Meanwhile, habang busy si Roan sa kanyang pag muni-muni ay may malaking kaguluhan ang nagaganap sa lahat ng sulok ng mundo ng Virtual Game.
Dinggggggggggg...
Biglang lumabas ang isang System Message na nakalutang sa taas ng ulap. Kasabay nito ang pag labas ng bonggang fireworks display.
[World News] Congratulations, someone from Human Continent Acquired Legendary Job Class
[World News] Congratulations, someone from Human Continent Acquired Epic Job Class.
Habang nakalutang ang world message na ito ay siya namang maririnig ang isang musika na patuloy na tumutugtog.
~A congratulations, it's a celebration
Party all day, I know you've been waitin' (Here we go!)~
~A congratulations (Woo!), it's a celebration
I just wanna tell you that I think that you're amazing~
Ito ang "Congratulations" song na kanta ni Pewdiepie.
Natigilan ang lahat at natulala habang nakatitig at binabasa ang nakasulat sa kalangitan.
"Legendary class my god!!"
"Wait, what? ....Dalawang special job class ang sabay nakuha?"
"Holy shit! Sino kaya ang maswerteng nakatanggap nito?"
"Pabalato naman kung sino kayo!"
Lumikha ng uproar ang pag aquired ni Roan ng Legendary Class at Epic Class. Ang hindi nila alam na iisang player lamang ay nag mamay-ari ng dalawang class nato.
Napuno ng mga messages ang forums, social medias, youtube at pati narin sa TV ay naka broadcast live ang kaganapang ito.
May apat na tier ang Special class, ito ay ang normal class, epic class, legendary class at mythical class.
Lahat ng may mga Special class ay may kanya kanyang hawak na mga titles at lahat sila ay mga Top Rankers sa listahan ng Unified Rank.
Ang mga Rankers na ito ay nakatanggap ng Epic Job Class ngunit si Roan ang pinaka swerte sa kanilang lahat.
Hindi dahil sa dalawa ang kanyang nakuha, kundi dahil siya ang kauna-unahang nakatanggap ng Legendary Class na siyang pinaka malakas sa buong server so far.
Lahat ng mga players ay naghahanap at nag aabang na kung sino-sino ang dalawang maswerteng player na ito.
Lahat sila naka abang sa telebisyon, youtube live stream o di kaya'y sa mga forums ngunit bigo silang lahat dahil tulad ng iba ay lahat nag tatanong at walang nakakasagot.
"Sino kaya ang pinagpalang ito?"
"Siguro nailigtas niya ang bansa sa panganib nung past life niya kaya ngayon biniyayaan siya ng gantimpala!"
"500 million deal, bibilhin ko account nyo kung sino man kayo!"
| Beast Continent - Hanburne City |
Bang..
Sa isang bagsak ng kamao ng isang Beast Race Player na naka Heavy plated armor, nawasak ang lamesa sa meeting room ng Guild niya.
"Sinong balasubas ang umagaw sa Legendary Class ko?"
Namumula ang mata ng Heavy plated armored player habang sinu-surpressed ang killing intent.
"Ahmm... sir AL-Khan, hindi naman po sa inyo ang class na yon. Bakit nyo kini-claim?" Lunapit at sumagot ang isang Player na mohawk ang buhok at may dalang Bow.
*Booom*
Hinampas ni AL-Khan ang idiot na miyembro ng kanyang Guild. Tumilapon ito sa gilid ng meeting room at nagkawasak wasak ang katawan nito.
"Hayzz.." Napa face palm ang isang Spear type user sa katangahan ng kasamahan.
"Hindi niya na gets? Kahit kailan napaka tonto talaga ni Siegard ha ha" Mangiyak-ngiyak sa tawa ang Player na nakasakay sa isang lumulutang na pawikan na isa sa kanyang mga flying mount.
"Babae o Lalake? If kung maganda edi wow.. Ipapakain ko nalang siya sa alaga kong Death Bunny." Babaeng player na half Human and Beast na may kalong na Bunny sa kanyang dibdib, isa rin siyang Tamer katulad ni Roan na galit sa mga magagandang players.
"Nasaan si KillyouAll?" Tanong ni AL-Khan sa mga miyembro ng Guild.
Biglang nangitim ang isang bahagi ng Space sa silid at lumabas pa isa-isa ang mga uwak hanggang sa dahan-dahan itong nag anyong Tao, "Andito ako Master AL"
"Hanapin mo sa mga Humans kung sino ang mga nakakuha ng bagong class. Imbitihin mo sila rito sa guild!"
"Masusunod po Master!" Kasunod nun ay naglaho kasama ng mga uwak si KillyouAll at pumunta sa Human Continent para mag imbistiga.
Katulad nang sa Beast Continent, pati ang mga ibang Race Tulad ng Elves, Water Folks, Fey race at Demi-humans ay kumilos na rin. Isa lang ang pakay nila, either kumbinshin sumali sa mga kanilang respective guild o di kaya'y alokin ng pera para bilhin ang account.
........
| Bone Trove Cave |
Napalibutan ng mga Dark Bats ang Grupo nila Doranbalth at Herzy. Inaatake sila nito sa lahat ng direksyon.
"Aggro!"
