"Kaze!!" mahina ngunit galit kong sabi ng itulak sya. "Bakit ba hindi mo maintindihan?!"
"Hindi ko talaga maintindihan kasi balewala na ako sayo! Malapit na akong maging malaya! Sana maintindihan mo! Im doing everything just to get you back!" madiin ngunit mahina nyang sabi na ikinanganga ko.
"Anong ibig mong sabihin?!"
"Pumayag na si Kristy na makipag hiwalay ako sa kanya. Hindi na din siguro nya matiis na nakikipag halikan at nakikipagtalik sya sa taong parang bato. Sana mahintay mo ako." aniya. "Inaayos ko na ang lahat."
Nakakapagtakang napapayag nya si Kristy? Parang may mali,pero hindi pa din kami dapat magkabalikan. Oo nga at mahal ko pa din sya,pero mahal ko din si Brave at kapatid nya iyon.
"Sinadya ko talagang magpunta sa Mall na ito Kaze para makausap mo si--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil muli nyang inangkin ang aking mga labi.
Nanginig ako,nanlambot ang kalamnan ko. Parang may mga nagkakagulo sa sikmura ko at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko.
Tuluyan akong nakalimot ng ipasok nya sa loob ng bibig ko ang kanyang dila. Agad ko itong sinipsip kaya napa ungol sya. Itinayo nya ako,ni hindi ko namalayang naibaba na nya ang pants at brief ko maging ang sa kanya.
Naupo sya sa saradong bowl,hinabol ko ang labi nya. Naupo ako sa lap nya paharap sa kanya at nararamdaman ko na ang pagkalalaki nya sa likod ko.
Nakagat ko ang labi nya ng iangat nya ang balakang ko at bigla nya akong pasukin ng hindi man lang pinapadulas ang aking butas! Para akong mamamatay sa sakit dahil sa biglaan nyang pagbaon.
"Kaze! The fuck?!" pakiramdam ko ay namutla ako dahil doon.
"Ganito tayo nag umpisa,patago at wild. Kung ito lang ang paraan para makumbinsi kitang hintayin ako ay hindi ako magsisisi." pabulong nyang sabi at muling inangkin ang aking labi.
Ngayon ay buong buo na nyang naibaon ang sarili sa akin. Ngunit sadyang alam ni Kaze kung ano ang gusto ko.
Dinilaan nya ang tenga ko at dahan dahan na syang gumalaw. He really knows how to pleasure me.
Hindi nagtagal ay ako na ang nagtataas baba. Nagsibalikan lahat ang mga alaala naming dalawa. Kung paano kami nag umpisa hanggang sa magbago ang lahat.
Sumabog ako at naramdaman ko din ang pagsabog nya sa loob ko. Madami ito dahil ramdam kong may mga tumulong katas nya galing sa butas ko.
Inapuhap ko ang likurang bulsa ng pants ko,buti at may dala lagi akong ganito,yung wet tissue. Pinunasan ko ang ari ko,puson at butas saka ko sinuot ulit ang brief at pants ko.
"Keeyo.." hingal na sabi ni Kaze. Hindi ko sya tiningnan. Inabutan ko lang sya ng tissue.
"Mali ito,Kaze. Naiintindihan kita,kahit makawala ka kay Kristy hindi pa din tayo pwede. May mga problema akong dapat pang resolbahan. At isa pa,kaya ako nandito sa Mall na ito ay kasama ko si Brave,ang kapatid mo,gusto ko nyang makausap." sabi ko at lumabas na sa cubicle. Mabuti na lamang talaga na walang masyadong pumapasok sa cr na ito.
Pagbalik ko sa foodcourt ay nakaupo na si Brave at matyagang naghihintay.
"Ang tagal mo naman." aniya ng makalapit ako.
"Hindi maganda timpla ng tyan ko." ani ko at lumingon sa likod ko dahil may naramdaman akong lumapit.
Si Kaze pala. At dun parang may bigla syang narealized.
"Kuya?" taka nyang tanong at bumaling sa akin. "Kaya ba ayaw mo na? Dahil kay kuya?"
"Kaze. Hindi ito ang panahon para pag usapan yan. Mag usap kayong dalawa,iiwanan ko muna kayo." ang pag iwas kong sabi at bumaling kay Brave. "Text mo ako kung tapos na kayong mag usap."
Agad na akong tumalikod at umalis. Pag nagkausap na sila,ayos na ang lahat at si Kristy na lang ang poproblemahin ko.
Kung hindi pa tapos si Kristy sa paghihiganti ay tatapusin ko na. Nakakapagod na kasi,at dapat may magsakripisyo at ako yon.
Naisipan kong lumabas muna ng Mall,baka may pwede akong tambayan habang hinihintay matapos mag usap sina Brave at Kaze.
Tumawid ako gamit ang over pass. Pagbaba ko pa lang ay may namataan na akong pamilyar na tao.
Siguro,ito na ang tamang pagkakataon. Sinundan ko sya,yun nga lang ay ang bilis nyang maglakad. Pero binalewala ko ang kirot ng aking butas at binilisan na din ang paglalakad.
Pumasok sya sa building na under construction,pero walang tao,siguro ay day off ng mga trabahador.
Mabilis kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone ko at nagsend ng group message sa tropa na baka matagalan ako. Pagkatapos ay nagsend ako kay Brave ng text na mauna na lang syang umuwi.
Binalik ko sa bulsa ko ang aking cellphone. Huminga ako ng malalim at pumasok sa building. Ang tantya ko ay may 20 palapag pa lamang ito,dahil may Crane pa sa pinaka rooftop.
