[KIJI]
"Oh my gee! Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung ano naman ang ireregalo ko kay Chance this Christmas!" Bulalas kong ganyan. Nandito kami ngayon sa may 7/11.
"Kahit huwag ka na mag regalo sa unggoy na iyon!" Sabat ni Karissa kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi pwede! 20 days na lang Christmas na mga inday! Lagi ako nagreregalo kay Chance pag pasko,kaya hindi pwedeng wala!"
"Nako ha? Masyado ng spoiled si Chance." Dagdag naman ni Aiko.
"Ganon talaga,huwag na kayong kumontra." Naka ngisi kong sabi at saka hinigop ang slurpee. "Wew! Lamig!"
"Ang mabuti pa,umuwi na tayo." Ani Karissa at tumayo na.
Paglabas namin at nagsimula na making mag martsa papunta sa kanto,alam niyo naman dun ako sumasakay,at itong dalawang bruha ay maglalakad pa papunta sa rotonda,dun sila sasakay ng Jeep.
Nang maka uwi na ako ay naabutan ko si Chad at Ioji na parehong nakasalampak sa sofa hawak ang kanya kanya nilang Tablet. My Gawd! Four years old pa lang sila eh ang gagaling ng magpindot pindot! Panigurado Dumb ways to die lang nilalaro ng dalawang iyan.
"Hello!" Lumapit ako sa dalawa at hinalikan sila,walang kumibo kaya um-exit na ako,busy sila eh.
Nasan kaya si Chance? Alam naman niyang may lakad sina Mama at Papa eh,bakit iniwan niya ang dalawa dito?
"CHANCE!!!! magpakita ka!" Sigaw ko. At ayun,lumabas ng kwarto namin si Chance. Napalunok ako bigla.
Una,mas nagkalaman at nag ka muscles na siya.
Pangalawa,tumutulo ang mga pawis niya at ang hot niya! Topless ang kumag at ang yummy!
"Jiko? Bakit ka sumisigaw? Nandito lang ako sa kwarto naglilinis." Aniya,lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Ang tamis!
"Bakit ka naglilinis?" Ang walang kwenta kong tanong.
"Bakit? Magkakabit na tayo ng Christmas decorations mamaya,tapos na nga ako maglinis dito sa labas eh."
"Ganon ba? Nakalimutan ko."
"Naku Jiko huh? Hindi maganda nagiging makalimutin,baka sa sunod eh ako na makalimutan mo. " sabi ni Chance kaya hinampas ko siya sa braso.
"Baliw! Hindi mangyayari yon!" At niyakap niya agad ako.
"Tara sa loob ng kwarto Jiko,habang busy ang mga bata. Miss ka na ng bata ko eh." Bulong pa ni gago na nagpakilig at nagpa init sa akin.
"Ekew telege,eng lebeg me! Tere ne, dele!" At hinila ko siya papasok sa aming kwarto.
Alam mo yung natural na amoy ng lalaki? Ganon ang amoy ni Chance at napapraning ako. Hanggang ngayon,tulad ng dati ay nanginginig pa din ang mga tuhod ko. Yan ang epekto ni Chance sa akin hanggang ngayon.
Nang hawakan ko ang gitnang bahagi niya ay sobrang nagwawala na ito.
Wala na akong inaksayang panahon,agad ko itong dinala sa aking bibig,sinamba. Gustong gusto ko itong ginagawa kay Chance,dahil paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan ko,na lalong nagpapagana sa akin.
Sinagad ko ito sa lalamunan ko at sinipsip habang naglalabas pasok sa aking bibig,basang basa na ito ng aking laway. Pagkatapos ay binunot ko ito sa aking bibig at dinilaan ko ang mga bola niya na nagpanginig sa kanya.
"J-jikooo..oohhh." hinawakan ni Chance ang aking ulo at iniangat ako na kapantay niya. "Kakaiba ka talaga."
"Alam mo yan." Nakangisi kong sabi..Hinalikan niya ako at dinala sa kama kung saan ay ako naman ang paulit ulit na dumaing sa pangalan niya.
Kinagabihan ay umuwi sina Mama at Papa bitbit ang madaming pagkain. At ang saya saya naming lahat.
