webnovel

LOVERS IN FICTION [TAGALOG]

Emery Joule was hated and got bullied for being different from the norms of the people around her. So, she changed herself, not to fit in but to hide. One of the things that she dislikes is attention. But then a strange man came into her life and made her believe about the things that never even crossed her mind. Strangely, no matter how hard she hides, this man always has his eyes on her. Always! Paano kung mangyari sa totoong buhay ang pinapangarap mong love story katulad ng nababasa mo sa libro at napapanuod sa TV? Is real love stories are sweeter than fiction? Or bitter than reality? • a novel about love, self-love and trust •

zionhanabi · Adolescente
Classificações insuficientes
10 Chs

KABANATA 3

Safer

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon kakaisip sa kanya. I think I like him. His eyes are so dreamy... His lips are so seductive. Kung gaano ako kabilis na nahulog ay ganon din siya kabilis na nawala. I've been scribbling his name in my notebook since I sat down our class.

"Ano 'yan? Doodle?" Usisa ni Jean habang sinisilip ang notebook ko.

Lumabas na ang prof namin para sa unang klase at naghihintay na lamang sa pagdating ng sunod. Unang araw ng pasok namin ni Jean sa Rosehill. 'Di tulad noong unang punta namin dito na pinagtitinginan kami, ngayon nag blend in kami sa crowd.

White top at green pants ang itsura ng aming uniform. Nakahanap naman akong tig-200 lang na itim na sapatos at bag. Pag pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko, lahat sila talagang mayaman. Bagong bag, bagong sapatos, bagong gadgets, bagong gupit pati boyfriend bago rin!

Wala rin pala silang pinagkaiba sa mga kaklase ko noong highschool. Ang pinagyayabang nga lang nila ay ang yaman nila at kung saang bansa sila nagpunta.

"Baliw. Hindi..." sagot ko.

Jean snorted. "Nabaliw pa nga..."

Sinarado ko ang notebook ko at binalik sa backpack. Ngumuso ako at pumangalumbaba. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip sa lalaki na 'yon! Kung narinig ko lang sanang maayos ang pangalan niya, edi ayos!

Umayos akong upo nang bumukas ang pintuan. Akala ko ay prof namin pero grupo pala ng mga kababaihan. Lima silang matatangkad at makikinis na babae, perfectly made rin ang mga make-up nila. May hawak silang flyers pero piling babae lamang ang binigyan nila.

Sa dulo kami ni Jean nakaupo. Nagkatagpo ang mata namin nung pinaka maganda sa kanila at nginitian ako. Hindi ako agad ngumiti at ayokong mag-assume na para sa akin nga 'yon pero naglakad siya patungo sa kinauupan ko.

"Hi!" mas lumuwag pa ang kanyang ngiti pag-abot niya ng flyers.

She's wearing braces with white brackets. Nginitian ko na siya at kinuha 'yon. Pinasadahan kong tingin ang nakalagay doon. Nagre-recruit pala sila ng bagong ambassadress. Exclusively para sa magaganda! I couldn't help but winced.

"You'll get 10% discount sa tuition of you join, Miss!" She said merrily.

"Ako wala?" Sabat ni Jean.

"Hmm, sorry, hun, but you're not qualified." Sagot niya sa maarteng tono.

Binalingan ko si Jean na nakataas na ang kilay sa babae. Bakit naman hindi magiging qualified si Jean? She's chubby but that made her more beautiful! Tinignan ko ang babae na kanina pa nakatanga sa harapan ko. Inabot kong muli sa kanya ang flyer at ngumiti.

"Scholar na ako, e. Hindi ko na kailangan ng discount." Sabi ko.

Her lips twitched. Hinugot niya ang upuan sa likod niya para makaupo. Naka-ponytail ang mahaba niyang buhok na sumasayaw sa pino niyang galaw. Ngumuso siya at nilapag ang flyer sa harapan ko, nagpapaawa.

"It's still sayang! You'll be one of the ambassadress of our school kung sasali ka. Maraming gustong sumali pero hindi naman sila qualified. Try it out!" pangungumbinsi niya.

