webnovel

The Stripper (Strip 19)

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Madilim pa at naririnig ko na ang mga tao sa labas. Ang aga magising ng mga tao dito.

Bumangon na ako at sinilip ko ang kwarto nina Nanay Neth,wala na sya dun. Nahihiya naman akong silipin sa kwarto nya si Brave,baka kung ano pa isipin niya.

Kahoy ang bahay na ito,may dalawang silid,at may sala din naman. Ang lutuan ay tabi ng sala. Sakto lang para sa kanilang mag ina,ang CR ay nasa labas.

Tiningnan ko ang oras sa nakasabit na orasan,5:35AM pa lang pala.

Nasan kaya sila?

Kaya ang ginawa ko ay lumabas na lamang. Abala ang mga mangingisda sa paghahanda para sa pagpalaot nila.

"Oh?! Keeyo?! Saan ka pupunta?" napalingon ako bigla. Si Nanay Neth at may dalang balde.

"Hinahanap ko po kayo eh." ani ko at napakamot sa ulo.

"Nagugutom ka na ba? May naluto na ako. Kumain ka na lang."

"Nako,hindi po. San ba kayo pupunta?"

"Hinihintay ko si Brave. Maagang pumalaot para madami daw mahuling isda. At itong balde na to,dito ko ilalagay ang mga isda at dadalhin sa Balayan." nakangiting sagot nito.

"Pwede po bang sumama? Para may magawa naman po ako." ani ko at tumingin sa paligid.

I wonder,nabalita kaya sa TV ang pagkawala ko? O ang pagtalon ko mula sa barko?

"Mapapagod ka lang dun at babaho ka. Nakakahiya naman. Dito ka na lang sa bahay." sagot ni Nanay Neth at tumingin sa likod ko,dagat na kasi ang nasa likuran ko. "Oh,ayan na pala si Brave eh."

Nilingon ko si Brave na may dalang lambat na puno ng isda. Naka topless din sya. Sakto pa sikat na ang araw kaya mas na depina ang hugis ng katawan nya. Napalunok ako,naalala ko si Kaze,ganyan din ang katawan niya.

"Nay! Marami akong nahuli ngayon,kaya isang beses na lang ulit akong papalaot." ani Brave ng makalapit. Dinaanan lang nya ako ng tingin at bahagyang ngumiti.

"Naku! Ang dami nga! Mukhang swerte tayo ngayong araw!" masayang sabi ni Nanay Neth habang isinasalin ni Brave ang mga isda sa malaking balde.

Namangha ako dahil ang dami ng isda,iba't iba pa ang uri.

Napatingin ako sa paligid,nagdadatingan na din ang iba pang mga mangingisda. Natanaw ko pa si Lemon na hinihila ang napakalaking planggana kaya napangisi ako.

"Dalhin nyo na yan sa Balayan,Nay. Papalaot na ulit ako. Kailangan maaga akong matapos,may lakad kami ni Keeyo eh." ani Brave habang nakapamewang. Napaka barako talaga ng dating nya,lalaking lalaki. May girlfriend na kaya ito? Kung nasa Manila sya panigurado nasa modeling o artista sya.

"Sya baga? O sige,mauna na ako sa Balayan." ani Nay Neth at bumaling sa akin. "Basta Keeyo,kain ka lang pag gutom ka na."

Iyon lang at umalis na ito kaya kay Brave naman ako bumaling.

"Pwedeng sumama sa pagpalaot mo? Nakaka bored kasi mag isa eh." ang sabi ko naman. Tinitigan nya ako,tumaas ang kanang kilay at ngumuso.

Hayup! Ang cute nyang mag pout!

"Sige,basta huwag sagabal habang nangingisda ako. Ayoko ng may abala."

"Hindi ako abala,promise!" ani ko at nag sign ng promise.

Bahagya syang ngumiti at umiling saka tumalikod at nagpunta sa dagat. Sumunod naman ako at sumakay na kami sa bangka nya.

Hindi ko mapigilang mamangha habang papalayo na kami ng papalayo. De motor kasi itong bangka nya,mukhang hindi na uso dito ang sagwan.

Nang medyo nasa gitna na kami ay tumigil na ang bangka. Nakaka amazed ang linaw ng tubig,parang gusto ko tuloy mag dive.

