webnovel

LUCKY SIXTY

CHAPTER 60

LUCKY'S POV

I'm in shocked. Numb. I can't even feel my feet on the ground. Tulala akong nakaupo sa cr dahil hindi ako maka get over sa nangyari sa amin kanina. Hindi ko na rin alam kung paano ako nakabalik VIP Room mag isa ng ganito ang sitwasiyon ko. Tinakasan ako ng katinuan matapos akong makipag—

'Ughh, Kenneth mapapatay talaga kita.'

Hiyang hiya ako sa sarili. Malamang pinagtatawanan na niya ako ngayon. Paano pinatunayan ko lang sa kanya talagang malandi ako. I can't even look directly on his chocolate brown eyes. I'm completely lost when i look into his eyes. Like he was a vampire compelling his prey.

'How can he manage to be angry and fucking horny at the same time?'

'Tss, Rabbit ampota!'

"Lucky, tikman mo tong spicy chicken sobrang sarap." Alok ni Wesley. Nakatulala lang ako sa kamay niya na malapit na sa bibig ko. Napilitan akong ibuka ng bahagya ang bibig ko para tanggapin ang inaalok niya

"Hmm. Masarap nga." Pekeng tawa ko.

"Wait may naiwan pang sauce." Automatic umangat ang kamay niya at may tinanggal sa gilid ng labi ko. Agad niya isinubo ang daliri na nalagyan ng sauce. Childish but sexy.

'Bakit ba hindi na lang ako kay Wesley nagkaganito? Bakit pa kailangang sa pinsan niya pang may tagas ang utak? Atleast kay Wesley kahit papaano may pinagsamahan na kami. Nagpapahawak na ako sa kamay, nagpapayakap, nagpapahalik sa noo. Kay Kenneth? Walang minutong hindi kami nag tatalo, nagsisigawan, nag aasaran at lately ang makipag manyakan. Tch! Huhuhu'

"T-thanks." Mahinang bigkas ko. Nailang ako bigla. Dumampot ako ng nachos at inalok din siya.

"A-AR-ARAY yung nachos lang huwag yung daliri ko." Winisik wisik ko ang kamay ko sa ere. Tumawa siya ng malakas at pinisil ang kaliwang pisngi ko. Tinitigan ko siya at doon ko lang napagtantong may tama na siya. Nang lingunin ko sila Andi at Marlon mukhang ganun din sila. Ako, si Ytchee at Kenneth nalang ang natitirang matino.

Hanggang ngayon na gi-guilty parin ako sa ginawa ko kay Wesley kanina. Ang ganda ko naman masiyado para paulit ulit na i-turn down ang mga proposal niya. Kaya ng makita ko siya kanina hindi ko napigilang yakapin siya at mag sorry. And then it happened, na recharge na naman ako. He's presence is illuminating. He smile brightens up my day. My very own human power bank.

I know napaka selfish ko, mean and insentive. Sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ko iniisip may nasasaktan akong isang tao. Pero anong magagawa ko kung hindi pa ako handa sa gusto niyang mangyari. Gusto ko naman talaga si Wesley nag aalinlangan lang talaga ako dahil sa tuwing nakakasama ko siya si Jasper ang nakikita ko hindi ang isang Wesley Ongpauco.

"Gusto mo pa?" Alok ni Wesley sa akin. Umiling lang ako bilang pagtanggi. Pag angat ko ng tingin nagtama ang mga mata ni Kenneth. He was furious. Bigla akong nag iwas ng tingin.

'What? Gusto rin ba niya ng Nachos?'

'Huwag mong ugaliing pagselosin ako Gonzaga may paglalagyan ka.'

'Huwag mong ugaliing pagselosin ako Gonzaga may paglalagyan ka.'

Napapikit ako ng maalala ang huling sinabi niya. Is that for real? Hanggang ngayon hindi pa rin kasi ako maka get over. Para akong nasa cloud nine at paulit ulit na nag pi-play sa utak ko ang mga nangyari samin kanina.

"Hoy, Inday nagbisyo ka pala hindi mo man lang ako sinama." Naudlot ang pag di-day dream ko ng magsalita si Ytchee sa tabi ko.

"Tara yosi tayo sa labas." Aya ko na ikinagalak niya.

"Excuse muna ang mga totoong diyosa!" Parinig ni Ytchee sa dalawang bakla kaya biglang hinampas ang pwet niya.

"Diyan na kayo manigarilyo sa labas ng lounge Ytchee." Wika ni Kenneth. Sabay kaming napalingon ni Ytchee pero sa kanya lang ito nakatingin.

"S-Sige diyan na lang." Sagot niya at nagtitigan pa sila ni Kenneth ng ilang segundo. Nauna akong lumabas at mabilis akong nagsindi ng sigarilyo.

'Whoa, kailan pa naging sunod sunuran 'to kay payatot?'

"Oh! Anong sabay diyan kung inunahan mo ko?" Tapik ni Ytchee sa balikat ko. Initsa ko ang kaha at lighter sa kanya.

"Ang tagal mo nainip ako."

"May nangyari ba?" Bahagya akong napaubo sa tanong niya. Shit!

"S-Saan?"

"Sa inyo ni Kenneth." Sabay buga ng bilog usok.

"W-Wala ano bang pwedeng mangyari?"

"Ahh akala ko meron. Kakaiba kasi yung awra niya ng pumasok siya kanina."

"Ano maitim na awra kasing itim ng budhi niya?" natatawang sagot ko.

