webnovel

Loving You Is Enough

Atalia should forget everything about that boy who caught her young heart in her teenage years, he may have gotten married already and has his own family now. Until they met again and she learnt that he’s still single and very available. Would they be able to continue their supposed to be beautiful relationship that they had back then?

jadeatienza · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Dangerously

Chapter 1. Dangerously

KINAILANGANG lakarin ni Lia ang SSS, o Social Security System, ng kanyang ama dahil wala ito sa bansa para asikasuhin iyon. Hindi na kasi nito natuloy ang paghulog sa monthly contributions mula noong mangibang-bayan ito anim na taon na ang nakalilipas. She was still eighteen then. Now that she's twenty-four, she wanted her Dad's SSS account to be reactivated so when he retired already, he'd be receiving monthly pensions from it. She wanted to give him the assurance of the social security protection. Kaya lang ay hindi mangyayari iyon kung hindi lalakarin ngayon.

Kabababa lang niya sa Cubao mula sa sinakyang van nang makita niya ang ang supermarket kung saan malapit ang gusali ng SSS, doon naka-destino ang empleyadong maaari niyang puntahan para magpatulong sa paglalakad ng mga kakailanganing papeles. Luminga-linga siya sa paligid at binuksan ang Google Map, isang application sa smartphones kung saan nase-search ang lugar na puputahan at ibibigay sa iyo ang direksyon, para tingnan kung nasaan ang lugar. Pero hindi yata talaga sila magkakasundo ng Google Map dahil sa huli'y nagtanong-tanong pa rin siya sa mga tao. Makalipas lang ng ilang minuto ay nasa harap na siya ng gusali.

"Good morning po," bati niya sa security guard. "Hinahanap ko po si Jason..." She glanced at her cellphone to make sure she's looking for the right person. "...Laquindanum po."

"Ah, si Sir Jason? Tingnan n'yo na lang sa Priority Lane. Pero break yata niya ngayon. Pumila ka na lang, may mag-a-assist naman," magalang na sagot ng gwardya at binigyan siya ng number.

Ang sabi sa kanya ng papa niya ay hindi na niya kailangang pumila at kumuha ng number basta hanapin lang daw niya iyong si Jason. Pero mukhang nagkamali ito.

"Sinabi ko na kasing kay Julie na lang ako magpapatulong, e!" naiinis na bulong niya nang makita ang mahabang pila. Tinutukoy niya ang kanyang kaibigan mula noong college. Nagtatrabaho kasi ito sa isang branch ng SSS sa Pasig.

She immediately chatted her dad:

'Pa, wala pa po iyong taong sinasabi ninyo. Break time daw po.

After few minutes, her dad replied:

Hintayin mo na lang. Basta ipakita mo iyong chat ko sa iyo. Alam na niya no'n.

She did. She waited for almost an hour. But when that certain person went back from his lunch break and she shown him the messages, he didn't assist her. Instead, he let her fall in line and assisted the Senior Citizens first.

"Sorry, priority lang dito," agap nito nang lumapit siya matapos asikasuhin ang isang senior citizen.

"Okay, understandable. Senior ang mga iyon," bulong niya sa sarili. Noong tapos na ang limang nakapila sa lane ay lumapit ulit siya.

"Ano'ng number mo?" he asked.

"Sir, ako po iyong anak ni Winston Montez, iyon pong pinakiusapan ng kaibigan ninyo na pa-assist daw po," ulit niya sa sinabi kanina. Kumunot lang ang noo nito.

"What do you mean?"

Nangunot din ang noo niya nang makitang nagtataka ito.

"Heto po iyong number." Mabilis na pinakita niya ang SSS number para i-pull out ang account ng kanyang Papa.

"O? What's wrong with this one? I was asking about your queue number though?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Wasn't it a bit rude to ask her that way? Kaya nga nandito siya para magtanong tungkol sa account.

Lalo siyang nagtaka. Akala ba niya ay alam na ng taong ito ang gagawin kapag pinakita niya ang account number ng papa niya?

The guy—if she guessed it, was about her age or older—just sighed. Pagkuwa'y t-in-ype ang account number ng Papa niya.

"Maghuhulog po sana ulit ng contributions and magpapatulong po sa pagbayad sa loan, may balance pa kasi siya," esplika niya.

"Ay, hindi rito ang pila ng payment, Miss. Doon ka," taboy sa kanya nito.

