webnovel

LUX IMPERIUM ACADEMY | THE SCHOOL OF MAGIC | (BXB STORY) TAGALOG

Does anyone believe that magic, powers, and abilities are existing??? Does anyone knows about that earth is a hollow?? that there are currently existing kingdoms, advanced civilization that are using magic as a tool for their daily lives. does anyone knows that there are schools in this hollow world that teaches how to use, enhances and value a magic?? Join us in a world where the impossible is possible. Siya si lights celester alam niya sa kanyang sarili na siya ay naiiba o unique kung baga, dahil sa tingin niya, siya lang ang kaisa isang tao sa mundo na walang pusod. he also knew that he and his family possess a power that whatever he lives now for others especially for the non magical folks like humans for them it is hard to believe. Pero sa kanya wala na siyang paki dun, palagi nga niyang iniisip that he is lucky to have this kind of abilities, but unfortunately he can't use his ability very often until they can return to their world. If you want to read the full description of this story just click READ and go to the part entitled THE DISCRIPTION OF THIS STORY at mababasa niyo yung 3/4 ng description nito. Ang kwentong ito ay tagalog na may halong English sa madaling salita Taglish and BXB po ito lalaki sa lalaki.

143EnchantedPC · Fantasia
Classificações insuficientes
30 Chs

CHAPTER 16: THE GUILDS

Light's POV

Pagkatapos naming nilibot kanina ang buong campus ay nahanap na din namin kanina ang dorm namin ang laki at ang ganda yung internal design sa loob parang pang palasyo, pang medieval talaga ang theme hindi naman mainit sa loob, yung problema lang ay napakaboring sa loob walang tv at appliances diba bawal ang anumang teknolohiya sa loob . Nga pala binigay na sa amin lahat ng kailangan namin kagaya nalang ng uniform namin at mapa, ang ganda ng uniform namin may roba pa at itim ang kulay at may tatak ng logo ng school. May hihintayin nalang kami yung schedule namin at ang sabi nang naghatid kanina may magaganap pa daw sa gabing ito ang pagpili daw ng bolang kristal ng mga guild namin nagtataka na nga ako kung ano ang ibig sabihin ng guild na yan ehhh. Ang gagawin namin ngayon ay mag totour sa lahat ng parte ng school para ifamilirize ang bawat sulok para hindi kami mawala hehhehehhe magiging dora the explorer kami ngayon this is the free time that we only have dahil bukas may klase na and I'm so excited , boring naman sa dorm kaya yun gagayak muna kami ngayon para enjoy.

"Shiela may alam ka ba about sa guild na sinasabi ng babae kanina??" Tanong ko sa kanya habang kami ay naglalakad at habang siya naman ay nakahawak sa mapa at napatigil naman siya sa paglalakad gayundin kami.

"Ahhh yun ba may sinabi din kasi sa akin si mama about diyan ehhh sabi niya daw magsisilbing grupo daw natin yan, parang sa harrypotter ata ang peg hahahah parang house lang like gryffindor, slytherin parang ganun!!! at ang sabi niya sa school na ito may apat na guild at ang pangalan ng apat na ito ay hydrascale, cerbetor, panthereye at ang panghuli ay ang eagle wings. Ang sabi ni mommy sa akin ang pinakamalakas na guild sa lahat ay ang hydra scale at ang talunan daw palagi ay ang eagle wings dahil daw 2 o 5 lang ang miyembro nito Hindi tulad ng ibang guild na may 200-500 na miyembro, feeling ko nga ang unfair naman ng bolang kristal kung pumili ehhh ." Pag sasalaysay nito habang tumitingin ito sa kanyang mapa at pinagpatuloy na namin ang exploring, ganun ba yun nakakalungkot naman akalain mo ba naman na ang guild nila ay may 2-5 members tapos yung ibang guild may maraming members ang unfair naman ba't kaya ganun magpili ang bolang kristal na yun????

"Alam mo parang gusto kong tulungan ang eagle wings guild na yun nakakaawa kasi" wika ko sa kanila habang naglalakad napatigil naman ang dalawang bruhilda at tumingin ng diretso sa akin.

"Ohhh ba't ganyan kayo makatingin???" Takang tanong ko sa dalawang to at umiling naman sila tsk.

" Hindi mo ba alam nilalagay mo yung sarli mo sa kapahamakan konti lang sila paano mo iyon maitatayo ang nakadapang watawat kung mabigat ito"makahulugang sinabi ni shiela wow may paganitong effect pa siya malay natin baka mapili kami ng bolang kristal na mailagay doon if makuha man ako I want to raise that guild again and bring it back to the throne and dethrone the current guild hahahahha smirked.

"Alam mo light nag iba kana nakakatakot kana yung smirked mo parang may balak" nag aalalang sabi ni shiela at si dim naman ay tumango naman at nag smirked ako what if mapupunta kami dun hahahah baliw na ako.