"kakaiba talaga eh hindi ko ma explain.." Hindi na ako sumagot dahil ayokong mag usisa pa siya.

Bumalik na kami agad sa loob pagkatapos naming mag bisyo. Naabutan naming nakatulog na si Wesley sa couch at yung tatlo naman mukhang may tama na. Nag bill out na kami at si Ytchee muna ang nagbayad sa bill namin. Nagkalat ang pagkaen sa mesa at nakaubos kami ng halos dalawang bote ng tequila.

"Bumalik na tayo sa hotel bago pa magtawag ng uwak yang pinsan mo." Tapik ko kay Kenneth.

"Ako na ang aalalay sa kanya." Mabilis siyang tumayo at inalalayan ang pinsan niya. Inalalayan ni Ytchee si Andi at kay Marlon naman ako.

Paglabas namin ng club saka lang ako nakahinga ng makalanghap ako ng malamig at sariwang hanging Baguio.

'Last night namin ngayon. Mamimiss kita ng sobra Baguio.'

Habang nasa biyahe kami wala akong ibang inisip kundi ang nangyari sa amin ni Kenneth sa banyo. Mababaliw na ako kakaisip pakiramdam ko nananaginip ako. Dahan dahan kong kinapa ang labi ko, nararamdaman ko parin yung sakit sa pagkagat at pagsipsip niya kanina dito.

'Lintek na yun, anong palagay niya sa lips at dila ko gawa sa jelly? Sadista ampota, pero infairness...'

Natatanaw ko na ang magarang hotel na tinutuluyan namin. Pagbaba ako na ang nagbayad sa dalawang taxi'ng sinakyan namin. Akay ang mga kaibigan namin dumerecho kami sa lobby papuntang elevator.

"Grabe dalawang gabi na pala tayong umiinum noh?" Basag ni Ytchee sa katahimikan habang nasa loob kami ng elevator.

"Tss, at dalawang gabi narin silang tumba noh?!" Mahinang tawa ko.

"Bro, gising malapit na tayo sa suite." Tinapik tapik ni Kenneth sa mukha si Wesley pero hindi ito magising. Nakatulog na naman siya sa kalasingan.

"Lucky tulungan mo si Kenneth na akayin si Ongpauco ako na bahala sa dalawang to."

"O-Okay lang ako kaya ko naman ang isang to." Pinitik niya sa noo ang tulog na si Wesley.

"Sigurado ka? Gusto mo ihatid ko muna kayo tapos sila naman." Sagot ko kay Ytchee.

"Huwag na mauuna naman kaming bababa. Andi Marlon umayos kayo sisikmuraan ko kayo pareho!" Umayos ng pagkakasandal ang dalawa na mukhang antok na antok pa. Nang bumukas ang pinto elevator hila hila niya sa kamay ang dalawa na parang mga zombie maglakad.

"I'll text you pagpabalik na ako." Pahabol na sigaw ko.

"Sige aantayin kita." Kumaway siya patalikod habang naglalakad.

"Hindi mo naman kailangan sumama kaya ko naman 'to mag isa."

'Kaya pala halos makuba kana pagbaba ng taxi kanina.'

"Kailangan ako ng pinsan mo kaya ako sumama." Pinilit kong huwag mautal sa harap niya. Sobrang akward talaga ng pakiramdam ko hanggang ngayon.

Buti nalang bumukas agad ang pinto ng elevator. Magkabilaan kaming umalalay sa katawan ni Wesley. Pagdating sa tapat ng suite nila ako ang pinagbukas niya ng pinto. Magkatulong naming siyang ihiniga sa kama.

Nagmadali akong nagtungo sa banyo at kumuha ako ng face towel at tubig sa tabo. Naabutan kong naka upo si Kenneth sa kabilang kama.

"A-Ano yan?" Habang nakatingin sa hawak kong towel at tabo.

"Hubaran mo si Wesley ng damit pupunasan ko." Utos ko.

"Ako na ang gagawa niyan." Tumayo siya at inagaw ang hawak ko.

"Ako na Kenneth hubaran mo na siya."

"Ako na sabi eh."

"Huhubaran mo siya o ikaw ang huhubaran ko?" Banta ko sa kanya kaya natigilan siya bigla sa pag agaw sa hawak ko.

"B-Bakit mo ko h-huhubaran?" nauutal na sagot niya.

'Tss, takot naman!'

"Siraulo ka kasi. Bilisan muna naiinip na ako!"

"Psh, gusto mo lang makita ang katawan ni Wesley kinasangkapan mo pa ako."

'Pasalamat ka may laman tong tabo kundi ito ipambabatok ko sayo!'

"Daming mong sinasabi gusto mo lang din naman magpapunas." Mahinang bulong ko.

"A-Ano yun?!" Sigaw niya.

"Wala! Ang sabi ko maglinis ka ng katawan mo sa banyo."

"Ayoko nga!"

"Ayaw mo o ako mismo ang magpapaligo sayo?" nilapag ko ang hawak ko sa mesa malapit sa lamp shade.

"Manyakis ka!" Tumayo siya sa kama at madaling hinubaran ng jacket at t-shirt si Wesley.

"L-Lucky..." Mahinang usal ni Wesley habang nakapikit. Napangiti ako ng marinig ko ang pangalan ko. Ang cute cute niyang matulog para siyang bata.

"Tabi!" Hinawi ko siya at umupo ako sa gilid ng kama.