"Kung gusto mo maglangoy ay ayos lang. Basta dito ka lang sa gilid ng bangka." ani Brave at inihagis na sa tubig ang lambat.

"Talaga? Sige!" agad akong tumayo at tumalon sa tubig. Nadinig kong sumigaw si Brave pero hindi ko naintindihan kung anong isinigaw nya.

Pag ahon ko ay wala na sa bangka si Brave. Bigla akong kinabahan. Nasaan na sya?

Lumubog ulit ako sa tubig at nakita ko sa ilalim si Brave na may tinusok na malaking isda. Agad akong umahon at umakyat sa bangka para abangan sya.

Nang umahon sya at umakyat sa bangka ay napanganga ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Fuck! He's so goddamn hot and sexy! Tumutulo sa katawan nya ang tubig at bakat na bakat sa maong nyang shorts ang kanyang bukol.

Napakurap ako ng ilang beses dahil parang si Kaze ang nakikita ko. Yung Stripper pa sya at nagbuhos ng tubig sa katawan.

Bigla akong nalungkot. Miss na miss ko na si Kaze,ang yakap at halik nya,ang pagmamahal nya. Pero paniguradong kinamumuhian na nya ako ng sobra ngayon. Kasalanan ko eh,at habang buhay akong magsisisi.

Pati sina Mama at Papa at si Keesha miss na miss ko na din,pati si Ate Kris at si Edge. Isang araw palang akong malayo sa kanila pero sobra na ang pangungulila ko sa kanila.

"Itong malaking isda na lang ulam natin mamaya bago umalis. Ihawin natin." boses ni Brave na nagpabalik sa akin sa realidad. Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang mga kilay nya. "Miss mo na ba mga iniwan mo?"

Napabuntong hininga ako at tumango. Pwede ko naman sigurong pagkatiwalaan si Brave,sya ang nagligtas sa akin para mabuhay.

"Oo eh. Pero wala na,lahat na sila ay kinamumuhian at pinandidirian ako. Kaya ako tumakas. Sobra ang kahihiyang naidulot ko,kaya nga gusto kong mamatay na lang." sagot ko,pinilit kong magsalita ng maayos kahit pa parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

"Ayokong manghimasok at makialam. Pero gusto ko lang malaman. Ganun ba kabigat ang ginawa mo para hindi ka nila mapatawad? Para wakasan mo ang buhay mo?" seryosong tanong ni Brave na lalong nagpakirot sa puso ko.

"Oo,ganon kabigat. Na napahiya ang pamilya ko sa araw na pinaka importante sa kanila. Na kinamumuhian na ako ng mahal ko." ani ko,pinigilan kong huwag umiyak. Masakit talaga lalo na at alam mong kasalanan mo ang lahat.

"Pwes,hindi ka mahal ng girlfriend mo kung madali syang nagalit. Dapat unawain ka nya at pinagpaliwanag." ani Brave. Napaderetso ako ng upo.

Hindi ko pwedeng sabihin na lalaki ang karelasyon ko. Akala ko pa naman ay nababasa na nya ang pagkatao ko.

"Kaya ginusto kong takasan ang lahat." ang sabi ko na lamang at tumingin sa malayo.

"Delikado yung ginawa mong pagtalon mula sa barko. Kahit gaano kabigat at kasakit ang nangyari sayo,hindi iyon nangangahulugan na pwede mo ng wakasan ang sarili mong buhay." aniya at pina andar na ang motor ng bangka. "Tara na,malapit ng magtanghali."

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ni Brave. I learned na iba iba talaga ang pananaw ng mga tao,iba-iba ang way of thinking kumbaga.

Pagkauwi namin ay nilagay nya sa balde ang mga isda. Ako naman ay nag pabaga na para sa pag ihaw nung malaking isda.

"Maligo ka na. Para makakain na tayo at aalis. Naipag igib na kita ng tubig. Nasa palikuran na." ang biglang sulpot na sabi ni Brave. Ngayon naman ay pawisan sya,kaya hindi ko mapigilang mapakagat labi.

Shit! Nagwawala na naman ang mga hormones ko. Not now,please? Nadala na ako,ayaw ko ng magkamali ulit.

"Uhm ikaw na lang ang mauna. Pawis na pawis ka na oh. Amoy dagat at amoy isda ka na." ang sabi ko na ikinanguso niya.

