webnovel

Lucky Fourteen

CHAPTER 14

KENNETH'S POV

After ng nakakapagod na basketball pratice hindi na ako tumambay sa court kasama ng ibang mga players. Nagpaalam ako sa kanilang mauuna ako mag shower para makauwe ako ng maaga. Bago ako lumabas ng locker room nag check muna ako ng text messages. Nothing important but Wesley's text message got my attention. 'Ano na naman ang kailangan nito?'

Wesley O.

+6391623456789

06-10-2017

03:58PM

Bro. Sasabay ako umuwe. Meet me at Carlisle Hall after my piano practice. :(

'Sad face? Ano na naman nangyari sa ungas na 'to? Tss, kahit kelan talaga napaka isip bata.'

Nagmadali akong lumabas ng boys locker room para hanapin at i-check ang lagay niya. Kalalaking tao napaka drama. Tch! Habang naglalakad ako sa field papuntang Carlisle Hall nakita ko si Lucky and Andi na nagtatalo sa isang bench sa ilalim ng puno. Nakapatong ang mga gamit nila sa mesa at mukhang gumagawa sila ng assignment. Lalapitan ko sana sila pero biglang tumayo si Andi.

"Hoy, Hoy! Ako wag mo ko madramahan ng ganyan at nang-gigigil ako diyan sa ganda mong walang pahinga!" dinu-dutdut niya ng ballpen si Lucky sa tagiliran. Mukha siyang malungkot kung pagbabasehan ko ang pagnguso at pagkakakunot ng noo niya. Na curious ako sa pinag uusapan nila kaya nagtago muna ako sa bandang likod ng puno na malapit sa kanila at nakinig.

'Gandang walang pahinga? Ano na naman kayang gulong pinasok ng dalawang 'to?'

"Ganda? Alam mo Andi kung ganda lang iyong iyo na." Umikot pa ang mata nito bago bumuntong hininga. "Kung sa likod naman ng ganda mo ay kapalit ng kalungkutan at pag iisa. Nanaisin ko lang maging panget." Dugtong niya pa at kitang kita ko ang kakaibang lungkot sa mga mata niya.

"Talaga seshhie okea lang kahit panget ka?" parang nahawa narin siya sa kadramahan ng kaibigan niya. Ano bang nangyayare sa araw na ito at bakit ang da-drama ng mga tao? Tss, bagay na bagay talaga sial ni Wesley pareho silang madrama sa buhay. Tch!

"Oo naman! Basta wag lang ganyan kalala." Ngusong turo niya sa mukha Andi at bigla siyang binatukan ng ballpen sa noo. 'OUCH! Sakit nun ah!' Gusto kong tumawa ng malakas sa reaksiyon ni Andi.

"Yooowwwn! Naki simpatiya na nanlait pa." Sigaw ni Andi kay Lucky at napabungisngis ako.

"Hoy Andres, kahit panget ka may "TALENT" ka naman." Seryosong sabi ni Lucky. Pero kakaiba ang dating sakin ng sinabi niya eh. Sa ugali niya mukhang inuuto niya lang ang kaibigan niya.

"Talaga?!" umupo siya sa tabi ni Lucky at mukhang na excite sa narinig.

"Oo naman sino ba kaibigan mo?!" taas noong sagot pa ni Lucky at sunod sunod ang pagtango ni Andi.

'Whoa, naniwala na siya doon sa sinabi niya?'

"Good!" sabay thumbs up niya. "Oh, kunwari naglalakad ka doon tapos tatawagin kita ah." turo niya sa daan kaya umikot ako sa kabilang side ng puno baka makita ako ni Andi. Tumayo at sumunod naman si Andi sa instruction ni Lucky na kunwaring naglalakad lakad.

"Hoy baklang PANGET!" Malakas at parang barakong sigaw ni Lucky. Huminto naman si Andi sa paglalakad at nakasimangot na lumingon sa kaibigan. "PERO MAY TALENT!" at unti unting lumawig ang pagkakangiti ni Andres sabay tawa. "Diba panget sa umpisa pero may bawi sa huli."

'BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHH'

'Andame kong tawa mga 124!

"Oo nga no? Thank you sessshhiee!"

Tibay din nito nilait lait na lahat nakipag yakapan pa. Kakaiba talaga tong dalawang magkaibigang 'to lakas magtrip sa isa't isa maiihi ka kakatawa. Nakakainggit yung samahan nila kasi kakaiba talaga silang dalawa. Parang kami ni Wesley nagkakasundo kami sa mga kalokohan namin .

"Sesshhie ayon si Wesley oh!" turo ni Andi sa direksiyon ng Carlisle Hall kung saan nakayukong naglalakad si Wesley.

"Tara tara sundan na naten." At nagmamadaling niligpit ang mga gamit nila.

Dahil dun din ang punta ko sinundan ko sila ng palihim. Para silang mga batang nagtutulakan at nagtatago sa tuwing humihinto si Wesley. Hihinto tapos magtatago, sisilip at bubuntot ulet kay Wesley.

'Anong trip nitong dalawa at ini-stalk nila si Wesley?'

Ako naman mukhang tangang nakasunod sa dalawa. Pinagtitinginan tuloy kame ng mga students sa campus. Sumunod ako hanggang makapasok kami ng Carlisle Hall. Sinundan parin nila si Wesley at huminto lang sila ng makapasok ito ng Theater. Nakatayo lang sila sa harap ng pinto at mukhang nag dadalawang isip na sumunod pa sa loob. Naglakad ako papalapit sa kanila. Masiyado silang abala habang nagtatalo kaya hindi nila napansing nasa likuran na nila ako. Napaatras ako ng biglang tumuwid ng tayo si Lucky at humugot ng malalim na hininga bago buksan ang pinto ng theater.

"WHY ARE YOU TWO FOLLOWING MISTER WESLEY ONGPAUCO?" pigil ko sa kanila bago pa nila mabuksan ang pinto. Para silang tuod na napako sa kinatatayuan nila sa gulat. Sinadya ko talagang lakihan yung boses ko para hindi nila ako makilala.

"Sorry po! Sorry po! Sorry po!" Naka yuko silang dalawa habang paulit ulit na nag so-sorry sa akin.

Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa nakakatawang mga itsura nila. Mabilis hinila ni Lucky si Andi sa kamay habang naka yuko at nagmamadaling umalis ng hindi man lang ako tinitingnan.

At nung nasa harap ko na si Lucky saka ko ihinarang yung kaliwang braso ko kaya napahinto siya at dahan dahang nag angat ng mukha. Biglang nanlaki ang mata niya. Hindi ko alam kung sa gulat o sa galit kasi biglang naningkit ito pagkatapos.

Gusto ko talagang tumawa ng malakas ng biglang mamula ang mukha niya. Kaso hindi ko magawa natameme ako ng humakbang siya papalapit at halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa. Nakakatakot ang mga mata niya. Wesley HELP!

"IKAW.." Mahinang sambit niya pero kinakabahan ako sa tono niya.

"A-Ako nga.." Natatawang sagot ko. "Ahhhhhhhhhhhh!" Malakas na sigaw ko dahil bigla niyang kinagat ang brasong ihinarang ko sa kanya.

'WTF! Nasisiraan na ba siya ng bait? Bakit siya nangangagat? Ang sakit sakit!'

"Sino yan? Bakit kayo sumisigaw?" malakas na sigaw ng guartd sa likuran ko.

Bago pa ako makalingon nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Lucky.

'WTF?! NABABALIW NA BA SIYA?!?!?!'

Nagkatitigan kami ni Andi at mukhang nagulat din siya sa nakita. Sinenyasan akong manahimik sandali at para akong tuod na sumunod. Nag init ang mukha ko dala ng hiya. Paano kong may ibang taong makakita sa amin? I felt really weird. Hindi naman ganun kahigpit ang pagkaka akap niya pero ramdam ko ang init ng singaw ng katawan namin pareho.