Inumpisahan kong punasan ang mukha niya, leeg, mga braso, at mga kamay niya. Nang makarating ang kamay ko sa dibdib niya biglang napaubo si Kenneth sa likod ko.

"Ano?" Singhal ko.

"Nothing, just continue what you're doing." Senyas niya sa katawan ng pinsan at nangamot ng ulo.

"Maligo kana hindi ko gagahasain 'tong pinsan mo. Hindi ko ugaling pumapatol sa taong tulog!" Parinig ko sa kanya. Tinuloy ko lang ang ginagawa ko at maya maya narinig kong sumara ang pinto ng banyo.

Nang matapos ako sa ginagawa ko kinapalan ko na ang mukha ko at nagtimpla ako dalawang tasa ng kape.

"Lucky?" Rinig kong tawag ni Kenneth sa bedroom area.

"Sa Kitchen." Sagot ko habang naghahalo ng kape.

'Mmmm, sarap ng kape parang siya. Ching!'

Bitbit ang kape at bumalik ako sa kwarto nila.

"Coffee?" Bungad ko pagpasok. Nakabihis na siya at nagpapatuyo na lang ng buhok. Napakagat ako ng labi ng pagmasdan ko ang kabuuan niya. Wearing a blue crew-neck sweter na bumagay sa maputing kulay niya at skinny grey sweatpants na na lalong naka dagdag lakas ng dating niya.

'Matutulog na ba siya or rarampa?'

Inabot ko ang isang tasa sa kanya. "Thanks." Mahinang sagot niya.

"Tara sa terrace para makapag yosi ako." Na tense ako sa presensiya niya. He's too damn sexy.

"Yosi na naman?" salubong ang kilay na reklamo niya.

"Eh anong gusto mong isubo ko?" Singhal ko sa kanya. Biglang nanlaki ang mga mata niya at unti unti siyang namumula.

"Y-Yung daliri mo!"

"Ayoko nga, daliri mo na lang kaya?" Biro ko.

"B-Bakit ako?"

"Ikaw nakaisip eh. Puro ka kasi kontra tara na." Saglit akong sumilip sa himbing na himbing na si Wesley.

Nauna akong nagpunta sa terrace nila. Nag unat unat muna ako saka ako sumandal sa malamig na terrace. Nakatunghay lang ako sa malalaking puno habang nagbibisyo.

"Love the view?" Napalingon ako ng magsalita si Kenneth sa likod ko.

"Yeah, i'm gonna miss this place for sure." Natatawang sagot ko at sinenyasan ko siyang umupo.

"Me too."

"What do like about Baguio?" Wala sa sariling tanong ko habang sumisimsim ng mainit na kape.

"Y-You." Mahinang sagot niya at napalingon ako sa kanya. "I think i like you.." Seryosong sagot niya.

Muntik ko ng maibuga ang kape sa mukha niya buti natakpan ko ang bibig ko. Napa tikhim na lang ako para klaruhin ang lalamunan ko.

'Kingenang to lakas na naman ng trip!'

"Hindi ako taga Baguio taga Quezon City ako." Nakakailang ang paraan ng pagtingin niya kaya umiwas ako.

"I like Baguio because of you." Titig na titig na sagot niya sakin.

"Juice ko, Kenneth ako tantanan muna ako ng mga paandar mo baka hindi na kita matancha."

"I like you nga.."

'Tibay talaga inulet pa.'

"Tinamaan ka na kanina 'no? Tch!"

"Oo, tinamaan na nga ata ako." Napakamot siya ng ulo.

"Pwes, matulog kana baka patulan pa kita at tamaan ka pa lalo." Natatawang sagot ko.

"Yun nga ang inaantay ko ang patulan muna ko."

'Ungas talaga alak ang tinutukoy ko!'

"Malapit na Kenneth, huwag mo ng antayin dahil mapagpatol akong tao.." ngiwing sagot ko.

"Seryoso ako Lucky gusto talaga kita."

"That's it. I'm leaving now." Naiiritang sagot ko at umasta na akong tatayo ng pigilan niya ako sa braso.

"Wait, that's it? Yun lang ang sasabihin mo sa sinabi ko?"

"Pakyu ka! Itulog mo yan, malamang bukas pag gising mo wala ka na namang maaalala dahil sasabihin mo lasing ka. Tapos ano? Babaliktaran mo ulet ako, sakin ka na naman magagalit dahil niloloko ko kayo ng pinsan mo?"

"WWhat?" gulat na sagot niya.

"Hindi masamang mag recycle ng basura Kenneth, pero yung mag recycle ka ng alibi mo yun ang masama." Singhal ko at napakamot lang siya sa noo.

"What are you talking about?"

"You know what i'm talking about."

"Alam ko rin kung anong sinasabi ko kaya pakinggan mo muna ako okay?" halos maglabasan na ang ugat niya sa noo.

"Ayoko!"

"When i say i like you. I like and you can do anything about it.." Derechong sagot niya.

"Nababaliw ka na."

'Kingenang 'to kaninang umaga lang sinasabi niya hindi niya ako gusto tapos ngayon i like you daw?'

"Oo mababaliw na talaga ako kapag hindi ko pa sinabi sayo ang nararamdaman ko." Napahampas pa siya sa mesa.

"Putaragis ka talagang bata ka!" Napatayong duro ko sa kanya.

"Bakit ka ba nagagalit?"