Iniangat nya ang mga braso nya at magkasunod na inamoy ang mga kili-kili nya kaya napangisi ako.

"Hindi naman ako amoy isda! Amoyin mo pa!" tinaas nya ulit ang braso nya at akmang lalapit sa akin pero nakangisi akong umatras. Ang sarap nya pala inisin.

"Huwag na. Kanina ko pa naaamoy. Sige na,maligo ka na,malapit na to,sa loob na tayo kumain." nakangisi ko uling sabi na ikina pout na naman nya.

"Humanda ka mamaya." pagbabanta nya at nagpunta na sa palikuran.

Nang maihaw na ang isda ay dinala ko na ito sa loob. Naghanda na din ako sa lamesa. Saktong naayos ko na lahat ng pumasok si Brave na nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko na naman mapigilang humanga. Buti at hindi nya ako tiningnan,dumiretso sya sa kwarto nya.

Tahimik kaming kumain saka ako naligo. Pinahiram ako ng damit at pantalon ni Brave,buti at okay naman kaya nagdesisyon na kaming umalis.

Hindi ganon kagara ang pananamit ni Brave,pero sadyang nag uumapaw ang kagwapuhan at karisma nya. Paano na kaya pag mamahalin na ang mga sinusuot nya?

Malayo ang byahe kaya hindi ko maiwasang antukin. Paano kaya nila nakukuhang bumyahe ng araw araw dito? Paniguradong nakakapagod.

Dumaan kami sa palengke ng Balayan para ibigay kay Nay Neth yung mga isda. Binilinan lang nito si Brave na tingnan daw akong mabuti dahil baka mawala ako.

Maraming nagkalat sa paligid na paninda. Inuna ko muna ang mga damit ko. Palihim ko ding binilhan ng mga damit sina Nay Neth at Brave.

"Yan lang ba bibilhin mo?" ani Brave ng maibigay na sa akin ng tindera ang binili ko. Panay pa pacute ang tindera,hindi ko alam kung sa akin o kay Brave.

"Bili din tayo ng mga dagdag gamit nyo sa bahay bilang pasasalamat ko." sagot ko at ngumiti. Luminga sa paligid si Brave na parang may hinahanap.

"O,dun tayo." aya niya. Madami kaming pinamili. Halos pitong libo na lang ang pera ko but I dont mind kung maubos ito para sa mga taong nagligtas ng buhay ko.

"Ikaw? May gusto ka bang bilhin? Huwag ka ng mahiya." pagkalabit ko kay Brave na tahimik na ngayon.

"Huwag na. Hindi ko ugaling magpalibre. At sa pareho ko pang lalaki." sagot nya. "Ikaw? Hindi ka ba bibili ng bagong cellphone? Makibalita man lang sa pamilya mo."

"Hindi na. Saka na siguro. Hindi pa ako handa ngayon." ang sagot ko na lamang.

Nang makauwi kami ay inayos namin ang mga gamit na napamili. Halatang nahihiya at naiilang si Brave. Pero naisip ko na hindi magtatagal ay magiging panatag din kami sa isa't isa.

Tinago ko yung lihim kong binili para sa kanilang mag ina,mamayang gabi ko na lamang ibibigay para saktong nandito si Nanay Neth.

Nagpaalam si Brave na lalabas lang kaya naiwan ako sa bahay. Kinuha ko sa wallet ko ang mga credit cards ko. Hindi ko na ito kailangan sa ngayon.

Lumabas na din ako at nagpunta sa tabing dagat,dun sa batuhan kung saan kami nagkakilala ni Lemon.

"Papakawalan ko na ang dating ako. Ang dati kong buhay." bulong ko sa sarili at tumayo sa malaking bato.

Ubod ng lakas kong ibinato sa dagat ang lima kong credit cards. Tinangay tangay ito ng malakas na alon.

Hindi ko maiwasang maging emosyonal. Sana dumating ang panahon na hindi na ganito kasakit ang nararamdaman ko. Na hindi na ganito kahirap para sa akin ang kalimutan sila.

Ang kalimutan at ibaon sa limot ang pagmamahal ko kay Kaze. Balang araw hindi na ako masasaktan.

Balang araw,makakalimutan ko din na nangyari ang lahat ng ito sa akin.