Kinabukasan ay maagang umalis si Chance,maghahanap daw siyang trabaho kahit na ang totoo ay pwede naman siya sa negosyo ng pamilya niya. Kagabi nga bago matulog ay pinilit niya ako na magpa plastik surgery na tulad ng alok ng Mama niya years ago.
Hindi ko alam,pero nasanay na ako na ganito. Nasanay na nga din ang mga bata sa itsura kong ito. Besides,minahal ako ni Chance nung pangit pa ako,that's reality.
Megamall agad ang una kong pinuntahan,hindi ako titigil hanggat Hindi ako nakaka kita ng ere-regalo kay Chance. I just love him so much na gusto ko lagi siyang napapasaya,kasi siya araw araw akong pinapasaya.
Masakit na ang mga paa ko ng sa wakas ay nakakita ako ng saktong regalo para kay Chance. Hindi na ako makapag hintay na maibigay ito sa kanya sa pasko.
So,I decided na umuwi na,kailangan ko munang itago ang regalo ko.
Naglakad ako papunta sa crossing na ang saya saya,parang wala akong ibang nakikita at lutang ako sa sobrang pagka excite na mama uwi.
Hindi ko napansin ang bus,ang huling natatandaan ko ay sigaw ng mga tao, at pagkatapos ay nagdilim na ang lahat.
[CHANCE]
Tanghali na at sobrang init na ng sikat ng araw. Tapos na akong mag apply sa limang pinag apply-an ko. Excited na akong umuwi para makita sina Kiji,Chad at Ioji. Excited din akong tanungin siya kung anong gusto niyang regalo ngayong pasko.
Nagtanong ako kay Khaim at Teban,mga walang kwenta dahil ako daw dapat ang nag-iisip. Na sa tingin ko ay tama. But then,kung mamalasin eh nakasalubong ko si Arloo kanina,I also asked him. Mas maganda daw kung iregalo ko sa kanya si Jiko. Ang ulol lang, ayun tinalikuran ko agad.
Pasakay na ako ng taxi ng mag ring ang phone ko. Si Mama ang tumatawag (mama ni kiji).
"Hello,Ma? Pauwi na ako--"
"Chance! Si Kiji!" Pagkasabi pa lang ni Mama ay bigla akong kinabahan.
"Po? Bakit? Ano si Jiko?" Kinakabahan kong tanong.
"Nabunggo siya ng bus,nandito kami ngayon sa hospital. "
Ano daw? Shit! Damn it!
Ang bilis ng tibok ng puso ko at nangatog ang aking mga tuhod. Bakit iyon nangyari? Tang ina naman!
Agad akong pumara ng taxi,kailangan mapuntahan ko agad si Jiko. Hindi pwedeng mangyari ito.
Pagdating sa hospital ay halos masigawan ko ang nurse sa information desk ng magtanong ako,ang bagal kasi niyang sumagot eh!
"Ma! Anong nangyari na?" Agad kong tanong ng makarating sa Emergency room.
"Nasa OR pa siya,tinatahi ang ulo. At pagkatapos at sasalinan daw siya ng dugo." Umiiyak na sabi ni Mama kaya niyakap ko siya. "Mamaya nandito na ang papa mo. "
Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Bakit nangyari ito?
"Kaya ni Jiko yan Ma. Hintayin natin ang resulta." Ang tanging nasabi ko na lamang. Kahit ako ay walang magawa ngayon kundi ang maghintay.
Pagkalipas ng napakatagal na minuto ay lumabas na ang doktor.
"Dok?" Halos sabay naming sabi ni Mama.
"Successful ang surgery,pwede ng mag donate ng dugo. After that ay dapat siyang mailipat sa private room para mas ma-monitor." Sagot ng doktor. Nakahinga ako ng maluwag.
"Okay naman po siya?" Hindi ko mapigilang tanong.
"We will see."
Nang mailipat sa private room si Jiko ay nanlambot na ako,para ng pinipiga ang puso ko. Ni hindi pumasok sa isip ko na makikita ko siya sa ganong itsura,parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
"Kiji,anak. Kaya mo yan. " umiiyak na sabi ni Mama. Pinuno ko ng hangin ang aking baga saka ito binuga. Kailangan magpakatatag ako para kay Jiko.
"Chance,anak. Uuwi muna ako at kukuha ng damit."