" Well malay mo don't expect na malalagay kayo sa mga malalakas na guild baka mamayang gabing ito sa gaganaping pag aassign ng guild baka dun tayo mailagay" nakangisi kong sabi gehehehehe this will going to be fun!! smirk.

" Wag ka namang magsabi nang ganyan uyyy mabubully tayo niyan hindi mo ba alam na nabubully ang mga napupunta sa eagle wings guild na yan dahil ang mga member nito ay mahihina at alam mo ba ang effects nang bullying diyos ko day wag kami " pag aayaw ni shiela at natawa naman ako akala ko ba amazona siya.

" Akala ko ba amazona ka??" Natatawang saad ko sa kanya at sumimangot naman at si dim naman nakijoin narin sa tawanan.

"Hayyss nagfile na ako ng retirement noh wag kang ano diyan kung noon amazona ako now baka maria clara na " inis na sabi ni wahhahah may ganun na ba saan ba pinaglihi itong babae na ito madalas siyang nag eevolution parang unggoy lang to human hahaha.

" Pumunta muna tayo sa canteen pls gutom na ako hapon na kasi " pagsisingit ni dim ayyy ang gaga gutom na kaya yun gumayak na kami papuntang canteen, gutom na rin kasi ako hehehhe.

Nang makarating kami sa canteen ang daming tao yung iba tumitingin sa amin wow ano kami campus crush parang sa wattpad lang hahahah.

"Andyan na siya Yung sipsip"

" Well kakain ang mga weak "

"Another nerd here patay siya kapag makita siya ni fafa xavier. "

" Ang weak naman wala man lang akong nararamdamang malakas na presensiya sa kanila"

Yan lang ang mga naririnig ko ngayon hayysss. Sobra na sila ganyan ba yung mga ugali ng mga students dito kung may freshmen buwisit. Kaya umupo nalang kami sa may gilid, hindi parin sila matigil tigil sa mga sinasabi nila ito na ba ang sinasabi ko na magkakagulo na naman ang buhay pag aaral ko i smell and i can feel it ehhh.

Shiela's POV

Kung makapagsalita ang mga ito akala mo naman may kalakasan hahh tapos sasabihin nilang nerd na mahina ang frenny ko sundutin ko kaya ang mga mata nila. Hindi nila alam nung nagrambulan yang frenny ko sa Bernadette nayun na kalaban namin before sa mundo ng mga tao ay nawalan ng malay yung Bernadette hahahah.

"Hayaan mo na yan sila mga wala lang yan magawa" pagwiwika ko at napatingin naman silang dalawa .

" Mag order na tayo gutom na ako but wait ano pala yung currency natin dito diba gold wala tayong gold diba" pagmamaktol ni dim hayys ang patay gutom na ito hindi makahintay and waitt oo nga gold ang currency dito shittt.

"Don't worry may card akong binigay sa akin ni headmistress sabi niya daw magagamit ko daw ito para mabili lahat ng gusto ko" pagpapagaan ni light sa amin wow ang swerte niya may ganyan siya so it's mean dapat kapag mag recess kami nakasunod lang kami para libre ahhahah.

" Anong iooder natin??" Pagtatanong ni light at inilabas ang card niya wow gold card grabe.

" Ang swerte mo talaga kung alam ko lang na si principal selena ay headmistress ng school na ito kanina ko pa yun kinaibigan hahaha" natatawa kong sabi at natawa naman si dim.

" Ahmmm yung order pala naming dalawa kahit ano na basta mabusog kami " tugon ni dim at tumango naman si light grabe naman itong si dim ganon ba siya kagutom.

Light's POV

Habang pumipila ako ay narinig ko namang nagtitili ang mga babae hayysss baka campus crush yun.

"Kiyahhh ang mga royals"

"Kiyaah prince xavier buntisin mo na ako".

" Prince xavier anakan mo ako"

" Mga royals anakan niyo kami ng marami"

Diyos ko ganito ba talaga ang mga babae dito sa campus na ito binibigay nalang basta basta ang katawan sa ngalan nila yakksss at kay kapre pa talaga hayyss wala na akong pake sa kanila uyy makaorder na nga. Dali dali naman akong nag order at ipinakita ko ang card ko nanginig naman ang nagbebenta ,hahh?? At binalik kona sa bulsa.

"Ano po-pong gusto niyo??" nanginginig na tanong nang nagbebenta.

" Tatlong chocolate drinks, tapos tatlong cup ng kanin narin at tatlong tortang talong, tatlong fried chicken, at tatlong mineral water " pag oorder ko si ate naman nanginginig siya habang kinukuha yung mga order ko but why???

3rd person's POV

Hindi parin matapos tapos ang tilian ng mga babae sa loob ng canteen papalakas at papalakas pa ito hanggang sa pumasok na ang mga royals na anak ng mga hari at reyna ng iba't ibang kaharian tatlong lalaki na campus crush ng akademya. Samantala pagkatapos ni light mag order ay tatalikod na sana ito upang bumalik sa kanyang uupuan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay natapuan niya ng pagkain at inumin ang isang lalaki.

