webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Part 5)

Sumapit ang sabado ate Charing. Nagsimula na ang kalbaryong hindi ko inaasahan,isang dagok na susubok sa aking pagkatao. Sana kayanin ko ito.

"Kiji! Dun ka sa gilid mag walis sa tapat ng RH building!" ang sigaw ni Aiko na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan ate Charing.

"Oo na teh! Alam ko!" dala ang walis tingting at dustpan ay tinungo ko ang gilid ng gym,ang tapat ng RH building. Wala talaga silang awa sa akin ate Charing.

"Ayusin ang pagwawalis. Baka mawala ka sa pwesto mo at pagtingin namin na kay Khaim ka na." pasaring ni Chance. Inirapan ko lang ang unggoy,hindi ko alam kung bakit may mga taong ipinanganak para lamang mang bwisit.

"Itulad mo ko sayo? Manyak!" at nag walk out na ako. Unfair! Si Teban sa harap ng Amang building nagwawalis,si Khaim sa harap ng IR,si Karissa sa ground ng Main building. Itong si Chance? Ewan ko sa kanya.

Gago nyan eh,dinala ako sa Cr ng IR tas ini lock. Halos mamatay na ako sa takot dahil nga uso ang kwentong multo dito sa RHS. Sabi nya papalinis daw nya tubo nya,pero ni lock nya ako! Parang gago lang,nung halos wala na akong boses saka nya ako pinalabas.

Totoo nga ang sinabi nya nung una pa lang. Hindi sya yung tipo ng gwapong mala prince charming,o katulad ng mga bidang lalaki sa Precious Hearts o sa wattpad,dahil demonyo sya!

At ito na nga,puro mga dahon lang naman ang nawawalis ko. May usapan ang mga praning na pumunta ng MegaMall after this tas gigimik daw. Syempre enter ang peg ko,nasa edad na kami para makapasok sa bar,hello? 6th year na kami! Kung walang K To 12 edi sana second year college na kami.

Mamaya ko isasagawa ang plano,kukuhanin ko ang phone ni Chance at buburahin ko yung picture namin sa Cr,gagong yon,napaka exhibitionist,ako naman nagpa uto that time.

Kase naman teh,hindi pa ako nakakatikim ng kapirasong laman ng lalaki at akala ko nung time na yon ay pagkakataon ko na talaga. Pero wala eh,gago at abnormal si Chance,naisahan nya ako,imba lang diba? Saan kaya pinaglihi ang timawa na yon? Sarap sampalin ng Havana na tsinelas.

Nang matapos na kami sa community service ay nagpaalam na kami sa guidance councilor at lumabas na ng RHS.

"Mag taxi na lang tayo." ani Chance ng naglalakad kami papunta sa rotonda.

"Ikaw na lang kung gusto mo,wala akong budget." inis kong sabi dito.

"Ang Kj mo ah?" ani Aiko.

"Siksikan sa jeep. Maaalikabukan tayo!" dagdag pa ni Karissa.

"Kayo na lang." sabi ko pa din.

"Pangit na bading na nga,hampaslupa pa." bulong ni Chance kaya nilingon ko sya.

"Hoy! Nadinig ko yon--"

"Mag taxi tayo. Ako na bahala sayo,Kiji." pagsabay na sabi ni Khaim.

"Sige ba!" agad nawala ang badtrip ko eh. Mainam talagang pain reliever tong si Khaim ko hihi.

"Tss!" ani Chance na hindi ko na pinansin. "Teban tol. Mamaya na yang yosi! Tara na."

Nag taxi nga kami,pagdating sa Megamall ay dumiretso kami sa groundfloor,sa may timezone. Ang daming ka edad namin na nakatayo at naka upo sa hagdanan. Napansin ko pa yung isa na may hawak na papel at ballpen na pinapapirma ata bawat isa.

"Join kayo sa amin?" sabi ng isang babae at lumapit. Mataba ito pero cute.

"Networking?" sabay na sabi ni Chance at Karissa.

"Nope,text clan kami. GEB namin ngayon. BloodLines Resurrection o BLR ang name ng clan namin. 8years na kami." nakangiting sabi nito.

"8 years? Ang tatag." ani Teban. Ang astig naman,uso pa pala ang Clan ngayon?

"Yup. At yung baklang naka yellow na yun na wagas humalakhak,yun ang founder namin. Si Tzekai." sabi pa nung babae,sabay kaming lahat napatingin sa tinuro nya. "Nagreformat kami eh,pero last 2012 umabot kami ng 500 members,ngayon back to zero,nasa 30+ na lang kami."

WOW! As in wow! Nakakapagod mag GM sa ganon karaming members ah?