"Sige po,ako na bahala dito."
"Kaya yan ni Kiji." Ani pa ni Mama.
"Kayang kaya niya po." Ang sagot ko at tiningnan si Jiko. Bakit sa kanya pa nangyari ito?
Pag alis ni Mama ay kinuha ko ang isang monobloc at inilapit sa hospital bed. Hinawakan ko ang kamay ni Jiko,napakagat labi ako. Hindi ako iiyak,pagtatawanan niya ako.
"Jiko,lumaban ka."
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Pag gising ko ay sina Mama at Papa pati ang doktor ang nakita ko.
"I have the result,I have to be honest with you,Ma'am and Sir." Sabi ng doktor. Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Sabihin mo na dok. " ani Papa at nilingon ako.
"Kailangan niyang magising within 48 hours,kung hindi siya magigising, we will declared him as comatose. "
What?! Teka! Ano daw?
Pumalahaw ng iyak si Mama,niyakap siya ni Papa.
At ako naman ay parang nawalan ng lakas at parang biglang nahilo.
Comatose? Bakit si Jiko pa?
***
Tulad ng sabi ng doktor ay naghintay kami ng 48 hours. Nagising si Jiko pero hindi maganda ang resulta.
"Kiji anak?" Ani Mama,tinitigan lang siya ni Jiko. "Anong nangyari?"
"Anak?" Pagtawag ni Papa,tinitigan lang din siya ni Jiko. Napakagat labi ako,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko,ang bigat sa dibdib.
"Oh my God! Anong nangyari kay Kiji?" Bulalas ni Karissa,lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Hindi ba ay dapat tawagin natin ang doktor?" Dagdag ni Aiko. Kumpleto ang lahat ng katropa namin ngayon.
"Kami na tatawag." Sabay na sabi ni Khaim at Teban. Ako walang magawa,tahimik at nakatingin kay Jiko. Ewan ko, hindi ako makapagsalita,parang sasabog ang dibdib ko.
Naglakad ako palapit kay Jiko,naupo ako sa tabi niya. Tinitigan niya ako at nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Jiko..."
"Kaaway kita ah? Bakit ka nandito?." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ma,Pa! Anong nangyari?"
"Anak.."
"Palabasin niyo yan! Grabe ang pang iinsulto niyan sa akin! " sabi ni Jiko,napalunok ako,parang dinudurog ang puso ko.
"Jiko,anong sinasabi mo?" Ang hindi ko makapaniwalang sabi.
"Anak,anong mga sinasabi mo? " Ani Papa.
"Palabasin niyo yan!" Sigaw ni Jiko. Napabuntong hininga ako at tumayo na,tinitigan ko siya ng matagal bago lumabas,nakasalubong ko pa ang doktor pati sina Khaim at Teban.
"San ka pupunta?" Tanong ni Teban.
"Magpapahangin."
Anong nangyari? Bakit kaaway bigla ang tingin niya sa akin? Hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko, parang biglang hindi na niya ako mahal. Hindi pwedeng mawala ang pagmamahal niya sa akin,hindi iyon pwede.
Magpapasko, pero ganito ang nangyari.
"Bro." Napatingin ako sa tumawag sa akin,si Khaim pala.
"Oh?"
"May amnesia si Kiji. Hindi niya maalala ang mga nakalipas na taon,ang naaalala lang niya ay nung last year natin sa high school,kung saan lagi kayong nag a away." Diretsong sabi ni Khaim na mas ikinabigat ng nararamdaman ko.
"Ganon ba?" Ang nasabi ko na lamang. Naalala ko, nung mga panahon na iyon ay si Khaim ang gustong gusto niya. Hindi ko alam,pero bigla akong natakot.
"Magpakatatag ka lang bro,I'm sure malaki ang maitutulong mo sa mabilis na pag recover niya sa mga alaala niya."
"Sana nga,tol. Sana nga."
Nagdesisyon akong umuwi na muna,ayaw pa ako makita ni Jiko,baka mas lalong madagdagan ang galit niya. Naisip ko tuloy na sobrang sama ko pala dati,ganoon pala kagalit sa akin si Jiko. Pero hindi ako susuko,I will do anything para maalala at maramdaman niya ulit na nagmamahalan kami.