Light's POV

Shitttt sino kaya yung natapunan ko shiit.

"Ikaw !!!!" Galit na sigaw ng lalaki at tumingin naman ako sa mukha niya para alamin kung kilala ko ba o hindi. Shitttt ang kapre pala sa bagay ang gwapo niya hah mapupungay na mata, mapupulang mga labi at matangos na ilong perfect pero ugali yung ayaw ko.

" Alam mo bang buhay ng tao ang kapalit ng pagdumi nito " pagalit nitong sigaw sa akin.

" Waittt light ikaw ba yan??" wika ng kung sino at hinanap ko naman yun. At nahagilap ko si james at oliver hayyss sabi na nga ba magkikita din tayo dito what a small world.

" Ayyy hindi hindi" pamimilosopo ko kay oliver at nakita kong nagagalak naman silang makita ako.

" Ba't nagiba ang buhok mo and so its means tama yung sabi ni princess avira na your one of us yesss" masayang sabi nito at habang ang kapre naman nakayukom na ang mga kamao.

" Wala akong pake sa mga pinag uusapan niyo ang topic is all about my uniform alam mo bang kahit ilaan mo pa yang buhay mo sa pagtratrabaho ay hindi mo ito mabibili hahh!!!" Galit na saad ng kapre nakayukom na ang kamao nito at parang aambaan ako ng suntok yung mga estudyante naman nakatingin na sa amin shittt.

"Pasensya kana hindi ko naman sinasadya ehhh " paghihingi ko ng tawad sa kanya at sa hindi inaasan ay bigla nalang ako nitong sinuntok at tumalsik ang salamin ko.

Prince Xavier's POV

Hindi kona matiis kaya yun sinuntok ko na siya sa mukha dahil kaninang umaga naiirita din ako sa presensya niya nung sa may tarangkahan pa kami.

"Ano masarap ???" Wika ko sa kanya at hinawakan ko ang puting buhok niya waittt ba't hindi parin maalis alis ang amoy niyang strawberry kanina ko pa ito na aamoy.

" Xavier itigil mo daw yan" pagpapatigil ni oliver sorry but hindi ka mataas sa akin para sundin ko.

Hinila ko ang buhok niya at narinig ko naman ang daing niya at nang tignan ko ang mukha niya shittt ang ganda behind those eye glass may ipinagmamalaki din pala siya at behind this shirts  may abs siya. Parang naaawa na ako sa kanya naluluha na kasi siya ehhh kaya agad kong binitawan ang buhok niya at napatitig ako sa mata niya shittt nakakahipnotismo pati yung mukha niya shittt ewan ko parang nababaliw ako shittt hindi ako bakla, ayokong maging bakla.

"Grabe ka naman" naluluha nitong saad habang pinupunasan ang luha nito at napadaing siya sa akit shittt parang nasasaktan ako kapag umiiyak siya shitt ano bang nagyayari sa akin ngayon naaawa ako sa kanya. Lalapit na sana sina prince james at oliver ng bigla ko siyang niyakap, ewan ko pati ako nabibigla sa ginawa ko, ngayon lang ako nagkaganito.

Oliver's POV

Lalapit na sana kami nang niyakap niya si light waitt ngayon lang namin siya nakitang nagkaganito hahhh iba siya noon, ngayon ko lang nakita ang good side niya ever.

" Alam mo ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan" bulong ni james parang naiingit ako dapat ako yung nakayakap kay light shittt

Light's POV

Nabigla naman ako sa ginawa niya bigla niya akong niyakap ang sakit na nararamdaman ko kanina ay parang bigla nalang nawala shittt may naramdaman akong kuryente, lightning manipulator din ba siya??

"Pasensya kana sa ginawa ko " bulong nito sa tenga ko habang niyayakap niya parin ako, ang mga tao naman sa paligid ay nakabuka ang bibig at parang hindi sila makapaniwala sa nagyayari ngayon.

Prince Xavier's POV

Ba't ako nag kakaganito shit hindi pa ako bakla. Inamoy amoy ko naman ang leeg niya shittt strawberry ang sarap amuyin nakakaadik shittt ano bang pinagsasabi ko nakakabaliw siya hindi ko mapigilan amuyin ang leeg niya habang nakayakap ako sa kanya parang ang gaan ng feeling ko ngayon hindi ko ito naranasan sa first love ko na si eva na ngayon ay nasa higaan parin hindi parin magising gising.

" Hindi mo ba ako bibitawan hahh" pagbabasag nito ng katahimikan at napabalik naman ako sa wisyo at parang namumula ako ngayon.

Shiela's POV

Kiyaaah si light niyakap ng prinsepe, si prinsepe xavier pa talaga, siya yung kinikwento  sa akin ni mommy na malakas daw kiyaah ang haba ng hair ng besty ko.