Tahimik ang first floor,ume-echo pa ang yabag ng aking paglalakad. Gamit ang hagdan ay umakyat na ako sa 2nd floor. Hindi maganda ang kutob ko,pero nandito na ako at wala ng atrasan.
"Kristy?! Magpakita ka. Mag usap tayo at tapusin na natin ito. Alam ko na ang dahilan kung bakit galit na galit ka sa akin at sa pamilya ko." lakas loob kong sabi. Tumingin ako sa paligid ngunit walang sumagot.
Mas kinabahan na ako. Kailangan kong doblehin ang pagiging alerto ko. Kristy can do anything,kahit ang patayin ako ng walang makaka alam ay kaya nya.
"Akala ko hindi ka susunod." boses ni Kristy mula sa aking likuran.
Nang humarap ako sa kanya ay biglang may pumalo sa batok ko. Napaka lakas nun,agad akong nahilo at nawalan ng panimbang. Napaupo ako sa lapag.
"Tama na Kristy." ani ko at inaninag sya,lalo kasing lumabo ang aking paningin.
"Tama na talaga,dahil tatapusin na kita." aniya. Kasunod nun ay hindi ko na napigilan ang pag pikit.
Nagising ako sa pakiramdam na parang ang bigat ng ulo ko at para akong nakalutang. Pagdilat ko ng mga mata ko ay nagimbal ako.
Nakatiwarik ako at kita ko ang buong siyudad! Ang kadena galing sa Crane ang humahawak sa akin para hindi ako mahulog.
"Gising ka na pala." boses ni Kristy kaya napalingon ako. Humangin kaya naalog ako at pakiramdam ko ay mahuhulog na ako. "Mabuhay ka pa kaya pag nahulog ka dyan?"
"Kristy! Ano ba ito? Alam kong galit ka sa akin at sa pamilya ko. Pero hindi kasalanan ni Papa na nainlove ang Papa mo sa kanya! Mali ang ginawa nila,nauna lang na bumitiw ang Papa ko!" ang sigaw ko kay Kristy. Ang ngisi nya ay napalitan ng matinding galit.
"Dahil sa Papa mo,naging bakla ang papa ko! Sya ang dahilan! Dahil sa papa mo namatay sa depression ang Papa ko! Galit ako sa bakla! Lalo na sayo! Uunahin kita! Isusunod ko ang mga kaibigan mo at ang pamilya mo!" galit na sabi ni Kristy at itinutok sa akin ang isang baril.
Natakot ako. Kayang kaya nya akong patayin ng walang kalaban laban.
"Sige! Iputok mo na! Patayin mo na ako pero huwag mong gagalawin ang pamilya ko at mga kaibigan ko!" if its the only way. Tatanggapin ko na ang aking kamatayan.
"Not so fast! Nagbago na isip ko." nakangisi nyang sabi at pumalakpak ng isang beses. Mula sa pinto ng rooftop ay may mga lumabas na mga lalaki na may mga tinutulak.
Nanghina ako at nanlaki ang mga mata ng makilala ang mga tinutulak nilang mga nakapiring at nakatali ang kamay sa likuran,pumapalag ang mga ito pero sabay sabay na sinipa ng mga lalaki para mapaluhod ang mga ito.
"Lemon?! Edge?! Killian?!" ang agad kong sigaw na ikinagulat nila. Panay na sila tawag sa pangalan ko. Naiyak ako,bakit pati sila nadamay? Kasalanan ko ang lahat ng ito. "Kristy! Ako na lang please! Huwag mong idamay ang mga kaibigan ko!"
"Huh? Ano? Wala akong marinig?!" at bigla nyang binaril si Edge sa kanang hita,napasigaw ako,tapos ay ako naman ang binaril nya,dumaplis sa balikat ko pero masakit pa din.
"Edge!!" sigaw namin. Nahihilam ang mga mata ko sa luha dahil nga nakatiwarik ako.
"Sigaw pa! Hahaha!" at magkasunod na binaril ni Kristy sa mga hita din sina Killian at Lemon.
"Tama naaaa!!" ang sigaw ko.
"May magagawa ka ba?" nakangising sabi ni Kristy sa akin at ang hita ko naman ang binaril. Napasigaw ako. Hita namin ang puntirya nya.
"Keeyo?! Huwag kang susuko--ugh!" si Edge at binaril ulit ni Kristy sa kabilang hita naman.
Hindi na ako makapag salita. Ang bigat bigat na ng ulo ko at parang sasabog.
"Mangkukulam ka! Makawala ako dito papatayin kita--aahh!" si Lemon naman ang binaril. Hindi ko na kinakaya ang nakikita ko.
"L-lemon? Okay ka lang--ugh!" si Killian naman ang binaril at sa kabilang hita naman ulit.
"Kristy. Tama na! Ako na lang!! Huwag na sila! Ako na lang!" ang malakas kong sigaw na pakiramdam ko ay nadinig sa buong siyudad.
"As you wish!" sunod sunod na naramdaman ko ang masasakit na pagbaon ng bala sa aking katawan.
Mama, Papa,Ate Kris, Keesha, Edge, Killian, Lemon, Nay Neth, Brave at Kaze. Patawarin nyo ako, sana matapos na ang lahat.
Tumulo ang dugo sa aking bibig papunta sa noo. Suminghap ako at nilingon ko ang rooftop. Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay nakilala ko yung apat na dumating. Nagkakagulo na sila pero wala na akong marinig.
Namimigat na ang mga talukap ko at parang namanhid ang katawan ko. Nahihirapan na din akong huminga. Suminghap ako para sa hangin. And when I did, isinara ko na ang aking mga mata.