webnovel

Chapter 15

Hinanap ko sa buong HQ si Henrik, pero hindi ko ya makita. Tinawagan ko na rin sya pero hindi nya sinasagot. Pati sa text walang reply.

Asan kana ba?

Napapagod akong umupo sa bench dito sa malaking park sa gitna ng building. Tinitigan ko ang message ko sa kanya at naiinis na sumandal sa upuan. Bigla nalang nagring ang phone ko, kaya sinagot ko kaagad dahil akala ko si Henrik, si D lang pala.

"Your on the mission."

"Why?" takang tanong ko sa kanya at tumayo na. Naglakad na ko nang mapatigil ako sa sagot nya.

"Henrik is in danger. Nasa poder sya ni Rivera at nakatali." Narinig ko ang komosyon sa kabilang linya. "Shit! Hurry up!" sabay patay nya ng tawag.

Ako naman napatanga pa dahil sa narinig ko. Hanggang sa unti unti kong ginalaw ang paa ko paabante. Lakad ay naging takbo. Nagiging mabilis narin ang tibok ng puso ko. Marami na ring senaryo na pumapasok sa utak ko habang binabagtas ang daan papunta sa opisina ni D. Hindi ko na nga pinapansin ang mga taong bumabati sakin. Halos 5 minutes din ang tinagal bago ako nakarating. Malayo layo din kasi ang lokasyon ko kanina.

Pagkarating ko doon ay hindi na ko kumatok. Agad kong binuksan ang pinto at hinawakan si D sa balikat.

"D"

"He is safe now." Tinignan nya ako. "W save him habang nagkakagulo na. Pwede ka ng kumalma"

"Are you sure he is safe? Really sure?" paninigurado ko sa kanya.

Bumuga sya ng hangin at lumipat ang tingin sa monitor.

"He is injured. Shot in his left shoulder. That's it" may mga pinindot sya doon. "I send his location to your phone. The mission was already cleared by them. Medyo nag alala lang ako na hindi nila matapos. Buti nalang at natapos na din"

Tinignan ko ang phone ko para sa location ni Henrik. Nang makita ko na, dali-dali na kong umalis, hindi na nagpaalam kay D. Mabilis pa kesa kanina ang takbo ko papunta sa parking lot. Pinaandar ko kaagad ang motor ko at pinuntahan ang ospital.

Nakarating din ako doon kaht matrapik at maraming nangyari sa daan. Ang hindi lang nagbago ay iyong kaba sa dibdib ko. Alam ko namang hindi malala iyong tama nya, kung tama ang sinabi ni D sakin. Pero kasi, nasaktan sya.

"Room 303" text ni D. kaya hinanap ko kaagad iyon. Tinanong ko din sa nurse na nadaanan ko saang floor iyon.

"Second floor po mam. Gusto nyo—"

"No, thanks." Putol ko sa kanya at tumungo sa hagdan. Hindi ko kaya pang mag-antay ng elevator.

Ang mga hakbang ko sa hagdan ay may mga gap na. Para lang makarating na agad. Pagkarating ko sa second floor, agad kong tinignan ang bawat room. Nasa pinakadulo pa sya. Hindi na ko kumatok, binuksan ko kaagad. Bumungad sakin ang isang nurse at sya na nakaupo habang may tinitipa sa phone.

Ngumiti sakin ang nurse at nagpaalam na babalik daw mamaya. Sya naman ay hindi ako nilingon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinitigan sya.

Tama nga si D, ang tama nya lang ay sa kaliwang balikat. Wala naman akong nakita pasa saibang parte, porket lang sya nakokoberan ng damit nya. Wala rin sa mukha nya kaya napabuga ako ng hangin at umupo sa upuan malapit.

Narinig nya siguro ang pagbuga ko ng hangin kaya tumingin sya sa akin ng may pagtataka. Napalunok ako doon sa klase ng titig nya. Binaba nya ang phone nya at mabilis na tinuro ang pinto.

"Leave."

Napatanga ako sa sinabi nya.

Ano daw? Leave? Pinapaalis nya ako?

"W-wait? L-l-leave? Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. Hindi nya ako sinagot at sinimulan nya ulit na maging abala sa phone nya. Napakuyom ako ng kamao.

Hindi nya ba alam na nag-aalala ako sa kanya tas papaalisin nya ako. Baliw na ba sya? Saka ano namang pinag-awayan namin at ganyan yan? Wala naman diba?

"I don't know you lady. Just leave and I will forget that you enter a wrong room" he told me

I stunned.

What? He don't know me? Is he have a amnesia? Pero diba sa dibdib lang sya tinaman? And—

No! don't tell me nabagok ang ulo nya sa mission?

Lumapit ako sa kanya at pinaharap ko sya sakin.

"Hindi mo talaga ako kilala?" nanlalaking matang tinignan sya.

His face became irritated at gusto nyang bitawan ko sya. Kaya mas lalo kong hinipitan ang hawak ko sa braso nya.

"Hey! Release me or I will a security" galit nyang saad sakin.

Napatakip tuloy ako ng bibig pero hindi ko sya binitawan.

So, tama ako. Nauntog sya sa kung saan tas hindi nalaman nila D. OMG!!!

Nagsimula na kong umiyak. Binitawan ko na sya at napasquat nalang dahil hindi ko matanggap ang nangyari kay Henrik. Did he really forget me? I cannot accept that!