Alam kong gagabayan kami ng Panginoon,gusto ko na sa pasko ay ayos na ang lahat.
Kinuha ko sa drawer yung regalo ko sa kanya para sa pasko. Whatever happens,I will give it to him.
Noon nga kahit galit na galit siya sa akin ay minahal niya ako,ngayon pa kaya na ibabalik ko lamang ito?
Ma discharged na siya bukas,bukas ako magsisimula ulit.
***
Nang maka uwi na si Jiko ay excited akong naghintay sa labas ng bahay. Ngunit napawi ang aking ngiti ng bumaba na sila sa taxi. Itinulak ni Papa ang wheelchair,ng makalapit sila ay agad nagsalubong ang mga kilay ni Jiko.
"Ma,Pa. Anong ginagawa niya dito?" Agad na tanong nito. Nagkatinginan sina Mama at Papa,gusto ko magsalita pero hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Ahm,anak. Kasi ano,magka--"
"Lumayas ako sa amin! Pumasok akong boy niyo dito!" Ang pamumutol ko sa sasabihin ni Mama.
"Bakit niyo tinanggap? Hindi tayo mayaman! Wala tayong papasweldo sa kanya. At saka aalipustahin lang ako niyan!" Galit na sabi ni Jiko,napabuntong hininga ako. Nagsisimula pa lang pero parang ang hirap na,ganito pala talaga siya kagalit sa akin noon.
"Anak,ang away niyo ni Chance dati ay matagal ng tapos,ilang taon na ang nakakalipas." Ang pagsali ni Papa sa usapan.
"Uhm,Ma,Pa. Pabayaan niyo na lang po,babalik din siya sa dati. Magtulungan lang tayo." Nagsalubong ang mga kilay ni Jiko dahil sa narinig sa akin. "Tayo na po sa loob,nakahanda na ang lahat."
Tumalikod na ako at unang pumasok sa loob ng bahay. Kompleto ang tropa,kami ang nagluto para sa welcome party na ito. Tiningnan ko siya,gusto ko siyang pagsilbihan.
"Sino ang dalawang bata na iyon,Pa?" Dinig kong tanong ni Jiko matapos siyang salubungin at yakapin ng tropa.
"Si Chad,anak ni Chance. At si Ioji ang bunso mong kapatid."
Bigla na lamang tumulo ang mga luha niya,parang biglang mag pumiga sa puso ko.
"Nakaka inis,bakit ba kasi ako nagka amnesia. Ang hirap na hindi ko naaalala ang nakalipas na limang taon."
"Uhm,Jiko. Huwag kang mag alala,tutulungan ka namin." Ang hindi ko mapigilang sabi.
"Jiko? Teka! Ano ba talaga ang papel mo dito?"
"Uhm,excuse me! Mas mabuti siguro kung kumain muna tayo bago kayo mag chikahan?" Ang pag singit ni Aiko at sumang ayon sina Mama at Papa.
Nang kumakain na ay sinusubuan ni Mama si Jiko,gusto ko sana ako ang gumawa nun para sa kanya. Masaya silang nagkekwentuhan,nung mga panahon iyon na matindi pa ang alitan namin ni Jiko.
Kinagabihan ay hindi na ako mapakali,dahil sa iisang kwarto lang naman kami natutulog.
"Boy ka dito,pero bakit ka nasa kwarto ko? Dun ka Kay Chad. Baka kung anong kagaguhan ang gawin mo, bastos ka pa naman."
Hayst! Kahit naka wheelchair and maldita pa din ni Jiko.
"Sa lapag naman ako matutulog,para mabantayan ka."
"Alam mo naguguluhan na talaga ako sayong bastos ka! Bakit bigla kang nagka ganyan?" Inis na sabi niya ng ihiga ko siya sa kama. Napangiti ako,atleast para ko na din siyang nayakap,namiss ko ito.
"Hindi ako nagbago,Jiko."
"Isa pa yan! Kiji ang pangalan ko, Hindi Jiko! Bakit mo ako tinatawag na Jiko? Animal ka!" Inis niyang sabi na ikinatawa ko.
Jiko, kung Hindi ka makuha sa paglalambing,dadaanin ulit kita sa dating Chance.
I smiled.
"Bakit Jiko? Its a secret, it's for me to know, it's for you to find out."