" Hayyy nako tayo nalang ang walang ka love life si light parang meron na " naiingit na wika ni dim habang nakatingin kami sa bintana.

" Hayaan mo na maghintay nalang tayo malay mo royals din ang makakatuluyan na tin kiyahhh" kilig kong wika si dim naman napatawa nalang at napailing sa sinabi ko.

Light's POV

Pagtapos niya akong niyakap ay kumalas ito at ako naman ay hinahanap parin ang eye galss ko shittt ang malas ng araw na ito .

" Ito ba" wika ng kapre at nakita ko namang nasa kamay niya. Wow nag iba siya hahh in just a minute may pahug effect pa ang kapreng ito.

"Ahmmm thank you kapre" pang aasar ko at tumalim naman ang tingin niya.

" Ako kapre sa gwapo kong ito tsk " pagmamayabang  niya oo nga gwapo ka ugali lang taalag yung problema.

" Hayyss ang tangkad tangkad mo kaya nuh" pang iinis ko sa kanya hahahah anong akala mo hahhah.

"Weak " wika ng kapre napantig naman ang tenga ko sa narinig ko.

" Excuse you don't know me I'm not weak as you" pag papasaring ko sa kanya kita ko naman ang nag aapoy na mata niya as if naman matatakot ako hahahahah.

" Hindi mo ba ako kilala ako ang pinakamalakas na nilalang sa agartha! At ako rin ang may pinaka mataas na level dito sa paaralang ito na nakaabot na ng supreme and what's you"pagmamayabang nito ehh ano naman kung ganun pinapakulo talaga nito ang dugo ko hayyys

"Hahaha you don't know me bitch " pamimilosopo ko sa kanya at hindi parin humuhupa ang galit sa mukha nito at ang kamao niya ay naka yukom narin.

" Ok i will challenge you in a battle if you will win hindi na kita kukulitin but if you will lose hahahah you will be my slave for entire life" pag hahamon niya hahhh?? Yakks entire life no way, but it's ok what if gagamit ako ng bathala heheheh. At yung guardian niyang si ares papasunurin ko ehhh kasi sabi nila sa panaginip ko ehhh that even they have a master nasa akin parin ang katapatan nila  I'm lucky hahhah smirked.

" Ok i will accept it" pagtatanggap ko nanghamon pa as if naman mananalo siya sa akin hahah no way.

" Ohhhh ang tapang sige wag mong pag sisihan hahh, magaganap ang laro sa wednesday at yang salamin mo tanggalin mo na ang pangit mo tignan kapag nakasalamin " wika nito at umalis na inambaan naman ako ng yakap ng dalawa. Ang higpit shitt.

" Miss ka na namin light at bakit ka pumayag sa deal niyo kay xavier mapanganib siya" nag aalala wika ng dalawa.

" Wag kayong mag alala papatunayan ko lang ang sarili ko sa kanya that I'm not weak" wika ko sa kanilang dalawa habang nakayakap. Waittt kakayanin ko ba ang challenge sana nga manalo ako shittt makapangyarihang nilalang pa talaga ang makakalaban ko ang baliw baliw ko talaga wala nang atrasan ito .

" Hayys nako another mang aagaw na naman"

"Kinuha niya ang mga campus prince natin maghintay siya sa atin bubugbugin natin yan"

"Ang kapal ng mukha niyang dampian at hawakan ang mga balat ng campus prince natin at niyakap pa talaga siya buwisitttt"

Yan lang ang naririnig ko sa mga estudyante habang yakap yakap ako ng dalawang asungot na ito waittt saan pala yung iba.

Prince xaiver's POV

Shittt parang natutusok ang puso ko kapag may nakayakap sa kanya dapat ako lang yun ehhh. Dapat ako lang ang pwedeng humawak ng katawan niya waittt ano bang pinagsasabi ko hindi pa ako bakla shittt nababaliw na ata ako.

"Hoyyy uunahin niyo pa ba yang weak nayan kaysa sa akin" sigaw ko sa dalawang yun agad naman silang kumalas sa pagkakayakap ganyan lang dapat social distance hahahah.

I'm so excited may laruan na naman ako sa campus heheheh akala niya matatalo niya ako no way I'm not that kind of person hahahahha.

Light's POV

Pagkatapos ng scene na yun ay nandito ako ngayon nakaupo sa lamesa sa may canteen, ang dalawa naman nag aalala parin, binatukan pa nga ako ng dalawang ito ehhh.

"Ikaw talaga alam mo humahanap ka talaga ng ikakapahamak mo buwisit ka" galit na sigaw sa akin ni shiela haysss kultusan ko talaga ito akala naman niya mag papatalo no way.

" Don't worry i can handle this " pagsasabi ko sa kanya pero hindi parin maalis alis ang galit sa mukha nito pati na rin si dim .

" Ano namang laban mo alam naman namin that you can possess the other ability pero light hindi mo pa yun na master sa dami ba naman nun tapos yung iba nga nawala nalang na parang bula "nag aalala nitong wika.

