HALOS dalawang araw din ang biyahe bago dumating sa destinasyon ang sinakyang bus ni Jin. Pagbaba niya sa naturang bus ay nagpalinga-linga siya sa buong paligid ng terminal ng Pasay Rotonda.
Para sa kanya, ibang mundo na nga ang kanyang tatahakin magmula noon. Napakaraming tao, napakaraming sasakyan, napakaraming building at kung anu-ano pa na iba sa kinalakhang probinsiya. Nakaramdam siya nang kunting kaba nang mga sandaling iyon. Hindi niya naintindihan ang kanyang nararamdaman.
Hindi siya umalis malapit sa kinaroroonan ng bus na sinakyan. Iyon kasi ang sabi ng kanyang tito Rey. Mahirap na kapag mawala sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya.
Napangiti siya nang maisip ang nakakabatang pinsan na si Daniel. Naglalaro sa kanyang isipan no'n kung gaano na ito kalaki. Iniisip niya noong ang pogi na siguro ng kanyang pinsan.
"Jin!"
Napatingin siya sa kinaroroonan ng boses na tumawag. Abot hanggang tenga ang kanyang ngiti nang makita si Rey. Lumapit ito sa kanya.
"Tito Rey," wika niya.
Kinamayan siya nito at biglang niyakap. Tumugon naman siya kahit medyo naasiwa siya nang mga sandaling iyon.
"Binatang-binata ka na, a," nakangiting sabi ni Rey nang magkalas sila mula sa mahigpit na pagkakayakap. Titig na titig ito sa kanya.
Napansin niyang medyo tumanda na nga ito kaysa huli niyang nakita.
"Oo nga, e. Si Daniel, tito?" tanong niya. Nakaramdam siya nang kunting hiya kaya napakamot ng ulo.
"Hindi ko na pinasama. Nakikipaglaro sa mga kaibigan niya, e. Medyo spoiled ang pinsan mo na 'yon. Bawal pilitin," tugon ni Rey. Pangiti-ngiti ito sa kanya.
Napatango-tango na lamang si Jin. Sa totoo lang ay nakaramdam siya nang pagkadismaya no'n. Gusto na kasi niyang makita si Daniel.
"Kain muna tayo, Jin."
Ngumiti siya kay Rey. "Okay po," tipid niyang tugon. Medyo nagugutom na rin naman siya nang mga sandaling iyon.
Bigla siyang inakbayan nito at lumakad na nga sila para maghanap ng mapagkanan. Pumasok sila sa isang karinderya. Hinayaan na lamang niyang umorder ang kanyang tito Rey.
Habang kumakain sila ay maraming katanungan si Rey sa kanya tungkol sa kanilang pamilya. Malugod naman niyang sinagot ang lahat.
"Tito, may CR ba sila rito?" tanong niya. Bigla kasing namigat ang kanyang pantog. Tapos na silang kumain no'n.
Napatitig sa kanya si Rey na kanyang ipinagtaka.
"Sabay na lang tayo, Jin. Naiihi rin ako," mayamaya ay wika nito.
Ngumiti lamang siya at nauna nang tumayo. Inakbayan na naman siya nito at sabay nga silang tumungo sa CR. Isa lang ang nakita nilang umiihi roon.
Kaagad siyang pumuwesto sa ihianan na hindi sa cubicle. Sa kasunod naman pumuwesto si Rey. Hindi na lang niya pinansin iyon dahil pareho lamang silang lalaki.
Kaagad niyang tinanggal ang butones ng suot na pantalon kapagkuwa'y ibinaba ang siper. Inilabas niya agad ang kanyang pagkalalaki mula sa suot na puting panloob. Umihi na siya. Nagtaka siya dahil hindi naman niya napansing umihi ang kanyang tito Rey. Napatingin siya rito at nahuli niyang nakatingin ito sa kanyang alaga.
Ngumiti lamang ito sa kanya at saka pa niya napansing tinanggal nito ang butones ng suot na pantalon. Pero hindi naman niya iyon binigyan nang malisya.
Matapos umihi ay nauna na siyang lumabas ng naturang CR at naghintay sa labas. Ilang sandali lang ay lumabas na rin ang kanyang tito. Muli siya nitong inakbayan at naghanap ng dyip na masasakyan papuntang Libertad kung saan nakatira ang pamilya nito.
*****
"HINDI pa ba umuuwi si Daniel?" tanong ni Rey kay Lea.
Kakarating lamang nila noon sa bahay. Nakaramdam nang kunting hiya si Jin sa kanyang tita Lea.
"Hindi pa nga, e," tugon nito. Napatingin ito sa kanya at ngumiti, "Ang laki mo na, Jin. Ilang taon ka na ba ngayon?"
Nagmano muna siya rito bago sumagot, "Nineteen na, tita."
