"KUYA Jin..."
Nagising siya sa tawag na iyon. Pagdilat ng mga mata ay nakita niya si Daniel na nakaupo sa kanyang tabi. Ngumiti siya rito at pumungas-pungas ng mga mata. Bumangon siya.
"Kakain na po tayo, kuya Jin," sabi ni Daniel. Titig na titig ito sa kanya.
Napatingin siya sa relong pambisig, alas siyete na ng gabi.
Ginulo-gulo niya ang buhok ni Daniel at nahihiya itong ngumiti sa kanya.
"Nahihiya ka ba sa akin, Daniel?"
Hindi ito tumugon at ngumiti lang.
"H'wag kang mahiya sa akin. Kaibigan mo ako, e," malambing niyang turan sa nakakabatang pinsan.
Napabuntong-hininga si Daniel kapagkuwa'y ngumiti sa kanya. "Pasensiya na po. Sige... 'di na ako mahihiya sa 'yo, kuya Jin."
"Ganyan nga," sabi niyang tumayo. Tumayo rin si Daniel. Hinawakan niya ang kamay nito at sabay silang lumabas ng kubo.
Pumasok sila sa bahay. Si Jin naman ang nakaramdam ng hiya nang mga sandaling iyon. Handa na ang pagkain sa mesa at hinihintay na sila.
Kaagad silang umupo ni Daniel. Magkaharap ang upuan nila. Katabi niya si Rey at kaharap naman nito si Lea. Nag-umpisa agad silang kumain.
"Jin, umiinom ka naman ng alak 'di ba?" tanong ni Rey.
Nilunok muna ni Jin ang pagkain bago tumugon, "Medyo po, tito, bakit?" Nginitian niya ang kanyang tito Rey.
"Medyo o lasinggo ka rin?" nakangising tanong nito sa kanya.
Natawa si Jin. "Kapag nasa kondisyon lang uminom, tito, medyo napaparami ang inom ko."
"Nasa kondisyon ka ba ngayon uminom? Day-off ko na bukas."
"Hon, sa susunod na araw na lang 'yang inoman na 'yan. Pagpahingain mo muna si Jin," sabat ni Lea.
Ngumisi lang si Rey. Pero nakikita naman ni Jin sa mukha nitong gusto talagang uminom.
"Okay lang naman sa 'kin uminom ngayon, tita. Sa totoo lang, sanay naman akong uminom," wika niya.
"Oh, 'yon naman pala, e. Okay lang kay Jin," natutuwang sabi ni Rey.
Nagkibit-balikat lamang si Lea at hindi na nag-react pa.
Matapos nilang kumain ay nagpresenta si Jin na magligpit ng kanilang pinagkanan at hinugasan ang mga iyon. Tumutol pa ang mag-asawa pero nagpumilit siya. Nahihiya na kasi siya nang mga sandaling iyon.
"Jin, anong oras ka puwede makainoman?" tanong ni Rey. Nasa sala na ito kasama si Lea at si Daniel. Nanonood ng palabas sa telebisyon. Titig na titig ito sa kanya.
"Maliligo po muna ako, tito," tugon niya, "Nasaan po pala ang banyo ninyo?"
"Nasa may kusina lang, Jin," sabi ni Lea.
Napatango-tango siya. Panay ang ngiti ni Rey sa kanya na medyo ikinaasiwa niya no'n. Gusto sana niyang pansinin si Daniel pero nakatutok lang ito sa palabas.
Lumabas na siya ng bahay at pumunta sa kubo. Kinuha niya ang tuwalya sa bag. Kaagad siyang naghubad ng sando, pantalon at panloob. Itinapi niya ang tuwalya sa beywang at lumakad na. Bigla niyang naalala na wala pala siyang sabon at shampoo kaya bumalik siya ulit sa kubo at kumuha ng pera.
Hindi na siya nagbihis at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa kanyang kahubaran. Naglakad na siya palabas. Dumiretso siya sa nakitang malapit na tindahan.
"Tao po!" wika niya. Nakita niya ang isang lalaking tindero. Nanonood ito ng TV.
"Ano'ng bibilhin mo?" tanong nitong hindi man lamang siya tiningnan.
Nangunot ang kanyang noo sa inaakto ng tindero. Medyo nainis siya dahil hindi man lamang ito marunong mag-entertain ng kostumer.
"Sabon at shampoo ho," sagot niya.
Bigla itong napatingin sa kanya. Mas lalong nangunot ang kanyang noo sa ginawi nito. Tinitigan siya nito nang husto lalo na ang kanyang katawan. Panay rin ang lunok nito ng laway na animo'y nauuhaw sabay kagat ng labi. Noon niya napagtantong bakla ito kaya napangiti siya.
"Ano ulit 'yon?" mayamaya ay tanong nito.
"Sabon at shampoo ho," pag-uulit niya.
"Bago lang ang mukha mo rito, a. Ano'ng pangalan mo?"
Napabuntong-hininga si Jin. Alam niyang interesado ito sa kanya. Bigla niyang naisip ang bilin sa kanya ng mga magulang na maging mabait at mapagkumbaba sa mga tao roon.
"Jin ang pangalan ko. Pamangkin ako ni Rey at Lea, kung kilala mo," tugon niya at ngumiti pa rito.
"A, kilala ko sila. So bakasyunista ka lang ba o doon ka na titira sa kanila?"
"Sa kanila po ako titira pansamantala. Dito kasi ako mag-aaral ng kolehiyo."
