webnovel

Legendary Slime Tamer (TAGALOG)

Sundan ang legendary adventure ni Roan sa kanyang struggles and troubles sa bagong larong VRMMORPG, bilang isang Slime Tamer - Pinaka mahinang Class sabi ng iba, mahina nga ba?

Anvart · Fantasia
Classificações insuficientes
22 Chs

Ring User

| Blade city |

[ Announcement: User ID: 3277982366 is the first to discover Bone Trove Cave in the Forage Forest! ]

Ito ang system notification na biglang lumabas at gumuhit na makikita sa taas ng kalangitan na nakapwesto lamang sa baba ng ulap. Kahit sinong player na naka-online sa mga oras na ito ay lahat napatingin sa taas. Kasabay ng message na ito ay ang mga display ng magagarbong fireworks sa kalangitan na parang mga bituin na kumikinang sa gabi. 

Dahil dito, nagimbal ang mga players na naka present sa mga oras na iyon, lalong-lalo na ang mga under 100 level. Hindi dahil inakala nila na isa tong omen, kundi isa itong napakalaking opportunity! 

Lahat sila gustong matamo ang mga items na pwedeng magpabago sa takbo ng kanilang pangalawang buhay dito sa virtual world. Kahit low level Cave man ito ay napakaraming mga players na maghahabol rito lalo't may napakalaking rewards ang nakatago sa hidden caves. Kumpara sa mga normal at public cave na nakasulat sa public map sa mga city na bigay ng imperial family, ang hidden caves ay ang mga tagong event quest o "Hidden Gems" sa game. 

Ang message na ito ay limited lamang sa human continent, dahil ang naka-diskubre nito ay isa ring human. Dahil sa biglaang announcement na ito ay maraming mga players galing sa iba't-ibang lugar at guilds ang nag-form ng raiding party, meron ding solo at meron ding "on the spot party".

| Training Area ng isang Guild |

"Naka ready na ba ang Silver Raiding Team?"  Ini-scan ng babaeng player ang limang players sa kanyang harapan. Napaka simple lamang ng kanyang kasuotan, isang off shoulder blouse at naka mini skirt. Dala sa kanyang likuran ay ang nakasabit na dalawang espada na halos kasing taas niya na naka ekis position sa kanyang likuran. Taglay niya ang ganda na parang isang fairy, skin na kakulay ng snow, straight hair hanggang sa balikat na parang naka creamsilk at mukha na parang walang expression. Para siyang expressionless beauty, ganon paman ay wala sino mang nangahas na agad rumespond dahil sa pressure na bigay nito sa kanila.

Sino ba may lakas na loob na sumagot sa isang Guild Marshall? Ito ang pangatlong pinakamataas na position sa loob ng guild, one step lower sa  Guild Vice Master at Guild Master.

Nabalot na katahimikan ang bakuran, matiyaga nakatayo ang mga miyembro ng matuwid at puno ng respect,  walang sino mang nangahas na gumalaw, para silang mga scare crows sa fields na kahit umulan o umaraw ay hinding-hindi aalis sa isang lugar. 

Hanggang isa sa kanila ang nag step up. Para sa pagtugon ng tanong ng kanilang Guild Marshall, humakbang paharap ang isang player na may dalang espada, suot niya ang napakagarang kulay puting armor na kumikinang sa tuwing na sisinagan ng araw na bumagay sa matipuno niyang katawan. May kagwapuhan ito dahil sa kanyang maamong mukha na parang hindi makabasag pinggan at ang kulay blond na buhok nito ay nagbibigay ng prideful na mga aura. Siya ang naka tungali ni Roan sa southern district ng blade city na tinakasan niya lamang gamit ang pag logout sa laro, ang player na ito ay ang Ascension Captain na si Doranbalth. 

"Handang-handa napo kami Marshall Aribeth" Respectful na sagot ni Doranbalth at Isa-isa namang nag move forward ang kanyang mga kasamahan sa raid na ito. Ang target nilang raid ay ang Bone Trove Cave sa Forage Forest.

"Dahil malayo at nasa tagong lugar ang Bone Trove Cave sa loob ng Forage Forest ay papayagan ko kayong gamitin ang ating guild flying mounts" Sa isang flick lamang ni Marshall Aribeth ng kanyang daliri ay lumabas agad ang limang pet collars galing sa kanyang storage ring. Ang mga pet collars na ito ay mag sisilbing Tame Equipments na ilalagay sa leeg ng isang beast para mapa amo ito at magamit bilang isang transportasyon.

