webnovel

Ang Hongtian Pavilion

Editor: LiberReverieGroup

"Heart of Tranquil Water?"

Mabilis na bumalik ang malay ni Zhang Xuan mula sa isang mahiwagang mundo at lumiwanag ang mga mata niya.

Sa sobrang dami ng binasa niyang libro, natural lang na maintindihan niya agad ang kahalagahan ng Will of Mind.

"Isa akong transcender. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, natural lang na maging mas malakas ang loob ko kaysa sa iba. Higit pa dito, ginagamit ko ang Heaven's Path Divine Art, kaya ang zhenqi ko ay singlinaw ng tubig! Normal lang na maabot ko ang Will of Mind 2-dan ng ganoon kabilis!"

Sobrang saya niya dahil dito, pero hindi na ito nakakagulat para sa kanya.

Kung magiging katulad lang din siya ng mga ordinaryong tao kahit na hawak pa niya ang Library of Heaven's Path, mas magandang bumili na lang siya ng isang bloke ng tokwa at magpakamatay doon.

Nanatili siyang tahimik at di nagtagal ay nakarating sila sa entrance ng akademya.

"Hongtian Pavilion!"

Nang makita niya ang dalawang malalaking salita sa kanyang harapan ay tumango si Zhang Xuan.

Mayroong mga alaala rito ang dating katauhan sa katawan niya. Ang Hongtian Pavilion ay ang pinakamahal na kainan sa Hongtian Academy. Mauubos ang laman ng pitaka mo sa bawat isang pagkain dito. Dahil sa kanyang mababang sweldo, hindi pa nakakain dito ang dating may-ari ng katawan niya.

Noong una, akala niya ay dadalhin lamang siya ni Shen Bi Ru sa isang normal na restawran. Hindi niya inasahan na magiging napakabait niya para dalhin siya rito.

Gaya ng inaasahan sa isang kilalang kainan. Ang mga dekorasyon ay napakaganda. Mistulang umaga pa rin sa loob dahil sa dami ng mga Night Illumination Pearl na nakabaon sa mga pader.

Umupo sila sa mesang malapit sa mga bintana.

"Anong gusto mo?" Tinignan ni Shen Bi Ru si Zhang Xuan.

"Kahit ano!" Sagot ni Zhang Xuan. "Dahil ikaw naman ang manlilibre, kakainin ko kahit anong oorderin mo!"

Hindi pa siya nakakain dito dati, kaya hindi niya alam kung ano ang masasarap na pagkain dito. Dahil hindi naman siya ang magbabayad, kaya wala na siyang pakialam kung ano man ang orderin ni Shen Bi Ru.

Nang makita niya ang ekspresyon ng lalaki, na tila binabalak samantalahin ang kayamanan niya, lalong nagalit si Shen Bi Ru. Ngunit, naisip niya na hindi niya kailangang magalit ngayon, kaya tumango na lang siya at umorder ng mga pagkain.

"Zhang laoshi, sinadya mo ba na makakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination?"

Tinignan ng maigi ni Shen Bi Ru si Zhang Xuan pagkatapos niyang umorder.

"Sinasadya?" Dahil hindi siya sigurado kung bakit siya tinanong ni Shen Bi Ru ng ganito, napahinto si Zhang Xuan saglit bago siya sumagot. "Hindi no!"

Noong araw ng Teacher Qualification Examination, hindi pa siya napapadpas sa mundong ito, at wala ring Library of Heaven's Path ang dating Zhang Xuan. Kaya naman, imposible na sinasadya niya ang resulta ng exam!

Dahil alam niyang itatanggi ito ni Zhang Xuan, palihim na tumawa si Shen Bi Ru sa kanyang isipan.

[Tinatanggi mo pa ah. Tignan natin kapag nabisto ko ang tunay mong kulay!]

"Tutal hindi naman tayo busy ngayon, may itatanong lang sana ako sayo. Zhang laoshi, maari mo ba akong tulungan?" Biglang may pumasok na ideya sa isip ni Shen Bi Ru.

"Sige lang!"

Dahil nilibre naman siya ni Shen Bi Ru, naisip niya na dapat lang niyang sagutin ang ilan sa mga katanungan ni Shen Bi Ru.

