webnovel

The Stripper (Strip 30)

Ilang beses ako napakurap dahil sa narinig ko. Medyo nanlalabo na din ang paningin ko. Mula sa pagkakatingin ko kay Kaze ay si Brave naman ang tiningnan ko na halatang naguguluhan.

"Kaze? What are you saying?" galit na tanong ni Kristy. Dapat pala hindi lang yon ang ginawa ko.

"Sya ang kuya ko. Hindi ako pwedeng magkamali!" ang sagot ni Kaze. Kumirot bigla ang ulo ko.

"Brave! Tol! Ano ba? Panay tulo na ang dugo sa ulo ni Keeyo oh?!" dinig kong sigaw ni Killian. Parang biglang natauhan si Brave,at ako naman ay blangko ang utak.

"Hoy! Mangkukulam! Magsisisi ka sa ginawa mo kay Keeyo!" ang sigaw ni Lemon kay Kristy. This time mas lalo ng lumabo ang paningin ko.

"Tang ina Brave!" ani Edge at hinablot ako. Dun na nanlambot ang mga tuhod ko. Ang huling natatandaan ko ay may bumuhat sa akin palabas ng cr na iyon at tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong walang malay pero nagising ako dahil sa bulungan na naririnig ko. I didnt open my eyes,nakinig lang ako.

"Ano yon tol? Tinawag kang kuya nung lalaking yon? Kilala mo ba sya?" boses iyon ni Killian. Paniguradong nandito na kami sa bahay.

"Naguguluhan ako. Pamilyar sya sa akin. Parang matagal ko na syang kilala pero hindi ko sya kilala." ang dinig kong sagot ni Brave.

Ano ito? Magkapatid ba ang dalawang minahal ko?

"Brave. Huwag kang magagalit ah? Nung bata pa lang tayo may usap usapan na hindi ka tunay na anak ni Nay Neth. Ayon sa kwento nakita ka lang daw nya sa Maynila ng pauwi sya galing sa kamag anak. Alam mo ba ito?" this time ay boses naman ni Lemon.

Parang tinatambol na ang dibdib ko. Hindi pwede ito. Hindi sana sila magkapatid.

"Wala akong alam." mahinang sagot ulit ni Brave.

"Bakit hindi mo tawagan si Nanay Neth? At saka hintayin nating magising si Keeyo. Lets ask him. I know sobrang naguluhan at nahihirapan din sya ngayon." boses naman ni Edge. "This is really getting complicated."

"Hindi na kailangan. Narinig ko lahat." sabi ko at bumangon na ikinagulat nila.

"Keeyo? Kamusta na pakiramdam mo? Mapapatay ko talaga ang Kristy na iyon." ani Lemon.

"Okay lang. Matigas ang bungo ko." ngumiti ako at huminga ng malalim. "May dalawang kapatid si Kaze,Ate at kuya nya. Nang masunog ang lugar nila ay wala na syang naabutan."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko pa din maialis sa sistema ko na ang pamilya ko ang itinuro nilang may pakana ng sunog na iyon.

"At si Brave ang kuya nung Kaze? Nasan ang Ate at mga magulang?" ani Killian.

"This is really crazy and frustrating? Bakit walang alam si Brave?" asik ni Edge. Napatingin ako kay Brave na nakatitig sa phone nya.

Posible nga kayang magkapatid sila ni Kaze? Kung oo,anong mangyayari? Ano ang mga pwedeng epekto sa amin? Lalo pa at nagpahayag si Kaze na ipaglalaban nya ako? Pero may Kristy na pwedeng gumawa ng kahit ano. Bakit ba napunta sa ganito ang lahat?

"Nay.." napatingin kami lahat kay Brave. Hawak nya ang phone nya at mukhang naka loudspeak ito.

"Anak! Napatawag ka?! Kamusta ka na? Kakatawag ko lang kanina ah?" ang sagot ni Nanay Neth. Napahinga ako ng malalim,na kay Nanay Neth ang kasagutan.

"Sabihin nyo sa akin ang totoo at huwag kayong magsisinungaling." matigas na sabi ni Brave. Dinig ang pagsinghap ni Nay Neth kaya nagkatinginan kami ni Brave.

"Bakit anak? Kinakabahan ako sayo?"

Tiningnan kami isa isa ni Brave bago nagsalita.

"Totoong hindi mo ako anak diba? Saan eksaktong nakuha mo ako? Bakit wala akong maalala?!" frustrated na sabi ni Brave,lumapit ako at naupo sa tabi nya,hinawakan ko ang isa nyang kamay at pinisil.

"Anak.."

"Sagutin nyo na lang po Nay."

"Oo! Nakita kita sa Manila,otso ang edad mo,madungis ka at panay ang iyak mo! Nalaman kong galing ka sa isang sunog dahil may mga paso ka. Patawad anak--" pinutol ni Brave ang tawag.

Huminga sya ng malalim at tinakpan ng mga palad ang kanyang mukha. Lahat kami ay tahimik. Ramdam ko ang bigat ng dinadala nya ngayon.

Ang minamahal mo ay mahal din ng kapatid mo? Idagdag pa na sa loob ng ilang taon ay saka mo lamang malalaman na hindi ka tunay na anak? Parang ninakaw na ang buhay mo noon.

At ako? Ano ang gagawin ko? Sobrang gulo na. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang sa amin ni Brave? At pigilan si Kaze sa balak nya. Hindi ko na alam,pagod na ako at ayoko ng tumakbo.

Tumayo ako at lumabas. Hindi ko na tiningnan ang tropa,alam kong nag iisip din sila.

Isa lang naman ang nakikita kong paraan para matahimik na ang buhay naming lahat,para wala ng gulo,wala ng sakitan ng damdamin.

