webnovel

CHapter 19 GETTING TO KNOW EACH OTHER

Mabilis na lumipas ang araw,magadadalawang linggo na ng magsimula si Blue sa pagbabantay kay Ryle, wala namang kakaibang nangyayari, bukod sa naganap ng unang araw nya sa dinner party sa Wright Mansion.

Blue.

Tawag ni Lowei sa mahinang boses at may pag kaway pa ng kamay ang nakapag palingon sa dalaga mula sa ginagawa, abala sya sa pag sosort ng mga papeles na kaylangan pirmahan ni Ryle, Nakagawian na nya ng abalahin ang sarili sa mga papeles na pinapasok ni Lowei tuwing nasa opisina lang ang binata.

Nakasundo na rin naman nya ang sekretaryo ni Ryle, dahil nasasalo nya ang ilang trabaho nito na alam naman nyang gawin. Kagaya ng pagpipili ng mga papeles na kaylangan nitong pirmahan at pag hahanda at pagaasikaso ng pagkain at damit nito.minsan sa mga meeting sya na rin ang umaalalay dito habang si Lowei ang kumukuha ng minutes of meeting.

Nilingon nya muna si Ryle na abala sa online meeting nito bago nilapitan si Lowie,

Bakit? Pabulong din nyang tanong sa binata.

Schedule ni Boss na makipagkita kay Mr. DeVera at mga investor sa Red Palace Hotel. Sasama ka ba?

Oo naman. Walang gatol na sagot nya.

Good, may dala ka bang bonggang dress mo? Tanong ng sekretaryo na di na itinago ang totoong pagkatao.

Wala, bakit kaylangan pa ng ganun? Hindi ba puede tong suot ko? Kasabay ng pagtingin sa kasalukuyang suot, nakasimpleng slacks at polong puti na napapatungan ng long sleeve blazer ang suot nya.

Ay naku sis, syempre kasama si Mr. De Vera malamang kasama ang malditang anak na si Veronica.

Paano mo naman nalaman na kasama yun?

Girl. Baka nakakalimutan mo ako ang nag isschedule ng meeting at nag bobook ng venue so alam ko kung ilan ang headcount at kung sino sino ang kasama ni sir every meeting.

Napatingin nalang sya sa kaharap at walang masabi, nag iisip kung anong susunod na gagawin, hindi naman nya pwedeng sabibin na icancel ang meeting para lang maiiwas si Ryle kay Veronica.

Tinig ng kaharap ang nakaputol sa pag iisip ni Blue.

Sis ikaw rin baka masalisihan ka ng babaeng mukhang dikya. Kaya mag decide ka na. Ano papakabog ka ba?

Anong gusto mong gawin ko. Eh investor ang tatay nun?

Hindi tayo papatalo sis, hindi tayo papayag na masungkit nya si Fafa Ryle. Ako ang bahala. Sabay kindat sa kanya bago umalis.

Napailing nalang sya bago bumalik sa kanyang mesa na nakatapat lang sa lamesa ni Ryle.

Ilang oras ang lumipas napansin ni Blue na naghihilot ang binata ng batok, malamang sa nangalay sa ilang oras na pagkakatutuk nito sa harapan ng laptop.

Are you okay?

Yeah, Im okay. I just need a little rest and a breath of fresh air. Anyway, what dish you prepare for lunch?

Wala pa, Im waiting you to finish the meeting.

Good. Lets go somewhere else. Aya ng binata habang inaayos ang mga papeles sa lamesa.

Okay let me call Lowei. Akmang tatayo na sya para puntahan ang sekretaryo ng pigilan sya ng boses ni Ryle.

No need, Lowei have something else to do. I just want you and I to have lunch today.

Napamaang nalang ang dalaga sa sinabi ni Ryle habang nakasunod ito sa likuran nya.

Luh..date ba to??kikiligin na ba ko dapat??

di maiwasang mag isip ng dalaga sa sinabi ni Ryle.

Hey?Are you going with me or what?

Yes sir,pormal naman na sagot ng dalaga na lalong nakapagpakunot ng noo ni Ryle.

Sa isang restaurant sa loob ng hotel ang napili ni Ryle na kainan, paborito daw nito ang sinigang na hipon at atsara sa lugar bukod pa sa kilala ng pamilya nya ang chef.

Kasalukuyan naglalagay ng pag kain ang dalaga sa plato ni Ryle ng lumapit ito sa tabi nya inilapit ang mukha sa kanya sabay bulong.

Look at the door.

Sinunod naman ni Blue ang sinabi ng binata,hindi maiwasan ng binata ang ngumiti ng makita nya kung paano magbago ang itsura ng dalaga.

Papasok si Chariza sa restaurant at mukhang ang mesa nila ang tinutumbok nito ayon na rin sa lakad nito.

Hindi nga sya nagkamali ng hinala ng lumapit ito at magiliw na ngumiti at bumati kay Ryle.

Hi Ryle how are you?..bati nito na tila sadyang di binigyang pansin ang dalaga sa tabi nito.

Hi,simpleng sagot ng binata.

Its been a while,I was planning to call you this morning to have an update about our collaboration project,good thing that your'e already here. Do you mind If I share table with you?,hinging permiso nito habang humihila na ng upuan na tila sadya binalewa nito ang presensya ni Blue.

Yes,I do mind. malamig na sagot ni Blue habang nakahawak ang kamay sa isang hita ni Ryle na sadyang ikinagulat ng binata ngunit pinilit na wag ipahalata kay Chariza.

What!?.eksaheradong reaksyon ng dalaga..We will be talking about business here, and who are you again?.

I dont have to tell you who I am,Do you have an appointment to talk to Ryle right now? Cant you see that we are having our lunch date?.Malamig na mataray na sagot tanong ni Blue na ikinatigalgal ng kaharap at palihim na ikinangiti ni Ryle.

Pasimple namang hinawakan ni Ryle ang kamay ni Blue at saka itinaas para ipakita sa dalaga at kunwa ay kiming ngumiti.

Im sorry Chariza, today is not a good time.

Ill just ask Lowei to call you and set up an appointment and meeting.

Okay,mabigat sa loob na pag sangayon ng dalaga,at tuluyan ng umalis.

Si Ryle naman ay di mapigilan ang malapad na ngiti,hindi nya parin binibitawan ang kamay ni Blue.

Your hand is so soft and smooth babe,hindi halatang kayang magkasa ng baril at kumalabit ng gatilyo.sabi ng isip ng binata.

Leanne.

Yes babe?

Huh??..nagtatakang reaksyon ni Blue ang sumalubong sa mata ni Ryle.

Yung kamay ko paki bitawan na..wala na yung Barbie mo. Sagot ng dalaga na tila mahihimigan ang pagtatampo.

What do you mean Barbie?anong sinasabi mo?..

Sus,di ba nga kundi pa ko sumagot baka umoo ka na makishare sya sa table?

Saan mo naman nakuha yang idea na papayag akong makishare sya ng table?pormal na balik tanong na binata na tila naman nasukol si Blue.

Forget it.Sige na kumain ka na,marami ka pa daw ipreprepare at pipirmahan para sa meeting mo mamayang dinner.mas pormal na sagot ng dalaga.

Jelous.

Pabulong na wika ng binata bago balikan ng pagkain na sinandok ni Blue.

What?

tanong ng dalaga kahit alam naman na narinig nito ang sinabi ng binata.

Nothing.

Ngingiti ngiting sagot ng binata habang nagsisimula ng sumubo ng pagkain.