"I won't pay today. I mean, I can't... yet. Ang sabi mo raw ay may kailangan pang lakarin sa loan and sinabi po ng papa ko na alam mo na—" She stopped speaking when she noticed that he really didn't know anything about it.

Pinagtaasan siya ng kilay ng lalaki.

She plastered an apologetic smile and went outside the building.

"Miss!" tawag nito sa kanya. Hindi niya namalayang nakasunod ito.

"Salamat na lang po, sabihin ko na lang kay Papa na hindi mo ako ma-a-assist," pinipilit niyang huwag maluha.

"Sorry, I was too preoccupied. I'll assist you. Huwag ka nang pumila roon. Hindi—"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito saka tuluyang lumabas. Alam niyang hindi na ito makakasunod dahil oras na ng trabaho nito.

Sa sobrang pagkapahiya ay hindi niya namalayang tumutulo ang kanyang luha. Dumiretso siya sa ladies' room para kalmahin ang sarili.

She immediately typed in a message:

Hindi raw alam niyong taong nakausap ng kaibigan mo ang tungkol sa account mo, 'Pa. Umalis na lang ako. Pumunta pa akong priority lane para lang subukang huwag nang pumila gaya ng sinabi mo. Nakakahiya!

And she sent it to her dad's messenger's account. Ilang sadali lang ay tumawag ito. Galit na galit.

"Bakit ka umalis? Bakit hindi mo hinintay? Sandali, ka-chat ko iyong kakilala ko! Bumalik ka roon!"

"Kakilala lang, 'Pa? Paano kung hindi naman pala niya nasabi—"

"I sent you the screenshot of our conversation, Atalia! Now, get your feet back and ask for that Jason to assist you," matigas na utos nito. At nagsalita ulit, "O, eto, nag-reply na. Bumalik ka raw roon sabi ni Jason. Nalito lang daw siya kanina dahil hindi alam na ngayon ang punta mo. Ang akala niya raw, sumisingit ka lang sa pila. Hindi siya nasabihan ng kakilala ko," agap na nito nang hindi na siya kumikibo.

"No, 'Pa," matigas na tugon niya at pinutol ang tawag kahit pa sumisigaw na ang nasa kabilang linya. She'd never go back there. Ang rude! Magrereklamo siya!

Mabilis na t-in-ext niya ang kaibigan. She couldn't call her now, it's work time. Maybe she'd reply to her text messages though. Tinanong niya kung saan siya sasakay ng jeep at kung saan eksaktong bababa.

Nasa bus terminal siya nang may tumawag sa kanyang pangalan. Agad na lumingon siya para tingnan kung sino iyon. The guy was waving at her and smiling all ears.

"Leon..." mahinang usal niya.

Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito?

Bago pa makapag-isip ng kung ano-ano ay nakalapit na ito. Damn. She's lost of words. The last time she saw him was just weeks ago. And he was wearing a formal suit that made him looked dangerously handsome. And now that he's only wearing casual clothes—a pastel brown v-neck shirt, ripped jeans and a pair of white running shoes, he's still that dangerously handsome! His clean-cut hair was a bit damp from... sweat? Now that she noticed it, his yellow shirt was a bit damp, too. Napalunok siya nang mapansing bakat ang matipuno nitong dibdib.

Isang tikhim ang nagpabalik sa kanyang isipan. Lumipad ang tingin niya sa mala-abo nitong mga mata, na namamanghang nakatitig sa kanya. Ang ilong nito'y matangos na tila may dugong banyaga. Pero hindi roon natigil ang paglakbay niya ng tanaw sa mukha nito.His sharp jaws were godlike, parang iskultura. His thick lips were reddish, and his stubble were growing, para bang sinadya na huwag mag-shave o baka nakaligtaan lang.

I wonder if those would be ticklish if he—

"Lia, are you alright?"

Napakurap-kurap siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Kasal na ang lalaking ito para pagpantasyahan niya!

Gaga ka kasi, kung sinagot mo ba naman siya noon, ikaw na sana ang Misis ngayon! Kastigo ng kanyang isipan.

Umiling siya. "Ayos lang ako. I'm just..." She paused for a while. Thinking if is it okay to tell him. "Ikaw, bakit ka nandito?" pag-iiba niya sa usapan.

"I just checked the site," kaswal na sagot nito.

Awtomatikong napalingon siya sa construction site sa tabi ng bus terminal. Tirik na tirik ang araw at kung doon ito galing, that explained the reason why he's sweaty.

