webnovel

The Stripper (Strip 15)

Its been two weeks mula ng mabuking kami ni Kaze. Pero masaya ako sa tinatakbo ng buhay ko at ng relasyon namin ni Kaze.

True to his word,pinaparamdam at pinapakita nya kung gaano nya ako kamahal. May mga pagkakataon nga lang na parang babae na ang turing nya sa akin at hindi ako sanay. Sinabi ko naman sa kanya iyon,kaya lang ay nagalit sya. At ngayon nga tatlibg araw na nya akong hindi kinikibo.

Naiintindihan ko naman,syempre nasanay sya na babae ang nilalandi nya noong Stripper pa sya,yung mga bading at lalaking costumer nya dati ay wala lang sa kanya. At isa pa,bago sa kanya ang lahat ng ito kaya talagang naiintindihan ko sya. Mahirap sa kanya ang umamin nubg una diba,at alam kong makakapag adjust din naman siya.

Ngayon nga ay maaga akong umuwi para ipagluto sya. Diba nga dito na ako nakatira na sa kanya?

"Nako mamimiss kita." Ang sabi pa ni Edge nung magpaalam ako na lilipat na.

"Magkikita pa din tayo noh!" Naka ngiti kong sagot sa kanya at nilingon si Kaze na naghihintay sa di kalayuan.

"Huwag ka sanang ipagdamot ni tol Kaze. O sige na,ingat!"

Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng may tunawag sa phone kong naka patong sa lamesa. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag si Lourd pala.

Ano na naman ang kailangan nito? Tapos na ang oras ng trabaho ko ah? Gayunpaman ay sinagot ko pa din ito.

"Bakit?" Ang agad kong bungad. Buti na lang at tapos na akong magluto.

"Hindi pa din pinipirmahan bg tatay mo yung document na pinahatid ko sayo nung nakaraan." Seryosong sagot naman ni Lourd. Ang weird,ganito pala sya pag seryoso.

"If its against his will,hindi nga nya iyon pipirmahan. Ano ba--"

"Hindi mo na kailangan malaman. Mag usap tayo bukas. Do everything para mapirmahan iyon." At naputol ang tawag. Bigla akibg kinutuban,tungkol siguro ito dun sa narinig ko nung nakaraan. Sana mali ang hinala ko. Pakiramdam ko ayaw din ni Kaze sa idea na yon,dahil nung nabanggit ko sa kanya dati,para siyang nagalit.

Ang tagal kong naghintay kay Kaze,lumamig na lamang ang mga pagkain at nalipasan na ako ng gutom ay hindi pa din sya dumadating. Nag aalala na aki ng sobra at malapit ng mag midnight. Hindi ko sya matext o matawagan dahil ayaw nya lalo pa at nasa trabaho sya.

Hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako. Nagising ako sa malalakas na katok sa pinto,tiningnan ko ang oras sa phone ko. Past 1AM na.

Agad akong tumayo at nagtungo sa pinto. Pag bukas ko ay tumambad sa akin si Kaze na lango at isang magandang babae.

"Napadami ang ininom kaya hinatid ko na." Sabi nung babae. Inalalayan namin si Kaze papasok at saka hiniga sa sofa. "Are you his brother?"

Tinitigan ko ang babae saka sinagot. "No,Im his partner in life. Salamat sa paghatid sa kanya ah?" ayokong maging rude. Pero yon ang paraan ng pagpapa alis ko sa kanya.

"Ah. Okay. I should get going." Anito na tumango tango pa. Sinamahan ko sya hanggang pinto,at ng makalayo na ito ay isinara ko agad ang pintuan.

Agad kong hinubaran at nilinis si Kaze. Nagtatampo ako dahil hindi man lang sya nagpasabi na pupunta syang party para hindi nasayang ang niluto ko. But then again,kailangan ko magpasensya,ayaw ko syang masakal sa mga demands ko baka yon pa ang maging mitsa ng paghihiwalay namin at ayaw ko iyong mangyari. Masyado ko na syang mahal at hindi ko na ata kakayanin ang malayo sa kanya ng tuluyan.