Dahil walang fix owner ang mga flying mounts na ito at under control ito mismo ng guild, ay maari itong gamitin sa ganitong event na para lamang sa mga exclusive members. Kakailangin nila ang mga tame equipments para magamit ito, unlike sa mga mounts na bigay ng quest at mounts galing sa item shop na hindi na kailangan ng taming equipments para masakyan. Napakabilis ng flying mount na ito kaysa sa mga normal mounts na pang ground used lamang.

Walang atubili ay sumakay na agad si Doranbalth at ang mga kasamahan nito para hanapin ang hidden cave ng forage forest. Hindi sila mag aaksaya ng oras dahil maliban sa treasures galing sa cave ay makakatanggap rin sila ng Guild Points.

Sa mga oras na ito ay halos daang libong players ang nag embark papuntang Forage Forest para hanapin ang nasabing cave at umaasang makakakuha ng magandang rewards. Syempre hindi madali makita ang cave dahil sa sobrang laki ng Forage Forest, dahil ang sukat nito ay parang isang bansa. Para lamang silang naghahanap ng isang butil ng bigas sa gitna ng disyerto.

....

| Bone Trove Cave |

*Ki ki ki ki*

Mga nakakapanindig balahibong tunog na maririnig sa loob ng napakadilim na cave, sa isang iglap ay napatigil si Roan sa kanyang paglalakad patungo sa pinaka looban ng cave. Bunsod nitong mga weird na mga tunog na hindi ma determina ni Roan kung saan galing ay napalunok siya ng gabundok na laway. Nag si tayuan ang kanyang mga balahibo dahil sa creepy na tunog at kasabay nito ang pagtayo ng kanyang balahibo sa batok.

"Holy, wag mong sabihin na may aswang dito sa game?" Naghintay muna si Roan ng ilang minuto bago gumalaw dahil baka may patagong sumalakay sa kanya ngunit nasayang lang ang kanyang paghihintay ng walang ano man o kahit anino man lang ang lumapit sa kanya.

Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad na may halong kaba dahil napaka tatakutin ni Roan sa mga aswang o multo at kasabay pa nito ang malamig na hangin na may halong marahas na aura galing sa loob ng cave na para siyang nasa isang lugar na puno ng yebe at kamatayan.

Bawat paghinga ni Roan ay may lumalabas na usok bunsod ng napakalamig na paligid, habang papasok ng papasok sa pinaka loob ng cave ay mas bumababa ang temperatura rito.

Hanggang sa makarating siya sa isang malaking espasyo sa loob ng kweba, napakalaki ng space rito, kasya ang sampung kotse kung ipa-parking. Sa dulo ng malaking espasyo nato ay may tatlong lagusan papasok sa kaloob looban ng cave, sa tingin ni Roan ay nasa kalagitnaan na siya ng kweba ngunit may napansin siyang na may mali.

"Ba't walang monster ang naka bantay sa cave? " Napaisip si Roan habang hinahawakan ang kanyang panga. Kanina pa siya naglalakad pero wala siyang naka salubong na monster sa daan. 

"Baka dahil ako ang kauna-unahang naka diskubre sa cave ay baka ginawang bonus nalamang ito ng GM para lamang sa mga first comer na makuha ng madali ang treasure chest na walang kahirap-hirap." Sabi ni Roan sa kaniyang isip.

Pero inalis agad ni Roan ang thoughts na ito dahil ayon kanina sa notifications ay may nakalagay na extra EXPs na pwedeng kunin sa monster sa pamamagitan ng pag paslang dito sa kweba. So, paanong walang monster kung may roon namang nakatalagang bonus kada patay ng monster sa loob ng cave?

Itinigil ni Roan ang kanyang pag iisip dahil sumasakit na ang kanyang ulo. Hanggang may napansin siya sa isang sulok na isang bagay na kumikinang sa dilim. Dahil sa limited vision niya sa dilim ay minabuti niyang inilawan ang direksyon kung saan ang kumikinang na bagay gamit ang kanyang DIY torch.

Treasure chest!

Na alarma siya at dahan dahang lumapit sa treasure chest para kumpirmahin ito. Nang malapitan ito ay gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Roan. Medyo dissapointed siya sa nakita. "Teka, ba't parang ang liit naman ng treasure chest na ito?"