"Ahh..." wala sa sariling sagot niya. "Tara, maupo muna tayo," aniya at bago pa siya maupo sa mga upuan ng terminal ay nagsalita ito.

"Doon tayo," anito at tinuro ang isang sikat na coffeeshop.

Mabilis na naglakad siya papuntang coffeeshop at um-order ng kape. She even almost forgot about Leonard.

"Oh, I'm sorry, ano ang sa iyo?"

"Same with yours," sagot nito.

"Make it two, please," baling niya sa cashier at nang kukunin ang perang pambayad sa bag ay naabot na ni Leonard ang itim na card nito.

Hindi na siya kumibo at humanap na ng mauupuan. Umupo ito sa katapat niyang silya at ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanila.

Tumikhim ito. "Now, tell me, bakit nandito ka?"

Sumimangot siya. "Bawal na ba'ng magpunta ng Maynila ang probinsyanang gaya ko?"

"I didn't mean..." Natigil ito sa pagsasalita. "Wait! Did you cry?" masuyong tanong nito nang pakatitigan ang mukha niya. "Are you los—"

She just sighed to cut him off. I'm not lost!" angil niya. At nilahad ang dahilan kung bakit siya nandoon.

"Why are you here, then? Sa kabila pa ang building ng pinupuntahan mo." Ang sinabi niya lang kasi ay may kailangan siyang lakarin. Hindi niya ipinaalam na nanggaling na siya roon.

"I know, I already went there," nanlulumong aniya. "Akala ko kasi maaasikaso ako roon, pero hindi pala..." Namalayan na lang niyang para siyang bata na nagsusumbong dito.

"Is that the reason why you cried?"Nagtagis ang bagang nito.

Marahan siyang tumango.

"Let's go there. Irereklamo ko siya," matigas na sabi nito. Tila mas galit pa yata ito kaysa sa kanya.

Umiling siya. "I have to finish this now or else, magagalit lalo si Papa," katwiran niya. "I was just waiting for my friend's reply. Hindi ko kasi alam kung paanong pumunta sa Pasig. Baka maligaw ako."

"Tara," yaya nito.

"Saan? Hindi pa ako tapos."

"Ihahatid kita sa Pasig," agap nito.

Dahil na rin siguro sa kailangan niya ng tulong nang hindi nangangamba sa taong hihingan ng tulong, kaya siya pumayag na ihatid nito.

At dahil traffic, ang tantiya niyang tatlumpung minutong biyahe gaya ng na-search niya online, ay umabot ng halos isang oras. Lulan na siya ng sasakyan ni Leonard nang makatanggap ng mensahe kay Julie. She's asking if where was she.

"Nasaan na tayo?" she asked Leonard.

"Eastwoods," tipid na sagot nito nang hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Malayo pa ba?"

He glanced at her, then back om the road. "Malapit na."

Mabilis na nag-reply siya sa kaibigan:

Malapit na raw kami, na-traffic lang kasi.

Julie replied:

Ha-ha! Welcome to the city wjere traffic is part of everyday life.

She typed a message:

Luka-luka!

She stared at Leonard and she couldn't help but be amazed that she's really with him. He glanced at her that made her lowered her gazes.

"We're almost there," pagbibigay-alam nito. True to his words, makalipas lang ng ilang minuto ay nakarating na sila. Agad na nahanap niya ang gusali at pumanhik doon.Kaya nga ba natarantangumibis siya sa sasakyan at patakbong pumanhik sa hagdanan. She even forgot to say 'thank you' to Leonard. Nakakahiya naman na tinulungan na nga siya nitong makarating roon, tapos ay bigla na lang siyang umalis. Paano'y mag-a-alas sinco na at baka magsara ang opisina!

Mamaya na, Lia! May hinahabol kang oras!

Humahangos pa siya nang makapanhik sa taas; sinalubong siya ng kaibigan.

"Julie Ann!" humahangos niyang bulalas.

"Tumakbo ka?" natatawang pansin nito nang hinihingal siya.

"Oi, b-baka magsara na kasi kayo," dahilan niya.

"Ano ka ba, it's just four o'clock!"

Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang relo. Alas sinco ang nandoon. Pinakita niya iyon kay Julie.

Natatawang umiling ito at tinuro ang malaking wall clock. It's just four:fifty-six!

"Nakakaloka!" bulalas niya.