webnovel

Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga

MIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isang wizard-warlock, siya naman ay isang witch. She was dragged by Loki to a hidden academy in a city of another world called Lunaire city upang mahasa pa ang kapangyarihan na mayroon siya.But, the real journey will start there and the rest of the story is history. NOTE: No part of this novel may be copy, reproduced or transmitted in any forms by any means. Please respect the author. PLAGIARISM is a Crime

Shiani_chii · Fantasia
Classificações insuficientes
33 Chs

Rumbling Emotions

Bumalik na kami agad sa aming mga dorm at nagpahinga kahapon pagkatapos ng mga nakakapagod, nakakagulat at nakakakabang pangyayari na naranasan namin. We were also excited sa gaganapin na party at halos hindi kami makatulog kagabi, kaya maaga kaming gumising upang maghanap ng maaari namin isuot. Besides, kumalat na nga rin ang balita na magkakaroon ng socialization night mamaya, kaya lahat ng mga kasama namin sa dorm ngayon ay natataranta at halos mabingi na ako sa ginagawa nilang ingay dahil sa hindi nila alam kung anong klaseng outfit ang puwede nilang suotin. In reality, gusto lang naman nila na makipag-date sa mga wizards sa kabilang dorm. Aside from that, we were disappointed nang banggitin ni Byron Siegfried na magkakaroon kami ng training after maidaos ang party. Dapat nga tutulong kami sa Council na mag-decorate sa convention hall for the socialization night pero hindi na nila kami pinakilos at kayang-kaya na raw nila iyon. Kaya heto, inabot na kami ng hapon dahil sa pagkukumahog na makahanap ng disenteng damit.

"Biglaan na nga ang party, may squad training pa kinabukasan." walang buhay na sinambit ni Zera habang namimili ng isusuot na damit na naka-hanger sa kaniyang clothes rack.

"It's fine if we undergo on that training, ang mahalaga, makakapag-enjoy tayo! Gwydion, hintayin mo ko mamaya!" bulalas ni Verdana habang kinikilig at naghahalungkat ng dress sa kaniyang closet.

Walang imik naman si Stella at Phyra, and it seemed that they were unenthusiastic about the party. I looked at them and pouted my lips for a second. Suddenly, an idea popped on my mind and I clapped just to gain their attention.

I cleared my throat then I asked, "Ahm… Guys, ngayon lang ako magsu-suggest. Gumamit na lang kaya tayo ng magic para mayroon tayong maisuot na presentable for the party later?"

"Nice idea! I like it." Stella exclaimed. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagkakaroon ng interes para sa party mamaya.

"Ah, maganda nga 'yan." matipid na sagot ni Phyra. She was serious and quiet since yesterday, and I thought it was because of Leona Blaise. Or someone else was bothering her?

"Hay nako bawal ang KJ mamaya, lahat tayo a-attend sa party. Kaya Phy, umayos ka ha." pagbabanta ni Verdana kay Phyra.

Sumabad si Stella, "Alam ninyo girls, we're running out of time. Ang aga natin nagising pero inabot na tayo ng pasado alas-kuwatro ng hapon tapos wala pa rin nangyayari. Gawin na natin ang 'magical dresses' natin." panghihikayat niya habang nagniningning ang kaniyang mga mata.

I smiled widely at them. Gustong-gusto ko rin maka-attend ng party at hindi ko sasayangin ang oras na ito, "Okay! Let's make our own fashionable and magical dress!" I exclaimed joyfully. Nagkatinginan ang mga kaibigan ko at nagkibit-balikat saka sinimulan na namin gamitin ang aming magic para makagawa ng eleganteng outfit. Kinuha ko sa aking drawer ang fuschia pink sleeveless dress na ginamit ko noong nasa Heather U pa ako. I waved my hands then I heard a gentle swish when a silvery-white and powdery dusts drizzled over my dress. Magical if you can control your magic freely. With magic, even the impossible yet simple things, could make it possible. My old fuschia pink sleeveless dress turned into a classy yet modernized purple off-shoulder lolita dress. Natuwa naman ako sa naging resulta kaya sinukat ko na ito agad. Tuwang-tuwa rin ang mga friends ko sa naging resulta ng ginawa namin na "magical dress experiment" at dali-dali rin nilang sinukat ang kanilang damit. Iba-iba ang outfit namin mamaya, since we have our own fashion sense and taste. Hinubad na namin ang mga damit saka isinabit sa clothes rack. Naisip ko rin na lumabas muna para maglakad-lakad, dahil sumagi rin sa isip ko na baka pakalat-kalat lang sa labas ang dalawang mokong at matyempuhan ko na makita sila. Nagpaalam agad ako sa mga kasama ko na lalabas muna ako upang magpahangin. Pumayag naman sila at mabuti rin naman na hindi nila binalak na samahan ako, kung hindi malalaman nila ang hidden agenda ko kung bakit naisipan ko na lumabas saglit. Pero, hindi ko talaga sigurado kung sila bang dalawa ang nais kong makita o "siya" lang?