Hindi ako sanay na may may ibang humahawak o umaakap sa akin. Gusto kong kumawalapero nanghihina ako. Unti unting hinihigop ng init na katawan niya ang lakas ko dahilan para manlambot ang tuhod ko.

"What are you doing?" mahinang bulong ko sa ibabaw ng ulo niya.

"Shut up." Mahinang tugon niya bago isandal ang baba sa balikat ko. "Pasensiya po sir may masakit lang po sa boyfriend ko kaya po napasigaw siya.." malambing na wika ni Lucky sa guard habang dahan dahang hinihimas ang likuran ko.

'W-What? Boyfriend niya daw ako? No way!'

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok sa bawat paghaplos ng kamay niya. Paulit ulit akong napapabuga ng hangin sa ilong ng hapitin niya ako sa bewang at lalong magdikit ang mga katawan namin.

'DEYM!!!'

"Ahhh ganun po ba Ma'am akala ko po kasi ano na. Sige po i-comfort niyo lang po ulet si ser kawawa naman." At narinig kong papalayo na ulet yung yabag ng guard. Napapikit ako ng bigla niya akong kurutin ng mariin sa tagiliran bago siya humiwalay sa pagkakayakap.

Nagkatitigan kaming dalawa at para siyang mananapak. Nagkabuhol buhol ang mga bagay sa utak ko at wala akong mabuong salita sa harap niya. Ano bang nangyayare sa akin? I'm still in shocked. Tulala lang ako at nakatitig sa mukha niya. Naiwan parin sa ilong ko ang amoy strawberry niyang buhok at yung kakaibang init na singaw ng katawan niya. I'm in a deep shit!

Hindi mabura sa utak ko kung gaano ka lambot ang katawan niya habang magkadikit kami kanina. Para kaming isang puzzle piece na pinagdikit at nabuo. May nakakakiliting sensasyon na dumaloy sa kalamnan ko hanggang sa maipon yun lahat sa gitna ng pants ko.

'Damn it! Nagalit siya bro. Galit na galit. Hindi siya maka move on doon.'

Mabilis kong inayos ang sarili ko at pasimple kong itinakip sa harap ang bag na dala ko para hindi nila mapansin ang pagbabago.

'Lagot ka Lucky! Patahimikan mo yan!'

"Yan ang bagay sayo! Alam mo bang muntik na akong atakihin ng nerbiyos dahil akala ko nahuli kami ng guard kanina?" naiinis na sumbat niya at hindi pa nakuntento hinampas pa ako sa braso. Kanina kurot tapos ngayon nanghahampas naman? Napaka bayolente niya. Napakamot ako sa braso. Kahit yung simpleng hampas na yun nag iwan parin ng nakakakiliting pakiramdam sa balat ko.

"Pupuntahan ko sana si Wesley tapos nakita kong sinusundan niyo siya kaya yun sinundan ko rin kayo." Nahihiyang paliwanag ko sa kanila. "Naisip ko lang naman na biruin kayo kanina ng maabutan ko kayo bago pumasok sa loob." Kainis hindi ko man lang siya matingnan ng derecho, hindi parin kasi maka get over yung nasa loob ng boxer ko sa ginawa niya.

"Ahh—okay. Buti nalang magaling na artista 'tong si Lucky kung hindi tegebams tayo pare pareho kay Ermen Gard!"

Nagtatakang nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. 'Sinong Ermen Gard?'

"Si Manong Guard yung tinutukoy niya." Mahinang bulong niya sa tabi ko.

'Ermen Gard yung guard? Nambinyag na naman sila. Tch! Sa bagay si Amber si Barbie tapos ako daw si KEN? Tss! Corny niya.'