Kinabukasan ng magising ako ay wala na sa sofa si Kaze. Agad akong tumayo at nagtungo sa kusina,nay sticky note sy sa ref,nauna na daw syang pumasok sa trabaho dahil may nirerepaso sila nina Papa sa kumpanya namin.

Naligo na din ako kahit medyo nawalan na ako ng gana,pero nagpaka positive ako. Boyfriend pa lang ako at hinsi tama na umarte ako,hindi lahat ng oras ay magkasama kami.

"Dumiretso ka kay Boss. Kailangan ka daw nyang maka usap." Ang agad na bungad ssa akin ni Mrs.Cheng pagdating ko sa trabaho.

Agad naman akong tunalima at nagtungo sa opisina nni Lourd.

"Bakit?" Sabi ko ng makapasok sa opisina.

"Is that the proper way to greet your boss,ha keeyo?" Anito na baka de quatro at pinaglalaruan ang hawak na ballpen.

"Hindi ka naman umakting boss simula pa lang. Anong kailangan mo?" Ang agad konh sabi.

"Tulad ng sinabi ko ng tinawagan kita. Kailangan mapapirma mo ang Papa mo." Aniya,tumayo at namulsa.

Napabuntong hininga ako. "Ano ba nilalaman bg document na yon?!

"Itams a contract sa pagpapatayo namin ng bagong facility sa isang squatter's area."

Napanganga ako. Hindi nga ako nagkamali ng dinig noon. Panigurado akong hindi talaga yon pipirmahan ni Papa. Ayaw nyang may mga nadadamay na inosenteng tao na mawawalan ng tirahan kung sakali.

"Hindi nga nya yon pipirmahan." Ang sabi ko at naisip si Kaze. Alam kong isa sya sa unang magpoprotesta dahil ganito ang nangyari sa pamilya nya noon.

"Kailangan mong mapapirma. Buhay at kaligayahan mo ang nakasalalay dito,Keeyo."

Agad nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig. Anong ibig nyang sabihin?

"What do you mean?,"

"Hawak ko ang mga documents na nagsasabi na pamilya nyo ang nagpasunog sa squatters area na tinitirahan ng boyfriend mo nung bata pa sya. Gusto mo bang malaman nya na ang Pamilya mo ang rason kung bakit namatay ang pamilya nya?

Nagtayuan ang mga balahibo ko. Nanginig ang mga kalamnan ko.

No,hindi totoo yon. Hindi iyon magagawa ni Papa. Hindi sya ganoong tao.

"Hindi totoo yan. This is all a lie. Hindi ganon si Papa! " ang naiiyak ko ng sigaw. Hindi masamang tao ang papa ko.

"Why dont you ask him? And one more thing. Makipag hiwalay ka kay Kaze."

"No! Thats too much!"

"Edi sya ang makikipag hiwalay sayo. Lalo na pag napanood nya ang video ng pakikipagsex mo kay Lourd at Zeth. Idagdag pa pag nalaman nyang ang pamilya.mo ang rason ng lahat ng paghihirap nya." Sabi ng isang boses ng babae na pamilyar sa akin. Nasa likuran ko ito kaya nilingon ko.

"Anong video? " nanginginig kong tanong. At pag lingon ko dito,nakita ko yung babaeng naghatid kay Kaze kagabi kaya lalo akong naguluhan.

"May cctv ang bawat sulok ng building na ito,Keeyo." Pagsabat ni Lourd. Nagngingitngit na ako ngayon sa galit. Bakit ginagawa nila ito?

"Hindi ko gagawin ang mga gusto niyo." Matapang kong sabi. Tunalikod kay Lourd at naglakad. Nilampasan ko yung babae.

"Pag isipan mo,Keeyo. Im giving you one week." Ani Lourd. Hindi ako lumingon at dumiretso na ako sa elevator.

Why is this happening? Ayaw kong makita ni Keeyo ang video. At ayaw ko ding malaman nya na ang pamilya ko ang dahilan kung bakit maaga syang naulila.

Anong gagawin ko?