webnovel

Loving You Is Enough

Atalia should forget everything about that boy who caught her young heart in her teenage years, he may have gotten married already and has his own family now. Until they met again and she learnt that he’s still single and very available. Would they be able to continue their supposed to be beautiful relationship that they had back then?

jadeatienza · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Drive

Chapter 2. Drive

TINATAWANAN si Lia ng kanyang kaibigan na si Julie Ann nang iginiya siya sa pwesto nito sa opisina. Ilang sandali pa itong tumawa bago tumikhim para masimulan na siyang matulungan nito.

"Do you have an authorization letter?" her friend asked. Nangunot ang noo niya. Wala siya no'n!

"Wala, e. So babalik pa pala ako?"

Umiling ito. "Don't worry, we'll just send it to your father's email. Pa-scan niya, then sign it using a black pen. Tapos scan ulit, then send it back to me." Marami pa itong sinabi para ma-proseso agad ang mga kakailanganin.

Tumawag siya sa kanyang Papa at sumisigaw na ito nang sagutin siya. He then calmed down when she started explaining everything. Pero masama pa rin ang loob niya dahil sa mga pinagsasabi nito kanina. He didn't even say sorry, as always. But, oh well, she would move on in no time. Sanay naman na siyang sabunin o bungangain ng kanyang Papa.

The process went smoothly. Pero dahil marami siyang kulang na papel ay natagalan ang pag-proseso. Pinauna na niya ang ibang mga nasa queue dahil kulang pa naman ang mga kailangan niya.

Mag-a-alas siete na ng gabi silang natapos ni Julie at lagpas office hours na. Kung hindi niya ito kaibigan ay hindi na siya aasikasuhin dahil lagpas na sa oras ng trabaho nito.

"Sorry, nag-overtime ka tuloy," hinging-paumanhin niya noong nagliligpit na ng gamit ang kaibigan.

"It's okay. Sanay ako sa OTy," nakangising sagot nito.

Nang makababa sila sa gusali ay nangunot ang noo niya nang may ilang kababaihan ang bumubulong at impit na nagtitilian.

"Grabe, ang gwapo!" impit na tilig ng isang teenager.

"Kanina ko pa iyan nakikita riyan. Kahit nakasandal lang, parang hulog ng langit ang kakisigan!" anang isang haliparot na estudyanteng bumibili ng kwek kwek. Sinamaan niya ng tingin ang mga iyon.

Kay bata-bata, kumekerengkeng na!

"Ang gara ng sasakyan, 'tol!" komento naman ng isang lalaking nakatambay sa may tindahan malapit sa nagtitinda ng kwek kwek.

"Oo nga, Cadillac!"

Sa narinig ay mabilis na napalingon siya sa tinitingnan ng mga tao. Nanlalaki ang mga mata niya nang makitang si Leonard nga ang pinag-uusapan ng mga ito! Prenteng nakasandal sa nakasarang pinto ng sasakyan.

"Julie, wait lang," paalam niya sa kaibigan at lakad-takbong tinungo kung saan naka-park ang sasakyan ng binata.

"Are you done?" bungad nito nang makalapit siya. Napansin niyang iba na ang suot nitong pang-itaas.

"Nagpalit ka?"

"Ah, yes. I have spare clothes in my car. Nagpalit ako roon." Tinuro nito ang palikuran sa gusali. "Tapos ka na ba?"

Wala sa sariling tumango siya, nalimutan ang mga itatanong kung bakit pa ito nandoon, o kung kumain na ba ito.

Ngumiti ito. "That's good, then. What do you want to eat?"

"Ah... Eh. Kasama ko kasi si Julie, iyong kaibigan ko, niyaya ko na ring kumain kasi matagal-tagal kaming h-hindi nagkita," mahinang usal niya habang nakayuko. "Sorry, nakalimutan kong magpaalam kanina. Akala ko kasi, magsasara na..."

What's the point of explaining?

"Ihahatid ko na kayo."

"Ha?"

"Uuwi ka ba?"

"Oo, pagkatapos kumain."

"Gabi na. Ihahatid na kita sa 'tin pagkatapos ninyong kumain," alok nito.

"Ang layo!"

"Exactly. That's why I will drive you home."

"Pero—"

"Don't worry, uuwi naman ako. Isipin mo na lang, isasabay kita," agap nito nang mahalatang nagdadalawang-isip siya.

Tumango siya. "Sumabay ka na ring kumain sa amin," alok niya.

"Ihahatid ko kayo kung saan kayo kakain, pagkatapos ay tawagan mo na lang ako kapag tapos na kayo."

"Bakit hindi ka pa sumabay?"

"Gusto ko, pero ayokong mailang ang kaibigan mo sa akin. Hindi kami magkakilala. Saka para may oras na rin kayong makapagkwentuhan," dahilan nito. "Take your time with your friend, okay?"

Napatango siya. He has a point. "Heto pala ang number ko." Kinuha niya ang cellphone sa bag para makipagpalitan ng contact number dito.

"No, it's alright. I'll just give you my number."

Nangunot ang noo ni Lia sa sinambit ni Leonard. Ano'ng ibig sabihin nito? Ayaw ba nitong i-save ang contact number niya?

"I have yours," kaswal na sagot nito.

He had her number? Paano? Matagal na siyang nagpalit ng contact number kaya imposibleng alam nito ang gamit niya.

"Silly," he pinched her nose. "I got it the moment you changed your number."

Napamaang siya sa isiniwalat nito. That was like four years ago!

"Lia, boyfriend mo?"

Napakislot siya sa tinanong ni Julie. Hindi niya namalayang nakalapit na ito. Tumikhim siya at umiling.

"Kaibigan ko," paglilinaw niya. Ngumisi ng malapad si Julie Ann.