Umiling ako.

"Laycean, come on! Blanca's waiting!" tawag nung kasama niya.

She stood up. "Fine! Sayang talaga! Maganda ka pa naman..." Bumuntong hininga siya habang umiiling sa panghihinayang.

Mahirap nang mapasama sa mga katulad nilang mayayaman at hindi ko rin kayang makipagsabayan. Nandito ako para mag-aral at hindi sumali sa ganon. Bibigyan ko lang ng sakit ng ulo ang sarili ko. Wala rin naman akong budget pampaganda, e.

Inabot na kami ng gabi ni Jean sa kalsada. Anim na subject ang tini-take ko, sakto sa seventeen units na requirement ngayong semester para sa mga scholar. Isang oras lang ang break at 'yon ay lunch break, pagdating ng ala una ay sunod-sunod na.

Unang klase pa lang kaya hindi pa mahirap. Nagpakilala lang ang ibang prof at umalis na. 'Yung iba naman tinignan lang ang aming registration form. Kapag dumating na ang next week tiyak na magiging mabigat na gagawin ko lalo kung magsabay-sabay ang projects at assignments.

Pagkauwi ay nagsaing akong dalawang takal ng bigas para sa almusal at baon sa trabaho bukas. Ako na lang kasi mag-isang nakatira dito sa bahay. Stay-in na si Kuya sa permanente niyang trabaho bilang driver-bodyguard ng mga Montes. Ang mga Montes ay kalaban ng pamilyang Rizaldo pagdating sa Hotel & Restaurants, pero kahit anong galing nila ay pumapangalawa lang lagi sila.

Mas maganda na ring may permanente na siyang trabaho para hindi ako magalala gabi-gabi kung nasaan siya. Hindi na niya kakailanganin pang mag triple job tutal naman ay scholar na ako, e. Pagkasaing ay nagbihis na akong pampabahay. Nilabhan ko na ang uniform kong hinubad at plinantsa naman ang sa hotel.

Kausap ko si Kuya sa cellphone habang kumakain. Kwento niya'y nuknukan daw ng sama ang kanyang bagong amo. Pagkatapos kong asikasuhin ang pinagkainan ay nagbasa muna akong libro bago maisipang matulog.

"Iniisip mo pa rin 'yung dream guy mo?" Tanong ni Jean habang nagbibihis ng uniform sa harapan ko.

Tumango ako at dismayadong bumuntong hininga. Hindi ko talaga siya maialis sa isipan ko. Nagsisimula na akong mainis sa sarili ko!

"Totoong tao ba talaga 'yan o imagination mo lang? Basa ka kasi nang basa ng romance book kaya..."

Natigilan kami sa paguusap nang dumating ang iba pa naming kasamahan. Magmadali na kaming lumabas ni Jean. Bukod kay Ate Sam, wala na kumakausap sa amin. In short, ayaw nila sa amin. Sa akin. Ako ang pinagiinitan nila at pinagpapasahan ng trabaho.

Hindi naman ako makaangal dahil nakasalalay sa kanila ang scholarship ko. Isang sumbong lang nila na tatamad-tamad ako, kahit hindi totoo, matatanggal ako sa pagiging scholar. Tinitiis ko na lang para sa magandang buhay.

"MJ?"

Itutulak ko na sana ang trolley nang lumabas si Ate Rizza para tawagin ako.

"Po?" Humarap ako.

"Ikaw na naman ang ni-request ni Sir Alfie na maglinis sa kwarto niya! Bilisan mo roon para madami kang malinisan." aniya sabay taas ng isang kilay.

Bumulong-bulong pa siya pagbalik sa locker room. Suminghap ako at nagpatuloy na sa pagtutulak ng trolley. Nauna na sa 30th floor si Ate Sam at mage-early out daw siya para sa anniversary nila ng boyfriend niyang si Kuya Eman. Malakas naman siya sa mga nakatataas dahil matagal na at regular.