Muli na namang naglakbay ang mga mata nito sa kanyang kabuuan pero hinayaan na lamang niya ito.
"Ako nga pala si Rodel," mayamaya ay pakilala nitong naglahad pa ng kamay. Walang pagdadalawang-isip naman niyang tinanggap ang kamay nito at nakipagdaupang palad. Ramdam niyang nanginig ito. Dinilaan pa nito ang mga labi. Sa totoo lang ay gusto na niyang matawa nang mga sandaling iyon.
"A, puwede ba kitang tawagin na mang Rodel?" tanong niya. Napansin kasi niyang medyo may edad na ito. Hinayaan niya lang itong nakahawak pa rin sa kanyang kamay.
"Ikaw ang bahala, iyon din naman ang tawag nang karamihan sa akin. By the way, ang pogi mo naman," sabi nito.
Napangisi siya. "Salamat ho. Siyanga pala, ang binibili ko pakibigay na kasi nagmamadali na ako."
Bumitiw ito sa kanyang kamay at napangisi. "Pasensiya ka na, Jin. Ngayon lang kasi ako nakakita ng pogi rito."
Tumawa na lang siya at hindi na tumugon. Hindi niya alam kung binobola siya nito o seryoso sa sinabi.
Tumalikod naman si mang Rodel para kunin ang sabon at shampoo na kanyang binili.
Pagkabigay nito ng kanyang binili ay inilahad niya ang dalang isang daan dito.
"H'wag na, Jin. H'wag mo nang bayaran," pagtanggi nito.
"Huh? Sigurado ka?" maang niyang tanong.
"Oo naman, ang gaan ng loob ko sa 'yo, e. Puwede ka bang maging kaibigan, Jin?"
"Bakit hindi?" mabilis niyang tugon. Napakamot siya ng ulo. Nakita naman niya kung paanong natuon ang mga mata ni mang Rodel sa kanyang mabuhok na kilikili. Kaagad niyang ibinaba ang kamay. "Mang Rodel, sigurado ka talagang hindi mo ito pababayaran? Kakakilala lang natin, e."
"Oo sabi, ang kulit mo, e. Kaibigan na kita ha at sana maka-jam din kita kahit paminsan-minsan lang."
Nagkibit-balikat na lamang siya. Napangiti na lang siya ulit dito. Alam niyang malaki ang tama nito sa kanya at gusto siya nitong matikman.
"Ano, Jin? Jam tayo paminsan-minsan."
Humugot siya nang malalim na hininga. "Okay, okay, walang problema," sabi niya, "sige mauna na po ako. Maliligo na ako," paalam niya sabay talikod.
"Wait, Jin..." tawag nito.
Napalingon siya kay mang Rodel. "Bakit ho?" maang niyang tanong.
"Ahm... Jin, puwede paamoy ng kilikili mo? Gusto kong maamoy ang natural na amoy ng kilikili mo, e. Kung okay lang naman sa 'yo," medyo nauutal nitong sabi.
Natawa siya sa pakiusap ni mang Rodel. Saglit siyang nag-isip kung pagbibigyan ito o hindi. Naisip niyang sanay na rin naman siya sa mga bakla kaya wala siyang nakikitang problema roon.
Inamoy muna niya ang mga kilikili at kunwari ay napangiwi. Sa totoo lang ay wala namang masamang amoy ang kilikili niya kahit hindi naman siya naglalagay ng deodorant. Wala nga rin siyang ginagamit na kahit na anong pabango.
Natural na amoy lang talaga ang maaamoy sa kanya. Nagiging mabango lang siya kung bagong paligo dahil sa sabon at shampoo. Isa nga iyon sa pinagtataka niya kung bakit ang daming gusto siyang maamoy lalo na kapag pawisan.
"Mabaho po, e. Nakakahiya naman sa 'yo, mang Rodel," sabi niya at napangisi.
"Asus... sige na, Jin, habang walang tao," pamimilit nito.
Napatingin-tingin muna siya sa paligid. Medyo wala ngang makakapansin sa kanila no'n. Lumapit nga siya kay mang Rodel at inilagay ang dalawang mga kamay sa likod ng ulo.
"Bilisan mo, mang Rodel," sabi niya nang mapansing tinitigan muna siya nito nang husto.
Kaagad namang tumalima si mang Rodel at isinubsob agad ang mukha sa magkabila niyang kilikili. Akala niya ay aamuyin lamang nito pero may kasamang halik at dila pa. Pero hinayaan niya pa rin. Baliwala na sa kanya ang mga ganoong encounter sa mga bakla. Sanay na sanay na siya.
"Tama na po. Kailangan ko nang magmadali," sabi niyang inilayo na ang sarili rito.
"Ang bango mo, Jin. Kapag kailangan mo ng baklang susuporta sa 'yo, nandito lang ako ha. Handa akong tumulong sa pag-aaral mo sa kolehiyo," seryosong sabi ni mang Rodel.
Natawa lang si Jin. Pero may bahagi ng utak niya noong nagsasabing malaking gamit si mang Rodel sa pananatili niya roon.
"Sige po, aalis na talaga ako," muli niyang paalam at tumalikod na.
May iba pang sinabi si mang Rodel pero hindi na niya ininda iyon. Hindi pa rin mawala ang mga ngiti niya sa labi. Hindi niya akalaing ang bilis namang may nabihag na bakla sa kanya. Naglaro ang mga makukulit na bagay sa isipan niya no'n pero pilit naman niyang iwinawaksi. Bigla niya kasing naalala si Marian.
Muli na naman ba siyang magpapakasala?