***
Para kaming bumalik ni Jiko sa umpisa. Panay kami sagutan,pinapabayaan lang naman kami nina Mama at Papa,baka daw sa ganoong paraan ay bumalik agad ang mga nawala niyang alaala. Ang pinagkaba lang, naka wheelchair pa din siya at sira pa din ang kanyang mukha but he doesn't even care kaya mas minahal ko siya.
Lagi kaming nagsisimbang gabi,at lagi niya akong inaaway dahil ako ang nagpapaligo sa kanya. Parang halimaw ang Jiko ko,pero sige lang, ang sabi nila pag nakompleto mo ang siyam na Misa De Gallo ay pwede kang humiling at matutupad daw ito, kaya ganon na lamang ako ka eager na matapos at makompleto ko ito, gusto ko bago man lang magpasko ay bumalik na ang mga alaala niya.
Ika limang simbang gabi,na late ako ng gising,pag mulat ko pa lang ng mga mata nakita ko na nakatitig siya sa akin.
"Nauna na sa simbahan sina Mama at Papa." Aniya.
"Ganon ba?" Agad akong bumangon. "Tara,paliguan na kita. "
"Talaga bang pumasok ka dito bilang boy? At talagang kasama pa ang anak niyo ni Vane?" Seryoso niyang tanong kaya umayos ako.
"Hindi ka ba naniniwala?"
"Hindi,wala akong tiwala sayo,sa lahat ng pang iinis mo sa akin?"
Napalunok ako,ito ang uri ng sagutan namin na nahihirapan akong sumagot. Ngunit ganon pa man kailangan kong gamitin ang dating si Chance,ngumisi ako.
"Ngayon pa? Kulang pa nga mga pang iinis ko sayo,hindi pa ako masaya! Gusto ko na maiyak ka ulit sa inis!" Masakit para sa akin ang magbitaw ng ganong salita,pero kailangan.
"Wow! Kahit ganon pa man,katulong ka pa din dito!"
"Hindi ko nakakalimutan yan! O ano? Papaliguan na ba kita? O nahihiya ka pa din? Huwag ka kasi mahiya,ang akin nga pinagsawaan mo na!" Nakangisi kong sabi.
"Bastos ka talaga kahit kailan!" At binato niya ako ng unan na ikinatawa ko na lalo niyang ikina inis.
"Thats me! Chance,ang bastos sa kanto!" Sabay pogi pose. "o tara na,baka pagdating natin sa simbahan ay tapos na ang misa."
"Bwisit ka talaga! Makalakad lang ako ay gagantihan kitang animal ka."
"Hihintayin ko yun Jiko." Ani ko,kinidatan siya at lumapit na.
"Bwisit! Kinalabutan ako!" Singhal niya na mas ikinatawa ko.
Pagdating sa simbahan ay homily na,panay ang lingon ni Jiko sa paligid,as if makikita niya sina Mama at Papa sa dami ng tao. Ang tanging kinaiinis ko lang ay panay ang tingin nila kay Jiko.
"Itong mga 'to parang wala sa simbahan,ngayon lang ba sila nakakita ng sira ang mukha?" Dinig kong bulong niya,napabuntong hininga ako.
"Hayaan mo sila."
"Huwag kang ano! Isa ka din sa nanglalait sa akin. Tumahimik ka diyan."
Kaya ayon,tumahimik na lamang ako at nakinig,buong Misa akong nakatayo,nandito kami sa likuran dahil sa pagka late.
Pagkatapos magsimba ay dun lang namin nakita sina Mama at Papa,nasa hapan sila ng Jollibee kasama ang dalawang bata.
"Puntahan natin sila! Gutom na ako!" Ani Jiko at tinulak ko na ang wheelchair.
"Wala ka bang naaalala sa Jollibee?" Ang bulong ko sa kanya ng umorder na sina Mama at Papa,kinakausap niya ang dalawang bata at lumipat ang atensiyon niya sa akin.
"Wala!" Taas kilay niyang sagot. "At kung meron man,hindi na dapat maalala."
"Wow! Pa virgin! Okay,sabi mo eh!" Nakangisi kong sabi,kinindatan ko siya at inirapan niya ako.