Nang makalabas na ako ng dorm, naglakad-lakad ako papunta sa pavilion na tinambayan namin noong initiation namin. Maganda ang view dito dahil malapit lang sa may lawa at botanical garden ang pavillion. Umupo ako, pumikit at dinama ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat at humahawi sa bawat hibla ng aking buhok. Sa pagmumuni-muni ko, may biglang sumundot sa aking tagiliran, dahilan para mapatili ako sa gulat.

"Buwisit! Sino bang walang—," hindi ko na naituloy ang masamang salita na ibubulalas ng aking bibig nang masilayan ko ang matikas na hitsurang kanina ko pa hinihiling na makita. It was him, the guy whom I desired to see. Loki Marionne Greyhound. I cleared my throat as I saw his sparkling eyes and usual smiles flashing on me. Pigilin ang kilig girl.

"At, bakit ka nandito, aber!" bulalas ko upang itago ang kumikiliting kilig sa aking kalamnan.

"Wala naman, masama bang tumambay dito?" paangil na sagot sa akin ni Loki. Wala naman pala. Ouch. Tumikhim siya saka iniwas ang tingin sa akin na para bang may gusto siyang ipabatid sa akin. Ibinalik niya ang kaniyang mga tingin sa akin at mukhang namumula ang mga tainga niya. Hala, nilalagnat kaya siya?

"I know it's cringey Mira, but I just want to ask. Ahm… Will you be my date later?"

Mabilis na kumabog ang puso ko. Nanlaki rin ang mga mata ko sa tinanong niya sa akin. Letseng hypothalamus na ito, hindi ako makapag-isip ng isasagot. "Should I accept or refuse? Gusto mo rin naman na maka-date siya hindi ba?" Nalilito na ang isip ko kaya umiling-iling ako dahilan para lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Loki.

"So, it's a 'No'? Okay lang nama—," hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Loki nang mabilis akong sumagot.

"Yes." I replied quickly and firmly.

"Yes?!" patanong na ibinulalas ni Loki. Then, I nodded as my response to him.

"Ahm, mamaya after dinner, magkita tayo sa grand pavilion sa may tabing-lawa. Doon sa lugar kung saan tayo nag-training before. Did you still remember Mira?"

"Oo naman, makakalimutan ko ba 'yon?"

"Alright! It's a deal, basta mamaya mga eight o' clock sharp." Loki stated energetically. Parang naka-inom yata siya ng vitamins sa sobrang saya niya.

"Sure, eight o' clock, sharp. Ahm, balik na siguro ako sa dorm para mag-ayos, isang oras na lang kasi before six." I added then I stood from my seat and smiled broadly at him. Ngumiti rin si Loki sa akin ng malapad, "See you later, princess."

Nang makabalik na ako sa Room 106, they were all dressed up at nagsisimula na rin silang mag-makeup. Biglang hinaltak ni Verdana ang braso ko saka ako pina-upo sa green swivel chair niya.

"Ano ba Mira, kailangan mo ng mag-ayos, at ako ng bahala sa make-up mo. I'll definitely make you as the star of the night, your majesty," saad ni Verdana habang nililinis niya ang mukha ko gamit ang cotton pad na nilagyan ng cleanser, "H'wag ka ng magalaw at sisimulan ko na ang makeover sa'yo." dagdag ni Verdana habang mapanuksong nakangisi sa akin.

Ipinagtiwala ko na ang mukha ko kay Verdana since hindi rin naman ako sanay mag-make up at sa aming lima, siya ang mahilig mangolekta ng cosmetic products. Inabot din ng mahigit kalahating oras ang pag-aayos niya sa mukha ko, pati buhok ko pinalantsa niya na rin gamit ng hair straightening iron. Nakatulala lamang sa akin ang apat habang inaayusan ako ni Verdana. Gusto ko sanang makita ang hitsura ko sa salamin kung mukha pa rin ba akong normal dahil nakatulala sila sa akin, pero pinigilan ako ni Stella at ipinabihis na sa akin ang lolita dress na ginawa ko using my magic earlier. Nang matapos na nila akong ayusan, kinuha ni Zera ang kaniyang salamin at iniharap ito sa mukha ko.