"Ano ba kasing ginagawa niyo at sinusundan niyo yung pinsan ko?" galit galitang tanong ko at unang napayuko si Lucky. Wait don't tell me siya ang dahilan kung bakit nagda-drma ang pinsan ko?

"M-Mag so-sorry sana ako kay Wesley.." nakangusong sagot sa akin ni Lucky pag angat niya ng mukha. Nailang ako ng matitigan ko ang mamasa masang lips niya. Para siyang bata. But infairness to Lucky.. i realized just now that pouting lips are so damn attractive.

"B-Bakit anong g-ginawa mo sa p-pinsan ko?"

'Bakit ka nauutal Kenneth James Ang? Mag so-sorry? Bakit nag away ba sila ng hindi ko alam?'

At ikinuwento ni Andi ang insidenteng nangyari kahapon at kaninang umaga.

"I see. Akala ko na pano na yung pinsan ko eh. Nagtext kasi siya sasabay daw siya umuwe." Mahinahong sagot ko. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko.

'Pero 'di parin humihinahon si Kenneth James Ang Jr. patay kang bata ka!'

"Okay lang ba kung magpapasama kami sayo sa loob?" Malungkot pakiusap ni Lucky sa akin at humawak sa braso ko.

"S-Sige sige." Pa simple kong inalis ang pagkakawak niya. "Huwag muna kayong maingay pagkapasok hayaan muna natin siyang matapos sa rehearsal niya."

"Thanks Kenneth. Sorry kung nakagat kita, masakit pa ba?" Sinserong tanong niya at hinawakan ulet yung braso kong kinagatan niya.

'Oo masakit pati yung puson ko masakit na masakit narin loko ka!'

"A-Ayos lang kasalanan ko din naman." Naiilang na sagot ko sa kanya at nauna akong pumasok sa loob.

'Anong ayos lang? Patawa ka 'e bigla ngang gumalaw si Kenneth James Ang Junior ng hinawakan ka niya ulet kanina.'

Tahimik kaming pumasok sa loob ng Carlisle Hall. Sa loob makikita ang may 500 seats para sa audience. Nahahati sa dalawang part yung hall at sa gitna lang ang tanging daanan. Malamig dahil sa fully air conditioned ang loob ng theater at ang spotlight lang ang nagsisilbing ilaw sa gitna ng stage kung saan tumutugtog si Wesley sa grand piano.

Sumenyas ako na huwag silang lilikha ng anumang ingay.

Napili naming umupo sa second row seats malapit kay Wesley. Bakas ang paghanga sa mata ni Lucky habang pinanunuod si Wesley sa stage. Si Andi naman naka pangalumbaba at parang batang tuwang tuwa sa panunuod. Ito ang unang pagkakataon may ibang taong makakapanuod sa rehearsal ni Wesley bukod sa akin at pamilya namin.

Twice a week ipinapagamit sa kanya ang academy theater at tanging ako lang ang pinapayagan niyang makapasok. Mula pagkabata piano na talaga ang nakahiligan niya. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya sa akin noong mga bata pa kami. Na kapag nasa harap siya ng piano dinadala rin siya nito sa ibang mundo. Wala siyang ibang naririnig kundi ang tunog ng piano sa utak niya. Hindi ko yun maintindihan nung una pero sa nakikita ko ngayon mukhang naiintindihan ko na angkung ano tinutukoy niya.

Isa si Wesley sa mga gifted pagdating sa pagtugtog ng piano. Halos lahat ng sinalihan niyang local at international competition ay siya palagi ang na nanalo. Isa siya sa mga ipinagmamalaki ng Carlisle Academy at ng bansa pagdating sa larangan ng sining at musika.

Nakaka relax yung piyesang pumailanlang sa ere. Sa tagal ko ng nakikinig sa mga rehearsal niya ngayon ko lang narinig ang ganitong klase ng atake niya. Hindi ako mahilig sa mga classical music pero hindi ko kailangan ng karanasan o mataas na kaalaman para malamang malungkot ang mensahe ng musika niya.