Sa west wing ng hotel ang kwarto ni Sir Alfie kung saan ang mga presidential suite. Last week, isang beses ako lang mag-isa naglinis at sumama ang tiyan ni Jean. Unang pasok ko ay busog na busog ang mata ko sa ganda ng silid na white and gold ang bawat disenyo.

Naabutan ko pa nga si Sir doon pero hinayaan niya akong gawin ang trabaho ko. Natagalan nga lang ako sa sobrang laki ng presidential na dapat ay tatlong tao ang naglilinis. Metikuloso pa naman si Sir.

Isa si Sir Alfie sa mga investors ng Reussie kaya inaayos kong mabuti ang trabaho. Siguro ay napansin niya iyon kaya ako lagi ang gusto niyang maglinis.

Kumatok muna ako sa kwarto bilang pagsunod sa protocol. As expected, pinagbuksan ako ni Sir na may ngiti sa labi. Sa wari ko'y nasa early thirties ang edad niya at matipuno rin. Hindi na katakataka bakit andaming naiinis sa akin kapag pinapatawag ako ni Sir. Tuwing maglilinis ako ay narito pa rin siya at minsan pa'y nakikipagkwentuhan sa akin.

Hininto ko ang trolley sa likod ng couch. Kinuha ko ang basahan at cleaning spray. Nakahilig sa glass window si Sir na ngayon ay sumisimsim ng alak sa maliit na baso. Pansin kong ginagawa niyang kape ang alak sa dalas uminom.

"How old are you again?"

"Kaka-twenty ko lang po, Sir." Sagot ko habang patuloy sa pagpupunas ng glass table.

"Oh? So when is your birthday?"

"December 13 po, Sir Alfie."

He laughed abruptly. "Wag mo na akong tawaging sir. Alfred na lang, Emery."

I laughed awkwardly without looking up. I could hear the ice hitting the glass as he shook it. Nang matapos ay bumalik ako sa trolley para kunin ang vacuum. Ang carpet naman ngayon ang pinupuntirya ko. Nagulat pa ako nang makitang nakaupo na pala si Sir sa couch, nakatitig sa akin.

May sinabi si Sir na hindi ko narinig kaya hininaan ko ang vacuum.

"Do you have a boyfriend, Emery?" He then smirked.

Mabilis akong umiling at nagpatuloy sa paglilinis. Nagpaikot-ikot na ako sa buong kwarto at patuloy pa rin sa panguusisa si Sir.

"Imposibleng walang nanliligaw sa'yo. Sa ganda mong 'yan?"

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matawa sa sinasabi niya. I hate it when men think that it's a compliment for us. Binilisan ko ang paglilinis para makaalis na sa kanyang silid. Nakaramdam akong ilang nang tanungin niya ako tungkol sa personal kong buhay.

Naging ganoon pa rin ang tagpo sa mga sumunod na araw. Hindi ako tinantanan ni Sir hangga't hindi ko binibigay ang aking numero. At kahit tapos na akong maglinis ay pahirapan pa bago makaalis sa ginagawa niyang pagharang sa pintuan.

He talks casually to me like we were friends, nakakailang sa totoo lang. Pormal ang pakikipagusap ko na hindi niya nagugustuhan. He's becoming obnoxious and I'm uncomfortable when he's around the room, watching me while sipping on his drink.

Isang beses pa ay halos maestatwa ako sa ginawa niyang paghaplos sa pisngi ko. Napuno ako ng takot, mabuti nagawa ko pang paganahin ang paa ko paalis doon. Ayaw ko na sanang bumalik pa at masama ang kutob ko pero isa siya sa mga investors dito kaya dapat ko siyang sundin.

"Sigurado ka, MJ? Pwede ka namang humindi. Ako nang bahala 'pag hinanap ka ni Sir." Tinapik ni Jean ang balikat ko kaya nilingon ko siya.

Pasakay na sana kami sa elevator papuntang basement kung saan ang locker room nang sinabihan ako ni Ate Yunis na nagpapa-room service si Sir at may nabasag daw na baso na kailangang linisin agad. Syempre, ako na naman ang hinahanap.

