webnovel

Chapter 13

"Wala ka pang boyfriend hija?" Saad ni lola sabay baling saakin. Umiling naman ako at sumubo ng bibingka.

"Talaga anak wala pa? Sino yung laging sumusundo sayo huh?" Pang aasar ni daddy kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya kaagad siyang tumawa.

"Sino ba don?" Singit ni mommy sabay tawa pa.

Nag make face ako at tinignan si kuyang nakatayo sa isang gilid at naka pamaywang. Ngumisi siya bago lumapit sa lamesa.

"May boyfriend na yan" sang ayon ni kuya sabay tango pa. Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil sa sinabi niya.

"Imaginary boyfriend" habol niya pa sabay halakhak.

Ngumiwi naman ako bago tumayo para kunin ang cellphone ko sa taas.

"[Umalis kayo?]" Ashley asked.

"[Yups, wait baba lang ako]" Saad ko sabay takbo pababa ng hagdan. Tumingin naman sila mommy saakin kaya ngumiti ako.

"Luigi apo, sino iyan?" Lola asked.

Nag lakad na ako papunta sakanila bago umupo at tumingin kay lola.

"Bestfriend ko po"

Tumingin sila saakin na may pang aasar kaya ipinakita ko sakanila ang pangalang nasa cellphone ko.

"Baby, how are you" pag babasa nila kaya kaagad kong binawi iyon. Tumawa naman sila sa reaksiyon ko.

"Sus! Bakit mo inagaw? May boyfriend kana no?" Pang aasar pa nila kaya umiling ako. Tinignan ko ang messenger kung may nag text ba o Wala ngunit wala.

"Wala po ah" Saad ko sabay iling pa.

"Alis na po ako, may pupuntahan po kami babye" Saad ko sabay tayo at tumakbo palabas ng pinto. Nakita ko naman si ash na nakatayo na ngayon sa gilid.

"Kanina ka pa?" I asked.

"Kakarating ko lang den nung bumukas yang pinto." Anya kayaw tumango ako. Tinignan ko ang orasan bago mag lakad.

"San tayo punta?" She asked.

Kahit malayo nakita kong nakatanaw ang isang lalaki sa gilid habang nakasandal sa mamahalin niyang sasakyan.

"Woh! Kapagod" hingal na Saad ni axel at ivan ng tumigil sila sa harapan namin.

"Gagski! Hi pre!" Nag lahad si ivan ng kamay sa gilid ko kaya napatingin ako. Nakita ko naman ang talim sa tingin nito bago sumulyap saakin.

"Excuse us" saad nito bago hawakan ang bewang ko at hinatak ako paalis. Tumingin ako kila Ashley na nakawang ang labi dahil sa sinabi nito.

"Let's have a date" Anya sabay ngiti pa.

Hila hila niya parin ang bewang ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng sports car niya na itim na itim. binuksan niya ang pinto bago alalayan akong pumasok.

"Where do you want?" Anya ng makasakay na siya sa sasakyan niya.

"Kahit saan" Ngumiti ako bago umupo ng maayos. Sumulyap ako kila Ashley na nakatayo parin kung Saan ko sila iniwan.

"Bakit nga pala antagal mong lumabas" He asked. I suddenly stopped for what am I doing.

Lumingon ako sakaniya na nakatingin saakin sa salamin. Pilit akong ngumiti bago humarap sakaniya.

"Bumisita si Lola" I Smiled.

Tumango tango siya bago hawakan ang kamay kong nakapatong sa binti ko ng ikinatigil ko. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan niya ito.