webnovel

The Stripper (Strip 14)

Para akong binuhusan ng tubig na puro yelo. Nanigas ako sa kinatatayuan namin ni Kaze,ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko para maitulak sya ng bahagya.

Wala na kaming lusot,nahuli na kami ng kakambal ko. At ito ang lubos kong kinakatakutan,ang masaktan ko sya ng harapan. Ang masaktan sya na ako ang dahilan.

"What's this? Tama ba ang nakita ko?" inosenteng tanong ni Keesha. Parang piniga ang puso ko,I know anytime ay iiyak na sya at ayaw ko iyong makita.

"Magpapa--"

"Oo,totoo ang nakita mo,and Im sorry. Huwag ka sanang magalit kay Keeyo. Ako ang nagpumilit--"

Napasinghap ako ng sampalin ni Keesha si Kaze ng ubod lakas.

"Kailan nyo pa ako iniiputan sa ulo? I knew there's something going on pero pinagsawalang bahala ko! Pero totoo pala!" sigaw ng kakambal ko at pinunasan ang mga luha nya. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya,at ako ang rason. Its my fault.

"Im sorry Keesha." ang tangi ko lang nasabi. Kailangan ko ng manindigan. Ang tangi ko lang magagawa ay humingi ng tawad,its all I can do. I cannot undo what's already been done.

"Sa akin ka magalit. Kasalanan ko. I tried,pero si Keeyo talaga ang mahal ko. Gusto kong sabihin ito sayo noon pa,pero hindi ako makakuha ng pagkakataon tuwing sinasabi mo ang mga gusto mo para sa atin." mahinahong sabi ni Kaze,ngunit nakatitig sa kakambal ko.

"Sana,hindi mo na lang ako niligawan! Sana hindi mo na lang ako binigyan ng false hope. You ruined my dream for us! Ang masakit,kapatid ko pa!" singhal ni Keesha at pinunasan ulit ang mga luha. I want to hug her,kaya lumapit ako at niyakap sya. Pero tinulak nya ako. "Ikaw! Hindi ko alam kung anong iisipin ko,ikaw pa ang nanakit sa akin. How could you do this to me?!"

Humagulhol sya at tinakpan ng mga palad ang kanyang mukha. I hugged her,ramdam na ramdam ko ang heartache,pero tama si Kaze,sa pagmamahal ay hindi pwedeng walang ibang masasaktan,hindi pwedeng walang maaapakan.

"Im sorry,kambal." umiiyak kong sabi. "Mahal kita,hindi ko sinasadya. Mapatawad mo sana ako,mapatawad mo sana kami. Ayokong magkasira tayo dahil dito."

"Pero mas mahal mo sya. Ayaw mong masira tayo,pero nagpatuloy ka." ang mahina nyang sabi. "You betrayed me."

"Don't say that. Sa akin mo isisi ang lahat. Huwag si Keeyo. Pinigilan nya ako dahil ayaw ka nyang masaktan. Pero,Keesha. Sya ang mahal ko eh. Sya ang hinahanap ng puso ko eh. Sana matanggap mo iyon kahit hindi mo na ako mapatawad. Alam kong sagad sa buto ang kasalanan ko,pero nagmahal lang ako." ani Kaze at hinila ako,pinaghagpong nya ang aming mga kamay.

Huminga ng malalim si Keesha. Salitan ang tingin nya sa amin ni Kaze. Natatakot ako na baka ito na ang katapusan namin bilang magkapatid. Natatakot ako,pero sa pagpisil at mainit na kamay ni Kaze ay tumatapang ako,nararamdaman kong hindi nya ako bibitawan and I should do the same.

"Its okay. I'll get over this soon." ani Keesha. "Im sorry din at kung anu-ano ang nasabi ko."

"Patawad talaga." ani ko at inabot ang isang kamay ni Keesha,ngumiti sya at pinisil nya ang kamay ko.

"Nag over react lang siguro ako. Hindi ko lang siguro talaga natanggap. But to tell you guys,its really okay. I don't know why but its really okay. Siguro crush ko lang talaga si Kaze,sorry for being the best actress." aniya at ngumiti.

Huh? Ano daw? Hindi ko maintindihan? Anong sabi ng kakambal ko?

"What do you mean?" taka kong tanong. Nilingon ako ni Kaze na salubong ang mga kilay.

"Una pa lang napapansin ko na. Syempre,Im a brat,pinagpilitan ko ang gusto ko. And I figured out,ngayon lang na hindi ko mahal si Kaze,crush lang talaga."

"Ibig ba nyang sabihin ay pinapatawad mo na kami? Na hindi ka talaga galit?" ang seryoso at naninigurong tanong ni Kaze. Tumawa naman ang kakambal ko.

Seriously? Drama lang ba talaga nya yung kanina? Naguguluhan ako.

"Oo naman. Bakit ako magagalit? Nakatulong pa nga ang sitwasyong ito dahil nalaman kong hindi pala kita mahal. Bakit? Hindi kasi ako nasaktan. Na shock lang ako,naisip ko agad na parusahan si kambal sa matagal na pagtatago kaya nagdrama ako. Effective ba?"

Parang gusto kong kurugan ang kakambal ko.

"Why you gotta be so rude?" ani ko dito.

"You know me kambal,Im full of--"

"Nandito ka lang pala. Miss nahulog kanina tong wallet mo kaya sinundan kita." pamumutol ng isang boses ng lalaki. Lahat kami ay napatingin sa pinto.

Gwapo ito,pero mukhang katamtaman lang ang antas ng buhay.

"Huh? Patingin?" ani ng kakambal ko at nagpunta sa pinto. Iniabot ito ng lalaki. "Uy! Thank you ah?" aniya dito at bumaling sa amin. "Bye lovers! Magpapa parlor pa ako. Goodluck!"