Kailangan kong makausap si Kaze ulit. Kailangan ko syang kumbinsihin na tigilan na ako. Kung totoo ang sinabi nyang na frame up sya ni Kristy,dahil ginawang pang blackmail ang pamilya ko ay kailangan ayusin na namin ito. At tatapusin ko na din ang sa amin ni Kristy.

Mahal ko si Brave pero ayokong masasaktan sya dahil lang sa akin. Mahal ko pa din si Kaze but it doesnt mean na babalikan ko sya kahit maghiwalay sila ni Kristy. Kailangan may isa sa amin ang mag sakripisyo at ako yon. Hindi na ako papayag na tumagal pa ang lahat ng ito.

Nang bumalik ako sa bahay ay tahimik na. Tulog na siguro ang lahat,besides its past 12MN na. Uminom muna ako ng tubig sa kusina,tapos ay pumasok ako sa kwarto. Tulog na si Brave,napabunton hininga ako.

Pareho siguro kami ng iniisip,but I've made up my mind. Sooner or later matatapos na ang lahat ng ito.

Humarap ako sa salamin. May benda yung sugat ko. Damn! Ang lakas ni Kristy at talagang napaputok nya ang ulo ko. That girl needs to be slapped on the face,at iparealise sa kanya na hindi ko aagawin si Kaze tulad ng pag agaw nya. Hindi ko alam kung bakit iniisip nyang aagawin ko ito,at hindi ko alam kung anong pinagmulan ng matindi nyang galit sa akin.

Kasi,any moment ay pwede mong makuha si Kaze,pero nandyan si Brave kaya hindi mo ginagawa.

Totoo ba yon? Ayoko na,nakakapagod!

Lumabas ako ng kwarto at napagdesisyunang sa sofa matulog. Nahihiya na akong tumabi at dumikit kay Brave,nandidiri ako sa sarili ko. Magkapatid pa ang minahal ko.

Alam kong any moment from now ay kailangan kong pumili at manindigan. And I don't think I can handle that.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at naligo. Nag iwan ako ng note sa lamesa,sinulat ko doon na may importante akong pupuntahan at huwag silang mag alala. Kailangan ko lamang malaman ang puno't dulo ng lahat.

I feel sick dahil sa lahat ng nangyayari. At ang buong sistema ko ay nakikiramay sa kung anong nararamdaman ko.

Pumasok ako sa building,binati ako ng gwardiya at nginitian ko ito. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor na pakay ko.

Sasara na sana ang elevator ng may humabol. Yung ka sex ni Lourd na binatang high school. Nahihiya itong napatingin sa akin. I checked him,he was really cute,huwag sanang sa pagpaparaos lang sya gamitin ni Lourd. Ang mga bata ay hindi kayang mahandle ang damdamin pag nagmahal at nasaktan. Im at that age ng makilala ko si Budz dati.

Tumunog na ang elevator at sabay kaming lumabas ng binata at sabay ding naglakad papunta sa opisina ni Lourd.

Lourd was talking on the phone at napamulagat ng makita kami ng lover nya. Agad syang nagpaalam sa kausap at ibinaba ang telephone.

"Dice!" tumayo si Lourd at niyakap ang binata. Wow,now this is very not him. Bumaling sya sa akin at ngumiti. "Oh Keeyo,do you need my help now? Im ready."

Sumenyas sya na maupo kami sa sofa. Funny,si Dice pa nagbigay sa amin ng Juice.

"Thank you,Dice." ani ko at ngumiti dito. Tumabi ito kay Lourd na inakbayan ng huli.

"Dice,this is Keeyo,Keeyo is Dice." pagpapakilala ni Lourd,nakipag kamay ako dito. He was a shy boy. "So? Anong maipagsisilbi ko,Keeyo?"

"I want to know kung bakit ganon ka eager si Kristy sa pagpapabagsak sa pamilya ko at kumpanya namin. At bakit galit na galit sya sa akin kahit na sya naman ang umagaw kay Kaze. Hindi ko maintindihan Lourd. Sobrang gulo na ngayon." ang agad kong sabi,pero hindi ko sasabihin na magkapatid sina Kaze at Brave.

"I really wanted to tell you that nung unang punta mo dito nung magbalik ka. Pero I guess ito na ang tamang panahon." ani Lourd,tinitigan ko sya. I wonder paano nya nakilala si Kristy.

"Just go straight to the chase." ani ko. May pakiramdam akong ikakabigla ko ang malalaman ko kaya kailangan kong ihanda ang aking sarili.

"Matagal na kayong kilala ni Kristy. And I met her in a bar." aniya. Obviously,she looks one of the girls. "She was telling na gaganti sya sa isang pamilya,pero hindi ko sya pinansin,napadalas ang pagkikita namin sa bar,but were not friends. Hanggang sa nag open up sya one night,she was so drunk,namatay daw sa depression ang Papa nya dahil sa isang lalaki,and that was your father,nainlove ang papa nya sa papa mo,kaya galit sya sa pamilya nyo,galit sya sa bakla dahil daw sa papa mo,naging bakla ang papa nya,and then pinagplanuhan nya itong mabuti,she found out that you were working for me,until nga ng araw na iyon,ginamit nya ang nararamdaman ko para sayo para mapapayag ako sa katuparan ng plano nya."

Nanginig ang kalamnan ko dahil sa narinig ko. Totoo ba ang mga narinig ko? Bakit sunod sunod ata ang rebelasyon.

"Hindi ako makapaniwala. Kaya pala ganon na lang ang galit nya?"

"Hindi pa sya tapos. Mag ingat ka,lalo na ngayong baliw na baliw sya kay Kaze. Hanggat hindi ka nya tuluyang napapatumba at ang pamilya mo,she will stop at nothing."

God! Kaze is not lying! Damn!