"Hindi ako galit! May tagas lang talaga yang utak mo!"

Tumayo siya at nilapitan ako. "Sagutin mo lang ang tanong ko. I like you, do you like me too?"

'Taena inulit pa. Alam niya ba kung anong epekto nun sa akin?'

Hindi ko alam kung aaminin ko ba o hindi ang nararamdaman ko pagkatapos ng pagtatlo namin kaninang umaga. Oo gusto ko siya pero pucha malabo eh, malabo pa sa blurred. Masiyadong mataas. Ayokong bumangga sa pader tapos mabubukulan lang ako. Lasing lang to siguro kaya kung ano ano naman ang kinukuda. Nadala na ako sa unang confession niya, tapos ano bukas wala na naman siyang maaalala tapos ako na naman yung babaliktarin niya? Pakyu! Pero aaminin ko hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon.

"Sumagot ka kapag tinatanong ka!"

"Pag iisipan ko! Pagkatapos mong baliktarin ang pangyayari kaninang umaga ngayon sasabihin mo yan sa harap ko? Bipolar ka ungas!."

"Anong pag iisipan mo?" bakas ang pagka inis sa mukha niya.

'Bakit wala na ba akong karapatang mag isip para sa sarili ko? Kingenang 'to gusto atang paiksiin ang buhay ko sa Carlisle.'

"Its a SUICIDE Kenneth! Do you want me to get murdered?"

"By whom?"

"By you're freaking admirer's and of course by Amber, idiot!" hindi ko mapigilan ang sarili ko sa inis sa kanya.

"Walang makaka alam."

'So lihim pala ito? Magaling kuya!'

"Oo dahil wala rin naman silang dapat malaman."

"A-Anong walang--" naiinis sagot niya.

"Tigilan mo nga ako. Ikaw na nga ang nagsabing hindi mo ko type, remember?" napapasabunot na ako sa ulo. Mababaliw ako sa taong 'to hirap ispelingin.

"Sinabi ko lang yun dahil naiinis ako sayo okay!?"

"Wala kang isang salita. Hindi ka dapat pagkatiwalaan." Natahimik siya sa sinabi ko.

"Alam mo bang litong lito na ako sa nararamdaman ko? Akala mo ba ganun kadali yung pinag dadaanan ko ngayon?"

"Bakit inaano ba kita?"

"I'm wondering why I'm so confused whenever i'm with you."

"So you're telling me that i'm the reason why you're being confused right now?" hindi makapaniwalang sagot ko?

'Lintek na sinisi pa talaga ako. Ganda mo Lucky!'

"Yeah, I think so. Isipin mo na ang gusto mong isipin about me. But i'm really curious about this unfamiliar feelings towards you."

"Infatuation lang yan. Tumingin ka rin kasi sa iba huwag laging ako para malaman mo kung ano talaga ang gusto mo at ano ang ipinagkaiba." Sarkastikong siyang ngumiti sa sinabi ko.

"Sana nga infatuation lang 'to kagaya ng sinasabi mo. Pero gusto ko ring malaman kung ano talaga itong nararamdaman ko para sayo."

"Baka naman libog lang yan." Nakangiting biro ko. Kung nakamamatay lang ang tingin niya bumulagta na ako sa sahig.

'Malamig sa Baguio di malabong nagpapainit lang siya.'

"Kahit kailan ang dumi dumi ng lumalabas diyan sa bibig mo." Galit na sagot niya.

'Tss, kaya pala kung maka halik siya kanina.. madumi pala ah!'

"Okay fine i'm sorry."

"S-Sorry for what?"

"For confusing you."

"Don't be. All i'm asking is you to stay with me. Until i'm no longer curious of how i felt about you. Until then i'll be able to know what exactly this feelings means to me."

"Hindi gawa sa bato ang puso ko Kenneth. What if on the process i fall in love with you? At sa mga oras na yun na satisfied ka na sa curiosity mo. So anong mangyayari sa akin?"

"I don't know."

"Huh, so para pala akong bubble gum. Ngunguyain mo lang kapag may tamis pa, tapos iluluwa muna kapag wala ng lasa. Masaya yan 'tol!" sarkastikong tugon ko.

"Paano kung ma in love din ako sayo? Hindi natin malalaman yun kung hindi natin susubukan pareho."

"Tao ako Kenneth hindi ako isang lab experiment na pwede mong balik balikan kapag hindi mo nakuha ng tama ang resultang gusto mo."

"I know that's why i'm asking you to reconsider my offer. There's no harm in trying i guess?"

"Kenneth, alam mo naman yung naging past ko diba?" mahinahong sagot ko.

"Alam ko huwag mo ng ipaalala pa."

"I'm sorry." Napayukong sagot ko.

'Dapak! Bakit pa kasi kailangang umabot pa kami sa ganitong sitwasiyon.'

"And how about our first kiss!" taas noong sagot niya kaya napaangat ako ng ulo.

"W-What kiss?" Maang maangan sagot ko. Muntik ko ng makagat ang labi ko sa naalala.

Kinabahan ako ng bigla siyang lumapit at hinapit ako sa bewang. Napatitig ako sa adams apple niya. Dahan dahan siyang napalunok kaya nabaling ang tingin ko sa lips niya.

"T-This.." At bigla siyang yumuko at sinakop ang labi ko.

Tinulak ko siya ng bahagya sa dibdib. "Yan ang sinasabi ko! Malamig kasi dito kaya nagpapainit ka lang ng katawan mo!" sigaw ko sa kanya.

