webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Part 33)

Maaga na akong pumasok kinabukasan kahit na pakiramdam ko ay ayoko ng pumasok. Pero life must go on ika nga,konting tiis na lang din naman ay graduation na at hindi ko na makakasama si Chance.

Sobrang nag aalala na sina Mama at Papa sa akin,pero sinabi ko sa kanila na kaya ko ito. Na part lang ito ng pagiging teenager ko at malalampasan ko din ito. Hindi sila nag comment tungkol kay Chance,they wont judge him. Hindi ganon ang mga magulang ko kahit na mga baliw sila. They love Chance at alam kong naaapektuhan sila sa nangyayari sa amin.

Pagpasok sa gate ng RHS ay huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko kasi pag hindi ko pinuno ng hangin ang baga ko ay hihimatayin ako dahil sa kakulangan ng hangin.

Sa gilid ako ng mga benches dumaan para hindi ako mainitan sa sinag ng araw. Pero napatigil ako ng makita kong madadaanan ko si Chance,kasama niya si Vane na naka upo sa isa.sa mga bench at nagtatawanan sila.

Siguro naramdaman nilang may nakatingin sa kanila kaya napatingin sila sa akin. Nawala ang ngiti ni Vane at nagsalubong ang mga kilay ni Chance.

Ang masakit lang,at talagang dumurog ng puso ko ay ng hilahin ni Chance si Vane at halikan sa labi.

That very moment naramdaman ko talaga yung sinasabi nilang nabasag ang puso. Nagsisimula ng mamuo ang mga luha ko,kinagat ko ang lower lip ko at nanginig ko. This is too much pero kailangan kong indahin,ako ang may gusto nito so kailangan magtiis ako.

Matapos ang kanilang halikan ay ngumisi si Chance na para bang sinasabi na 'ito ang napapala mo dahil sa pag let go mo sa akin'.

Gayunpaman,itinuloy ko ang paglalakad,nilampasan ko sila. Hindi dapat ako patalo sa emosyon ko.

"Lalaban pa nga lang ako,isinuko na ako agad? Lakas maka gago." narinig kong sabi ni Chance,Im very much aware na ako ang pinaringgan niya.

Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa pagbabalik.ng tarantadong Chance. At any rate,kung ano man ang gawin niya sa akin ay tatanggapin ko hanggang sa mawala ang galit.niya sa akin kung iyon lang ang paraan.

Totoo naman ang sinabi niya,ilalaban pa lang niya ang amin ay sumuko na ako. Ano pang sense ng ilalaban niya kung ang pinaglalaban niya ay sumuko.na? Napaka bobo at tanga ko diba? I know.

Nang mag practice na ay parang lutang pa din ako. Damang dama ko na pinapakiramdaman ako ng tropa pero ni isa sa kanila walang nangahas na kausapin ako.

Nang ako na ang umakyat ng stage ay lutang pa din ako.at nanginginig. Nanlalambot na ako talaga,kasunod ko si Chance kaya nagmadali ako makababa sa hagdan.

Pero sadyang inuulan na ako ng kamalasan,hindi ko na kinaya ang panlalabot ng mga tuhod ko. Nalaglag ako sa hagdan,narinig ko ang sigawan ng lahat ng nasa gym.

Paglingon ko ay kitang kita ko ang pagka gulat kay Chance. Lalapit na sana siya sa akin pero bigla siyang tumigil.

"Shit naman Kiji?! Ano bang nangyayari sayo?" ani Teban na agad nakalapit.

"Dalhin mo siya sa clinic." ani Maam na nakalapit na din.

"Susunod kami." ani Khaim.

Sakto nakababa na si Chance sa hagdan at nilampasan niya kami.

Inalalayan ako ni Teban hanggang sa clinic. Medyo natawa pa ako dahil suki na ako sa clinic na ito.

"Mabuti at hindi ka napilayan. Magpahinga ka saglit. Hindi.ka siguro kumain ano? Tingnan mo sarili mo Kiji. You look awfull,hindi ka na tulad ng dati. May problema ka ba?" sabi sa akin ng nasa clinic na kami.

"Okay lang po ako Maam. Nakalimutan ko lang kumain kanina kaya siguro ako nanlalambot." ang sagot ko naman.

"Okay. Magpahinga ka muna dyan." at tumalikod na ito.

"Anong nangyayari sayo Kiji? Nagbreak lang kayo ni Chance pero para ka ng patay na buhay?! Whats going on?" ani Teban na naupo sa tabi ko.

