KAKATAPOS lamang ng last subject ko nang araw na iyon ng sabado. Nagmadali akong lumabas ng pamantasan. Absent si Anne kaya hindi kami nagkita buong araw. May importante raw kasi siyang pinuntahan. I really missed her. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon nang araw na iyon ay tinatawagan ko agad siya. Palitan kami ng 'I miss you, babe' at 'I love you, babe'. Kinikilig talaga ako sa kanya.
"Hi, baby Daniel..."
Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng dyip nang batiin ako ni Sasha. Isa siyang transgender na napakaganda. Daig pa niya ang ibang mga babae sa kagandahan. Kung hindi mo alam ang kanyang totoong pagkatao, aakalain mo talagang babae siya. Senior student na siya at hindi lingid sa aking kaalaman na isa rin siya sa mga nahuhumaling sa 'kin.
Huminto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. "Uy Sasha, ikaw pala 'yan," sabi ko. Nginitian ko siya.
Lumapit kaagad siya sa 'kin. Huminga siya nang malalim. "Ang bango mo talaga, Daniel. Ang swerte nga naman talaga ni Madam Anne sa 'yo. Balita ko kasi lovers na kayo, e," sabi niyang umakbay pa.
Naasiwa ako kasi dikit na dikit na siya sa 'kin. May mga napapatinging estudyante sa 'min no'n.
"Ilang beses na ba 'tong nachupa ni Anne?" tanong niyang mabilis na dinakma ang harap ng aking pantalon.
Kaagad akong lumayo sa kanya. Ipinahiwatig kong hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa. "Sige, nagmamadali ako, e," matabang kong turan at mabilis na naglakad.
May isinigaw siya pero hindi ko narinig dahil nasabayan iyon ng busina ng sasakyan. Ang narinig ko na lang ay no'ng tumawa siya nang tumawa. Hindi ko na lang ininda pa.
Dumiretso ako sa isang malapit na mall. Wala akong ibang sadya roon kundi ang bumili ng red wine. Ireregalo ko iyon kay mang Rodel. Sa pagkakaalam ko kasi ay mahilig siya sa wine. Kaarawan na kasi niya nang araw na 'yon. Magaan na ang loob ko sa baklang tindero kaya gusto kong mag-effort para sa kanya.
Masayang-masaya na sana ako. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang nagpabago na naman ng lahat. It's like from ten, I went back down to zero. Hindi ko inaasahang makita ulit siya. Tumulo kaagad ang mga luha ko. Hindi ko nga pala talaga siya nakalimutan. Miss na miss ko siya.
Palabas na ako no'n sa naturang mall bitbit ang red wine na binili ko. May nakita akong isang matangkad na lalaking naglalakad. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang itim na sando. Hapit iyon sa kanyang katawan. Naka-skinny jeans at converse shoes.
Hindi ako maaaring magkamali. Si Brad nga ang nakikita ko no'n. Paano ko nga ba siya makakalimutan? Nakatatak na sa puso at isipan ko ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Pati na rin ang kahit kunting galaw niya ay kabisado ko na.
"Brad!" tawag ko sa kanya. Pero sa hina ng aking boses ay imposibleng marinig niya ako. Ewan ko ba kung bakit pero parang hinihila pabalik ang dila ko. I was closed to being speechless that time.
Sinundan ko kaagad si Brad. Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. I thought I already forget about him. I thought I already moved on. Pero akala ko lang pala ang lahat. Iisa lang ang na-realize ko nang mga sandaling iyon.
Lumayo lang pala ang puso ko sa kanya dahil sa pagkawala ng kanyang presensiya. Pero ang totoo, mahal ko pa rin siya. Si Brad pa rin ang isinisigaw ng puso ko. Kasi hayun ako... parang baliw kakaiyak.
"Brad!" pasigaw kong tawag sa kanya. Gumagaralgal ang boses ko nang mga sandaling iyon.
Tumigil siya sa paglalakad. Parang tumigil din ang puso ko sa pagtibok. Hinintay ko ang kanyang paglingon. Patuloy sa pagbalong ang matataba kong luha. Tila nakalimutan ko na ang paligid no'n. Wala na akong pakialam sa mga taong nakapansin sa 'kin.