Nag blink ng ilang beses ang kanyang mata habang pinagmasdang mabuti ang treasure chest habang inalapit niya ang dalang DIY torch para mas ma-aninag niya ng mabuti ang rewards na ito. "Blue chest?"

Napaisip si Roan at hinalungkat niya ang laman ng kanyang memories, dahil ang pagkaka-alam niya na ang kulay ng Treasure Chest ay golden yellow at kasing laki ito ng isang 21inches TV. Ang nakapagtataka pa nito ay kasing laki lamang ito ng palad. Sa madaling salita ito ay isang mini version ng Treasure chest!

Kahit mini chest ito ay di hamak mas maliit ang rewards na bigay nito, pero para kay Roan ay isa parin itong treasure chest. Regarding sa laki at bilang ng rewards ay walang pake si Roan as long na may matatanggap siyang rewards para magkapera ay taos puso niya itong tatanggapin.

"Hehe, salamat GM binagyan nyo ako ng rewards sana pagpalain lahat ng angkan mo" Di maiwasan ni Roan na pasalamatan ang biyayang ito na ibinigay sa kanya. Dahil dito ay nilapitan na niya ang kanyang rewards at binuksan ito. 

"Treasure chest, im comming!"  Nangangati na ang kanyang mga kamay, kaya walang sinayang na sandali ay binuksan niya ito ng halong excitement.

*Clack*

Ngunit ng binuksan niya ito ay biglang may lumabas na bagay galing sa loob ng chest. Di mabilang na mga arrows na isa-isang lumipad na parang dart na ang tanging target lamang ay ang player na naka-trigger sa hidden traps. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi naka react si Roan ng mabilisan.

"HUH!?"

Dahil sa kanyang pag-aakalang isa itong rewards ay isinantabi niya ang dangers at posibleng makaka triggered siya ng mga traps. Dahil sa kanyang kapa bayaan ay ang kanyang opportunity ay napalitan ng calamity!

Hindi na naka ilag si Roan at lahat ng mga arrow na kanyang nai trigger ay lahat ito tumama sa kanyang buong katawan na parang isang voodoo doll na pinag tutusok ng maraming karayum. Kasabay nito ang sakit na nararamdaman niya dahil sa arrows na pumupunit sa kanyang laman, ang iba naman ay kumiskis sa kanyang mga buto.

"Buset na GM....."

Hindi natapos ni Roan ang kanyang cursing nang biglang nag blank ang kanyang paningin at kasabay ng tunog na "Bam!" ay siya namang pagbagsak ng kanyang katawan sa ground.

0% HP

- You have been defeated.

- You have died!

[ Please select respawn point. ]

- Nearest City

- Nearest Town

- Nearest Village

- Current location (2,000 coins. Fee)

System notification na lumabas sa kanyang harapan at nag bigay ng apat na choices na pwede niyang pag pipilian para kung saan siya mag Respawn.

"Nearest city? o nearest village?" Ito ang pinag iisipan ni Roan bago siya pumili. Hindi na niya sinali ang Nearest Town option dahil hindi niya alam kung anong town ang malapit rito sa Forage forest at lalong out of question ang Current Location option dahil may bayad itong 2,000 coins. Ayaw magsayang ni Roan ng 2,000 coins dahil marami pa siyang mabibili o di kaya'y baka kakailanganin niya itong gamitin sa progress ng kanyang job quest.

Sa ilang sandali ay nakapili na si Roan kung saan siya mag re-respawn, at ito ay ang Nearest Village option. 

....

| Doro Village |

Pagkatapos niyang pumili ng option, ay nagdilim ang kanyang paningin, then, pagdilat ng kanyang mga mata ay ang ceiling ang unang niyang nakita.

Nakahiga sa isang stone pavement si Roan at ilang sandali tumayo siya at pinag masdan ang lugar. Napansin niya sa kanyang harapan ang naka pwestong mga upuuan at may isang Cross relic sa kaanyang kanan na nakapatong sa isang mataas na lamesa. Andito siya ngayon sa isang maliit na Chapel sa loob ng doro village.

New Teleportation point: Doro Village

Dahil sa kanyang pagkamatay ay nag respawn siya sa pinaka malapit na lugar kung saan siya huling namatay at ito ay ang Doro Village. Dahil dito ay automatic siyang nakakuha ng teleportaion point para makapag teleport sa registered na lugar o mga lugar na kanyang napuntahan.