"Sige, kung ang isang tao ay hindi nakapag ipon ng spirit energy sa kanilang meridian habang nagcucultivate…" Saglit na nag-isip si Shen Bi Ru bago magtanong.

"Hindi mo rin to alam?" Napatingin na lang sa kanya si Zhang Xuan ng marinig niya na mas madali ang katanungan ni Shen Bi Ru ngayon kumpara sa kanina. "Mayroon akong siyam na paraan para malutas ang problemang yon…"

Di nagtagal ay natapos rin siya sa kanyang paliwanag.

"Siyam na paraan…" Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Shen Bi Ru, nang marinig niyang magbigay ng siyam na paraan sa kanya si Zhang Xuan.

Kahit na maalam siya, tatlong paraan lang ang nalalaman niya. Ngunit, nakapagbigay agad ng siyam na paraan si Zhang Xuan sa isang hingahan lang. Higit pa dito, mayroong mga sinabi si Zhang Xuan na ngayon lamang niya narinig. Hindi makapaniwala si Shen Bi Ru sa nangyayari.

"Iyon ay… Kung ganun, paano kung hindi magagabayan ng isang tao ang pagdaloy ng spirit energy sa mga meridian pagkatapos itong pumasok sa katawan ng isang tao?" Pinigilan niya ang kanyang pagkagulat, at muli siyang nagtanong.

"Madali lang yan, may walong paraan ako para solusyunan yan!" Nagsimulang magpaliwanag si Zhang Xuan, "Unang-una…"

Nanginig ang katawan ni Shen Bi Ru. Inihanda niya ang kanyang isipan para dito, ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

[Kamangha-mangha ang mga paraang sinabi niya. Kapag kumalat ang tungkol dito, siguradong magkakagulo ang mundo ng cultivation!]

"Tutal marami kang alam na paraan, bakit wala kang naisagot na kahit isa noong kumuha ka ng Teacher Qualification Examination at sa halip, nakakuha ka ng score na zero?

Pinigilan ni Shen Bi Ru ang kanyang pagkagulat, at nagtanong.

Ang mga tanong na itinanong ni Shen Bi Ru ay ang mismong mga tanong na kasama sa nakaraang Teacher Qualification Examination. Sa dami ng nalalaman niyang solusyon, bakit wala siyang naisagot sa exam? Bukod pa dito, zero ang nakuha niyang score?

"Keng?" Ngayon lang nakahalata si Zhang Xuan.

Ang mga tanong nito ay galing sa Teacher Qualification Examination. Dahil parte ito ng mga alaala ng dating Zhang Xuan, kahit na pamilyar sa kanya ang mga tanong, hindi niya agad naalala kung saan niya nakita ang mga ito.

"'Yan ay…"

Nang wala na siyang maisagot, biglang dumating ang mga pagkaing inorder nila.

"Kain muna tayo!"

Nang makita at maamoy niya ang mga pagkain, lalong natakam si Zhang Xuan. Hindi siya nagpaabala sa mga nangyayari, at nagsimula na lang siyang kumain.

"Hmph…"

Nang makita niyang mas natuwa pa si Zhang Xuan na makita ang mga pagkain kaysa sa kanya, sumimangot si Shen Bi Ru.

Hindi na mabilang ang mga nagyaya sa kanya, gumamit pa sila ng kung anu-anong dahilan para lang makasama siya ng mas matagal. Pero, ang isang 'to ay nandito lang para lang sa pagkain…

...…

"Shang shaoye, huwag ka nang magalit. Nag-apply na ako para sa [Enlightenment Will Trial] at dadalhin ng akademya si Liu Yang para sumailalim sa inspeksyon bukas. Siguradong mapaparusahan ng matindi si Zhang Xuan! At para naman sa baliw na yun, pinahiram na sayo ni Elder Shang ang pinaka mamahal niyang alaga. Kapag nagkita kayo bukas, siguradong matuturuan mo siya ng leksyon na di niya malilimutan, kaya dapat lang na magsaya ka! Tara, ililibre kita ng isang engrandeng hapunan para makabawi ako sa mga dinanas mo ngayong araw. Pagkatapos nito, maghahanap tayo ng mga babae at… Hehe!"