Ilang sandali lang ay lumingon nga si Brad. Nagtama ang aming mga mata. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto kong sabihin sa kanyang namimiss ko siya. Gusto ko rin siyang sumbatan kung bakit niya ako iniwan. Ang daming bagay na gusto kong gawin sa muli naming pagkikita.
"Tol?"
Narinig kong sabi niya na parang hindi sigurado kung ako nga.
"Tol, ako nga 'to. Kumusta ka na?" pahikbi kong tugon. Halos dalawang metro lamang ang agwat namin sa isa't isa.
Lumapit siya sa 'kin at mas lalong tumibok ang puso ko. Mas lalo ring nagsibagsakan ang aking mga luha.
"Tol, sumama ka sa 'kin. H'wag kang umiyak dito sa daan, nakakahiya," sabi niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Pahila niya akong pinasunod sa kanya. Hanggang sa narating namin ang isang black BMW.
"Sumakay ka, tol," sabi niya.
Gusto ko sanang magtanong kung kanino ang sasakyang 'yon subalit tila umurong ang dila ko. Sumakay na lamang ako gaya ng kanyang sinabi. Nasa passenger's seat ako no'n. Pinatakbo niya kaagad ang naturang sasakyan.
"Tol, h'wag ka ngang iyak nang iyak diyan," saway niya sa akin.
Nagpahid ako ng mga luha. "Sorry, tol. Hindi ko lang talaga mapigilan, e. Ang tagal mo kasing nawala. Sobrang namiss kita," sabi ko. Bahala na basta kailangang masabi ko 'yon sa kanya kasi sobrang bigat talaga ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y sasabog na ako nang mga sandaling iyon.
Hindi siya umimik. Nagbago na talaga si Brad. Parang ang laki nang pag-asenso niya sa buhay. Lalo siyang naging gwapo dahil sa pagputi. Mas makinis na rin ang kanyang balat at halatang alaga na sa gym ang katawan. Mas mahubog at maskulado na siya kaysa dati.
Napatanong ako sa isipan no'n kung bakit ang bilis naman yata nang pag-asenso ni Brad. Kung sa kanya rin ang sasakyang iyon, iisipin mo talagang nanalo siya ng lotto.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero sadyang umuurong ang dila ko para sa mga katanungang iyon.
Nakatitig lamang ako kay Brad. Siya naman ay pokus lang sa pagda-drive. Amoy na amoy ko ang mamahaling perfume na gamit niya.
Nang mga sandaling iyon ay parang hindi ko na alam kung saan na nga ba ang lugar ni Anne sa puso ko. O baka wala naman talagang lugar si Anne at inakala ko lang na meron kasi nga wala si Brad. Masakit ang katotohanang ginawa ko lang panakip-butas ang nobya ko.
Tumigil kami saglit sa isang convenient store. Ayaw talagang magsalita ni Brad. Bumili siya ng dalawang bote ng gin.
Pinagmasdan ko siya. Maraming babae at baklang napapatingin sa kanya. Agaw-pansin naman kasi talaga ang kanyang kagwapuhan. Subalit hindi man lamang niya tinapunan ng tingin ang mga ito. He's like a snobby celebrity.
Pumasok agad kami ni Brad sa sasakyan at mabilis siyang nagpatakbo. Mga sampung minuto ang lumipas ay narating na namin ang aming destinasyon. Napanganga na lamang ako nang pumasok kami sa isang condominium building na matatagpuan sa Makati.
I was following him without uttering any words. Parang ayaw rin naman ni Brad na kausapin ako. Gusto ko na nga siyang sigawan no'n kasi mas lalo lamang naghihirap ang kalooban ko sa kanyang ginagawa.
Pumasok kami sa isang condo unit. Ang ganda ng lugar na 'yon. Pangmayaman talaga. Tatanungin ko na sana siya kung doon ba siya nakatira pero inunahan na niya ako.
"This is my place. At ang kotseng sinakyan natin, sa 'kin din 'yon," kaswal niyang turan.