"Wow." I whispered amazingly in a hush voice.

"Grabe! Mukha ka ng artista, Mira!" bulalas ni Zera na may halong kilig ngunit tila walang buhay. Ang weird niya magsalita talaga.

"So, ano pa ba ang hinihintay natin? Let's go! Late na tayo e. It's 6:35 p.m already." bulalas ni Stella na may pagmamadali sa kaniyang tono.

Hindi na kami naglakad patungo sa convention hall dahil ayaw daw nila na mapagod at pagpawisan pa, kaya gumamit ng teleportation spell si Stella para mas mapabilis ang pagpunta namin sa hall. Minsan, maasahan mo talaga ang accuracy ni Stella using spells like this, dahil in just a snap, nasa loob na kami ng convention hall at marami ng Lunaireians ang nasa loob. Well, na-late kami at tapos na ang opening ceremony, kaya nagsisimula na silang magsayawan sa dance floor. Iginala ko ang aking mga mata upang hanapin si Loki pero wala siya sa loob ng hall. Then, I saw Leon and Rage waved at us, along with Wainsley, Agatha and the others, saka sila naglakad papalapit sa amin.

"You're so gorg, Mira!" papuri ni Agatha sa akin, saka kinuha naman ni Leon ang aking kanang kamay at marahan itong hinalikan. Narinig ko naman na tumikhim si Phyra at ngumuso kay Leon. Tinawanan lamang ni Leon ang kaniyang kapatid. Actually, nasanay na ako sa ganitong eksena, it's just their way of being courteous and polite.

Leon asked me, "If it is fine Mira, may I have a dance with you?"

Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko nang narinig ko ang pagkontra ni Rincewind, "No, I will be her first dance."

"Rincewind?" bulalas ko na may halong tanong. Medyo nagulat ako sa kaniyang aura. Shoot! What a damn good-looking guy. He offered his right hand to me, "Shall I have this dance?"

Hindi ko na tinanggihan ang alok ni Rincewind sa akin, ayoko rin naman na sumama ang loob niya. Bukod doon, he was my guardian kaya okay lang sa akin na isayaw niya ako. So, I put my hand from his then, he pulled me gently at the center of the dance floor, habang naririnig ko ang iba't-ibang papuri sa akin ng mga Lunaireians dahil sa outfit at hitsura ko ngayon. Thank you Dana, kahit isang gabi gumanda ako. Nagsimula ng patugtugin ang isang slow music at maingat akong isinayaw ni Rincewind. He held my waist gently as I placed my hands over his shoulders and he gave me a smile. We swayed and followed the slowed music beat as he moved closer to my ears and whispered, "Mira, alam ko na may iba ng nakabihag ng puso mo. Pero, kung sino man siya, kahit we're closely related, uunahan ko siya sa'yo."

"Anong sinasabi mo Rincewind?"

"Mira, I'm inlove with you."

Hindi ako umimik sa mga sinambit niya. It's odd. Even if he confessed his feelings for me, this was the first time that I didn't felt anything. Walang kuryente or kahit anong force na nagpakabog sa puso ko. Deretso akong tumingin sa kaniyang mga mata, "What?" I asked nonchalantly.

"Ever since the day I first met you, minahal na kita. Mas nauna kitang nakilala kaysa sa kaniya dahil ako ang inatasan na magbantay sa'yo noong nasa mundo ka pa ng mga tao."

"Ano ba pinagsasabi mo Rincewind? H-Hindi kita maintindihan?!" bulalas ko kay Rincewind na bahagyang tumaas ang tono ng boses ko, saka ako marahas na bumitaw mula sa kaniyang pagkakahawak. He was upset and I could say it through his paled face. Sorry, Rincewind. I didn't meant to reject your feelings for me.

"Rincewind, I have to go. May gagawin pa ako." walang buhay kong sinambit sa kaniya at tumakbo na ako papalabas ng convention hall. Actually, hindi ko siya maunawaan, pero ang ikinadismaya ko sa kaniya, kung matagal na pala niya akong kilala, sana siya na mismo ang lumapit at nagsabi kung sino ba talaga ako noong nasa human world pa ako, hindi na niya dapat pinatagal pa.