Umalis na ito,napatingin sa amin yung lalaki. Ngumisi saka umiling at umalis.

Parang ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga kanina ay katapusan na. Sobrang kinabahan at natakot ako.

Naramdaman ko ang pag akbay ni Kaze sa akin. Nag angat ako ng tingin para matitigan sya. I can't believe it,he's really mine now.

"Naiinis ako." ang parang batang nagmamaktol nyang sabi.

"Ano naman ang ikina iinis mo? Wala na tayong problema oh? Napatawad at natanggap na tayo ni Keesha." sabi ko at inalis ang pagkaka akbay nya,pumunta ako sa mesa at ako naman ang uminom ng tubig.

Humarap sya sa akin at humalukipkip.

"Naiinis ako,kasi nabitin ang halikan natin! Tsk,nandun na eh,papunta na! Sayang talaga." aniya at ngumisi.

"Nagawa mo pang gumanyan? Ni hindi ka ba kinabahan o ninerbyos?" taas kilay kong sabi kay Kaze na naka ngisi pa din.

"Nang magsimula akong maging Stripper,tinanggal ko na sa sistema ko ang nerbyos at kaba." biglang seryoso nyang sabi. Naalala ko na naman ang mga kinwento nya kanina. Sobrang dami na pala talaga nyang pinagdaanan.

"Sa bagay. Uhm." ani ko at tiningnan ang kusina nya. "Magluto tayo? Tas babalik na ako sa trabaho."

"About that,hindi ba pwedeng dun ka na lang sa kumpanya nyo? Sa totoo lang,hindi ako mapakali kakaisip kung anong nangyayari sayo sa kumpanyang yon." sabi nya,lumapit at hinapit ako.

Ang bango bango nya,nakaka adik talaga. Isa ito sa mga talagang nagustuhan ko sa kanya.

"Hindi pwede. Gusto kong ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa iba. Yung hindi galing sa mga magulang ko ang perang matatanggap ko." sabi ko at yumakap sa kanya. Ang lakas at bilis ng tibok ng puso nya,pareho lang kami.

"O sige. Pinapayagan kita dyan. Pero,gusto ko magsama na tayo. Isa pa yang si Edge,ayokong may iba kang kasamang lalaki." aniya at lumabi.

Kumalas ako sa pagkaka yakap at tinitigan sya.

Totoo ba yung mga narinig ko? Niyaya nya akong magsama na kami? Ganon na talaga sya kaseryoso? Ni hindi ko pa nga naiisip iyon,pero sya,iniisip na nya iyon. Lalo ko tuloy syang minahal.

"Sigurado ka ba dyan? I mean,masyado pang maaga,marami pang pwedeng mangyari. Baka sa kalagitnaan,marealize mong babae talaga ang gusto mo." ani ko at napa upo. Ano ba yan? Ako mismo ang nasaktan sa sinabi ko. Ang daldal ko talaga.

"Hinuhusgahan mo ba ang pagmamahal ko sayo? Sigurado na ako,Keeyo. Ive never been so sure,until I met you."

Parang hinaplos ang puso ko,parang tinunaw. Nakaka overwhelmed ang pagmamahal nya sa akin.

At natatakot ako na baka hindi ko mapantayan ang pagmamahal nya. Who would have thought? Isa sa star dancer sa strip club,campus crush at suma cum laude ay minahal ang isang baklang gaya ko. Parang gusto ko ng maniwala sa fairytale.

"Sige. Magsama na tayo,bukas tulungan mo akong maglipat." sa wakas ay sabi ko. Ngumiti sya at sa isang iglap ay naglapat ang aming mga labi.

Nagpasya kaming mamalengke dahil napagdesisyunan kong sa kanya mag over night.

Papasok na kami sa palengke ng may tumawag kay Kaze. Paglingon namin ay isang gwapong lalaki at napaka gandang babae na magka holding hands ang nakita namin. Napalingon ako kay Kaze,nagsalubong ang mga kilay nya,muli kong ibinalik ang tingin sa dalawa.

Parehong malagkit ang tingin nila kay Kaze,at hindi ko gusto iyon. Nakaka selos,para bang ang dami kong kaagaw.

"Tara na." at hinila agad ako ni Kaze.

"Sino mga yun?" ang curious kong tanong sa kanya ng nasa loob na kami ng palengke.

"Mga dati kong customer. Naka threesome ko sila,magkarelasyon sila pero pareho nila akong tinikman." ang sagot ni Kaze. Napanganga ako,pwede pala yon? Ang gwapo pa naman nung lalaki at ang ganda nung babae,grabe sila. "Naka drugs sila that time,kaya pumayag yung lalaki,trip lang naman."

"Ganon? Paano kung yung ibang customer mo naman ang makakita sayo?" ang nag aalala kong tanong.

"Wala akong pakialam. Nagbago na ako. Hindi naman ako ang nagkasala kundi sila,naging kagamitan lang ako ng makamundo nilang pagnanasa. Ipapakita ko sa lahat na hindi na ako yung dating Kaze Celis. Nagbago na ako,and its because of you." aniya na nakatitig sa akin. Pakiramdam ko kami lang ang tao sa lugar na ito.

At sa totoo lang,para na akong mamamatay sa kilig. Ito pala ang Kaze na mapagmahal,kailangan ko na atang masanay sa mga nakaka kilig at mga nakakabigla nyang sinasabi. Sobrang tamis,nakaka sakit ng ngipin! Haha.

"Ang tamis mo. Wala akong masabi." nakangisi kong sabi habang nagpipigil ng kilig.

"Umpisa pa lang yan, Keeyo. Tara na, pinagtitinginan na naman tayo." pinag intertwine nya ang mga kamay namin at tinungo na namin ang pinakaloob ng palengke.