Pero teka,Tzekai pangalan nung founder? Parang pamilyar? Parang nabasa o nadinig ko na dati? Oh well,madami na siguro gumagamit ng ganong pangalan ngayon.

"Pag isipan ko teh,pero akin na number mo." ani ko at nitype nito ang number nya sa phone ko.

"San kayo after ng meet up?" ang pagsingit ni Khaim. Pag sumali sya,sasali talagag ako.

"Its either Padis Araneta or Padis Boni lang,by the way,Im Gaeblerette."

(AN/ EXISTING CLAN YAN! CLAN KO YAN HAHAHA! SA MGA ALAM NUMBER KO SA GLOBE,PWEDE KAYO MAG JOIN, NAGAMIT KO NA DIN IYAN DATI SA "INLOVE WITH YOU."

Nagpaka busy kami sa Timezone,dahil wala akong pera,libre pa din nila ako,nakakahiya man pero wala akong magagawa.

"Tara na,Padis Araneta na tayo,umalis na sina Gaeblerette." ani Teban ng nagpapahinga na kami.

Alam kong inuman yon,natatakot na ako uminom. Last time na inom ko pinagtripan ako ng mga dati kong tropang beks,sina Filipa,Payatola at Ar-ar nga. Mula nun,sinumpa ko na ang alak.

Sumakay kami ng MRT,rush hour ba naman kaya sobrang siksikan. Nasa likod ko si Khaim at nararamdaman ko ang pagbangga ng anis nya sa pwit ko,infairness hard sya.

Sina Karissa at Aiko pina upo,kase babae daw. Ang unfair lang diba? At sina Teban at Chance,kung magkwentuhan kala mo sila lang ang pasahero ng MRT,juicecolored,paano pa pag nakainom na ang dalawa?

"Okay ka lang ba?" bulong ni Khaim sa tenga ko,naamoy ko tuloy ang mabango nyang hininga,gusto kong tumili sa sobrang kilig.

"Okay lang naman." ang sagot ko na nagpipigil ng kilig.

"Sandal ka para hindi ka mangawit." Waaahh! Sarap sumandal sa katawan nya. Damang dama ko na ang patooti nya na hard na hard! Gusto ko ng igiling ang pwit ko kaso wala pa naman kami sa dancefloor.

Pagbaba namin sa Araneta Cubao Station ay dumiretso na kami sa Padis. Nakita agad namin yung Gaeblerette at Tzekai na busy sa pag assist sa mga members at parang naniningil ng ambag haha!

"Ang hindi mag ambag ipapalaplap ko kay Cling anne! Dali na! Para maka laklak na tayo!" sabi nung Tzekai,agad na nag reklamo yung mga lalaki,I bet chakka yung Cling anne. "Ayaw nyo nun? Para nyo nang nahalikan si Diego?"

Naghalakhakan sila,dalawang long table ang occuppied nila,kami naman ay dumiretso sa entrance at nagbayad,ng matatakan na kaming anim ay pumasok na kami sa loob ng Padis.

Chicken fillet at isang barrel ang in-order namin. Medyo nakaka excite dahil ang gaganda ng pinapatugtog. Sige lang kami sa tagay at kwentuhan. Enjoy pala ang ganito?

Hanggang sa nagpunta na sa dancefloor sina Karissa,Aiko,Teban at Khaim,agad silang nakisayaw sa dagat ng mga tao.

"Sasayaw din ako." ani Chance,tumayo at umalis.

Ano to? Taga bantay ako ng alak at pulutan?

Pagtingin ko sa table ay nandun ang phone ni Chance,kinuha ko ito,tumayo at sumunod sa dancefloor. Pero natigilan ako ng may maalala ako.

Agad kong tiningnan ang phone ni Chance,walang passcode,pumunta ako sa gallery,yun pala ang may code. Bwisit!

Tumuloy na ako sa dancefloor at hinanap sila. Super indak ang mga impakto. Lumapit ako kay Chance at iniabot ang phone nya. Tinanggap nya ito at nagsayaw ulit.

Biglang tumugtog ang SEXYLOVE. Nagsigawan ang mga tao,kahit luma na ang tugtog ay madaming naka relate,sinong hindi nakaka kilala kay Lovebabe Athena at Sexylove Kenji ng She's Dating the Gangster ni Sgwannab? Napaka timeless ng love story na yon.

Sumayaw ng Sexy si Chance sa harapan ko. I don't know why pero kinikilig ako sa pagsayaw nya,ang lambot ng katawan nya at nakatitig sya sa akin. Hindi ko maiwasang mapakagat labi.

"WOOOOHHHH!!" sigawan ang mga tao ng lumapit pa sa akin si Chance. Shit! Ang hawt nya!

"C'mon,Kiji. Show me what you got."