I sighed as I walked toward the grand pavillion. The place where Loki and I held our first training session. Habang papalapit ako sa tagpuan namin ni Loki, napansin ko na may mga "fireflies" na lumilipad at kumikislap-kislap sa lugar. I was amazed by the scenery of the place right now. I motioned my head and searched for Loki all over the place pero wala siya. Mukhang in-indian ako ng mokong ha. Naramdaman ko na lamang na may papalapit sa akin mula sa aking likuran dahil sa yapak ng mga paa at lagaslas ng damo. Gugulatin mo pa ako ulit ha. I nibbled my bottom lip then I turned around to face Loki. Pagkaharap ko, bigla niyang hinapit ang baywang ko papalapit sa kaniya. May kung anong bagay na naman ang sumalpok sa aking puso kaya mas bumilis ang pagtibok nito. I could also felt this damn butterflies in my stomach as he touched me. Ibang-iba ang pakiramdam na nadarama ko ngayon kung ikukumpara kanina habang kasama ko si Rincewind. My dismays earlier turned into contentment and satisfaction.

"Ang tagal mo ha, ako ang naunang dumating dito." protesta ko sa kaniya para itago ang nararamdaman kong kilig.

"Mas nauna ako sa'yo, kanina pa ako rito. By the way, you're really pretty, just tonight." He plastered a sheepish smile on his face.

"Ah, ngayon lang pala ako maganda?" I arched my eyebrows and crossed my arms.

"Joke lang!"

"Eh, bakit hindi kita nakita agad?"

"Kasi, idilat mong maigi iyang mga mata mo, saka itong guwapong nilalang na 'to, hindi mo agad makikita?" pagmamayabang ni Loki sa akin.

"Adik ka. Eh, bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" tanong ko upang ma-iba ang topic ng pinag-uusapan namin.

Umupo si Loki sa may damuhan at tinabihan ko siya habang pinapalibutan kami ng mga kumukislap na alitaptap. Tumingin siya sa malayo saka ito nagsimulang maglabas ng kaniyang saloobin, "Alam mo kasi Mira, this was my favourite place. Kapag mag-isa ako, I released all of my umbrages and effervescences in this place."

Sumulyap ako kay Loki, and his smiles before faded. Siguro, the burden he carries was the sad things he experienced when he was little. Kaya, nauunawaan ko kung bakit sumama ang loob niya sa akin nang malaman niya na ako ang prinsesa. Actually, hindi showy si Loki, kaya kapag kaharap ko siya, ang lagi ko lang napapansin ay ang brave, heroic and tough side niya, even his willingness to do impossible things. But, I didn't expect that he showed his soft side to me.

I cleared my throat then I remarked, "Alam mo, ang weak mo pala."

"Paano mo nasabi na weak ako ha? Miranggue?!" pabirong bulalas ni Loki sa akin.

Akala ko hindi na niya ako aasarin sa lagay na ito. I smirked and pinched his nose, "Adik ka. Trip mo talagang asarin ako no?"

He chuckled lightly, then he gazed earnestly at me. Bahagya akong nataranta sa kaniyang pagtitig sa akin so, I tried to look away but, he cupped my face suddenly. Iniangat ko ang aking ulo at sinubukan kong tumingin sa kaniyang mga mata. Guni-guni ko yata na parang kumikislap ang mga mata niya. Parang hini-hypnotize niya ako. Kaso, mukhang nahulog na nga ako sa love spell niya, kung isa nga itong love spell. Or I guess, kinain ko ang mga salita ko before. I do fell in love with him. I shook my head to wash away my thoughts then I squeezed his cheeks. "May sakit ka ba? Ibang-iba ka ngayon."

He did not answer yet, his lips curved into a smile. This time, it was a genuine, pure and warm smile. Then, he looked straightly into my eyes and drowned me in his warm gaze. My cheeks flushed. Hindi rin ako makatingin sa kaniya ng deretso, dahil sa mabilis na pagpintig ng puso ko. My body froze when he clasped my hands gently, and moved his face closer to mine. Then, he brushed my right cheek tenderly with his thumb, and planted a soft kiss on my lips. Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya or gaganti rin ba ako ng halik. But, I do love his delicate yet sweet kiss. My first kiss. They said, you'll only know if that person is your true love if you feel that you're in seventh heaven when you're with him. This kind of elatedness. I knew, it was really him.

Hello readers-san!

So this is it! ang pinaka nakakakilig na part, para sa akin.. hope you'll like the update po.

just hit the star button to rate the stpry and the chapters po.

Sana napaasaya ko kayo sa simpleng paguupdate ko po. Thank you for reading and supporting Lunaire Academy sa Webnovel. I also published this on wattpad. Kung may wattpad app kayo, you may visit my account @yenreihs, naka publish din po itong story ko doon. Meron din po akong booklat account, same username, @yenreihs

Shiani_chiicreators' thoughts