"Manahimik ka." Hinawakan niya ako sa magkabilang panga para hindi na ako makapalag at muli akong hinalikan.

"Mmmm! Mmmmmmm!" kahit magkadikit ang mga lips namin tuloy parin ako sa pag atungal.

"Jesus Lucky, when will stop talking i can't concentrate." Iritabling sagot niya na ikinatulala ko.

"C-Co-Concentrate?" nauutal na sagot ko.

"Yes, stop talking and stay still please." Nakikiusap na tugon niya. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa kanya.

'Niloloko niya ba ako? O sadyang malakas lang talaga sapak niya sa ulo?'

"O-Okay." Napangusong tugon ko. Ngumiti siya ng nakakaloko at muling bumalik sa pinag kakaabalahan kanina. Hindi ko maitindihan ang sarili ko at bakit napapasunod niya ako ng ganito.

'Bahala na ang mga Avengers.'

Like how i remember it. It was warm and gentle kiss but more deeper this time. His lips taste like coffee and cream and its mouthwatering. I always take a deep breath when he stop, like how i take a deep breath when a cup of coffee gets near my mouth. Very warm and aromatic. Wala akong masabi sa husay niyang humalik. He's way too better than Jasper in this field.

'Kung kanino man niya natutunang humalik magtago na siya at nanggigigil ako promise. Iniisip ko palang kung sinong babae yun umuusok na ang tenga ko selos.'

Umupo siya at bahagyang ibinuka ang parehong legs niya. Dahan dahan niya akong hinila, hinawakan ako sa bewang at inalalayang umupo sa harap niya. Pumulupot ang dalawang kamay niya sa bewang ko at dahan dahan niyang idinidiin ang hips ko sa katawan niya. Hinawakan ko ang magkabilang panga niya at hinalikan siya ng padampi dampi sa lips. Natatawang hinahabol niya ang bawat pagdampi ng lips ko sa tuwing dumadampi ito sa lips niya.

"Naughty." Mahinang bulong niya.

Dahil sa di kakapalan ang tela ng gray sweat pants na suot niya nararamdaman ko ang unti unting pagbabago sa naka bukol sa kinauupuan ko. Dala ng pagka ilang napa angat ako ng upo at gusto ko ng umalis sa ibabaw niya ngunit mabilis niya akong hinawakan sa balakang at hinila pababa. Idiniin niya lalo ang katawan ko sa katawan niya. Kinakabahan ako ng sobra sa ginagawa namin baka kung saan kami umabot. Panay ang himas niya sa bewang at likuran ko, bawat haplos ng mainit niyang mga kamay ay lalo akong nawawala sa katinuan ko.

Sa pinagsamang init ng mga katawan naming pareho, pansamantalang hindi ko maramdaman ang lamig ng klima sa Baguio.

"Fuck, i want you so bad." Mahinang bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko na ang pamamanhid ng labi ko.

'Kung nananaginip lang ako please lang huwag niyo akong gigisingin malalagot kayo sakin!'

"Shut up!" At halos sabunutan ko na siya at ako naman ang gumanti ng halik sa kanya. Lalo lang niyang idiniin pababa ang balakang ko sa matigas na hinaharap niya.

'Shit may pause or stop button ba na pwede kong pindutin para tumigil kami sa ginagawa namin?'

Nag vibrate ang phone ko sa bulsa sa jacket kaya sabay kaming natigilan sa ginagawa.

'Thank you heaven! That's my cue.'

"Its Ytchee." Mabilis kong kinapa ang phone ko sa bulsa ng jacket.

"Please don't." Sumubsub siya sa dibdib ko.

"Sasagutin ko lang." Habang hawak sa kamay ang phone ko.

"Tapos ako ayaw mong sagutin?" nakangusong sagot niya.

"Psh, sa dami ng pambabara ko kanina hindi ka pa ba nakutento?"

"I hate you."

'Wow, ang sweet niya after ng i like you, i hate you naman ngayon.'

"Great! Di babalik na ako sa suite." At umakto akong tatayo pero pinigilan niya ako.

"No no no. Let's stay this way for a while." Nakikiusap ang mga mata niya. Nakatingin lang siya habang naka pout ang lips niya.

'Huwag ganun Kenneth, lumalabas ang pagiging malandi ko!'

"That's unfair." Usal ko.

"What?" naka pout parin siya. Hindi ako nakatiis at hinalikan siya sa lips at tuwang tuwa siya. "Quiet." Sinagot ko ang tawag ng nakaupo parin sa lap niya.

"Hey, nandito pa."

"Si Ongapuco plakda na?"

"Ano paba, tulog pinunasan ko pa ang katawan pinalitan pa kasi namin ng damit."

"Binibeybi mo masiyado. Si Kenneth, pinaliguan mo rin ba?!"

"Tulok! Nagkakape pa kami." Sa lakas ng boses ni Ytchee malabong hindi marinig ni Kenneth ang sinabi niya. Natawa ng bahagya si Kenneth at hinalikan ako bigla.

"Hello? Nagkakape ba talaga?" Malakas na sigaw niya. Nakaramdam ata kaya bahagya kong nailayo sa tenga ko ang cellphone ko. Inagaw ni Kenneth sa kamay ko yung phone.

"Isa kang malaking abala alam mo yun?"

"Ulol!" Sigaw ng nasa kabilang linya. Nilapag ni Kenneth ang phone ko sa mesa.