Napalunok ako. May tumulak sa akin kaya napayakap ako kay Chance. Paglingon ko ang tropa pala. Bakit ganito? Wala akong marinig? Parang paghinga ko lang ang naririnig ko? Bingi na ba ako?

"Sunday bukas kaya sige,inom lang tayo!" ani Teban ng makabalik kami sa table namin. Inihatid na sa labas ni Khaim sina Aiko at Karissa dahil hindi sila pwedeng gabihin masyado. "Tagay mo na beybs."

Ang dami ko ng nainom! At pakiramdam ko pag tumayo ako ay sesemplang na lang ako bigla.

"Wala tol,mahina sa alak si Kiji!" ani Chance at tumagay. "Tagayan mo pa!"

Mga bandang alas dose na siguro yon,alerto pa ako pero nakayuko na ako sa mesa,nadidinig ko na badtrip si Teban dahil tinawagan sya ng Mama nya at kailangan na nyang umuwi. Nadinig ko pa na ihahatid daw sya sa labas ni Chance.

Kaya ayokong nalalasing eh! Hindi nga ako nagsusuka,pero hilong hilo naman ako. Malinaw pa paningin ko pero hindi ko kayang hindi tutungo ulit.

"Haaayst! Ako pa talaga ang naiwan." dinig kong sabi ni Chance. Kahit naka tungo ay sumagot ako.

"Sige mauna ka na. Konting pikit lang to mawawala din ang hilo ko,kaya ko naman umuwi mag isa."

"Tsk,sabi ni Khaim babalik sya at sya maghahatid sa isang to." sabi pa nya na binalewala talaga ang sinabi ko.

Tuluyan na akong pumikit. Bahala sya dyan. Pero bigla akong may naisip,kailangan ko talaga sumuka para mawala ang hilo ko,kaya dahan dahan akong tumayo.

"Cr lang ako." pinilit kong maging maayos ang paglakad hanggang sa cr. Buti walang tao,at agad akong pumasok sa isang cubicle,dinutdot ko ang lalamunan ko hanggang sa naisuka ko lahat. Nang ma flushed ko na ang bowl ay dumiretso ako sa sink,nagmumog at hilamos saka ko kinain ang menthol bubble gum na nabili ko kanina.

"Okay ka na?" sabi ng boses na ikinalingon ko. Si Chance pala. Bakit parang hindi man lang tumalab sa kanya ang alak?

"Oo,pwede na akong makauwi." ani ko.

"Itext mo na lang ang parents mo na umaga ka na makaka uwi. Sobrang antok ko na at hindi ko na kayang bumiyahe,may malapit na motel dito,mag check in tayo." naka crossed arms pa nyang sabi na ikinanganga ko.

"Check in?!"

"Huwag kang green minded. Tara na." aniya at naunang lumabas ng Cr at sumunod na ako.

Tama nga ang sabi nya,halos walking distance lang ang motel. Para akong natatae na ewan eh,first time kong pumasok sa motel at ganito pala ang itsura nun? Kailangan talaga dalawa ang pinto? Astig naman ditey.

Nag cr muna si Chance,ako naman ay naupo sa kama at nanginig. Hayup na aircon! Pwede bang hinaan?

Hindi ko maiwasang mag isip ng iba,kasi naman diba? Minamanyak ako ni Chance lagi nung una? Ngayon lang sya medyo naging harsh at rude sa akin. Pero posible kayang may mangyari? Kyaaahh! Bahala na si Hello Kitty!

Paglabas ni Chance ay naka boxer na lang sya. At sadyang gifted talaga sya,kasi bakat na bakat. Nadedemonyo na utak ko shet!

"Ako naman ang mag cr!" ang sabi ko,tumayo at pumasok sa Cr. Ano ba tong nangyayare sa akin? Para akong natatae na hindi naman? Medyo nanginginig din ako ampupu!

Paglabas ko ay nakahiga na si Chance. Ang ganda pala talaga ng katawan nya. Nakapikit na sya at nakapasok ang kanan nyang kamay sa loob ng boxer at ang kaliwa naman ay pinatong nya sa noo nya.

Huminga ako ng malalim at naupo sa tabi nya. Mukhang hindi ako makakatulog nito ah?

Napakagwapo nya,kaso masama ugali,manyak,walang respeto sa akin,pero hindi ko magawang magalit ng husto sa kanya.

Nagmulat sya ng mga mata,tumingin sa akin saka nagsalita ng talagang ikinatunaw ng aking pagtitimpi.

"Kung may gusto kang gawin,gawin mo na. Hindi kita pipigilan,tutal bastos sa kanto naman tawag mo sa akin diba? Totohanin natin pagiging bastos ko."