"BRAD? Ano'ng ginagawa mo rito?" mangha kong tanong. Nakaupo kasi siya sa mesa at kasalukuyang kumakain.
Napatingin si Brad sa akin at ngumiti. "Hi, tol..." nakangiti niyang bati. "How's life after death?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niyang iyon at tumawa lang siya.
"Binibiro lang kita, tol," sabi niya sabay peace-sign.
Nginitian ko siya at nakaramdam pa rin ako nang pagkaasiwa sa kanyang presensiya nang mga sandaling iyon.
"Seryoso, tol, kumusta ka na?" muli niyang tanong.
"Okay lang," tipid kong tugon. Napatitig ako sa kanyang mukha.
Shit! Why so handsome? As in... gwapo niya talaga! Naka-jersey lamang siya at nakapantalon na maong. Fresh na fresh siya tingnan. Medyo basa pa ang kanyang buhok. Halatang kakaligo lang.
Na-conscious ako sa aking sarili. Wala man lang ako kahit hilamos no'n. Bigla na naman akong kinilig kay Brad.
Pero biglang sumagi sa isipan ko si mang Rodel at ang posibilidad na may nangyari na sa kanila.
Papayag ka na lang bang ipakain sa 'yo ni mang Rodel ang kanyang tira-tira? Himutok ko sa isipan.
"'Nak, si Brad nga pala. Hindi ko nasabi sa 'yo, siya ang nakuha kong karpentero na aayos ng nasira nating kubo sa likod," pagpapakilala ni nanay nang makapasok sa dining room.
May maliit na kubo kasi kami sa likod ng bahay. Doon nga ako madalas tumambay lalo na kapag gusto kong mapag-isa.
Malamig kasi ang hangin doon at tahimik. Solong-solo ko ang mundo. Pero sa kasamaang palad ay medyo nasira nga iyon dahil sa dumaang bagyo.
Napalingon ako kay nanay Lea na nasa likuran ko na pala.
"Umupo ka na, 'nak, sabay na kayong kumain ni Brad," sabi ni nanay.
Umupo na nga ako at nilagyan ng kanin ang nakahandang pinggan sa mesa. "Ikaw, nay?"
"Tapos na akong kumain. Sabay kami ng tatay mo kanina," sagot niya. "Siyanga pala, Brad, ito lang ba ang mga kakailanganin mo?" tanong niya kay Brad na nakatingin sa hawak na piraso ng papel.
"Opo, ate Lea," tugon naman ni Brad na may laman pang pagkain ang bibig.
"'Nak, ayaw mo bang sumama sa 'kin?" tanong ni nanay sa 'kin.
Wala akong pasok nang araw na iyon. Pero parang tinatamad ako. Gusto kong matulog ulit pagkatapos kumain.
"Ikaw na lang po, nay. Medyo masama ang pakiramdam ko, e," pagdadahilan ko.
Medyo naaasiwa ako dahil tingin nang tingin sa akin si Brad. Pangiti-ngiti pa.
Shit! Ang sarap niyang halikan. Pero mabilis ko ring sinaway ang sarili. I hate him! I hate him very much! Sigaw ko sa isipan.
Dinama ni nanay ng kanang kamay ang aking noo. "Wala ka namang lagnat. Ano ba ang nararamdaman mo, 'nak? O baka naman nasobraan ka nang inom ng alak kagabi, ha," nag-aalala niyang sabi.
"Kailangan ko lang ng pahinga, nay!" sabi ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Okay, sige, maiwan ko muna kayo rito, ha." Hinalikan ako ni nanay Lea sa noo bago umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Brad sa mesa. Mas lalo akong naasiwa nang mga sandaling iyon.
Hindi ko talaga alam kung paano siya haharapin. Kung bakit ba kasi naging karpentero pala itong si Brad? Wala sana siya no'n sa harapan ko.
Ang awkward talaga ng sitwasyon para sa akin at naramdaman ko ring lalo akong tinigasan dahil sa kanyang presensya.
Amoy na amoy ko ang sabon at shampoo na gamit ni Brad. May umusbong na poot sa dibdib ko para sa sarili.
'Di ba galit ako kay Brad? Pero bakit nakakaramdam pa rin ako ng libog para sa kanya no'n?
"Tol, magsalita ka naman diyan," mayamaya ay untag niya sa 'kin. Patapos na siyang kumain.
"Ano naman ang sasabihin ko?" naguluhan kong tanong sa kanya.
Tumawa siya. "Kwento mo sa akin ang gimik mo kagabi. Daya mo, ha, 'di ka man lang nang-imbita. Nakita mo naman ako kagabi 'di ba? Uminom tuloy akong mag-isa. Wala pa kasi akong mga kaberks dito sa lugar niyo, e. Alam mo na... bagong salta lang," sabi niya.
"Ah... may dinaluhan lang akong birthday party kagabi ng kaibigan ko. Nakakahiya naman kong magdala pa ako ng ibang bisita. Mukhang nag-enjoy ka naman kagabi, e. At saka baka isipin mong masyado akong FC. Bago pa lang tayong magkakilala tapos iimbitahan agad kitang gumala," paliwanag ko.
Napatitig ako sa kanyang gwapong mukha. Ang swerte naman talaga ng hinayupak na matandang bakla na 'yon. Ang sarap ng nahada niya. Tsk...
"Nag-enjoy ka diyan. E, nabwesit lang ako sa matandang tindero kagabi. Kaya pala ang lakas ng loob niyang ilibre ako ng Red Horse, may binabalak pala sa 'kin. Ang puta! Akala naman niya easy to get ako! Ulol siya. Tinakbuhan ko siya pagkatapos," natatawa niyang sabi.
Labis akong nagalak sa narinig mula kay Brad. So mali pala ako sa aking iniisip. Hindi pa pala siya natikman ni mang Rodel.
"Ah, gano'n? Sayang naman pala ang nagastos niya sa 'yo kagabi." Pilit akong tumawa.
"Babayaran ko rin 'yon 'pag nagkapera ako, tol. Alam mo kasi, hindi naman ako madamot sa mga bakla, e. Basta idaan lang ako sa maayos na usapan. H'wag 'yong idaan ako sa bastusan. At lalong ayaw ko 'yong dinadaan ako sa pera," sabi niya.
Bigla akong nanghina sa kanyang mga sinabi. So ibig sabihin may experiences na nga siya sa mga bakla. Nasaktan talaga ako. In love na nga ba ako sa kanya o naiinggit lang sa ibang bakla?
Hindi ko namalayang natulala na pala ako.