"I have to go." Bulong ko sa tenga niya. Umiling iling siya. Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako sa braso at napaupo ulet ako.

"What? Kailangan ko ng bumalik magtataka yun."

"Paano ko?"

"Matanda kana, you know what to do."

"Noooooohh." At mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko. Tumayo rin siya at ng mapansin niya kung saan ako nakatingin mabilis niyang tinakpan ang hinaharap niya.

"One more minute." At hinila ako papalapit. "Dito na nga lang ako bumabawe eh." At yumuko siya para halikan ako pero umilag ako.

"Bakit inaano ka ba?"

"Shut up!" At siniil ako ng halik. Natatawa siya habang hinahalikan ako.

"What?" Nakuha ko pang magsalita habang magkadikit ang lips namin.

"Shhhh." Tinuloy ang ginagawa niya hanggang kusa siyang tumigil.

"I'm getting better now." Nakangiting sabi niya.

"Oo nagiging manyakis ka na!" Pinitik ko siya sa noo.

"Whoa!" Napatakip pa ang isang kamay niya sa bibig sa sinabi ko.

"Tara na nilalamig na ako."

"Tara sa loob may alam akong pampainit!"

"Neknek mo!" Iniwan ko siya mag isa sa terrace.

Nauna akong bumalik sa kwarto at tsinek ko muna si Wesley. Hindi ko alam kung bakit kinapa ko ang noo niya. Naisip ko lang bakit ba. Dahan dahang dumilat ang mata niya at titinitigan ako.

"L-Lucky?"

"I'm here. Matulog kana babalik na ako sa suite namin."

"Please stay." At niyakap niya ako habang nakahiga siya. Napalingon ako kay Kenneth na nasa pinto at mukhang hindi na maipinta ang mukha niya sa inis.

"Stay until he falls asleep." Malamig na sambit niya at naglakad sa katabing kama.

"Okay I'll stay close your eyes." Bulong ko sa tenga ni Wesley at napangiti siya habang nakapikit.

"Masakit ang ulo ko." atungal niya na parang bata. Tumabi ako ng higa at humarap sa kanya. Minasahe ko ang ulo niya hanggang nakatulog siya ulet.

"I'm gonna kill this moron tomorrow morning." Inis na sambit ni Kenneth habang pinapagpag ang bed niya.

"Shut up, he'll wake up!" saway ko at inirapan ako.

"Don't you dare hug him or i'll kill both of you." Padabog siyang humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. "And don't fall asleep!" pahabol niya at nagtakip ulet ng kumot.

Gusto kong matawa dahil hindi siya mapakali at panay ang ikot niya sa kama. Napailing na lang ako at hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako ng ilang minuto.

Nang makatulog si Wesley bumangon ako sa kama. Lumapit ako sa bed ni Kenneth. Yumuko ako at tinitigan ko siya habang himbing na natutulog.

"Mas gwapo ka pala kapag tulog." Natatawang tinusok tusok ko ng daliri ang pisngi niya.

"Sana pag gising mo, makalimutan mo ang lahaaaaat ng nangyari satin kanina." Mahinang bulong ko saka ako napa buntonghininga.

"Mami-miss kita kita ungas!" Yumuko ako at ginawaran ko ng halik ang ilong niya.

"That's not gonna happen." Hinawakan niya ako sa braso at hinila papalapit sa mukha niya. Sa sobrang kaba ko nakalimutan ko ng panandalian ang huminga. Masiyadong malapit ang mukha ko sa kanya, dala ng kaba sa bibig na ako huminga.

Bahagyang bumuka ang bibig ko at tumama ang hininga ko sa mukha niya. Bigla niya akong hinila kaya pwersahan akong napahiga sa tabi niya. Wala akong nagawa kundi tabihan siya at humiga ng patagilid paharap sa kaniya.

"Uuwe na ako." Nakangusong paalam ko.

"Please don't pout your lips, you know i'm never gonna get tired of kissing you Lucky." Seryosong tugon niya habang namumungay ang mga mata.

'Ito na naman kami. Ayokong kaadikan ang halik niya baka hanap hanapin ko kapag nakauwe na kami ng Maynila.'

He's so damn attractive. I can't even take my eyes away from him. Kinakabahan ako sa tuwing ganitong magkalapit kami sa isa't isa. Parati akong nakakalimot sa sarili ko kapag ganito ang ginagawa niya. Wala akong kalaban laban sa mga titig niya. Kakaiba ang epekto nun sa sistema ko, kahit sa sarili kong pag iisip nawawalan narin ako ng control.

Haler? Bakla po ako hindi ako diyosa. Kung ganito ba naman ang makipaglandian sayo sinong hindi bibigay agad agad? Pakiramdam ko isa tuloy akong puppet na sumusunod sa lahat ng naisin niya.

"Puro ka halik hindi ka ba nagsasa---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinapit niya ako sa batok papalapit sa kanya at siniil ng halik.

'Punyeta kapag magising si Ongpauco at mahuli tayo ibabaon kita dito sa kama!'

Wala talaga siyang kasawa sawa sa ginagawa niya. Panay ang ungol niya habang hinahalikan ako, sabik na sabik animo'y unang beses namin itong ginawa. Nagpaubaya nalang ako, wala rin naman akong magagawa tutal gusto ko rin naman ang aming ginagawa. Napaungol ako bigla ng maramdaman ko na na nasa isang dibdib ko ang isang kamay niya at dahan dahan siyang pumatong sa ibabaw ko na lubos kong ikinataranta.

