webnovel

Ang Bastos Sa Kanto II (Part 17)

And so,Monday came. Kailangang ituloy ang buhay,kailangang ituloy ang pag aaral. Kailangan kong ipakita sa lahat na naka bangon ako pagkatapos ng bagyo sa buhay ko.

Pagkapasok pa lang sa PLP ay huminga na ako ng malalim. I need to be firm,nawala na yung Kiji na panay patawa at pala iyak,napalitan na ng Kiji na matapang at matatag.

Agad kong nakita si Lux na lumabas sa President's office,napaka sipsip ata niya at napaka sumbungera,lahat ba ng nangyayari dito ay nirereport niya sa President? Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan siya,hinintay kong mapalingon siya sa akin.

And when she did,I gave her a smile. Yung tipo ng ngiti na mapapa isip siya.

Nag salubong ang mga kilay niya pero agad din niya akong inirapan.

Nagkibit balikat na ako at naglakad na papunta sa classroom. Liliko na sana ako ng biglang sumulpot si Chance sa harapan ko.

"Chance?! Ano ba? Tumigil ka na! Nakaka irita ka na."

"Sige lang Jiko. Mairita ka lang,pero bigyan mo lang ako ng kaunting time para maka usap ka please?" nagsusumamo niyang sabi. Kita sa mga mata niya ang determinasyon niya.

"Masasayang ang oras ko. Hindi mo pa din ba makuha ang lahat? Nagkamali ka--"

"Alam ko iyon,Jiko. Kahit paulit ulit akong humingi ng tawad ay hindi ako magsasawa,hanggang sa mapatawad mo ako. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na makausap ka ng masinsinan." aniya na ikina sikip na naman ng bra ko,este ng dibdib ko.

"Tumabi ka dyan,umalis ka sa dadaanan ko,late na ako." matapang kong sabi. Alam ko,isa lang to sa mga araw na titiisin ko si Chance.

"Jiko,kahit isang beses lang." ani Chance,pero bahagya ko siyang tinulak at nilampasan. Kaya ko ito,kakayanin ko ito.

~ Letting go aint easy.. Ooh its just exceedingly hurtful.. ~

Oo na Mariah Carey,tama ka nga sa kanta mo.

Nagmadali na ako pumunta sa classroom. Pagpasok ko ay tahimik lahat,ipinagkibit balikat ko ito at naglakad na papunta sa upuan ko,pero napatigil ako sa gulat sa aking nakita.

May tatlong pulang rosas sa aking upuan,napatingin ako sa paligid. Kanino galing ito?

Yumuko ako at kinuha ito saka nilanghap.

Nagtilian ang mga babae at naghiyawan ang mga lalaki na sadyang ipinagtaka ko. Sino ba may pakana nito? Nasan ba sina Summer at Ritz? Pati sina Perry at Khyerr?

"Did you liked it?" boses sa likuran ko at kilalang kilala ko kung sino.

Hinarap ko siya,ngumiti ako saka nagsalita. "Salamat Arloo,pero hindi mo naman ito kailangang gawin. Ayaw kitang paasahin at saktan,hindi pa ako handang pumasok sa kung ano mang relasyon."

"I understand,Kiji. Hindi kita pipilitin,just let me show you what you are to me. Atleast hindi na ako magtitiis." sagot ni Arloo at ngumiti.

"Pasensya na ah? At maraming salamat sa roses." sabi ko na lamang at ngumiti.

"Sabay tayo mag break mamaya? My treat?"

"Ang dami ko ng utang sayo. Pero ikaw ang bahala,masama namang tumanggi sa libre eh."

Tumawa si Arloo sa sinabi ko. "That's the real Kiji!"

Nang umalis na ang prof namin at magbebreak na ay naglapitan agad ang tropa,yup that includes perry and Khyerr.

"Ang sama ng Lux na yon!" sabi ni Summer habang naglalakad kami palabas,si Arloo naman ay kausap si Khyerr sa likuran namin.

"She's a devil. Pero nakarma naman siya diba?" dagdag pa ni Ritz,wala na sana akong pakialam pero talagang na curious ako sa mga sinasabi nila.

"Huwag niyo ng pag usapan si Lux,atleast kahit na suspend ako ng one week ay nalublob naman siya sa bowl." kunwari ay walang gana kong sabi. Ngayon ay nakalabas na kami ng PLP at nagpalinga linga kung saan kakain,huwag ko lang sana ulit makita si Chance.

"Kulang pa yon!" sabay na sabi nina Ritz at Perry.

"Sa chowking tayo." pagsingit ni Khyerr at nauna sila sa paglalakad,nilingon pa ako ni Arloo at ngumiti pa ito.

"Anong gayuma ginamit mo kay Arloo? Mortal enemy kayo nung eh." sabi ni Perry na ikinatawa ko.

"Huwag mo na siyang tanungin teh,wala kang mapapala." segunda ni Ritz at pinanindigan ko ang pananahimik.

"Anyways,mamayang dissmissal na lang natin pag usapan si Lux,baka mawala tayo lahat sa mood."

Ano kaya ang sinasabi nilang Karma kay Lux? Hindi siya mukhang na karma,nagawa pa nga niya akong irapan kaninang umaga diba? O sadyang ganon lang talaga kakapal ang pagmumukha niya?