Nakakapanibago ang istilo niya ngayon bago ito sa pandinig ko. May kakaibang haplos at bigat habang tumatagal, nakakahawa. Pakiramdam ko nakatanaw ako sa isang malawak na lugar kung saan umaasa akong matatanaw ko ang dulo. Ito yung pakiramdam na parang umaasa ka sa isang bagay na imposible yun ang pinakamasakit. Kahit nakapikit kakaiba ang bilis at galaw ng mga daliri niya habang tumitipa sa piano. Kung hindi pa sinabi ni Lucky ang dahilan kung bakit sila nandito hindi ko pa malalamang may pinagdadaanan siya.

Si Lucky nga kaya ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito o part lang ito ng training niya? Hayst! Kahit kailan kasi napaka isip bata.

Napatuwid ako ng upo ng biglang siyang huminto sa pagtipa sa piano. Dahan dahan siyang pumihit at lumingon sa direksiyon namin.

'Lakas naman makaramdam nito! Creep!'

"L-Lucky?"

Bigla akong natawa ng makita kong nangasim ang itsura nito ng makitang tumayo si Lucky sa tabi ni Andi. Agad itong sumimangot at humarap sa piano.

'Nakita muna kalalaking tao ang drama drama. Yan ba Wesley ang walang gusto?'

Hindi na siya humarap sa amin at nakatutok lang sa grand piano at nilalaro ang keyboard. Seryoso at mukhang malalim ang iniisip.

"Wesley, I'm sorry." Lumapit si Lucky sa ibaba ng stage.

"What are you doing here?" blangko ang mukha at parang robot na tanong niya.

"I came here to say sorry. Please huwag kana magtampo." Napakamot pa ito sa ulo.

"Anong ginagawa mo dito akala ko ba malas ako sa buhay mo?" Nagsasalita siya pero sa harap ng piano nakatingin.

"You know i didn't mean it that way Wesley.."

"Diba sabi mo kapag nasa malapit ako may chance na tamaan ka ulet ng bola? Oh, 'bat di mo suot yung HELMET mo?" pabalang na sagot nito.

"Ang dyahe naman kung may helmet ako tapos wala naman akong motor?" hindi ko alam kung nagpapatawa siya pero aaminin kong natawa ako dun.

"Wala akong panahong makipag biruan sayo.."

"Aalis lang ako kapag magkaayos tayo." Matapang na sagot ni Lucky. Umakyat siya ng stage at huminto sa likod ng pinsan ko. Hinawakan niya sa balikat si Wesley ngunit tinabig ang kamay niya dahilan para matanggal ang pagkakahawak ni Lucky dito. Tumingala muna siya ng ilang segundo at malalim na humugot ng buntong hininga.

Walang sabi sabing umupo siya sa tabi ni Wesley at sumandal sa balikat nito.

"I'm sorry. Binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko sayo kanina. Naalala mo first day ko sa Carlisle yung bola mo ang unang nakilala ko." Napapailing na kwento niya. "Sa ayaw at sa gusto ko alam kong nakatadhana ng magtagpo ang landas natin ng araw na yun." Dahan dahang lumingon si Wesley at napatitig sa ulo ni Lucky. "Kung hindi dahil sa walang sawang pangungulit at pagso-sorry mo hindi ko makilala kung sino ka talaga." Pumindot pindot siya sa keyboard. "Kung tutuusin nga ang swerte ko pa dahil ako ang tinamaan mo ng bola. May bukol kana may saksakan pang gwapong John Wesley Ongpauco na kasama."

"Seryoso yun? Gwapo ako?" taas noo at naniningkit pa ang mga mata.

"Opo, dahil kung ibang player ang nakatama sakin nung araw na yun babalik siya sa field na magkaiba ang ulo." Natatawang biro ni Lucky pinanggigilan ang pisngi ni Wesley.