Shaoye -> Young master.

Dalawang lalaki ang naglalakad sa may pasilyo ng akademya.

Ang nangunguna sa kanilang dalawa ay namamaga at puro gasgas ang mukha. Halatang nakipaglaban siya sa kung sino at tinamaan siya sa mukha. Ang nakasunod naman sa likod niya ay bahagyang nakayuko at mistulang isa siyang tagasunod ng nauunang lalaki. Ang huli ang nagsasalita sa mga oras na ito.

May higanteng leyon na nakasunod sa likuran nilang dalawa. Nanggagaling sa leyon ang isang mabagsik na aura, nagdudulot ito ng matinding takot sa kahit sinuman bago pa man sila makalapit.

Sila ay si Shang Bin, na gumawa ng gulo sa classroom ni Zhang Xuan kaninang umaga, na binugbog lamang ni Yao Han, at si Cao Xiong, na desperadong ipahamak si Zhang Xuan.

Habang ang leyon naman sa likuran nila, ay ang pinaka mamahal na alaga ni Elder Shang Chen, ang tier 6 na savage beast, ang [Sky Shattering Lion]!

Sa mundong ito, mayroong parmasyutiko, mga panday at marami pang ibang katungkulan. Bawat isang katungkulan ay marangal at nirerespeto ng iba.

Sa mga katungkulang ito, si Elder Shang Chen ay isang beast tamer.

Ang katungkulang ito ay nagbibigay sa isang tao ng kakayahan na mapaamo ang isang savage beast at spirit beast at makontrol ang mga ito, upang maging sandata sila sa pakikipaglaban. Ito ay isang mabigat na katungkulan na higit na kapuri-puri kumpara sa iba.

Ang Sky Shattering Lion na ito ay isang beast pet na sinanay mismo ni Elder Shang Chen.

Matapos siyang mabugbog ng nagwalang si Yao Han, alam ni Shang Bin na hindi niya kayang tapatan si Yao Han sa palakasan. Kaya naman, lumapit siya sa lolo niya para hiramin ang beast pet na ito.

"Un!" Nang marinig niya ang mga sinabi ni Cao Xiong, tumango si Shang Bin at agresibong nagsalita, "Dapat maturuan ng leksyon ang Yao Han na yun. Pati na rin si Zhang Xuan!"

"Syempre. Gamit itong Sky Shattering Lion, wala ka nang kailangang katakutan Shang shaoye!" Humagikhik si Cao Xiong.

Ang isang tier 6 na savage beast ay katumbas ng isang Fighter 6-dan expert, o malamang ay higit pa.

Kahit na gaano pa kalakas ang baliw na butler Yao Han na yun, hindi magiging madali para sa kanya na talunin ang Sky Shattering Lion, lalong lalo na sa kalagayan niya ngayon.

Kaninang umaga lang, nakabalot siya na parang isang mummy, halos pareho ng kalagayan ni Shang shaoye ngayon.

" Ang Sky Shattering Lion ay alaga ng lolo ko. Alam mo din ang kabagsikan nito, dahilan kung bakit napakahirap nitong paamuhin. Maari ngang pinahiram siya sakin ng lolo ko, pero kikilos lang siya kapag may umatake sakin. Sa ngayon, hindi ko pa siya kayang utus-utusan!"

Habang tinitingnan niya ang mabangis at makapangyarihang Sky Shattering Lion sa likuran nila, nakaramdam si Shang Bin ng kaunting kawalan ng pag-asa.

Maaaring malakas nga ang mga savage beast, ngunit sila ay mga mapagmalaking nilalang. Imposibleng mapasunod sila sa ipinag-uutos ng isang tao kung hindi mas malakas ang taong iyon o kaya naman ay hindi siya isang beast tamer.

"Hindi na kailangan yan. Kapag binigyan natin yun ng alak at pagkain, posibleng makinig sa mga utos mo yun!"

Ngumiti si Cao Xiong.

"Umasa na lang tayo na ganun nga ang mangyayari!"

Habang naglalakad sila, sumulpot ang isang malaking tavern sa harapan nila.

"Nandito na tayo!"

Makikita ang isang magandang karatula sa likuran nila habang papasok sila sa kainan.

Hongtian Pavilion!