Paglabas ni Roan sa chapel ay bumulaga sa kanyang harapan ang mala-langgam na mga tao na nag siksikan sa maliit na village ng doro.

"Anong meron? ba't ang daming tao?"

Nagtataka si Roan dahil sa biglaang pagdasa ng mga player dito sa Doro village. Dahil ang village na ito ay nakapwesto mismo sa loob ng Forage Forest at walang gaanong quest NPC rito para magbigay ng quest, ang tanging magagawa lamang rito ay ang pag refill ng mga kakailanganin tulad ng potions, pills, repairs at pahingaan. Ini-scan niya ang lugar at napansin niya na labas pasok ang mga players sa gate na may iba't-ibang levels at may sariling mga party.

Habang naglalakad lakad si Roan para makakalap ng impormasyon ay maraming mga players na nag fo-form ng party at meron ring nag ba-buy and sell. Naging parang fiesta sa loob ng village at ito ang nagpa taas ng curiousity ni Roan kung anong nangyayari.

"Need tanker, level 20 up!"

"Buying level50 potions and pills, pm ur price!"

"Selling teleportation stone 5.5k each, pm ur tawad!"

"Mage here, pasama cave hunting sa Forage Forest"

....

"Completo naba ang mga upgrade at repair ng equipments nyo?" Nang makita ng isang Sword type player ang kanyang dalawang kasamahan na bumalik sa kanilang tagpuan galing sa kani-kanilang personal matters.

"Na repair kona yung weapon ko kaso pano tayo magsisimula? kukulangin tayo ng members... Kailangan natin ng complete member para sa raid nato." Worry na mukha ng isang assasin player dahil wala pa silang makitang ibang players na pwedeng ipasok sa party nila dahil halos lahat na andito sa village ay may mga sariling party na. Wala ring gustong pumasok sa newbie party nila dahil ang avarage level nila ay nasa level 10. Ayaw ng mga player pumasok sa cave na kasama ang mga bronze rank o mga novice tulad nila.

Pero ganon paman, hindi kailangan maging isang high level ng isang player bago pumasok sa cave na ito. Dahil maraming rewards sa loob ng cave na walang nakakabit ng panganib, tanging kailangan lamang ay ang swerte. Taglay lamang ang swerte ay pwede ito maging tools sa kanilang pag angat at paglipad papunta sa mataas na level.

"Pano bayan.. kung magpapatuloy to baka maunahan tayo ng ibang party na makuha ang Treasure sa Bone Trove Cave dito sa Forage Forest" Isang babaeng support player na naka-kunot ang mga noo at di mapakali dahil gusto na nitong mahanap ang cave.

Nang marinig ito ni Roan ay nanlaki ang kanyang mga mata na kasing laki ng itlog. "Forage forest, Bone Trove cave?"

"Panong..." di makapaniwala si Roan, "Kung gano'n, buong server ang may alam sa na diskubre kong cave? Napaka unfair naman!" Di maiwasan ang pag tamlay ng mukha ni Roan. Napagtanto niya, dahil sa pag diskubre niya sa cave kaya naging matao ang dati'y isolated na village. Ito na ang sagot sa kanyang katanungan.

Lahat ng mga naka categorize as "Special Event" ay ina-announce ito ng server sa buong players sa loob ng continent race kung saan nasasakupan ang may naka diskubre nito. Tulad ng hidden cave, dungeons, tombs at pati narin mga special quest, special job at mga achievements ay naka publicize ito para sa mga players.

Ngayon ay kailangan ni Roan na madaliin ang pagkuha ng kanyang treasure chest sa loob ng cave bago siya maunahan ng ibang players. Dahil dito ay nag muni-muni si Roan kung ano ang dapat niyang gawin ngunit naputol ito dahil sa kaguluhan sa di kalayuan. Nag si puntahan at nag tipon ang mga players sa iisang lugar na parang may sikat na artistang dumarating.

Dahil sa curiosity ni Roan ay pati siya di nagpahuli. Sumiksik siya sa nagkumpulang mga players para makita kung anong nangyayari sa harapan. Ngunit napakunot nalamang ang kanyang noo ng masilayan niya ang player na pinagkakaguluhan.

"..."

May dalawang player sa gitna na nag titigan at may halong poot, may mga spark sa bawat titig nila na parang mga kidlat na nag aaway sa kalagitnaan ng bagyo. Sa likod ng dalawang player na ito ay mga respective players na kasamahan nila na kahit ano oras ay aatake sa isa't-isa.