"Hindi ko alam Teban. Ito naman ang gusto ko diba? Pero bakit parang mas ako ang nasasaktan at nagdudusa?" ang naiyak ko.ng sabi. Kailangan ko nga siguro ng mapaglalabasan ng aking mga hinaing. Dahil kung sosolohin ko ito paniguradong sakit sa puso ang aabutin ko.

"Kiji. Tapos na kayo. Huwag mo.ng sa kanya paikutin ang mundo mo. Tingnan mo wala na siyang pakialam sayo. Kaya dapat ikaw din. Panahon na para ang sarili mo naman ang mahalin mo. Chance is chance,hindi nababali ang mga sinasabi niya at alam mo iyon. Nabali lang ang lahat ng minahal ka niya. Pero tapos na kayo,bumalik na siya sa dati. Ang dapat mo sigurong pagtuunan ng pansin ay ang graduation at kung saan ka magka college. Bat pa tayo,marami ka pang makikilala. Malay mo,sa college mo makilala ang para sayo" mahabang sabi.ni Teban.

Tama siya,pero paano ko.gagawin iyon? Hindi naman ganon kadaling kalimutan ang taong sobra mong mahal.

"Maraming salamat Teban!" ang sabi ko at niyakap siya.

"Walang ano man Kiji." aniya at hinaplos ang likod ko "O baka naman ako ang para sayo."

Sa narinig ko ay natawa ako kaya hinampas ko siya sa braso.

"Baliw ka! Hindi tayo talo. Magagalit ang boyfriend mo."

"Hindi ko pa siya boyfriend Kiji. Parehas kami na bigla na lang ganito kaya parang kinakapa pa namin ang isat isa." aniya. "Pag okay na talaga kami papakilala ko siya sa inyo."

"Masaya ako para sayo Teban. Huwag ka sanang matulad sa akin." sincere kong sabi kaya nilingon ako ni Teban.

"Tingnan natin Kiji."

"May tanong ako?"

"Ano iyon? Ayusin mo ah? Ihahagis kita sa Oval pag hindi.maayos yan."

"Nag kiss na kayo?"

"Ano ba namang tanong yan?" nanlaki ang mga mata ni Teban. I think pag malungkot ako si Teban ang kailangan kong kausapin para makalimot ako kahit sandali.

"Ih! Sagutin mo lang!"

"Siyempre naman oo! Laplapan pa nga!"

"Nag sex na kayo?" dagdag tanong ko na nagpanganga kay Teban.

"Kiji ano ba? Bakit napunta sa akin?"

"Pag hindi ka sumagot,magsaulian na tayo ng kandila Teban." ang pagbabanta kong ganyan.

"Takte! Ano to? Kumare at kumpare? May saulian ng kandila? Hindi pa kami nagsesex! Walang gusto magpatira dahil gusto namin pareho na kami ang titira,hindi din kami marunong sumubo kaya halikan lang." ani Teban na tinitingnan pa ang paligid kung may nakikinig.

"Are you sure na yon lang talaga?"

"Tang ina Kiji! Oo na! Minasturbate namin ang isa't isa! Tang inang to? Ako na hotseat bigla?!"

At hindi ko na napigilan ang pagtawa. Kahit may dinaramdam ako ay ito ang kauna unahang pagkakataon na tumawa ako ng totoo. Maraming salamat kay Teban.

Bumukas ang pinto at pumasok sina Karissa,Aiko at Khaim.

"Tapos na ang practice. Kain na muna tayo." ani Karissa.

"Anong oras daw ulit?" ang tanong ko at tumayo na kami ni Teban.

"After lunch practice ulit. Kain tayo sa Jollibee,treat ko. Kasama ang girlfriend ko." ang sagot ni Khaim.

"Wow! Makikilala na namin girlfriend mo!" ani Teban at nakipag high five pa kay Khaim.

Gusto ko din makilala na girlfriend ni Khaim.

"Jollibee! Tara na!" sabi ko at hinila sina Aiko at Karissa at nagpaalam at pasalamat na ako kay Doktora.

Paglabas ng clinic ay nawala ang pagka excited ko. Nandun sina Chance at Vane. Nakatayo at nag bubulungan na parang may hinihintay.

"I invited Chance. Tropa siya at hindi pwedeng wala siya." ang bulong ni Khaim kaya nilingon ko siya na parang maiiyak na ako.