Nang sumapit ang ika siyam na. Misa De Gallo ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Sa Noche Buena magaganap ang pagbibigay ng regalo,ganon padin si Jiko,parang mas okay lang sa kanya na hindi na bumalik ang alaala niya,at tuwing naiisip ko yun parang hinihiwa ang puso ko.
Pati ang pamilya ko ay nandito na lubos na pinagtataka ni Jiko.
"Chance,anak. Huwag kang susuko ah?" Sabi ng Mama ko.
"Hindi ako susuko,amnesia lang yan." Nakangiti kong sagot. "Alam ko nararamdaman niya ang pagmamahal ko pero nalilito pa siya."
"Kuya,kailan babalik memory mo?" Dinig namin na tanong ni Ioji kay Jiko. "Dati ang sweet mo sa amin ni Chad,ngayon hindi na."
Napasinghap siya at nagpalipat lipat sa amin ang tingin.
"We just have to wait,Ji. Ma alala din ni Papu ang lahat." Dagdag ng anak kong si Chad.
"Kids." Ani Jiko. "Mahirap ang sitwasyon ko,magulo pa sa akin ang lahat."
"Dati din ang sweet niyo ni Papu"
"Oo nga! Lagi sila nagki-kiss!"
Nagsalubong ang mga kilay ni Jiko dahil sa narinig.
"Mga bata,huwag niyong kulitin si Kiji. Halina na kayo dito sa hapag, malapit na mag alas dose,kakain na tayo." Ani Papa na kausap ang Papa ko.
Napabuntong hininga ako,naniniwala ako na babalik sa dati ang lahat.
Masaya kaming nagsalo salo sa hapag,nakaka sabay naman si Jiko sa usapan at tumatawa pa. I smiled,sana lagi na lang siyang masaya.
"Merry Christmas!" Sabay sabay naming sabi ng sumapit ang alas dose,niyakap namin ang bawat isa. I hugged Jiko like it was my last hug. I missed him so much.
"H-hindi ako makahinga."
"Sorry,merry Christmas." Ang bigla kong nahiyang sabi.
"Oh! Bigayan na ng regalo!" Ang pag announce ni Mama.
Again,huminga ako ng malalim,bumalik man ang alaala niya o Hindi,he deserves my gift to him.
Nakapagbigay na ang lahat ng regalo,kami na lang ni Jiko ang wala. Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay at isinuot sa kanya ang singsing,wala siyang imik.
"Merry Christmas Jiko,yan ang regalo ko sayo,mula ngayon fiance na kita,bumalik man o hindi ang alaala mo." Hindi ko namalayan na tumulo na ang aking mga luha. "Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at maghihintay ako sa pagbabalik ng alaala mo kahit gaano pa katagal. Mananatili ako sa tabi mo kahit pa palayasin mo ako."
Pinabayaan ko ng tumulo ng tuluyan ang mga luha ko,tutal si Jiko naman ang iniiyakan ko.
"Hindi ako magsasawang maghintay Jiko,alam kong nagugulahan ka,sorry sa lahat ng sakit ng loob na naidulot ko sayo noon. Pero hayaan mo akong tabunan iyon ng pagmamahal ko." Dagdag ko,hindi ko na alam ang idadagdag ko dahil panay na ang aking pag hikbi.
"Bastos." Napatingin ako sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at may isinuot na singsing. "Hindi mo kailangan maghintay ng matagal,bumalik na sa akin ang lahat ngayon lang pagkakita ko sa singsing."
Hindi ko alam kung anong sasabihin,napatingin ako sa paligid at lahat sila ay nagulat din.
"Mahal na mahal din kita,lagi kong nararamdaman pero nalilito ako. Pero ngayon,bumalik na ang lahat,hindi tayo pinabayaan ng Diyos."
"I love you Jiko!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.
"I love you too,bastos sa kanto."
"I love you more,Jiko." Hinalikan ko na siya,narinig ko ang palakpakan ng mga kasama namin.
"Teka" bumitaw si Jiko sa among halikan.
"Bakit?"
"Saan tayo magpapakasal?" Tanong niya na ikina ngiti ko.
"Kahit saan,basta kasama ang mga kaibigan at pamilya natin."
At muli,inangkin ko ang matatamis niyang labi na matagal ko ng inasam na matikman.