True to his word,nilibre kaming lahat ni Arloo,gusto ko sanang mag request na sa Jollibee o Mcdo na lang kumain,hindi ko kasi alam at maintindihan ang mga pagkain dito sa chowking,ngayon nga lang ata ako kakain dito eh.

Nang pabalik na kami ay nakita ko agad si Chance na naka upo sa may gilid ng Mcdo at mukhang ang lalim ng iinisip,ang hirap niyang tingnan,parang pinipiga ang puso ko.

Nagtago ako sa gilid nina Perry at Ritz hanggang sa makapasok kami sa loob ng PLP.

Buong araw ay si Chance ang iniisip ko. Kung ano nga ba talaga ang mga sasabihin niya? Ang sabi niya kailangan ko lang daw maging bukas at tanggapin ang katotohanan. Nakaka guilty na hindi ko siya binibigyan ng pagkakataon na masabi ang gusto niyang sabihin. Pero kung papakinggan ko siya,lalambot na naman ang puso ko at bibigay ako.

Alam kong sobrang nahihirapan na si Chance,alam ko din na may rason siya,takot lang ako na tanggapin na nagkamali din ako dahil pinangunahan ko siya.

"May gagawin pa ako,hindi na kita maihahatid sa inyo." ani Arloo habang nasa labas na kami ng room,uwian na din kasi.

"Ano ka ba? Hindi mo naman iyon obligasyon." sagot ko. Paano ko ba mapapatigil si Arloo? Hindi naman sa nagpapaka choosy ako at nagmamaganda,pero ayaw ko na kasi talaga,hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Kung ibang bakla pa siguro kinilig na,pero ako hindi,hindi ko gusto ang ganito,kasi alam ko na in the end ay makaka sakit ako.

"Basta. O sige na,ingat kayo sa pag uwi." sabi ni Arloo at naglakad na palayo. Bumuntong hininga na lang ako.

"Na checkmate mo si Arloo ah?" ani Khyerr. "Anong plano mo?"

"Ang patigilin siya." sagot ko at hindi na kumibo si Khyerr,nagkibit balikat na lamang ito.

"Alam mo bang nag away yang sina Lux at Chance? Grabe pala yang si Lux. Hinawakan sa leeg si Chance." out of the blue ay sabi ni Summer kaya taka ko siyang nilingon.

"Hawak sa leeg?"

"Yes! Ang mga magulang niya nasa U.S of A din pala,na unfortunately ka business partner ng mga magulang ni Chance,may malaking deal at transaction dapat na magaganap,matutuloy lang kung magiging sila ni Chance." sagot ni Summer. Kumalabog ang dibdib ko.

"Kaya walang nagawa ang fafa Chance mo kundi ang maging mabait sa kanya. Akala siguro niya,tuso na siya. Pero nahuli siya ni Chance na may nilalagay sa inumin. Dun na nagtaka si Chance,nagpatulong siya sa amin dahil alam niyang hindi siya tutulungan ng mga kaklase niya dahil pinagbantaan na pala ni Lux." mahabang dagdag ni Ritz.

"Huh? Hindi ko ma gets? Eh nagse-sex nga sila! Paanong napilitan si Chance? Gusto niya yon! Ilang beses nilang ginawa!" ang naguguluhan ko ng sabi,nandito na kami ngayon sa may kanto.

"Napipilitan siyang makipag sex,after mag sex blackmail. Damay ang pamilya mo. Matagal na palang deads na deads yang Lux na yan kay Chance." sabi ulit ni Ritz.

"Damay ang pamilya ko? Bakit ngayon niyo lang sinabi?!" frustrated kong sabi. Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa poste ng Meralco.

"Eh kasi ngayon ka lang pumasok. Teh naman nag aaral din kami." ani Summer. "Pero gusto ka talaga naming tulungan. Kaya ito,sinasabi na namin. Ang hindi lang namin alam ay kung anong pagbabanta para sa pamilya mo ang sinabi ni Lux kay Chance kaya napapasunod niya ito,plus the fact na may pinapa inom siya kay Chance."

"Ang sakit ng ulo ko,naguguluhan na ako." sabi ko at naupo sa may gutter. Bakit ngayon ko lang nalaman ang mga ito? Anong pagbabanta? Anong pinapainom?

"At alam mo ba kung anong pinapainom ni Lux kay Chance?" sabi pa ni Ritz,nag angat ako ng tingin,kasama pa pala namin si Khyerr?

"It was a special drugs na pinagawa ng dating leader ng Korean underground Mafia. Mas matindi pa sa ecstacy,dahil kahit ayaw ng utak mo ay gugustuhin ng katawan mo,you wont resist the urge na makipag sex,it will triple your libido. Ang side effect nito ay delikado,kung sino ang nakasex mo nung naka inom ka nun ay yun na ang hahanap hanapin mo at kaka adikan mong maka sex tuwing makaka inom ka nito." mahabang sabi ni Khyerr na ikinanganga ko.

Parang ang tagal nagproseso sa utak ko ng mga rebelasyong nalaman ko. Parang pumipintig pintig ang ulo ko at nahihilo ako.

This is too much information.