Hinigpitan ko ang kapit sa handle ng trolley sabay hingang malalim. Bumuntong hininga si Jean sa tabi ko at inalis ang kamay sa braso ko.

"Gusto mo samahan kita? Doon lang ako sa labas magiintay..." she suggested worriedly.

Nginitian ko siya. "Hindi na. May ipapasa ka pang e-mail sa prof natin 'di ba? Okay lang ako. Uwi ka na."

"Pero baka kasi..."

Bumugha akong marahas na hangin at nahinto siya sa pagsasalita.

"Kaya ko sarili ko, Jean. Baka nakakalimutan mong batang Ermita yata ako?" Taas-noo kong sabi sabay halakhak.

Sa huli ay napilit ko siyang mauna na. Ang totoo ay kinakabahan talaga ako. Natatakot. Napapadalas ang inom ni Sir at kung minsan ay hindi ko na maintindihan ang nga sinasabi niya. Iniiwasan ko na lang na 'wag magtama ang paningin namin.

Si Jean lang ang sinabihan ko patungkol dito. Ayaw kong magkaroon ng issue at ako lang naman ang lalabas na masama. Sino bang maniniwala sa isang hamak na taga linis? Kayang-kaya ni Sir paikutin ang katotohanan dahil VIP siya rito. Kailangan kong magtiis para hindi mawala sa akin ang scholarship. Ayaw ko na ring maging pabigat pa kay Kuya.

"You're finally here!" He said with full of sarcasm.

Nagtiim bagang ako, sa trolley lamang ang tingin. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatayo si Sir sa tabi ng couch, hawak ang baso na may kulay brown na alak at ang isang kamay ay nasa bulsa. Naninikip ang dibdib ko sa kaba. I cleared my throat and looked at him. He smirked evilly.

"S-sir... saan po 'yung nabasag na baso?" Tanong ko at agad nag-iwas ng tingin.

Huminga siyang marahan at lumakad papunta sa coffee table sabay lapag ng baso.

"Sa bedroom, Emery..." aniya.

Tumango ako at pumunta na roon bitbit ang trash bin. I get annoyed every time he says my name. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang marinig ang mga paa ni Sir na sumunod sa akin. Pagdating sa bedroom ay bumagsak ang tingin ko sa sahig, umikot-ikot ako pero walang kahit anong basag na baso ang naroon. Umakyat ang dugo ko sa mukha ko at nanlamig ang katawan.

Tumawa si Sir Alfie na nagpatindig sa balahibo ko. Nanginginig ang kamay ko. Humarap ako at aalis na sana pero bigla siyang humarang.

"Oh, aalis ka na, Emery? Hindi na ako natutuwa sa'yo... you don't want me to get mad, hmm?" Malumanay niyang sabi sa nagbabantang tono.

Masuka-suka ako nang maamoy ang alak na ininom niya. Umatras ako. Hindi ko na maramdaman ang mukha ko at pati iyon ay nanlamig. Humakbang siyang malaki palapit sa akin. Agresibo niyang hinawak ang braso ko at binagsak sa kama.

Sa gulat ay napahiyaw ako. Bumangon agad ako at nakitang natanggal na niya ang butones sa long sleeves na suot. Tinulak ko siya at tumakbo. Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay nahawakan niya ang buhok ko at doon ako hinila pabalik sa kama. Nanuot ang sakit sa anit ko. Natanggal ang pagkaka-pony ng buhok ko at lumadlad sa buo kong mukha.

Hindi ako nagpatalo, sinubukan ko ulit makawala pero sinikmuraan niya ako. Bumagsak ako sa sahig at namilipit sa sakit.

"Please po... lasing lang kayo... Sir..." umiiyak na ako sa sakit at takot.

Binuhat niya ako pabalik ng kama. Buong katawan ko na ang nginginig. Pinagpatuloy ko ang pagmamakaawa pero bingi siya sa mga sinasabi ko. Lumakas pa ang iyak ko nang nagtatanggal na siyang sinturon.

