webnovel

Jin (Chapter 8)

ARAW ng linggo. Pahinga ni Jin ang araw na iyon sa pagtatrabaho sa bukid. Nakipagkita siya sa kaibigang si Kurt. Kasingtangkad niya ito at magandang lalaki rin. Mas maangas pa nga ang katawan nito kaysa sa kanya.

Naggi-gym din kasi ito paminsan-minsan. Mag-isa lamang itong naninirahan sa bahay nito. Pareho ng namayapa ang mga magulang dahil sa aksidente sa sinakyang bus tatlong taon na ang nakakaraan. Ang nag-iisa naman nitong kapatid na babae ay may sarili ng pamilya. Kaedad niya rin ito.

Tulad niya, habulin din ito ng mga kababaehan at kabaklaan. Sa katunayan, ito ang dahilan kaya napasok niya ang pagiging bayaran. Pero paminsan-minsan lang naman niya ginagawa iyon. May mga panahon lang talaga na gipit siya. Hindi katulad ni Kurt na talagang ginawa ng parang sideline kahit maayos naman ang trabaho nito sa isang production company.

Gusto rin sana niyang mamasukan sa pinagtatrabahuan nitong kompanya pero dahil nga sa malaking tattoo niya sa likod at bisig ay hindi siya natatanggap. Wala rin naman siyang ibang mapag-aplayan dahil wala namang masyadong kompanya sa lugar nilang iyon sa bayan ng San Isidro. Malayo kasi sila sa siyudad.

Hindi naman talaga siya adik sa droga. Pero paminsan-minsan ay naiisip niya talagang tumira ng bato para makondisyon ang kanyang katawan lalo na kapag pagod na pagod siya.

"Tol, may ipagtatapat ako sa 'yo pero atin-atin lang 'to ha," sabi niya.

Nag-iinuman sila noon. Siya pa ang nanlibre dahil sa ibinigay ni Glen sa kanyang limang libo. Nasa sala lamang sila ng bahay ni Kurt. Nagpatugtog sila ng puro rock.

"Ano 'yon, tol? Maglaladlad ka na ba?" tanong ni Kurt sabay halakhak.

"Tarantado, hindi ako bakla. Pero tungkol sa bakla ang sasabihin ko sa 'yo, tol."

"Ah... nahawaan ka na ng sakit galing sa bakla?" muling biro ni Kurt. Sabay silang nagtawanan.

"Seryoso, tol. Ganito kasi iyon, kilala mo naman ang kambal ko 'di ba?"

"Si Din. Oh, ano ang tungkol sa kanya?"

"Kasi, tol," sabi niyang biglang nenerbiyos, "kasi, tol, bakla siya."

Namilog naman ang mga mata ni Kurt sa kanyang sinabi. "Hindi nga, tol?"

"Totoo talaga 'yon, tol."

"Paano mo nalaman? Ginapang ka ba niya?"

Seryoso siyang tumitig sa kaibigan. "Parang gano'n na nga, tol."

"Ano? Nagawa niya 'yon, sa 'yo? Pinagbigyan mo naman ba?"

"Iyon nga ang problema ko, e. Hindi ko siya kayang pagbigyan kasi magkapatid kami. Pero naaawa ako sa kanya kasi normal lang naman 'yon sa mga bakla 'di ba? Maghahanap talaga ng mga lalaki," sabi niya.

"So kung naaawa ka, edi pagbigyan mo na lang."

"Loko-loko ka talaga, tol. Hindi iyon puwedeng mangyari okay," seryoso niyang sabi. Dumampot siya ng sigarilyo sa mesa at nagsindi.

"So, ano ang gagawin mo ngayon?" tanong ni Kurt. Nagsalin ito ng alak sa baso kapagkuwa'y ibinigay sa kanya. Kaagad naman niya iyong ininom.

"Tol, total, sanay ka namang mamakla. Baka naman puwedeng ikaw na lang ang maging tagabigay ng aliw sa kapatid ko. Mahal na mahal ko 'yon, e. At saka alam mo namang nagtatago iyon sa kabaklaan niya kaya tingin ko hindi pa siya nakatikim ng lalaki sa edad niyang iyon. Kaya siguro ako na lang ang napagtripan."

Tumawa si Kurt. "Grabe ka naman, tol. At ako pa talaga ang gagawin mong pain sa kapatid mo?"

