webnovel

Jin (Chapter 30)

DALAWANG ARAW na ang lumipas ay tuliro pa rin si Jin sa nangyari sa kanila ni Din. Hindi pa rin niya matanggap na tuluyan siyang naangkin ng sariling kambal. Madalas ay umiiyak siya sa kanyang kwarto pero paglabas niya ay muli siyang nagpapakatatag. Ayaw niyang mapansin ng iba lalo na ng mga magulang.

Hindi na rin niya pinapansin si Din. Minsan ay nahahalata niyang gusto siya nitong makausap pero kaagad din siyang gumagawa nang paraan na makalayo rito. Diring-diring siya sa pinaggagawa nito sa kanya.

Maraming beses niyang naisip na ipaalam sa mga magulang ang tungkol doon pero sa hindi niya malamang dahilan ay animo'y may malakas na puwersa talagang pumipigil sa kanya na gawin iyon. Parang may kapangyarihan ang kanyang kambal na patahimikin siya at ikulong na lamang sa buong sistema niya ang kahayupan nito.

Isang gabi, nakahiga na siya noon at nagpapaantok nang biglang tinawag siya ng kanyang ama.

"Jin, gising ka pa?" tanong ni Ryan.

"Bakit, tay?" pasigaw niyang tanong. Nanatili siyang nakahiga nang mga sandaling iyon.

"May naghahanap sa 'yo, harapin mo muna sandali."

Napakunot ang kanyang noo. Nagtataka siya kung sino naman kaya ang posibleng maghanap sa kanya e si Kurt lang naman ang bukod tanging nilalang na may lakas ng loob na puntahan talaga siya sa kanilang bahay.

"Okay, tay. Saglit lang po," sabi niya.

Kaagad siyang bumangon. Hindi niya maiwasang kabahan no'n. Wala talaga siyang ideya sa kung sino man ang naghahanap sa kanya.

Boxer at sando lamang ang kanyang suot nang lumabas sa kwarto. Pagsapit sa munti nilang sala ay bumungad sa kanya ang hindi pamilyar na mukha ng isang babaeng tantiya niya ay nasa kwarenta na ang edad.

"Magandang gabi sa 'yo, Jin," bati nito at may maluwang na ngiti sa mga labi.

"Magandang gabi rin po sa inyo. Ano ang kailangan mo sa akin?" tanong niya. Napatingin siya sa kanyang ama't ina na nasa sala rin nang mga sandaling iyon. Labis talaga siyang nagtaka kung ano ang sadya ng babae sa kanya.

"Maaari ba kitang makausap sandali, Jin? Ako nga pala si Rebecca," pakilala nito.

"Sige-sige, okay lang," tugon niya.

Sinipat niyang mabuti ang hindi inaasahang bisita. Sa isipan niya noon na baka matrona itong nais siyang makatalik. Kung totoo nga ang kanyang naiisip dito ay bumilib talaga siya sa lakas ng loob nitong puntahan siya sa bahay.

Pero bigla rin niyang naisip na ano man ang mangyari ay hindi siya papatol kay Rebecca. Wala kasi itong kahit na kaunting appeal sa kanya. Mataba kasi at iyon ang pinakaayaw niya sa mga babae.

Tila nakaintindi naman sina Ryan at Adela kaya nagpaalam na ang mga itong papasok na sa kwarto. Umupo siya sa upuang yari sa kawayan kaharap ni Rebecca. Tinitigan niya itong mabuti. Laking pagtataka niya kasi wala naman siyang nababasang pagnanasa mula rito.

"Jin, alam kong nagtataka ka kung sino talaga ako."

"Medyo nga po," nakangiti niyang turan.

"Ako pala ang yaya ni Marian..."

"Po?" namilog ang mga mata niya sa sa sinabi nito. Ni hindi na niya ito nagawang patapusin sa pagsasalita.

"Yaya nga ako ni Marian, ng siyota mo."

"A-asan po si Marian?" medyo nauutal niyang tanong.

"Gusto ka niyang makita, Jin. Umuwi kami rito sa probinsiya kaninang hapon."

"Gusto ko rin po siyang makita. Nasaan siya ngayon?" tanong niya. Bakas na bakas sa mukha ang labis na pananabik na makitang muli ang kasintahan. Ang kanyang 'yap'.

"Kung gusto mo talaga siyang makita, sumama ka ngayon din sa akin, Jin. Hindi kasi siya puwedeng basta-basta makikipagkita sa 'yo. Hinihigpitan siya ng kuya niyang si Glen."

Nakaramdam siya nang poot at galit para kay Glen nang mga sandaling iyon. Hindi pa rin pala nito binibigyan ng kalayaan si Marian.

"Sige po, ate Rebecca. Ngayon din ay sasama ako sa 'yo."