Napanganga ako habang nakatingin sa kanya. Hindi nga ako nagkamali. Kumuha siya ng yelo sa refrigerator kapagkuwa'y bumalik sa sala. He sat on the sofa.
Hindi talaga ako makapaniwala. Paano nangyari 'yon? Halos tatlong buwan lang naman siyang nawala. Nanalo kaya siya sa lotto?
"Tol, ang bilis naman nang pag-asenso mo," hindi ko napigilang sabi. Pilit akong ngumiti sa kanya.
Napatingin siya sa 'kin. "Umupo ka muna," sabi niya. Umupo naman ako sa upuang kaharap niya. Malayo na talaga kami sa isa't-isa. Nakakailang nang tumabi pa sa kanya. Hindi na katulad ng dati na kaya ko siyang halikan at yakapin kung kailan ko gugustuhin. Parang nadurog ang puso ko sa katotohanang 'yon.
Nagsalin siya ng gin sa hawak na shot glass kapagkuwa'y nilagyan ng ice. Kaagad niyang ininom iyon. Muli niyang sinalinan ang shot glass para naman sa 'kin. Ininom ko rin agad iyon. Napangiwi ako sa tapang ng alak. Naramdaman ko ang init niyon sa aking lalamunan patungong bituka.
"Tol, may sasabihin ako sa 'yo," mayamaya ay seryoso niyang sabi. Sumandal siya sa upuan at inunan ang mga kamay sa likod ng ulo.
Titig na titig siya sa 'kin. Napalunok naman ako ng laway sa kanyang posisyon. Miss na miss ko na kasi ang amoy niya lalo na ang amoy ng kanyang mabuhok na mga kilikili.
"Tol, hindi ako sinuwerte, e. Hindi agad ako nakapasok ng trabaho. Nahiya na kasi ako kay ate at sa asawa niya kaya napagdesisyunan kong umalis na talaga sa kanila. Isa pa, kailangang-kailangan na talaga ng mga magulang ko sa probinsiya ang pera kaya tinanggap ko ang alok sa 'kin," huminto siya sa pagsasalita, "macho dancer ako sa isang gay bar ngayon, tol," pagpapatuloy niya.
Nakikinig lang talaga ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita.
Tumawa si Brad. "Alam mo, tol. Ako ang naging star dancer do'n. Ako ang pinakamabenta sa lahat. Ang daming bakla at matronang gusto akong ma-take out. Siyempre, hindi ako basta pumapatol sa kung kani-kanino lang. Mahal ang presyo ko, e. Pero nagkakandarapa pa rin sila sa 'kin. Nakapag-ipon agad ako at nakatulong sa mga magulang ko sa probinsiya," mahaba niyang sabi.
Para akong binuhusan ng asido nang mga sandaling iyon. Ibig sabihin, gamit na gamit na pala siya ng mga bakla at matrona. Hindi ko napigilan ang muling pagtulo ng mga luha. Nasaktan ako. Alam kong napansin niya pero hinayaan lamang niya akong umiyak. Siguro'y naiintindihan niya kung bakit.
"Akala ko ba ayaw mong binabayaran ka, tol?" garalgal ang boses na tanong ko sa kanya.
"Ang hirap, e. Kailangan kong kumapit sa patalim, tol. At saka sinabi ko naman sa 'yo noon 'di ba na baka kainin ko rin ang mga sinabi ko?"
Iyak na ako nang iyak. Wala akong pakialam sa iisipin ni Brad. Ang sakit talaga ng mga nalaman ko mula sa kanya. Ang sakit isiping kung kani-kanino na lamang siya pumapatol. Pero may magagawa ba ako? Sino ba ako para i-judge siya? Unang-una, walang kami. Pangalawa, hindi ako mayaman. Ano ba ang maitutulong ko sa kanya? Shit!
"Pero sa kalagayan mo ngayon mukhang okay ka na naman, e. Stable ka na. Itigil mo na lang kaya ang trabahong meron ka sa ngayon. Magnegosyo ka, tol," sabi ko sa kanya. Pinilit ko ang sariling magpakatatag.
Para akong tinamaan ng kidlat sa naging tugon niya sa aking sinabi.