gerald,Mabel at iba pang tumatambay dito sa tindahan ni Ante Mona.Nagkulitan,nag-asaran, nag-usap ng kung anu-ano.Sumasabay ako sa kanila para hindi mahalata na hindi ako okay at nasasaktan. Tumayo ako upang bumalik sa silid-aralan nang hindi na ako makasabay sa kanilang usapan. Napahinto ako ng makita ko Kenneth na patungo sa aking kinaroonan. Bumigat ang dibdib ko nang lampasan niya ako, hindi pinansin at kahit sulyap ay wala rin.

"Saan ang punta mo at may bag pack kang dala?" Rinig kong tanong ni Archie.

"Sa baba."

Ang baba na tinutukoy niya ay doon sa Videokehan na malapit sa barangay hall.

"Mag cutting classes ka na naman. Patay ka kay ma'am Soriano, " si Homer.

Mabigat ang loob ko na bumalik sa silid-aralan.Wala si Mea kaya wala akong maka-usap. Nag review ako ng aking notes ngunit wala rin namang pumapasok sa isip ko.Sinara ko ang aking notebook at nagpasyang pumunta sa Science Laboratory,doon muna ako habang wala pa kaming guro.

"Good afternoon ma'am.Pa tambay po muna dito," wika ko ng madatnan ko si ma'am Garcia na abala sa kanyang mesa.

"Okay."

Hindi pa ako naka-upo ng makita kong dumaan si Kenneth sa pasilyo ng Science Laboratory.Nagmadali akong lumabas para sundan siya, nagulat pa si ma'am kaya sabi ko babalik ako.Patakbo ko siyang sinundan nang lumiko siya sa maliit na esknita may daan doon palabas ng campus.

"Ken."

Naka kunot ang kanyang noo ngunit bakas sa kanyang mukha ang gulat.

"Pwede ba kitang maka-usap kahit saglit?"

Seryoso ang kanyang mukha na tumingin sa aking mga mata,hindi ako umiwas ng tingin nakipagtitigan ako sa kanya.

" Sorry.Huwag ka ng magalit sa akin please." I hug him.

"I love you."

He didn't respond.Instead, he hug me back and kiss my forehead.Kenneth, didn't celebrate monthsary's even greatings.No I love you or I love you too but it's okay,sabi nga nila action speaks louder than voice.

"Hoy! G*g*!Bawal 'yan," sita sa amin ni Gerald ng makita kami nasa ganong posisyon.

"Sorry press.Hindi na po ma ulit," alanganin na saad ko at nagpa cute sa kanya.

Baka pag multahin kami at isumbong sa principal, SSG President pa naman siya.

"Papasok na ako,may quiz pa kase kami."

"Sige.Good luck."

Ginulo niya ang buhok ko at pinisil ang aking pisngi bago umalis.Napa simangot ako sa kanyang ginawa,but deep inside subrang saya ko dahil okay na kami.

"Ay! Palaka!" Gulat na sambit ko ng may naka bungo ako pagkaharap ko.

Sa takot na ma tumba hindi ko namalayan sa batok niya pala ako kumapit.

"Lian!?" Gulat na sambit ko ng makilala ko kung sino ang taong naka bungo ko.

Sh*t!Ang laswa ng posisyon namin.Ang kanang kamay ko nakahawak sa kanyang batok,ang kaliwang kamay ko naman ay sa kanyang braso.Ang kanyang kamay ay naka suporta sa aking baywang upang hindi ako tuluyang matumba.Kung may makakita man sa amin baka isipin nila naghahalikan kami ni Lian sa posisyon namin na parang bagong kasal na hinahalikan ni groom si bride.

"It's good to hear that the girl I like knows my name."

Tila na bingi ako sa kanyang sinabi.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,hindi ko matukoy kong dahil ba iyon sa sinabi ni Lian o dahil sa kaba dahil nakita ko si Kenneth.Bumitaw ako sa kanyang batok at umayos ng tayo, susundan ko sana si Kenneth ngunit kasama na nito si Adelah at sa tingin ko sa library ang kanilang punta.

I felt jealous.