" Don't worry may gagamitin akong pinagbabawal na technique na hindi niyo alam and its a surprise heheh" nakangising wika ko sa kanila at binigyan naman nila ako ng nagtatakang mga ekpresyon. Hahahhha gagamitin ko ang singsing ko at ang mga guardian ko let's see

"And what is that???" Takang tanong ni shiela habang kumakain sa lamesa .

" surprise nga diba mag intay ka nalang ok sa Wednesday payun" kunot noo kong wika sa bruhang ito ang tanga tanga sabi nang surprise tapos tatanungin pa hayyss.

Fast forward...

8:00am na nang gabi pinapunta kami lahat sa dining hall para sa gaganaping dinner with the students and professors. Kanina pa kami nakatayo dito may hinihintay pa yung iba dahil magaganap ngayong gabi ang pinakahinihintay ko sa lahat ang pag aassign ng bolang kristal sa aming mga guilds. Sobrang lawak ng dining hall na ito napakalawak at napaka haba ng table kahoy nga lang pero matibay at ang unfair naman ang mga royals ay nasa unahan at yung table nila ay gawa sa metal at yung mga pagkain duun shittt ang sarap, iba naman dito banda sa may hulihan ok naman ang pagkain. Ang dalawa namang bruhang ito bakas sa mukha nila ang pangamba na baka mapunta sila sa pinaka mahinang guild sa lahat ang eagle wings but me happy lang I don't mind if my team is weak i believe that their's no weak and as long as enjoy ako .

Ilang minuto lang ang nakalipas ay magsisimula na ang pag aassign nang mga guilds nandito narin sila. Umupo na yung iba, kami namang mga freshmen ay nakatayo parin dahil maya maya lang magaganap na ang pag aasign ng bolang kristal sa amin. Ang mga royals naman ay nandodoon na nakaupo nakita ko naman sina princess avira, princess Mitchelle, prince Lucas, at prince nicholas na hindi mapakali sa kakaikot ng kanilang mga paningin na parang may hinahanap Parang may ideya na ako kung sino ang hinahanap nila baka ako hahahah hayys wag assumera.

"Good evening folks" pagpapanimula ni headmistress selena.

" This night is the night na magaganap ang pagpili nang bolang kristal natin sa mga 2nd enrollees na freshmen natin ngayon "pag aanunsyo niya habang ang iba naman ay nakikinig

" Ipapaliwanag ko muna kung ano ang guild, ang guild ay parang isang grupo na may mga estudyanteng miyembro, ang guild ay magsisilbing mukha niyo kapag humina ang guild niyo mahina din kayo, ang task niyo lang sa guild niyo ay iangat niyo ang guild niyo wag niyong papabayaan na babagsak kayo kagaya nalang ng nangyari sa eagle wings guild " pagpapaliwanag ng headmistress at tumingin naman ito sa dalawang estudyante shittt kawawa naman sila nakita kong nakayuko nalang sila ang iba namang estudyante ay pinagtatawanan sila. Gusto ko silang tulungan i know that i can contribute a lot itatayo ko muli ang watawat ng eagle wings guild sa abot ng aking makakaya ang tanong kung maiaasign ako sa guild na yan !!

" Ang tanong kung paano niyo ba iaangat ang guild niyo ??? Ang madaling sagot diyan ay sa pamamagitan ng pagsali niyo sa mga labanan kagaya nalang nang papalit na patutuos ng bawat guild ang 1v1 battle  at kapag nanalo kayo pwede niyong maiangat ang inyong mga guild "pagpapaliwanag ni headmistress habang ang iba naman ay nakikinig at kami namang mga freshmen yung iba nangangamba yung iba naman naeexcite like me hehehe.

"Ang pwede lang pumili ng guild ay ang mga royals kagaya nalang ng mga royals sa ating harapan ngayon they chose hydrascale lahat, and the rest na hindi anak ng mga hari at reyna ang pipili ng guild niyo ay ang bolang kristal, tatlo tatlo lang muna humanap na kayo ng grupo niyo, group yourself into three and come forward. " Mahabang wika ni headmistress agad naman kaming nag grupo nina shiela at dim at hinila ko na sila papuntang harapan kahit ayaw nila wala na silang magagawa pa kaysa naman mag hintay pa kami sa dulo hayys nakakapagod kaya magtayo nohhh. Nahagilap ko naman ang mga royals sina avira, Mitchelle, Lucas , at Nicholas na nagulat nang makita nila kaming tatlo at ngumiti naman ako at yung kapre naman napakagat nalang nang pang ibabang labi haysss.