"Inutusan talaga ako ng alaga kong puntahan ka rito. Umarkela pa ako ng ibang sasakyan para hindi mahalata."

Ngumiti siya kay Rebecca. "Salamat, ate. Nasaan ba talaga siya ngayon?" muli niyang katanungan dahil hindi pa rin nito sinagot ang mga una niyang tanong kung nasaan nga si Marian no'n.

"Nasa amin sa kabilang baryo. Kaarawan kasi ng isa sa mga anak ko. Hindi naman dumalo si Glen kaya nakaisip si Marian na puntahan kita rito at dalhin sa bahay."

"Ganoon po? Sana sumama na lang siya rito."

"Oo nga sana, e. Kaya lang nahihiya siyang iwanan doon ang pamilya at mga relatives ko. Nakikipag-inuman nga ng lambanog. Hay naku, baka malasing na 'yong alaga ko."

"A, sige po. Hindi na ako makapaghintay pa, e. Magbibihis muna ako sandali ha," sabi niyang kaagad na tumayo.

"Sige, bilisan mo, Jin."

Matapos magpaalam ulit ay dumiretso na siya sa kwarto. Nagsuot lang siya ng pantalon at hindi na pinalitan ang sando. Naalala niya kasi ang minsang sinabi ni Marian sa kanya na gustong-gusto nitong nakasando lang siya o hubad-baro. Sobrang lakas daw ng dating niya para rito. Natawa siya sa isiping iyon.

Paglabas ng kwarto ay hindi niya inaasahang mabubungaran si Din sa labas. Bahagya pa siyang nagulat.

"Saan ka pupunta, Jin? Sino ang babaeng nasa sala?" mariin nitong tanong sa kanya. Mababa lamang ang boses nito na medyo gumagaralgal. Titig na titig ito sa kanyang mukha.

Humugot siya nang malalim na paghinga. "Wala kang pakialam do'n," mariin din niyang tugon dito.

Bigla nitong dinakma ang kanyang harapan na ikinataas agad ng kanyang presyon. Wala na talaga itong kahit na kaunting respeto pa sa kanya. Kaya na nitong gawin nang basta-basta ang gustong gawin sa kanya.

"Ano ba?" mahina niyang tanong at kaagad na inilayo ang sarili kay Din. Naasar talaga siya at naisipang suntukin ang kanyang kambal. Pero gaya ng dati ay nagtimpi na naman siya.

"Mag-ingat ka, Jin," sabi nitong biglang ikinatayo ng mga balahibo niya sa katawan. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Nakakatakot ang boses ni Din pakinggan. Animo'y boses ng demonyo ang kanyang narinig nang mga sandaling iyon.

Matapos sabihin iyon ng kanyang kambal ay yumuko ito at naglakad papasok sa kwarto. Maraming beses siyang humugot nang mga malalim na paghinga upang makalma ang sarili kapagkuwa'y tinungo na niya ang kwarto ng mga magulang. Kumatok siya sa pintuan at kaagad naman siyang napagbuksan ng pinto.

"Bakit, Jin?"

Napakunot siya ng noo sapagkat parang iritado ang pagkakatanong na iyon ng kanyang ama. Naka-boxer lamang ito at medyo pinagpapawisan. Medyo humihingal din. Noon niya naisip na baka nakipagtalik ito sa kanyang ina. Nadisturbo pa tuloy niya ang mga ito.

"Tay, may lakad ako sandali," sabi niya rito.

"Saan naman?"

"Tay, makikipagkita lang po ako sandali kay Marian. Yaya niya ang bisita natin. Inutusan daw siya ni Marian na puntahan ako rito sa bahay."

"Gano'n ba? Kilala nga namin ng nanay mo si Rebecca. Teka, bakit naman makikipagkita si Marian sa 'yo?" maang nitong tanong.

"Tay, nobya ko si Marian. Pasensiya na kayo kung wala akong lakas ng loob sabihin sa inyo ang tungkol doon," tugon niyang napayuko pa.

"Hon!"

Narinig niyang tawag ng kanyang ina. Alam niyang may sasabihin pa sana ang kanyang ama pero hindi na lamang nito itinuloy iyon.

"Sige, 'nak. Mag-ingat ka ha," wika ni Ryan.

Ngumiti siya sa ama. "Sige po, tay. Puntahan mo na po si nanay. Pasensiya na sa abala," sabi niyang ngumiti nang makahulugan dito. Hindi niya alam kung naintindihan ba siya ng ama no'n.

Matapos isara ni Ryan ang pinto ay tumungo na siya sa sala para balikan si Rebecca. Ngunit laking pagtataka niya nang wala na ito roon. Kaagad siyang kinabahan. Nanayo ang kanyang mga balahibo nang biglang pumasok sa isipan niya si Din.