"Binatang-binata ka na talaga," wika ni Lea.
Nahihiya siyang ngumiti rito at hindi na nagawang tumugon. Pumasok na sila sa loob ng bahay. Pinaupo siya ng mag-asawa sa sopa.
Maraming katanungan na naman siyang sinagot mula sa kanyang tita. Palagay naman ang loob niya sa mga ito. Walang pinagbago, maayos pa rin ang pakitungo sa kanya. Kinumusta rin ng mga ito si Din at itinago naman niya ang buong katotohanan tungkol sa pagkahumaling ng kambal sa kanya.
Mga kalahating oras ang lumipas ay dumating na nga si Daniel.
"'Nak, Daniel, halika rito..." sabi ni Rey.
Halatang nagtaka si Daniel nang makita siya. Nahihiya pa nga itong tumingin sa kanya. Medyo payat ito at matangkad sa edad nitong diyes anyos. Gumaan ang kanyang pakiramdam nang mga sandaling iyon. Nakyutan talaga siya kay Daniel. Alam niyang hindi na nga siya nito kilala.
Lumapit naman ang nakakabata niyang pinsan kay Rey at kumandong dito.
"Ang dungis-dungis mo, 'nak," sabi ni Lea.
Napatingin naman kay Jin si Daniel at halatang napahiya. Nginitian niya ito pero yumuko lang ng ulo.
"'Nak, siya pala si kuya Jin mo, pinsan mo siya. Magmula ngayon dito na siya titira sa atin," sabi ni Rey.
Wala siyang nakitang reaksiyon mula kay Daniel. Tumitig lang ito sa kanya na animo'y sinusuri ang kanyang pagkatao.
"Hi, Daniel," malumanay ang boses na bati niya rito.
"Hello po, kuya Jin," tugon nitong ngumiti sa kanya.
Parang hinaplos ang puso niya sa ngiting iyon ni Daniel.
"Hindi mo na ba siya natatandaan, 'nak?" tanong ni Rey.
Umiling-iling lamang si Daniel. Nanatili itong nakatitig sa kanya kaya nginingitian naman niya para mapalagay ang loob nito.
"Limang taon pa lang si Daniel no'ng huli silang magkita ni Jin, e," sabi ni Lea.
"Oo nga po, baby pa si Daniel no'n," sabi niya.
"Kaya nga, pero ngayong nagkita na kayo ulit, inaasahan kung maging malapit kayo sa isa't-isa ha," sabi ni Rey.
"Iyon nga po ang gusto ko," sabi niya. "Magkaibigan tayo, Daniel, ha."
"Opo, kuya Jin," tipid na tugon ni Daniel.
Ilang sandali pa ay sinamahan siya ni Rey sa sinasabi nitong tutuluyan niya. Dinala siya nito sa likod ng bahay. Nakaakbay na naman ito sa kanya. Naisip niyang baka mahilig nga itong umakbay.
"Okay ka lang ba rito, Jin? Dalawa lang kasi ang kwarto sa bahay. Ayaw rin naman ni Daniel na may kasama sa kwarto. Ang agang nag-inarte, e," turan ni Rey.
Nasa loob na sila no'n ng kubo. Maayos naman iyon kaya walang problema sa kanya.
"Oo naman, tito Rey. Ang gara nga rito, e. Parang nasa probinsiya lang ako," nakangiti niyang tugon.
"Pasensiya ka na ha, ito lang nakayanan namin, Jin."
Tumawa siya. "Wala ngang problema, tito," sabi niya. Magkaharap silang nakaupo noon sa sahig.
Nakaramdam na siya nang panglalagkit ng katawan kaya naisipan niyang magbihis. Kumuha siya ng sando sa bag. Hinubad niyang bigla ang damit na suot. Ngumiti lamang siya sa kanyang tito Rey na nakatingin lang sa kanya no'n. Isinuot na niya ang sando.
"Oh, sige, Jin, maiwan na kita rito ha. Alam kong pagod ka sa biyahe. Magpahinga ka muna. Pumasok ka na lang sa bahay kapag may kailangan ka," mayamaya ay sabi nito at tumayo.
Tumayo rin siya. Sa totoo lang ay inaantok na talaga siya nang mga sandaling iyon. Lumabas sila ng kubo. Muling nagpaalam sa kanya si Rey at nabigla siya nang bigla siya nitong yakapin. Pero hinayaan na lamang niya ito at hindi binigyan nang malisya ang ginawa.
Habang nakayakap ito sa kanya ay napatingin siya sa bintana. Nakita niya roon si Daniel. Nakatingin lamang ito sa kanilang dalawa ni Rey. Ngumiti siya at nag-wave ng kamay sa kanyang pinsan pero bigla itong umalis. Naisip niyang estranghero pa nga talaga ang tingin ni Daniel sa kanya.