Prince xaiver's POV

Habang nakaupo kami bigla nalang kaming nakatingin sa baklang yun at sa dalawa niyang kasama na hinihila pa nito. Nakita ko naman sa aking peripheral eye na ang aking mga kasama ay nabigla rin ng makita nila ang baklang yun by the way kinuwento na pala nila before yang bakla nayan na nagpapanggap bilang tao diba kanina ko lang natanda siya pala yung inimbestigahan nila headmistress at ng mga kaibigan ko grabe nohhh marunong pala itong magpanggap parang nakakainteresado ako ngayon sa kanya parang maraming tinatago hahh. Nakita ko naman itong ngumiti shittt ang ganda ng ngiti niya ibang iba nakakabaliw waittt erase erase hindi ako bakla nohhh.

"Kiyaahh sabi na nga ba isa siya sa atin" masayang saad ni avira nakita ko naman silang apat na mga elemental royals ay tuwang tuwa waittt ano bang kinakatuwa ng apat na ito sa baklang iyon.

" Ohhh ano sabi ko sa inyo diba tama yung hinala ko na nakita kong may kapangyarihan siya noon yung binuhay niya ang patay na halaman na yun" masayang pagsasalay niya sa amin ang iba naman ay nakatingin parin sa baklang light na yun sa bagay maganda ang pangalan niya suit sa physical niyang anyo and wait yung kinuwento ni avira sa akin about sa power ng baklang lampa nayan wow hah nakakamangha so hindi lang pala tatlo ang kaya niya pati na rin ang necromancy at sabi pa nila hahhh nung first meet nila na hindi nila daw mabasa ang isip niya may something mysterious talaga sa baklang yan and i did not regret to challenge him this coming Wednesday let's see kung ano ang maibubuga niya.

Light's POV

Bago namin hinawakan ang bolang kristal nagsalita muna headmistress.

" May apat tayong guild ang hydrascale, cerbetor, panthereye, eagle wings" pagsasalita ni headmistress.

" Hawakan niyo na light" utos ni headmistress selena at hinawakan na namin ito at hinintay namin kung ano ang guild na logo ang lalabas ang iba namang estudyante ay naghihintay rin sa logong lalabas. bakas naman sa dalawang bruha na ito ang pangamba dahil baka makuha namin pinakamahina pero sorry wala akong paki doon. Ilang sandali lang ay bigla itong umilaw at nag labas ng kulay, kulay kayumanggi at lumabas ang logo ng pinakamahinang guild sa lahat ang eagle wings.

"Eagle wings" anunsyo ni headmistress ang dalawa naman tulala parin what a coincidence sabi na nga ba dito din kami mapapadpad. Pinagtawanan naman kami ng mga estudyante. Ohhh akala naman nila ang lalakas nila. Hayys kung makapanglait akala mo naman ang lalakas hayyss nakita ko naman ang kapre na binelatan ako hayss buwisit, yung mga prinsepe at prinsesa naman nag sign pa ng googluck at ngumiti sila sa akin kaya ngitian ko naman sila at Bumaba na kami.

"Huyyy ano ba kayo don't worry alam niyo ba ang langit ay mas malawak kaysa sa lupa wag kayong mamoblema dahil kung ang langit ay malawak kaysa sa lupa , ang ibig sabahin lang nito ay mas maraming solusyon kaysa sa problema ok we just need to be confident" pagpapagaan ko sa dalawa. Ngitian ko sila at ngitian naman nila kayo.

"Oo na light basta nandyan ka hindi kami mawawalan ng pag asa" wika ni shiela, ngumiti naman ang dalawa kaya ngumiti naman ako, hinanap ko agad ang table ng eagle wings guild at natagpuan ko naman ito, nahagilap ng aking paningin ang  dalawang estudyanteng miyembro ng guild namin grabe naman Yung crystal ball na yun hindi man lang pinadami ang miyembro ng guild namin dalawa lang talaga no wonder narin kung bakit palaging talo ang guild na ito dahil pala yun sa konti sila pero ngayon iaangat ko ito este naming 5 sana madagdagan pa kami.

" Hello kiyaahhh buti naman kayo yung new members namin sa wakas nagkaroon na nang new member sa guild naming dalawa ako nga pala si rose bantillan at siya naman si Jeremy bantillan were siblings" pagpapakilala nito at ngumiti sila.

" Ahmmm hello ako nga pala si light celester, ang pangalan naman nila ay shiela medina at dim "pagpapakilala ko at umupo na kami gusto ko silang makilala parang bakas kasi sa mukha nila na parang bangungot ang maging eagle wings but i will change that gagawin ko ang aking makakaya para ayusin ang nabaling pakpak ng aming guild upang ito ay makalipad muli and i will make sure that this guild will rise and fly like an eagle.

"Ano pala ang mga kapangyarihan o abilities niyo?" Tanong ni rose sa amin habang hawak nito ang kutsara.

" Ahmmm yun ba yung abilities ko ay mind reading, teleportation, ewan ko ba ang isang ito kung healing ba o necromancy, may binuhay kasi akong halaman before and I don't know if this is healing or necromancy sabi ni dim sa akin pwede daw maging healing dahil baka daw nanghihina lang ang halaman at binuhay ko pwede din daw necromancy dahil baka patay na ang halaman pero nabuhay ko weird and i possess also other abilities  but I would like to keep it as a secret muna." Pagsasalay ko napanganga naman sina rose at jeremy.

