webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Part 23)

First week na ng February at sobrang excited na ako sa Valentines day. Syempre may boyfriend na ako at hindi na ako loveless.

Ohm is everything a girls want. Napaka sweet at generous,napaka bait at halos araw araw akong pinapakitaan ng pagmamahal niya sa akin. Gustong gusto ko na siya pero hindi pa lumalalim ang damdamin ko para sa kanya,hinahayaan ko lang kahit na pakiramdam ko sa sarili ko ay may kulang. Pero alam kong sooner or later ay mamahalin ko na siya at mawawala na ang pagmamahal ko para kay Chance.

Speaking of Chance,ang gagong yon lagi ako pinaparinggan kapag nasa bahay siya,sinasakto niya na nandito sina Mama at Papa tulad ngayon nandito na naman siya.

"Chance,ijo may problema ka ba sa inyo? Hindi naman sa ayaw naming nandito ka. Pero halos dito ka na din tumira eh." ani Papa habang nagmemeryenda kami. Nandito kami lahat sa sala at tahimik lang akong nakikinig habang ginagawa yung isa naming project.

"Oo nga,anak." ani Mama. Ang bait nila kay Chance ah? Pagdating sa akin para silang nga baliw. "Anong problema? Makikinig kami,baka matulungan ka namin."

Tiningnan ko si Chance,saglit syang sumulyap sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay kaya bumaling ulit siya kina Mama at Papa.

"Wala po ito. Nagkatampuhan lang sa bahay. May desisyon akong hindi nila natanggap agad,pero lilipas din po ito. Maraming salamat sa concern niyo."

Desisyong hindi natanggap? Ano kaya iyon? At bakit naging sanhi ng hindi nila pagkaka unawaan ng pamilya niya?

"Bastos at barumbado ka kasi kaya nagagalit sayo ang pamilya mo." Hindi ko mapigilang sabat.

"Kiji!" halos sabay na sigaw sa akin nina Mama at Papa.

"Ang bunganga mo Kiji." ani Papa.

"Mag isip ka muna bago magsalita. Bisita si Chance." dagdag pa ni Mama.

Wow ah? Bisita? Eh halos dito na nga yan tumira eh? Ayoko ng magkalapit pa kami lagi,mahihirapan akong mag focus sa nararamdaman ko kay Ohm.

"Okay. Sorry." sabi ko na lang para matigil sila.

"Okay lang yun Tito at Tita. Ganon ako nakilala ni Kiji eh. Pero atleast hindi ako amoy ano ng lalaki--" agad kong tinakpan ang bibig ng bastos. Ayan na naman siya!

"Tara Chance,may pinapabili nga pala sina Mama at Papa sa Lianas." sabi ko at hinila patayo ang naka ngising si Chance.

"Ay! Oo nga pala. Ito ang pera,buti pinaalala mo." gulat na sabi ni Mama at nag abot ng pera.

"Ayusin mo ang pagpili Kiji. Dibale kasama mo si Chance mukhang mas magaling syang pumili." dagdag pa ni Papa.

"Ako bahala Tito." sagot pa ng gago kaya hinila ko na siya palabas.

"Alam mo ikaw,hindi ko alam kung bakit gustong gusto mo akong nilalaglag kina Mama at Papa." inis kong sabi ng palabas.na kami ng Batis.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Bakit hindi mo ipakilala ang boyfriend mo sa kanila?." sagot naman niya at pumara ng trycicle. "Kuya sa Lianas po."

Napabuntong hininga ako at sumakay na kami. Pag ganito kami kalapit ni Chance para akong ninenerbyos, ang lakas tumambol ng puso ko.

"Hindi ka na nakasagot." aniya.

"Hindi pa pwede kumukuha pa ako ng tyempo. Saka okay lang naipakilala na naman niya ako sa pamilya niya." sagot ko naman.

"Gusto mo ba talaga si Ohm o gusto mo lang na masabi na may boyfriend ka?" sabi niya kaya nilingon ko siya. "O baka naman gusto mo na laging may nasususo? Kung yun lang ang gusto mo Kiji dapat sinabi mo nung una pa lang. Para hindi.na kita pinag tripan at tinotoo ko.na ang pagpapa blowjob sayo."

Sa narinig ko ay uminit ang ulo ko. Ano bang klaseng tao ito? Bakit ganyan sya mag isip? Nakakasakit na talaga.

"Manong sa tabi lang po." pagpara ko kahit nasa palatiw pa lang kami. Agad kong inabot ang bayad ko at nanakbo papunta sa palatiw kanan kung saan may shortcut papunta sa Baltazar na tabi na ng palengke.

Bwisit na Chance yon. Kainis!

Mag gagabi na ng umuwi ako,pagdating ko sa bahay ay walang tao kaya nilagay ko lang sa lamesa ang mga pinamili ko. Bakit ako ginabi? Sinigurado ko muna na walang Chance na magpapakita sa Lianas.

Si Chance kaya? Panigurado umuwi na ang gagong yon. Kung bakit ba naman siya pinanganak na ganon? Ilang beses kaya siya inere ng nanay niya?

Pagpasok ko sa kwarto ay napanganga ako. Nakaupo si Chance sa kama at tulala. Madungis at may mga sugat sa mukha. Parang biglang tinusok ang puso ko sa nakit ko. Anong nangyari?

"Chance? Anong nangyari? Bakit ka nagka ganyan?" nag aalala kong tanong at lumapit agad aa kanya.

"May mga kaaway pala ako sa E-santos. Sinundan kita kaso hinarang nila ako at pinagtulungan." mahina byang sabi. Bigla akong naawa at na guilty,this time para ng hinihiwa ang puso ko.