"Wala na akong choice, e. Ikaw lang naman ang kilala kong mahilig mamakla at saka alam kong magugustuhan ka rin ng kapatid ko."

"Magkano ba ang serbisyo ko diyan sa kapatid mo ha?" sabi ni Kurt sabay ngisi.

"Tarantado ka talaga, tol. Nag-aaral pa 'yon, e. Scholar pa nga kasi alam mo namang mahirap lang kami. Sige na, tol. Minsan lang naman siguro maghanap 'yon," nakikiusap na niyang sabi.

Bumuntong-hininga si Kurt. "Kung hindi lang kita kaibigan ayoko talaga, e. Pero sige na nga, subukan ko."

Lumuwag ang ngiti niya. "Salamat, tol. Pasensiya ka na talaga ha."

"Pero paano kung hindi niya ako magugustuhan at talagang ikaw ang type niya?"

Natigilan siya sa katanungang iyon ng kaibigan. May punto nga naman ito. Paano nga ba? Naguluhan tuloy siya pero ayaw niyang maging negatibo nang mga sandaling iyon.

"Ikaw pa ba, tol, ang hindi niya magugustuhan? E, napaka-in-demand mo nga sa mga bakla," sabi niya sabay tawa. Tumawa rin si Kurt.

Patuloy silang nag-inuman. Nakatatlong bote na rin sila ng gin no'n. Nakakaramdam na nga siya ng pagkahilo. Nang maubos nila ang pangatlong bote ay lumabas sila ng bahay para bumili na naman ng alak sa kalapit na tindahan. Pareho silang nakahubad baro no'n.

"Ano ba 'yan, mas lalo niyo namang pinapainit ang panahon."

Sabay silang nagtawanan sa sinabi ni mama Jammy. Isa itong bakla na may-ari ng parlor. Nakasalubong nila ito sa daan pabalik sa bahay. Para na talaga itong babae kung titingnan. Maraming beses na rin silang na-booking ng baklang ito. Medyo galante naman kung magbigay at madalas ay may snack pa pagkatapos makipagtalik.

"Bakit anong oras na ba, mama Jammy?" tanong ni Kurt.

"Alas dos na ng hapon pero nang dahil sa inyo parang bumalik ang oras sa alas dose," tugon ng bakla.

Nagtawanan na naman sila. Nagpalipat-lipat naman ang mga mata ni mama Jammy sa kanilang dalawa at animo'y hubo't hubad silang dalawa sa harapan nito.

"Hindi ka ba nauuhaw ngayon, mama Jammy? Nasa kondisyon kaming dalawa ngayon," sabi ni Kurt.

Patawa-tawa na lamang si Jin. Hindi naman kasi talaga siya madaldal.

"Pero utang na muna? Wala akong cash ngayon, e," natatawa namang tugon ng bakla.

"Hay naku, mama Jammy. Ikaw pa ang mawawalan ng cash diyan? Sige na tiglilimang-daan lang kami ni Jin, sabay ka pa naming paliligayahin," sabi ni Kurt sabay kindat sa kanya. Napangiti lamang siya.

Muli silang pinagmasdan ni mama Jammy. "Paamoy nga muna ng mga kilikili niyo," kapagkuwa'y sabi nito.

"Iyon lang pala, e. Mababango naman kami, 'no," sabi ni Kurt at lumapit kay mama Jammy sabay lagay ng mga kamay sa likod ng ulo.

Kaagad namang tumalima ang bakla at isinubsob ang mukha sa mabuhok na mga kilikili ni Kurt.

"Aamoyin lang, e. Bakit may kasamang dila na 'yon ha," natatawang sabi ni Kurt.

Natawa si mama Jammy, "okay pasado na ang sa 'yo. Ikaw naman, Jin."

Tawa nang tawa si Jin na lumapit dito. Inilagay rin niya agad sa likod ng ulo ang mga kamay. Confident naman siya noon na walang masamang amoy ang kanyang mga kilikili. Kaagad niyang naramdaman ang mukha ng bakla sa bahagi niyang iyon.

Napaigtad siya at natawa dahil nakiliti siya sa biglang pagdila ni mama Jammy sa kanyang kilikili pero hinayaan na lang niya ito. Pagkatapos sa kanang kilikili ay sa kaliwa naman.

"Okay, let's go. Pasado na kayong dalawa," sabi ni mama Jammy.

Dinala nga nila ang bakla sa bahay.