"Talaga?" natatawang pangungulit niya.

'Tss, nasabihan lang na gwapo bumigay na.'

"Talagang talaga." At saka ginulo ang buhok ni Lucky. "Ano ba hindi na nga nagsusuklay ginugulo pa!" sigaw ni Lucky pero hindi naman galit.

"Kaka sorry mo lang nagsusungit ka na naman!" sigaw din ni Wesley sa kanya.

"Charot lang! Bati na tayo ahh." sabay tawa ni Lucky at inakbayan si Wesley. Hindi ko pa nakitang ngumiti ng ganyan si Wesley. Ngayon lang at sayo pa. Ano bang meron ka Lucky Gonzaga?'

"LUCKY ME!" sigaw ni Wesley at pati ako nahawa sa tawanan nila.

"Uuyyyyyy... bati na sila!" Panunukso ni Andi sa dalawa.

"Alis diyan kakanta ako." Mabilis namang sumunod si Wesley.

'Ano raw kakanta siya?'

"Kakantahan mo ko?" nakangusong tanong niya.

"Oo at makinig ka."

Mabilis na umakyat si Andi sa stage at pareho silang tumayo at sumandal ni Wesley sa harap ng piano. Sumunod nadin ako at tumabi sa kanila. Nag stretching muna siya ng kamay at mga daliri at saka dahan dahang tumipa.

SONG TITLE: BRAVE by SARA BAREILLES

You can be amazing

You can turn a phrase into a weapon or a drug

You can be the outcast

Or be the backlash of somebody's lack of love

Or you can start speaking up

Natulala ako ng mag umpisang bumuka ang bibig niya. WTF? Are you kidding me? Hindi ko ine-expect na marunong pala siyang kumanta. No, hindi lang siya basta marunong kundi napakagaling niya.

Nothing's gonna hurt you the way that words do

And they settle 'neath your skin

Kept on the inside and no sunlight

Sometimes a shadow wins

But I wonder what would happen if you..

Si Wesley naman ay di nalalayo sa naging reaction ko ngayon. Kitang kita mo sa mata niya ang malaking paghang. Hindi maalis ang kakaibang kinang sa mga mata nito at pagkakangiti niya.

Say what you wanna say

And let the words fall out

Honestly I wanna see you be brave

With what you want to say

And let the words fall out

Honestly I wanna see you be brave

Bihasang bihasa din ang mga kamay nito sa paglalaro sa piano at mukhang nag e-enjoy siya sa ginagawa.

Bakit pang babae ang boses niya lalake siya diba? Kakaiba yung husay niya sa pagkontrol ng boses at paglalaro ng bawat nota ng kanta at hindi alintana ang pagpa-piano.

I just wanna see you

I just wanna see you

I just wanna see you

I wanna see you be brave

Narinig kong sinasabayan ni Andi ng mahina si Lucky. Narinig ko na isang beses ang kantang ito pero ito yung unang pagkakataong nagustuhan ko siya. Very inspiring yung kanta for someone whose not brave enough to dace or deal his/her own struggles in life.

Innocence, your history of silence

Won't do you any good

Did you think it would?

Let your words be anything but empty

Why don't you tell them the truth?

Say what you wanna say

And let the words fall out

Honestly I wanna see you be brave

With what you want to say

And let the words fall out

Honestly I wanna see you be brave

Bumilib ako sa song interpretation ni Lucky. He's voice alone can catch everybodys attention, idagdag mo pa ang kakaibang personality niya. Napaka powerful ng boses niya kahit mataas na yung kinakanta niya mukhang hindi siya kinakapos ng hininga. And the most amazing thing is he sung from the heart kaya nakaka good vibes talaga.

Nakaramdam ako ng pagkailang ng lingunin niya ako matapos siyang kumanta. Nag palakpakan kaming tatlo na parang mga dakilang fans niya. Natatawang nag bow naman siya sa gitna.