" Is that real OMG napaka powerful mo pala pero if kung ako sayo enhance that malayo ang mararating ng mga abilities mo hah nabilang mo ba yung mga naposses mo?" Manghang tanong ni rose sa akin si Jeremy naman nakatingin lang sa akin at mukhang interesado.

"Ahmmm more than 12 na ata" tugon ko sa kanila sa totoo talaga marami pa akong na possess na abilities pero nakalimutan ko na lalabas lang sila kapag nasa pangananib ako hayyss.

"Anohhh what the hell ang dami niyan mas hinigitan mo pa si Prinsepe xavier if i were you keep it first as a secret para hindi ka mapahamak " Nag aalalang wika ni rose at napanganga naman si jeremy sina shiela at dim naman tawang tawa lang.

"Silang dalawa anong abilities?" Tanong ulit ni rose at tinuro ang dalawa gamit ang kanyang hintuturo.

"Ahmmm sila dim at shiela ang abilities ni dim ay magnetism at memory erasure, si shiela naman precognition or future vision , metal manipulation, at water manipulation " tugon kp sa kanila na amaze naman ang dalawa.

" Kiyahhh malalakas na ang mga assets ng eagle wings ngayon nabubuhay na muli ang agila this guild will rise again alam niyo ba before, ang mga legendary warriors ay hawak nila ang guild na ito malakas ang guild na ito noon yun nga nung nagsimula na ang digmaan milyong taon na ang nakakaraan marami sa miyembro ng guild na ito ang namatay kaya ganito nagkamalas malas ang guild na ito idedemolish na sana ito nung pumasok kami dahil wala nang miyembro ang guild na ito pero buti nalang napili kaming dalawa ng bolang kristal kaya yun natigil ang demolisyon sa guild na ito, pinipilit nga naming itayo ito ulit pero hindi sapat ang lakas namin kaya ganito binansagang talunan ang guild na ito, mga mahihina daw kaya yun tampuhan kami nang tukso and i hope na sana kayo na ang siyang susi para maitayo ulit ang guild na ito." Pagsasalaysay ni rose nalungkot naman kaming tatlo sa sinapit nila sa guild na ito grabe ang saklap pala dalawa lang sila sa isang guild tapos yung ibang guild may over 500 members hayyss.

"Don't worry tutulong kami" singit na wika ni shiela at ngumiti naman kami .

" But we need to change a leader sawa narin ako maging leader ng guild na ito i want you light to be the new leader of this guild i know na may ibubuga ka " masayang wika ni rose at tinuro niya ko what ako ba't hindi si amazonang shiela.

" Ako ba't ako??" Takang tanong ko sa kanya.

" Plss light may nararamdaman akong kakaiba sayo kung paano ka mag salita ay sapat na para malaman ang pagiging qualified leader ." Pagpupumilit nito sa akin habang hawak hawak niya ang kamay ko. Sige na nga sa bagay paano ko nga ba sisimulan ang kong pagtatayo ng guild na ito kung hindi ako magiging leader.

"Ok i will accept it" pag tatanggap ko at nakitang ngumiti ang dalawa.

" Kiyaah thank you light don't worry nasa tabi mo kami aalalay sayo" masayang wika ni rose Sina dim at shiela naman ay nagagalak din.

" And wait ano rin pala ang abilities niyo? " Tanong ko sa kanila muntik ko nang makalimutan kanina.

" Ayy oo nga pala sorry yung ability ko ay illusion at si Jeremy naman ay ice manipulation" tugon ni rose at namangha naman ako wow ice and illusion perfect combination yun hahh may naisip ako may maibubuga itong dalawang ito.

"Ahmmn pwede maging friends tayong lima " nahihiyang tanong nito sa akin

" Oo naman para maalalayan niyo ako sa pagiging leader ko" sagot sa kanila at ngumiti naman sila.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos marin ang pagpipili nang guilds ng mga freshmen kaya yun nag announce kaagad ang headmistress.

" Mga leader ng apat na guild come forward" anunsyo ng headmistress at pumunta naman ako lumakad naman ako paunahan nakikita ko naman yung iba na tumatawa sa akin. Hahahah akala niyo magagawa niyo payan sa guild ko no way i need to do something ahhh ok wala namang magagawa ang salamin na ito tinatago lang nito ang mukha ko what if aalisin ko ito para maganda at mabago narin yung pagtatawa nila at panglalalit nila sa guild namin ginagamit ko lang naman itong eyeglasses na ito dahil ayaw kong maging attention seeker pero look what happen to me ngayon at kanina diba. So mas mabuti pang alisin ko nalang ang eye glass ko para gumanda narin yung group namin , diba sabi ni headmistress kanina that our guild is our face so what if i will make it literally ok. Mabilis ko namang inalis ang eyeglasses ko at tinago ko sa may bulsa ko at lumakad na papunta sa harapan.

