webnovel

Daniel (Chapter 19)

INAYOS ko na ang aking sarili bago pa magising si Brad. Pinunasan ko ng tuwalya ang aking mga katas.

Ang iba ay tumapon pa sa bed sheet. Dalangin ko noong sana ay matuyo agad at hindi mangamoy.

Nagbihis din agad ako at iniwan siya sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa wallclock, ala una na pala ng hapon.

Hinanap ko si nanay. Nasa bakuran siya, dinidiligan ang kanyang mga orchids.

"Nay!" tawag ko sa kanya. Lumapit ako sa kanyang kinaroroonan.

"Bakit, 'nak?" tanong niyang nilingon lamang ako nang saglit pagkuwa'y muling bumalik ang atensyon sa pagdidilig ng mga orchids. "Nag-snack ka na?" dagdag niyang tanong.

"Nay, bakit po nasa kwarto ko natutulog ang karpentero?" May tonong inis ang pagkakatanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit matapos akong nagpalabas ng libog kay Brad ay biglang bumalik ako sa pagkainis kung bakit tila nawawalan na ako ng privacy sa bahay namin.

After all, 'yon ang kapalit ng kaligayahang ibinigay ni Brad sa akin. Napakawalang hiya ko talaga 'di ba?

"Anak naman, hayaan mo na. Alam mo namang dalawa lang ang kwarto dito sa bahay natin. Pagod na pagod 'yong tao e at gustong magpahinga kaya sinabihan ko siyang doon na lang sa kwarto mo kako siya matulog," paliwanag ni nanay Lea.

May konsensya naman akong naramdaman sa sinabi ni nanay. Pero hindi pa rin 'yon tama. Kwarto ko 'yon, e.

"Nay, nakahubad po siyang natulog sa kama ko!"

Talagang with matching mangiyak-ngiyak pa ako para lang maintindihan ni nanay na hindi ko talaga gusto ang nangyayari nang mga sandaling iyon.

"Oh... ano naman kung nakahubad siya? Pareho naman kayong lalaki," tugon naman ni nanay.

"Nay naman e hindi mo ako naiintindihan! Ayokong dumikit ang amoy niya do'n sa kama ko. Pawisan pa naman 'yon kanina," parang bata kong sabi.

Ayaw raw dumikit ang amoy e kung amuyin si Brad sa kama habang natutulog ay wagas!

"Hay naku, 'nak! Ang dami mong arte! Siguro tama ang lahat ng hinala ko sa 'yo!" sabi niya na ikinataas ng kanang kilay ko. As in napakunot-noo pa ako sa sinabing iyon ni nanay Lea.

"At ano naman ang hinala mo na 'yon, nay?" mariin kong tanong.

Medyo nase-sense ko na kung ano 'yon pero gusto kong sa bibig niya mismo lumabas.

"Bakla ka ba, 'nak?" prangkang tanong ni nanay Lea.

Parang kidlat iyon na tumama sa 'kin. Alam kong seryoso ang tanong na iyon ni nanay. Hindi na iyon basta-bastang biro lamang.

So that's it! Kaya pala talaga minsan ay tinatawag niya akong Daniela, may tamang hinala na nga si nanay tungkol sa 'kin.

"Nay naman, e. H'wag ka ngang magbiro ng ganyan! I'm not gay!" depensa ko.

Shit! I'm not gay raw pero nang sabihin ang katagang iyon ay dinaig pa si Kris Aquino sa kalamyaan.

"And besides, nay, I'm courting someone right now. Mind you, babae po siya," sabi kong parang nauupos na kandila nang mga sandaling iyon.

Hanggang kailan ba talaga ako lalabas sa closet? Kapag eighty years old na? Tangna! Makakaluhod at makakatuwad pa kaya ako sa edad na 'yon?

"Okay, 'nak! My bad. Hindi na 'to mauulit. Base sa pa-english-english mo, naniniwala nga akong hindi ka bakla," sabi niyang nasa tonong nagtatampo.

Pero nagtatampo ba talaga si nanay Lea? Parang may ibig sabihin siya sa pagpuna ng kaka-english ko, ha.

Pero seryoso naman ang mukha niya. Seryoso nga siguro siya. Tsss... bakit kaya ang hirap tiisin ng mga nanay natin, 'no? Nakonsensya naman tuloy ako sa kaartehan ko.

"Sensya ka na, nay. Alam mo namang hindi pa natin masyadong kilala ang karpenterong 'yon tapos-"

Hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Brad na nasa likuran ko na pala.

"Pasensya na, medyo natagalan ang pagtulog ko."

Napalingon ako kay Brad. Shit! Ang gwapo niya kapag bagong gising.

Papungas-pungas pa siya ng mga mata. Napakaamo ng kanyang mukha. Hays... hindi ako dapat magpahalata!

"Okay lang 'yon, Brad. Uuwi ka na?" tanong ni nanay.

"Opo, ate Lea," nakangiti nitong tugon.

Para naman akong natulala. Hindi ako makapagsalita. Para akong naloloka sa mga ngiti niya sa 'kin. Medyo kinabahan ako. Sana lang hindi niya narinig ang usapan namin ni nanay Lea.

"Tol, salamat, ha, napasarap ang tulog ko sa kama mo," nakangiti pa rin niyang sabi.

Titig na titig pa siya sa akin. May umusbong na kaba sa dibdib ko nang mga oras na iyon.

Pero pilit kong iwinaglit sa isipan ang bigla kong naisip. I was speechless. Tumango na lamang ako.

"Nay, may bibilhin lang po ako sa tindahan saglit," paalam ko.

Hindi na kasi kaya ng power ko na pakiharapan pa si Brad. Ewan ko ba kung bakit. Basta iba ang kutob ko no'n. Tumango lang si nanay Lea.

"Sabay na tayo, tol. May bibilhin din kasi ako sa tindahan," sabi ni Brad.

Tumingin lang ako sa kanya saglit at nag-umpisa nang humakbang palabas. Sumunod naman agad si Brad sa 'kin.

"Galit ka ba, tol, dahil nakitulog ako sa kama mo?" tanong niyang inakbayan pa ako.

OMG! Sana lang hindi niya maramdamang medyo nanginig ako dahil sa ginawa niyang pag-akbay sa 'kin. Amoy na amoy ko ang kilikili niya. Shit!

"Bakit naman ako magagalit? Okay lang 'yon, tol, ano ka ba," tugon ko naman na astigin pa ang boses nang sabihin iyon.