"You never fail to amaze me!" nakangiting tinusok tusok ni Wesley ang pisngi ni Lucky. Napatikhim naman si Andi sa tabi ko na parang gulat din sa nakikita sa kanila.

"Piano ka ulet yung kanina yung nakaka relax. Pagod ako eh." Malambing na request ni Lucky at hinila si Wesley paupo sa harap ng piano. Tumayo naman si Lucky sa tabi ko at tumabi naman si Andi sa pinsan ko.

Nasa kalagitnaan na siya ng kanta ng biglang mamatay ang ilaw sa buong hall.

Tumahimik muna kami ng konti.

*3

*2

*1

"KKKKKYYYYYAAAAAAYAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"

Parang mga babae tilian nina Andi at Lucky. At nagulat ako dahil bigla na namang ma mahigpit na yumakap sa akin. Hindi na ako nanibago mukhang pamilyar na rin yung katawan ko init ng katawan niya.

Mukhang namimihasa na ata siyang yakapin ako kung kailan niya gusto ah. Tch!

Muli ko na namang naamoy ang mabangong buhok niya. Nandun parin yung kakaibang kiliti na parang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko ng madikit sa mainit at malambot na balat niya.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman kong gumalaw ang labi niya habang nakadikit sa kanang dibdib ko.

"I'm sorry.. I'm sorry takot ako sa dilim Kenneth." mahinang sambit niya sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ako sasagot ng hindi ako mapapaungol.

"Its okay." Mahinang sagot ko at para kaming magnet na lalong nagkadikit. Isinandal ko ang baba ko sa ibabaw ng ulo niya at habang ang isang kamay ko naman nasa bewang niya.

'PAAAKKINNNENGSHEEEEET! Galit na naman siya bro!'

Nasilaw ako ng may liwanag na tumama sa direksiyon namin ni Lucky. Si Wesley habang hawak ang cellphone bilang flashlight niya. Nakita ko kung paano nagsalubong yung kilay niya ng makitang magkayakap kami ni Lucky. Ilalayo ko na sana ang katawan ko kay Lucky ng bigla niyang hilahin ito sa braso papalapit sa kanya. Naka pikit namang sumunod si Lucky.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ng pinsan ko.

"Promise hindi na ako talaga magbabasa ng libro kapag madilim. Kakain na ako palagi ng sangkaterbang kalabasa. Hindi na ako magpupuyat at maaga na akong matutulog LORD ayoko pa pong mabulag!" parang batang maiiyak si Lucky habang nakapikit.

"Hahaha! Lucky you're so cute." Natatawang sagot ni Wesley.

"Andi lumabas ka diyan sa itim mong yan mahihirapan kaming hulaan kung nasaan ka." Natatawang biro niya pa kaya natawa nadin kaming magpinsan.

"Teka sesshie hindi ko makita yung phone ko." saka biglang may bumukas na phone at nakita namin siya sa gilid ng grand piano."Maygad! Hirap talaga kapag olive skin 'di ka makita sa dilim!" Banat ni Andi paglapit sa amin.

"Anong olive skin?" nagtataka tanong ni Wesley. Buti nalang naitanong niya dahil kahit ako nagtataka.

"Yung kulay niya." Sagot ni Lucky sa tanong ni Wesley. "Dami kasing alam.." pabulong na dugtong niya.

"Olive Skin hindi mo alam Mister Ongpauco? Its so simple sa tagalog kutis "Bayag." Malanding sagot ni Andi. Nagkatinginan muna kaming magpinsan.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" tawanan naming dalawa at nahawa narin si Lucky.

"Tandaan niyo yan puputi din ako!"

"Oo pag itim ni Kenneth. Hahaha!" sabay tawa ni Lucky.

'Tss pati kulay ko dinamay pa. Pero natawa din ako sa sinabi niya.'

At sabay sabay tumawa ng malakas papalabas ng Hall habang nangangapa kami sa dilim.

To be continued..