"Sir! Tama na po!"

Sising-sisi ako sa mga oras na 'to pero wala nang magagawa 'yon! I should've listened to Jean!

Gumapang ako paalis ng kama sa kabilang direksyon pero hinatak niya ako sa paa papalapit sa kanya. Tinihaya niya ako, nakahawak sa tuhod ko at pwersahang ibinubuka.

"Just fucking spread your goddamn thighs, Emery!" Umalingawngaw ang boses niya.

I cried and screamed on the top of my lungs. I never thought I would go through this thing! Bata pa lamang ay sanay na ako sa pangit na trato ng karamihan sa akin at sa pamilya ko. Pero kinaya ko dahil salita lang naman 'yon, e. It will fade in time but this... Gusto ko lang naman makapagaral!

Gusto ko lang makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho! Why is this happening to me!? Sobra-sobra ba ang pangarap ko? Ito ba ang kapalit ng pagtupad ko sa mga pangarap ko?!

I kicked him with all my might but he's just too strong for me. Nag igting ang panga niya at mas nagdilim ang mukha. He grabbed my shirt and tore it violently. Nagliparan ang mga butones na natanggal at bumagsak sa kung saan. Nagpanting ang tainga ko sa tunog ng napunit kong uniform.

Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa aking dibdib. Pilit niya 'yon inaalis pero mas lumalaban na ako. Hindi ko alam saan pa ako nakakahugot ng lakas. I screamed for help and he just laughed evilly. He raised his left hand and slapped me. Bumagsak ako sa kama. Nabalot ng nakakabinging tunog ang tainga ko at nakaramdam ng hilo.

I curled my body into a tightball, scared of what he would do next. My body shuddered in fear. I shut my eyes and covered my face with my hands, pleading for him to stop.

"Who the hell are you?!" Singhal niya sa kung saan.

Sa maliit ng awang sa kamay ko, nakita ko ang nakatalikod na imahe ng isang matangkad na lalaki at nakasuot ng dark blue na coat. Instead of answering the question, he punched Sir Alfie's jaw. Buong-buo ang tunog ng pagbagsak nito, hindi pa ito nakuntento at nagpa-ulan na naman ng suntok. Again and again... and again.

He did that without speaking any word like he's punching a stuffed toy.

Malulutong na mura ang naririnig ko kay Sir na unti-unting humihina hanggang sa tuluyan nang nawala. Pumikit agad ako nang tumayo ang lalaki. Takot akong makita kung anong itsura niya. I am afraid of him too...

Nagulat pa ako nang ibinalot niya sa katawan ko ang coat. Naamoy ko ang matapang na pabango roon at alam ko na agad na mamahalin 'yon. Bukod sa marahas niyang paghinga, wala na akong ibarang narinig sa kanya. Nag-angat akong tingin pero paalis na siya.

I got up and glanced at the bastard lying on the floor. His face bathed in his own blood but I didn't feel anything. Nilagay ko ang coat na nasa balikat ko patungo sa aking harapan. Hinabol ko ang lalaki. Pagdating ko sa sofa ay kakababa niya lang ng telepono. Nilingon niya ako pero yumuko ako at nagpunas ng luha.

"T-thank you... K-kung.." Lumunok ako. Hindi ko na pinilit pa ang sariling magsalita, I cried again in relief.

Kung hindi dahil sa kanya baka...

Lumakad siya palapit sa akin pero umatras ako. I can't trust him even if he's the one who saved me. I can't trust anyone here except me! I saw how he took a step back when he realized what I did. Sa agwat namin ay sakto 'yon sa haba ng kanyang kamay nang abutan niya akong panyo. I didn't accept it. Umatras ulit ako.

He sighed and stepped back again until my eyes could no longer see his shoes. I sobbed silently while hugging myself. I can feel him still standing there, kalmado nang humihinga 'di tulad kanina.

I took a deep breath and released them slowly. I should be scared but his intense presence dominates over my fear and because of that... I feel safer.