"Khaim."

"Kung iiwasan mo siya lagi mo siyang hahanapin. Harapin mo Kiji hanggang sa masanay ka." ang bulong din ni Khaim.

"Hello? Tol? Punta ka sa Jollibee rotonda. Kakain ang tropa at ipapakilala kita sa kanila. Dalian mo!" malakas na sabi ni Teban habang may kausap sa phone niya.

"Oh paano Chance? Hindi na ako makakasama. Kami na ang susunod na magpapractice." ani Vane at mabilisang tumingkayad para halikan si Chance. Tumango lang si Chance at umalis na si Vane.

"Tara na guys?" ani Khaim at nagsimula na kaming maglakad.

Nang nasa labas na kami at naglalakad ay bigla akong iniwan nina Karissa at Aiko. Dahil agad silang lumapit sa naghihintay na girlfriend ni Khaim.

Ipinakilala niya ito sa amin,maganda siya at mabait. And her name is Heart. Mabilis namin siyang nakasundo dahil kwela din pala siya.

Iniiwasan ko talagang mapatabi.kay Chance kaya para akong nagpapatintero habang naglalakad. At isa pa,kumakalam na din talaga ang sikmura ko.

Pagdating sa rotonda Jollibee ay nakita ko agad ang love intetest ni Teban,yung gwalong emo.

"Guys,tol ko nga pala si Feb." at nakipagkilala at kamay kami dito. Like Heart,mabait at gentleman si Feb. Nakuha niya agad ang loob namin.

Binibiro pa ito nina Karissa at Aiko na February daw ang true.name,na yun naman pala talaga. At ang dalawang babae walang ka ide-ideya sa bromance.nina Teban at Feb.

Sina Khaim,Chance at Teban ang pumila,kami naman nina Feb,Heart,Karissa at Aiko ay naghanap ng pwesto sa taas.

Pagka upo pa lang namin ay hindi na tinantanan nina Karissa at Aiko sina Heart at Feb. Parang living slumbook ang dalawa,kuna anu-ano na lang ang tinatanong.

"Anong favorite pokemon mo Feb?" ani Karissa dito.

"Huh? Ano,uhm si Jigglipuff." nahihiyang sagot ni Feb kaya nginitian ko siya.

"Wow! Favorite ko din yan! Diba siya yung humahaba ang dila at pag nababasa at napaflat?" ang maligalig na pag entrada naman ni Aiko.

"Gaga! Hindi pokemon yang sinasabi mo! Si Mojako yan! Shunga lang neng?" puna dito ni Karissa kaya nagtawanan kami.

Pero napatigil ako sa pagtawa ng dumating na sina Khaim,Teban at Chance. Sakto naman nakaramdam ako ng panunubig kaya tumayo ako mailapag na ang mga pagkain.

"Guys,wiwi lang ako. Kain lang kayo dyan." ani ko at naglakad na pababa,nasa baba kasi ang CR.

Napabuntong hininga ako pagpasok sa Cr. Ang dami kong pilyong alaala sa cr ng Jollibee. Napailing na lang ako at umihi na.

Bumukas ang pinto kaya nataranta ako.

"May tao pa po----Chance?"

"Ano Kiji? Kaya pa? Ito ba talaga ang gusto mo? Bibigyan kita ng pagkakataong baguhin ang desisyon mo." naka cross arms na sabi ni Chance habang nakasandal sa pinto.

"Chance,please?" ang bilis bilis.ng tibok ng puso ko. Pati paghinga ay parang kinakapos.na ako.

Lumapit si Chance,hinawakan ako sa baba at ganon na lang ang pagpigil ko ng hininga.

Hinalik halikan niya ang labi ko na parang nanunukso. Nanginig na naman ang mga tuhod ko at nagkagulo ang sistema ko.

"Ano Kiji?" pabulong niyang sabi at sinipsip ang lower lip.ko. Para na akong bibigay,konti.na lang.

"Chance..."

Hinalikan niya ulit ako,mas malalim. Pumasok na ang dila niya sa bibig ko.

Tutugon na sana ako ng bumitaw siya sa halik.

"One week Kiji. Kailangan magbago ang desisyon mo. Bago pa mahuli ang lahat."

Pagkasabi nun ay binuksan niya ang pinto at lumabas na.

Napahawak ako sa dibdib ko at sa labi ko ng sabay.

Bakit mo 'to ginagawa Chance?