Halos sinugal ko nga ang buhay ko ng iwan ko sya para maging safe sya noon at di madamay sa gulo ng trabaho ko tas ngayon, kung kailan bumalik ako sa buhay nya, mangyayari ito sa kanya. Dapat talaga hindi nalang ako bumalik. Sana pala hindi ko na tinanggap ang mission in the first place.

"Im sorry. Hindi kita naprotektahan sa gulo kanina." I told to him while I am still crying. Tumayo ako at tinignan sya sabay yakap. "Im sorry, Henrik. Sana hindi nalang ako bumalik sa buhay mo para hindi to nangyari" humagulgol ako sa balikat nya.

Naramdaman kong niyakap nya ako kaya mas lalo akong umiyak. Hindi ko matanggap na hindi ko sya man lang naprotektahan lalo na nang mabaril sya. Kung naisip ko lang kanina na may chances na pumunta sya sa tatay nya, edi nasannga ko manlang iyong bala ng baril nung babarilin na sya.

"No. don't you dare do that." Bigla nyang sabi kaya napatigil ako sa kakaiyak ko. Mas lalo nya akong niyakap. "Mas gugustuhin ko pang ako ang mabaril kesa ikaw. Hindi ko matatanggap na masaktan ka dahil sa kalokohan ng tatay ko"

Wait! Bat naging ganto sinasabi neto? Humiwalay ako sa kanya at tinignan sya. Di kaya—

"I lied. Im sorry baby" his face turns into a puppy at hinawakan ang kamay ko.

Biglang nag sink in iyong sinabi nya kaya bigla nagkaroon ang mga kamay ko ng utak para hampasin sya. Pero hawak na nya iyon parehas kaya hindi ko sya mapalo. Kaya iyong ulo ko ang hinampas ko sa kanya.

"Owww!! Helena!" reklamo nya saka ako binitawan at hinimas ang noo nya. "Why did you do that?" masamang tumingin sya sakin kaya ginantihan ko rin sya ng ganun.

Sya pa tong masamang tumingin eh ako tong niloloko nya. Alalang alala ako sa kanya simula kanina tas may pa amnesia-amnesia pa. Sinong di magagalit eh hindi naman pala totoo.

"Tigilan mo ko sa kaartehan mong lalaki ka. Bat mo ko pinagtitripan? Alam mo bang simula kanina nag aalala ako sayo. Simul noong nagwalk out ka sa office ni D?!" naiinis kong sabi sabay alis ng kwarto nya.

Narinig ko syang tinawag ako pero hindi kko sya nilingon. Manigas sya.

"Sorry na, baby" ulit nyang sabi. Di ko nalang sya pinansin at dumiretso sa banyo ng kwarto ko dito sa HQ.

Oo, nandito kami kasi sabi ni D, for safety at baka daw may sumugod sa bahay ni Henrik at may gawing masama sa kanya. Kakatapos lang mission at kailangan munang maclear talagang safe na. Kaya andito sya para bantayan ko at syempre para kulitin ako. Galit parin kasi ako ng unti. Unti nalang. Siguro mawawala to pagnakaligo na ko.

Naghubad na ko at tumapat sa banyo. Naging presko ang katwan ko dahil doon at naging mapayapa na ang utak ko ket papano. Wala rin akong naririnig na maingay sa labas.

Baka nakatulog

Mabilis lang ako naligo dahil ramdam kong gutom na ko at kanina pala, naalala ko ay hindi ako nakakain. Nagtapis ako ng tuwalya at nagbukas na ng pinto ng bumungad sakin si Henrik. Nakatopless sya kaya nakita ko ang bandage nya sa may balikat. Bigla tuloy akong nag-alala dahil doon at hinawakan iyon.

"Masakit pa rin ba?" nag-aalala kong tanong. Naramdaman kong gumalaw sya at may kinuha sa kanya bulsa.

"Alam kong hindi to magandang timing pero, nang mabaril ako kanina naisip ko, ikaw" pinakita nya sakin ang kinuha nya sa bulsa nya. Napasinghap ako ng makita isang diamong ring iyon. Tinignan ko sya.

"Henrik" mahina kong sambit.

Ngumiti sya. "I know its not romantic but, when I was shot, I think of you. Hindi ko kayang iwan kang mag-isa at hindi ko kakayanin na umiiyak ka dahil sa katangahan kong sumugod sa tatay ko para sabihing sumuko na sya. I just want him to change for the sake of my step siblings. Hindi man kami close ng mga kapatid ko sa ama, concern parin ako dahil mga bata pa sila." he stares at the ring. "I buy this ring before yoou break up with me years ago. I wanted to throw it, but, I have this guts that you will came back in my arms." Tinignan nya ulit ako. "And my guts are right"

"Henrik, Im sorry about what happen" nagsimula na kong umiyak. "I just afraid that I cannot protect you because of my job. My job is not the typical job and safe. Kaya natakot ako na baka maging katulad sa boyfriend ni Aubrey ang sitwasyon mo kung mananatili ako sa tabi mo"

"You know it will not happen. Maraming beses mo na kong naligtas noon. Hindi ba? You always saved me even in our first meet"

Tumango ako habang umiiyak. Tama, ginawa ko iyon noon kasi muntik na sya masagasaan ng motor. And then, we occasionally meet, coincidently. Tas nagkaroon na ng ligawan at naging kami.

"Kung hindi mo niligtas noon, baka hindi kita ngayon niyayang maging asawa" ngumisi sya sakin. Ako naman ay natawa ket lumuluha.

Kinuha nya ang kamay ko at sinuot ang singsing.

"I didn't ask you to marry me, because I want you to marry me and live with me in the rest of our lives." He kiss my hands and kiss my lips after.