"Im sorry! Hindi ko alam." naiyak ko ng sabi at niyakap ko sya. Wala syang kibo,damang dama ko ang mabilis na tibok ng puso niya,ninenerbyos din kaya siya?. "Sorry Chance. Huwag ka sanang magalit sa akin."

Kinalas niya ang pagkaka yakap ko at tinitigan niya ako. Napalinok ako,ang bigat ng tingin niya kahit pa may mga sugat ang mukha niya ay gwapo parin ang gago.

"Hindi na ako magagalit sayo kung gagamutin mo ako at susundin mo ang kundisyon ko." aniya na nakatitig pa din kaya nag iwas ako ng tingin.

"Sige gagamutin kita. Pero bakit may kundisyon pa?" sabi ko.na kinakabahan.

"Huwag kang mag alala,hindi mahalay ang kundisyon ko. At kung mahalay man walang mawawala sayo dahil hindi ka ba virgin. Ewan ko ba kung bakit ka pumayag sa Ohm na iyon eh! Nakakainis!" dirediretso niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

Sinasabi niya?!

"Hoy! Ang dami mo ng sinabi" hampas ko sa braso niya kaya napa aray siya. "Saka bibig ko lang ang hindi virgin,atleast marunong na ako! Teka nga?! Bakit yan usapan!? Sige gagamutin na kita,anong kundisyon ba yan?!"

"Simple lang,pag nandito ako sa inyo hindi o magkasama tayo hindi mo babanggitin ang boyfriend mo at hindi mi siya papapuntahin dito pag nandito ako."

"Ha?! Teka? Bakit ganon? Si Ohm nga hindi nag gaganyan eh! Para na kitang boyfriend nun!"

Ngumisi sya saka nag pout. May naisip ako pero ayaw kong magkonclude,kilala ko si Chance,powertrip ang paborito niya kaya hindi ako mag iisip ng iba.

"Ayaw mo?! Sige magagalit pa din ako."

"Oo na!? Bwisit to! Hintayin mo ako dyan. Huwag kang aalis bibili lang ako sa One Mercedez ng pang gagamot sayo." sabi ko at tumayo na. Bago ako lumabas ay tiningnan ko si Chance na naka ngisi pa din.

Naglalakad na ako papuntang One Mercedez ng tumunog ang phone ko. Pagtingin ko tumatawag pala si Ohm kaya agad kong sinagot.

"Hello?! Napatawag ka?" nilambingan ko talaga ang boses ko.

"Namis kita.ng sobra eh. Are you free tonight?! Sunduin kita,dito ka mag sleepover." aniya kaya napangiti ako. Gowd! Makakasama ko na naman siya! I cant wait!

Kaso bigla akong may naisip.

"Ohm?"

"Yes baby"

"Gusto ko sana talaga,gustong gusto ko,kaso hindi ako pwedeng umalis ng bahay. Wala pa parents ko." half truth half not kong sabi.

"Uhm ganon ba? Its okay. Maybe next time. Sabihin mo lang kung kailan ka free."

"Sorry talaga. Babawi na lang ako?!"

"Its okah baby. Excited na ako sa bawi na gagawin mo. Bye,I love you." at naputol na ang tawag.

Napabuntong hininga ako. Hindi maganda ito,nagsisinungaling ako sa boyfriend ko.

Nang makabili na ako ng betadine at bulak ay nagmadali na akong umuwi,kailangan ko din kasing magsaing.

Nakita ko pa si Adz na pumasok sa Internet Cafe. Matagal na din kaming hindi nakakapag usap at gusto ko siyang makausap at ibalita sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko.

Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako na nakapag saing na si Chance. Nang nakita niya ako ay tinaasan niya lang ako ng kilay. Napaka bipolar ng animal na ti eh.

"Tara na dito sa sala at ng magamot na kita." sabi ko sa kanya at sumunod siya sa akin sa sala.

Habang ginagamot ko ang mukha niya ay nakatingin lang siya sa akin. Ang biis ng tibok ng puso ko at naiilang ako. Alam ko namang sa mga mata ni Chance ay mananatili akong pangit.

"Next time bawasan mo ang pakikipag away para hindi lumiliit ang mundo mo--hik!" siet! Bigla akong sininok.

"Mga dati ko pang kaaway mga yon. Malay kong taga E-santos sila." aniya. Ang lapit ng mukha nya my gowd! Ang bango din ng hininga niya. Nanginginig ang mga tuhod ko.

"Kahit na--hik! Hik!" pota! Ayaw.ko talagang sinisinok ako eh.

"Sinisinok ka. Uminom ka ng tubig." aniya. Tumayo ako at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Gulat lang ang makakapag pawala ng sinok" ani Chance. Hindi ko siya nilingon at dinamihan ko ang inom ng tubig pero balewala sinisinok pa din ako.

Biglang namatay ang ilaw na ipinagtaka ko.

"Brown out?" tanong ko pa at walang sumagot.

"WAAAHHHHH!!!" Ang pang gugulat ni Chance na ikinatalon ko.

"Bwisit kaa! papatayin mo ako sa gulat--hik!"

"Ano ba yang sinok mo? wa epek pang gugulat ko." ani Chance at nabuhay na nag ilaw. Naglakad siya papunta sa sal at naupo sa sofa kaya sumunod ako at tumabi.

"Mawawala din to mamaya--hik!" taenang sinok to oh.

Matagal kaming natahimik ni Chance at nag isip pano mawawala ang sinok ko.

Ganon na lang ang gulat ko ng hawakan niya ang mukha ko at biglang halikan sa labi.

Bumukas ang pinto pero hindi ko pinansin. Napapikit ako,ang tagal kong inasam na mahalikan ulit ni Chance.

"Chance! Kiji!"

Boses ni Papa kaya agad kaming naghiwalay ni Chance.

Patay! were dead.