Prince xaiver's POV

Sa pagtawag ni tanda ay bigla akong tumayo dahil leader din ako ng hydrascale. Nahagilap ko naman ang bakla na lumalakad papunta sa harapan waitt ba't wala siyang salamin it's mean that he pretend all the time na nerd shittt and shitt ang ganda at gwapo niya pati yung mga kaninang estudyanteng tumatawa sa guild nila ay napalitan ng paghanga ganito ba siya ka ganda at kagwapo, ang astig niya ngayon hindi ko maipaliwanag ang kagandahan meron siya, I can't take this Anymore, this is a unique kind of beauty that even me in my entire life wala  pa akong naencounter na ganito, ang malagatas at malaporselana nitong kutis, malapilak at puting buhok nito na bumabagay sa kanya, ang makakapal niyang kilay na nasa tamang linya ang pagkakaguhit, mga mata nitong nakakahipnotismo at mga pilik mata nitong hayyss grabe ang ganda , ang ilong nitong sobrang tangos straight ang pagkakagawa shittt ang labi niya pa na kulay pink shitt kompleto naiinlove na ata ako sa knya shitt hindi ako bakla kataas taasang bathala ilayo mo ako sa tukso.

" Huyyy nakatulala kana diyan" panggugulat ng baklang ito hayyys magpasalamat ka nagagandahan ako sayo kung hindi shitt erase erase ano bang pinagsasabi ko.

"Anong pake mo??" Pamimilosopo ko sa kanya tinaliman niya naman ako shittt ang ganda ng talim niya parang gusto kong taliman niya lang ako ng tingin araw araw. Nakita ko naman ang mga prinsepe at prinsesa na hindi mapakali ang tingin kay light ganito ba siya kaganda, si avira naman parang kinikilig wait parang may meaning yun hahh wag niyang sabhin shitttt.

Light's POV

Parang effective hahh napanganga ko silang lahat kahit wala pa akong plano maybe i can consider this one as my first accomplished plan heheheh. Grabe yung mga bibig nila sana maraming langaw dito para sagarin yang mga bibig nila hahahah.

" So today may bago na naman tayong leader na nagmula sa eagle wings they had new leader, can you introduce yourself" pag utos ni headmistress kaya pumunta ako sa unahan at nag salita.

"My name is light celester I'm 18 years old and I'm proud to be eagle wings " pagpapakilala ko sa kanila .

" As a new leader how will you lift up your guild ?? "Tanong ni headmistress at ngumiti ako sa kanya.

" Ahmmm good question headmistress my general plan is to dethrone hydrascale in highest position" smirked kong sabi at tumngin ako kay xavier nakita ko namang nakayukom ang kamao niya hahahahh funny at yung mga faces naman ng professor at mga estudyante ay napaka epic hahahhah.

" Ohhh yun lang ba ??" Gulat na tanong ni headmistress pati rin siya nagulat sa sagot ko.

" Not just that i want also to raise the guild of eagle wings in just five of us that's not mattering as long as we are unite, wala namang kwenta ang isang grupo kahit madami pa ito if divided naman diba "smirked kong sagot sa knila tinitigan ko naman si prince xaiver ohhh funny.

"Ok so sino pa ang may tanong sa bagong leader nang eagle wings guild?? "Tanong ni headmistress wow question portion pa pala ang madla. Nakita ko namang maraming nagsitaas na kamay kaya tinawag ni headmistress ang isa.

" Ano po ang abilities niyo???" Tanong ng isang students and ngumisi ako.

"Ohhh my ability uhhmmm marami but i will just give three, teleportation, mindreading, healing and the othersss are secret for my own security and surprised Yung iba ok" diin kong tugon sa kanya at tinitigan ko ulit si prince xavier ano ka ngayon ano weak daw ako.

" Ano po yang dalawang singsing sa kamay niyo?" Tanong ng isnag estudyante hayys pakialamero.

" Secret !!" Sagot ko ayaw ko kasing malaman nila na ang mga anghel at fallen angel ang nag bigay baka mapahamak ako, alam ko namang lahat ng sikreto ay mabunbunyag din maybe soon malalaman din nila ito .

"May guardian po ba kayo??" Tanong ng isang estudyante pati bayun what ifff kung sasabihin kong uncountable mga diyos mga anghel shittt sigurado akong pagkakainteresan ako ng iba grabe itong mga estudyante dito kung makapagtanong baka mamaya pati color ng boxer ko tatanungin nila rin hahahah.

" Ohhh secret sorry for my answer " pagpapaumanhin ko at marami pa sanang magtatanong pero hindi ko na Sasabihin yun.nakita ko naman si prince xavier na parang naiinis sa mga sagot ko blehhh akala mo malalaman mo yun alam ko namang gagamitin mo yun laban aa akin hahahahah.

Abangan...