webnovel

Lupon ng mga Tula ni Dee Makabuluhan

koleksyon ng mga tula na isinulat ni Dee Makabuluhan

Dee_Makabuluhan · Realista
Classificações insuficientes
29 Chs

Tagutaguan

Noong bata ako madalas ako maglaro sa kalsada. Takbuhan, Habulan, at marami pang iba... Pero ang paborito kong laro noon ay ang taguan.

ngayong medyo nagkaedad na, ang aking paboritong laro na ay ang...

Taguan,

Ng feelings...

Tagutaguan, maliwanag ang buwan

Pagbilang ko ng sampu

nakatago na kayo

Nakatago ka na

at hahanapin kita.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima,

anim, pito, walo, siyam, at sampu.

Isa~

ISAng araw ay nakilala kita dahil sa ISAng kaibigan na pareho nating kilala

ISAng taon ako nagkwekwento at nakikinig ka.

ISAng taon na rin pala tayong magkakilala...

Dalawa~

DALAWAng taon na nasa iisang barkada

DALAWAng taon pero simula pa ng isa ay gusto na kita.

sana ay maging tayong DALAWA pero

wala akong nagawa dahil akala ko ay may namamagitan sa inyong

DALAWA.

hanggang sa umabot ang

Tatlo~

TATLONG taon at sa akin ay mas napalapit ka, dahil sa nasaktan ka.

ako ang nandoon para patahanin ka.

damayan, samahan.

pero ang masakit ako ay PANGATLO lang pala at ang mahal mo talaga ay siya.

APAT!~

Oo, nasaktan ka dahil sa numerong APAT.

APAT, na tao rin ang sayo ay nagdaan bago mo nakita na ako na dapat ang pinili simula pa ng isa.

APAT sila, kailangan ko pa bang banggitin ang mga pangalan nila?

Lima~

LIMAng buwan na rin pala simula ng niligawan kita

at LIMAng buwan mo na rin pala akong pinapaikot, pinapaasa noong sinabi mong Mahal mo ako sa tabi ng dalampasigan pero hindi pala.

Narito na ang pangLIMA pero bumabalik ka pa rin sa apat. Hindi pa rin ba sapat?

Anim~

ANIM na buwan nang sinabi mong mahal mo na talaga ako

ay naramdaman ko, sa lambing mo, sa tamis ng pag-ibig mo... sayo.

nananaginip ba ako? baka naman ANIMation lang ito? Na nakikita ko sa harap ko pero ang lahat ay hindi totoo, kasi umabot ang

Pito~

pero wala pa ring tayo. ang mga lambing ay napalitan ng mga away at gulo. nasasaktan kita at nasasaktan mo ako. kailangan na bang hipan ang PITO(whistle) para awatin 'to.

Walo~

matatapos na ang pagbibilang ko.

Ayokong matapos ito.

Ayokong matapos ang ikaw at ako.

Siyam~

Inabot man ako ng SIYAM-SIYAM maghihintay pa rin ako.

at

Sampu~

natapos na ang pagbibilang ko.

natapos ang laro,

pero bigla kang nagtago,

naglaho.

nagbago.

Nawala ka sa akin...

Iba na pala ang taya.