"Oh, sige, saka na tayo kumain, mukhang may lakad ka pa." Ramdam niya ang panunudyo nito sa kanya.

"Wala na, ikaw talaga ang pinunta ko rito," sagot niya. "Siya nga pala si Leonard. Leonard, si Julie Ann, classmate ko noong college."

They shook their hands.

"Hmm..." tila nag-iisip si Julie. Lumapit sa kanya at may binulong. "Yayayain sana kitang mag-bar hopping, e," amin nito. "You can sleep at my pad," dagdag pa nito.

"Uh..." She did not know what to say. But she wanted to try bar hopping. She'd never been to a bar or a club before. Masyado niyang ginugol ang oras sa kanyang pag-aaral ng Nursing. She just graduated before she turned twenty-four last August the first. Ngayo'y abala siya sa review para sa board exam. Dapat ay last two years pa siya nakapagtapos pero hindi kasi siya nag-enroll matapos ng unang taon niya sa kolehiyo. She needed time for herself to think about what she really wanted to be. At sa loob ng dalawang taong iyon ay nagtrabaho siya bilang isang Customer Service ng isang International Health Care Brand. Doon niya na-realize na hindi siya magsisisi sa kursong tinahak, kaya nag-resign siya at nag-enroll ulit para ipagpatuloy ang Nursing. Other people said she wasted her time, but she'd not care about it. Napagtanto naman kasi niyang hindi siya magsisisi sa landas na tinahak.

"Wait, I forgot my bag, balikan ko lang," ani ni Julie at bumalik ulit sa loob ng gusali.

"Huh? Pero ayab ang bag m—"

Tumalikod na ito.

She's biting her lips while looking at the ground. Paano ba niya sasabihin kay Leonard na gusto niyang sumama sa kaibigan?

"You can go, I'll wait for you," bulalas nito.

Mabilis na nilingon niya ito at nagtatakang tiningnan.

"I'll drive you to where you're going, too," he added.

"Did you hear us?"

Umiling ito. "I... Nahalata ko lang sa reaksyon mo."

She bit her lips and lightly nipped it. Nahihiya siya rito. He even waited for hours, tapos ngayo'y sasamahan pa siya nitong mag-bar. Oo nga't ihahatid nga lang sila nito pero nakakahiya naman kung hindi niya yayayain.

"Magba-bar hopping sana kami," maliit ang tinig niyang sambit.

"Bar..." namamaos nitong untag.

"Oo."

"Gusto mo ba talagang pumunta?"

Dumiin ang pagkagat niya sa kanyang labi saka tumango.

"Huwag mong kagatin ang labi mo..." pabulong na utos nito. Awtomatikong pinakawalan niya ang pagkakakagat at tiningnan ito. "Baka nagsugat iyan kung hindi mo titigilan ang pagkagat."

She stopped. "Uuwi na lang ako," desisyon niya.

"Why? I though you'd like to go bar hopping?"

"Sa susunod na lang."

"I won't be there next time."

"Huh?"

"Nothing," sagot nito.

Napamaang siya rito. Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ito ngayon. He was now an engineer. A world's renowned. Ayon sa mga nabasa niyang mga article ay maraming mga bago at sikat na mga gusali na ito ang naging engineer, partikular na sa Japan, kung saan ito nagtapos ng pag-aaral... Ah, yes, how could she forget that? He went to Japan with his pregnant fiancée.

Gaga, hindi si Flare ang fiancée niya, Kastigo ng kanyang isipan. She knew Flare because she was one of her school mates back in high school. La-batch at matalik na kabigan ni Leonard.

Kung sino man iyon ay hindi na niya aalamin. Mula nang mabalitaan niyang engaged na ulit si Leonard habang nasa Japan ito ay hindi na siya nag-abalang alamin ang relationship status nito. Bakit pa? Hindi naman niya sinagot ang huli noong ligawan siya. Nitong nakaraan lang ulit niya s-in-earch online ang pangalan ng lalaki at iyong mga achievements nito ang tumambad sa kanya. Better than what she saw before, which was about his engagement to the daughter of a business tycoon.

"Lia, are you alright?" his low baritone.

Doon pa lang siya matauhan. Buti na lang ay nakabalik na si Julie bago pa siya makapagsalita. At wala rin naman pala siyang alam na sasabihin.

"Sa susunod na lang pala tayo lumabas, Lia, nagkayayaan ang mga katrabaho ko, e," salubong nito sa kanya. Bago pa makasagot ay naglakad na ito papalayo. She was waving goodbye to them. "Ingat kayo!"

Leonard opened the shotgun door and she didn't have any choice but to go inside. Now, she couldn't ignore her crazy heartbeats over him anymore.

"Where would you like to eat?" tanong nito nang makaupo na sa driver's seat.

Hindi siya agad nakakibo at napakislot siya nang ilang dangkal na lang ang lapit nito sa kanya. Lumingon pa ito sa kanya at sinalubong siya ng mabangong hininga nito. Napatuwid siya ng upo at napasandal. Cliché it may be but she felt that her breathing had stopped for a second their eyes locked. He smirked at her when he finally put her seat belt on.

"H-huwag na tayong kumain. Inaantok na ako," dahilan niya. Hindi pa rin ito lumalayo sa kanya.

"But you still didn't eat."

"Please?" pakiusap niya.

He just sighed and agreed. Pagkuwa't lumayo na at ini-start ang engine ng sasakyan.

Nang magmaneho na ito ay nagpanggap siyang inaantok at hinilig ang ulo sa may bintana. Ngunit kalaunan ay nagkatotoo ang antok niya. Hindi niya namalayang hinila na siya ng antok hanggang sa makatulog na nang tuluyan.