"A-Are you crazy?" Lumingon ako sa kama ni Wesley at maswerteng sa kabilang side siya ng kama nakaharap.

"Relax, I'm not gonna make love to you." Ngiting sagot niya habang nakatukod ang magkabilang kamay sa gilid ng ulo ko.

'Make love my foot! Hindi ba siya natatakot na magising si Wesley?'

"I'm wondering why i can't get enough of you? Hindi ako ma satisfy sa cravings ko." Kunot noong tanong niya at humiga ulet sa tabi ko.

'Cravings ano pudtrip lang at ako ang nasa menu?'

"Psh, malibog kapa sa rabbit!" singhal ko pagharap niya.

"Rabbit pala ahh." hinila ako papalapit sa dibdib niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi ako makahinga ungas ka!" Sambit ko habang nakasubsub ang mukha ko sa kanang dibdib niya. Hindi niya ako binibitawan at inamoy amoy lang ang buhok ko.

'Kingenang to adik na!'

Sa inis ko kinagat ko ng mahina ang kanang nipple niya na nasa tapat ng ilong ko.

"WTH?" At bigla siya bumitaw sa pagkakayakap.

"You have no idea what might gonna happened after you bite me there Lucky." Namamaos na sambit niya. Napakagat ako sa labi ko pero huli na para makabawi ako ng siilin niyang muli ang labi ko.

'Boy, namamanhid na ang labi ko sa ginagawa mo uy!'

Hindi ko alam kung gaano katagal. Paikot ikot kami sa kama at sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataon sumisilip ako sa kama ni Wesley. Kinakabahan kasi ako ng sobra sobra sa ginagawa niya.

'Ano firs time niyang humalik at walang kasawa sawa? Well sino ba ako para tumanggi sa gracia. He he.'

Una akong bumitaw. "I'm tired, aren't you?" tinakpan ko ng isang daliri ang lips ko para hindi ako mapanguso.

"Nope. I'm never gonna get tired of this." Iling niya at hinalikan ako sa ilong. Natulala ako sa harap niya.

"Can i go back now?" sa sobrang kaba hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko.

'He's presence is intoxicating. I want him more and more every second i spend time with him.'

"Stay for a while till i fall asleep." Pumikit siya ng bahagya at halos isang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

"I can't and you know that." Pagmamatigas ko at bigla siyang namulat.

"Okay, you can go back." At ngumit ako ng malaki.

"But you have to kiss me until i'm satisfied, then i'll let you go. Deal?" naningkit ang mata niya habang nakangiti rin ng malaki.

"Tch! Rabbit!" At tumalikod ako ng higa. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Lumapit siya at niyakap ako. Naramdaman ko ang paghinga niya ng paulit ulit sa ibabaw ng ulo ko.

Ano bang gagawin ko para makatakas sa ungas na 'to? Wawalanghiyain ako sigurado ng mga kaibigan ko kapag malaman nilang dito ako natulog. Juice ko bibig palang ni Marlon at Andi bugbog sarado na ako sigurado. Sigh.

After 10 minutes sa ganung posisyon, dahan dahan kong iniangat ang kamay niya na nakayapos sa katawan ko at maingat kong inilapag ito sa tagiliran niya. Gumulong ako pababa sa kama at naka dapa akong bumagsak sa sahig.

'Aw-wray! Masakit yun ah!'

Dahan dahan akong nag angat ng ulo at para akong batang paunti-unting sumisilip sa ibabaw ng kama.

"Gotcha!" Natatawang panggugulat niya ng magtama ang aming mga mata.

"Nahulog ako ang likot ko pala matulog." Nangangamot na palusot ko sa kanya at bumalik sa pagkakahiga satabi niya.

"Are you trying to escape from me?" Kunot noong tanong niya.

"Why would i do that?" ginawa kong unan ang isa kong braso habang nakaharap sa kanya.

"I thougt you are.." Hinalikan niya ako sa noo. At muling pumikit.

Dahil wala akong magawa at hindi ako dalawin ng antok minabuti ko nalang tinitigan ang kabuuan ng mukha niya. Pinag aralan ko ang bawat detalye ng bilugang mukha niya.

'Grabe siya, walang tapon lahat kaen.'

Una kong hinawakan ang mahahabang pilik mata niya. Grabe, mahihiya ang false eyelashes ni Andi Medyo malalim ang eybags pero lalo lang itong nakadagdag sa kagwapuhan niya.. And then i run my finger down to his nose bridge, parang nililok ng ekspertong iskultor ang matangos na ilong niya. Bigla siyang nagbuga ng malakas na hangin sa ilong na tumama sa mukha ko. Napapikit na lang ako sa inis dahil umandar na naman ang kapilyuhan niya.

Gamit ang hintuturo ko, sinudan ko naman ang bawat kurba ng mapulang labi niya. Dinampian ko siya ng magaang halik sa labi. Bahagya siyang napangiti sa ginagawa ko pero nakapikit parin siya.

Sunod kong napagtripan ang makapal na kilay niya. Pilit kong pinagdidikit ang kilay niya para magsalubong gamit ang dalawang daliri ko. Pinisil pisil ko rin ang makinis na baba niya. Nahinto ako sa ginagawa ko ng mabaling ang atensiyon ko sa nakaumbok na adams apple sa leeg niya.