"Doranbalth, kamusta na ang mga ngipin mo? tumubo naba ulit?" Mocking na tanong ng isang player na naka heavy armor kay Doranbalth ngunit bigla itong may naalala at sinabing, "Ay shit, nasa virtual game nga pala tayo, gusto mo buwagin ko ulit mga yan?"

Namula ang buong mukha ni Doranbalth hindi dahil sa nahihiya siya, kundi dahil tumaas ang presyon ng kanyang dugo dahil sa galit at pagkayamot sa tuwing naalala niya kung pano siya na knockout na sanhi ng pagtanggal ng kanyang mga ngipin gamit lamang ang brute force na suntok ng player na naka heavy armor.

Napa sneered si Doranbalth, "Jozard, kamusta na ang kapatid mong noob sa isang hiwa lamang ng aking espada ay sumakabilang-buhay at binigyan ako ng Aspect Gear" Rebutt ni Doranbalth.

Inilabas ni Doranbalth ang isang pulang Bow at hinihimas himas ito sa harap ni Jozard, "Sayang nga eh, diko to magagamit dahil sword user ako, benta ko nalang kaya? Magkano kaya to? Hehe tiba tiba ako rito pag nagkataon" May halong provoke ang tono ng pananalita ni Doranbalth at hinaluan niya ng malisyosong ngiti.

Ang bow na ito ay may pambihirang aura na naglalabas sa mismong katawan nito na nagsisilbing ilaw na pula naka palibot sa katawan. Galing ito sa isang Level 55 Ferocious One Eyed Eagle na isang Black Rank monster na mahirap hanapin dahil iisa lamang ito at bihirang makita. Lalabas lamang ito every 3 months with random location.

Dahil dito ay na i-trigger ni Doranbalth ang time bomb sa sa puso ni Jozard at dahil dito, nagpalabas ng malakas na aura at nagbigay pressure sa buong paligid. Kasabay nito ang paglabas ng apat na rings na naka lutang sa kanyang likuran, isang golden ring, isang silver ring at dalawang bronze rings . Pati ang mga ibang players na nakikiusyoso ay napaatras dahil sa lakas ng wave ng aura na may halong killing intent. 

Sino ba namang hindi tataas ang altapresyon dahil sa inasta ni Doranbalth. Dahil ang bow na ito ay pag aari ng kanilang guild na ginamit ng kanyang kapatid at di mabilang ang sakripisyo at gastos para lamang ito makuha sa isang boss, tanging malalakas na guild lamang ang may kakayahan na i hunt ito. Dahil sa pagkatalo at pagkamatay ng kanyang kapatid laban kay Doranbalth, nakuha ni Doranbalth ang aspect gear na isang weapon na nahulog dahil sa PK (Player Kill) penalty.

"Heavens, iba talaga pag Gold Ring holder ang maglalabas ng kanyang kapangyarihan!!" Di maiwasan ng ibang players na mamangha at pagka selos sa taas ng level ni Jozard kaysa sa kanila. Para lamang silang langgam sa paanan ng leon.

Dahil si Jozard ay may apat na battle rings, nasa 80-99 ang kanyang current level. Tanging every 20 levels mag a-unlock at madagdagan ang rings na nakapalibot at naka lutang sa likod ng user. Magbibigay ito ng mataas na fame, charisma at extra boost sa stats na magpapagaan sa adventure ng laro. 

Sa lakas ng aura ni Jozard ay pati si Roan kasama na ang mga crowd na nakapalibot ay halos maubos ang kanilang mga HP.

"What the...." Namutla at nahihilo si Roan dahil sa pagbagsak ng kanyang HP sa mabilis na rate. Dali dali niyang ininum ang isang potion at ilang pills para sa immunity ng kapangyarihan ni Jozard.

Sa kabilang banda, si Doranbalth ay napalunok ng malapot na laway, sub concious siyang umatras at hindi mag de-dare na kalabanin pa ang parang demonyong si Jozard. Puno ng takot ang nakaguhit sa kanyang mukha ngunit nang makita niyang gumalaw at handang umatake si Jozard ay inalabas rin niya ang kanyang aura at tatlong rings. Kahit alam niyang hindi niya kayang labanan si Jozard ay hindi na siya nagpatuloy sa kanyang pag atras instead sinalubong niya ito gamit ang kanyang espada.