Aminado naman ako na attracted ako sa mga lalakeng naka umbok ang Adams apple. Lalo kapag nakikita kong lumulunok sila, napapalunok din ako. Its kind of sexy lalo kung taas baba ito sa lalamunan nila. Naalala ko tuloy si Justin Kwon. Inangat ko ang baba niya pataas para makita ko ang kabuuan nito. Bigla siyang tumawa ng mahina sa ginagawa ko kaya bigla itong lumubog sa lalamunan niya at muling bumalik ng huminto siya sa pagtawa.

"What are you doing?" Umusog siya pababa ng higa para magpantay ang ulo namin.

"Nothing." At yumuko ako. Inangat niya unti unti ang baba ko at hinalikan ako ng mabilis sa lips.

"Ihahatid na kita sa suite niyo." May halong tampo na wika niya at umangat ang katawan niya sa kama para tumayo pero pinigilan ko siya.

"I'll stay tulog na yun si Ytchee sigurado."

"Are you sure?" At tumango lang ako at bakas sa mukha niya ang tuwa kahit ayaw niyang ipahalata.

"Tulog na tayo?"

"Alam mong hindi ako makakatulog kapag magkatabi tayo."

"Madali lang yan lilipat ako sa tabi ni Wesley, problem solve!" Nakangiting biro ko.

"Subukan mo lang Gonzaga makikilala mo ang tunay kong pagkatao." Gumalaw ang panga niya tanda ng inis.

"Good night Adam." Malambing sa sagot ko.

"TANGINA NAMAN EH!" galit na galit ang itsura niya.

"Yung adams apple mo baliw!" Pinitik ko siya sa noo.

"Isa pa yang pesteng adviser niyo! Masiyadong nagpapa cute sayo." Singhal niya.

'Luh, inaano siya ni ser?'

"Cute naman ah. Crush ko nga yun eh."

"Bumalik kana nga sa kwarto niyo!" Mabilis siyang umupo sa kama at tinataboy ako.

"Joke lang!" Biglang bawi ko.

Nasa mood akong makipag asaran sa kanya ngayon, ang sarap niya kasing pagmasdan kapag nagagalit. Feling ko mag dyowa kami tapos ko nagseselos siya kay Sir Adam. Hindi naman masamang mag imagine minsan. libre naman 'to sasamantalahin ko na.

'Lulubus lubusin ko na ang panaginip kong 'to mag e-expired na to sigurado mamayang pag gising ko.'

"Tss." Pabagsak siyang humiga at tinalikuran ako.

"Kenneth? Kenneth. Kenneth." Hindi siya sumasagot. Umupo ako sa kama at nagtakip siya ng kumot.

'Yan galit na siya lagot ka!'

Gumapang ako sa katawan niya papunta sa tabi niya.

"Matutulog ka na?" nakangusong sagot ko.

"Ano ba?!" Inis na usal niya sa loob ng kumot.

"Walang man lang good night kiss?" Nilambingan ko ng kaunti ang boses ko. Di nagtagal dahan dahang bumaba ang kumot sa mukha niya. Gotcha!

"Ayoko." At nagtakip ulet ng mukha. Pabebe ampota!

"Fine." Bumalik ako sa dati kong pwesto at tinalikuran ko din siya. Pinilit kong ipikit ang mata ko kahit hindi pa ako inaantok.

'Letse ang gwapo nga bipolar naman!'

Maya maya naramdaman kong gumalaw siya sa tabi ko. Kinalabit niya ako sa likod pero hindi ako lumingon. Kalabit ulet. Deadma lang. Hinila niya ako sa balikat at ihinarap sa kanya.

"Kiss na." Nakangusong sabi niya. Grabe hindi ko lubos maisip na ganito siya kakulet. Dinaig niya pa si Jasper sa kapilyuhan.

"Neknek mo!" At tumalikod ulet ako.

"Lucky naman eh!" Nagulat ako ng magkapalit kami bigla ng pwesto.

"Naiinis ako sayo okay?" Sambit niya.

"Oh?" namimilog ang ngusong sagot ko.

"Anong oh? Bayaran mo yung inis ko."

'Wow ahh, siguro kung babayaran niya ang inis ko sa kanya noon ang yaman ko na!'

Binunot ko sa bulsa yung bente na sukli sa taxi kanina at sinalpak ko sa dibdib niya. "Yan bente."

"Saan aabot ang bente mo? Kiss dapat mga apat na oras."

"Matutulog ka o patutulugin kita sa pamamagitan ng sapak?"

"Hard mo!"

"Mas hard ka ulol!"

"Oo kanina pa to hard kaya tumigil ka na baka saan pa mapunta ang usapang hard na yan magsisisi ka!" namumulang sagot niya.

Sa inis ko hinalikan ko siya bigla sa lips. Yun lang ang makapag papatahimik sa kanya. Mga 15 seconds at ng magsimulang mag explore ang dila niya sa loob ng bibig ko saka ako humiwalay.

"Okay na tulog na tayo?" Sa itsura niya mukhang bitin pa siya kaya umayos ako ng higa. Unti unting sumilay ang nakakalokong ngiti niya.

"Kulang yung bente mo at masiyado pang maaga." At tinuloy ang bagong kinaadikan niya.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

Kenneth couldn't resist kissing me. The snobbish boy that everybody wants couldn't resist kissing me. ME, whose very unlucky in every kind of way.

'LUCKY ME!'

'Goodnight Baguio!'

To be continued...