Naglabas ng dilaw na aura ang tanker na si Mr. Clean na humihila ng atensyon sa mga Dark Bats. Ngayon lahat ng monster ay sa kanya umaatake.
Halos maubos ang durability ng Armor ng tanker sa mga damage ng mga monster na parang mga ulan na walang humpay na dumadaloy.
"Shit! bat hindi nababawasan ang bilang nila?" Napasigaw ang ang isang Mage type player na kasamahan ni Herzy.
Habang wala sa kanila ang atensyon ng mga kalaban ay freely silang makaka atake ng mga iba't-ibang mga magic skills.
Sa tuwing namamatay ang isang Monster ay may sumusunod naman rito para mag patuloy sa kanilang atake.
"At this rate mauubusan tayo ng Mana potions pag nagpatuloy ito!" Pawis na pawis ang Acolyte sa pag support niya ng mga blessing at healing sa nag iisa nilang Tanker.
"Dont fret, bigyan nyo ako ng ilang minuto. Ako na bahala jan!" Sabi ng babaeng player na yakap yakap ang dala niyang Espada.
"Narinig mo Sheevou? si miss SooYeon na daw ang bahala.. Kaya hang in there!" Sigaw ni Doranbalth sa Tanker na si Sheevou.
Binunot ni SooYeon ang espada sa sheath. Then nag pose siya ng fighting pose.
Dahil sa matagal at may charging time ang casting ng kanyang gagamiting skill ay nag ipon muna si SooYeon ng mga source energy sa paligid ligid bago ito magamit.
"Keep healing..." Utos ni Herzy sa Acolyte habang nag pe-perform ng kanyang support skill.
"Seamless Flower Mana!"
Hinawakan ni Herzy ang balikat ng Acolyte, randam agad ng Acolyte ang pagbugso ng maraming mana sa kanyang katawan na galing kay master Herzy.
"Ok, sir Tanker, tanggalin mona ang aggro effect at umatras ka ng bahagya!" Sigaw ni SooYeon at sinunod naman agad ni Sheevou.
Nang ma-confirm ang iniipon niyang source energy at napuno na ang charging bar ay ginamit na niya ang isa sa sampung sword technique na hawak niya.
"Sword Technique no. 8 - Hundred Blade Dance!"
Umilaw ang buong katawan ni SooYeon at sumugod papunta sa libo libong Dark bats!
"Huh? napaka sugoi naman ng skill nato!"
"Para siyang sumasayaw!."
Halos napa awe ang mga nakasaksi sa sword technique na pinamalas ni SooYeon. Tulad ng pangalan ng kanyang skill ay talagang sumasayaw siya habang inaatake ang mga monster.
Dahil sa napaka smooth na motion ng galaw ni SooYeon ay para siyang gumagawa ng clones, sa isang swing ng kanyang espada ay hundreds na mga Dark Bats ang isa-isang nalalaglag sa lupa.
"What the! wag mong sabihing.... isa rin tong special skills?" Di maiwasan ni Doranbalth na mabigla sa ganda at OP ng skills nato, dahil tulad niya ay mayroon din siyang special skills na galing sa isang Monster.
Sa ilang minuto lamang ay na wipeout ni SooYeon ang mga umaatakeng Darkbats.
[Primal aspect beads acquired!]
Notification na lumabas sa harapan ni SooYeon.
"Oh!"
.....
| Garge Cliff |
Nabigla si Roan ng makita ang mga pangalan ng bago niyang skills.
Holy cow! Perfect forge, perfect enhanced, perfect appraisal.....
"Bakit may perfect sa unahan ng mga pangalan nila? Heh.. kaya pala epic grade ang job class na ito."
Inakala ni Roan na isa lamang normal Class ang Blacksmith na nakuha niya pero nagkamali siya ng akala.
"Gugugugugu"
Biglaang nag labas na weird voices ang mga slime at sabay sabay silang nag tatalon talon habang binabangga ang paa ni Roan.
"Ano? Nagugutom ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Roan sa maliliit na mga slime.
"Gugugugugugu gugugugu"
Huh, anong ginagawa nila?
Hanggang maalala niya ang isang pangalan ng skill na kanyang taglay.
Teka.. may skill ata ako rito para sa mga slime.
Tinignan niya muli ang mga skills at nakita niya ang kanyang hinahanap.
"Mutual Understanding.... baka ito ang kailangan para maintindihan ko ang mga sinasabi ng mga na Tame kong monster"
Tamer skill - Mutual understanding!
"Master! Master! Treasure!" Ang dating di maintindahan na mga boses ng slime ay clear na naririnig ni Roan.
"Treausre? Anong tresure?"
Wag mong sabihin..... may treasure sa bangin na ito?
"Mga slime, asan ang treasure na sinasabi nyo." Sa narinig na Treasure ay na excite si Roan, gusto niyang malaman kung saan nakatago ito.
Biglang umalis ang mga slime sa harapan ni Roan at pumunta sa sulok at parang tinuturo nila ang daan.
Sumunod naman agad si Roan hanggang makita niya ang isnag maliit na butas na kasing laki ng palanggana.
May treasure kaya rito? Bat ang liit na daanan?
"Mga slime, dito ba?"
Tumingin lahat ng slime kay Roan.
"Opo!"
"Dito master!"
"Dami treasure!"
Sa utos ni Roan ay pumasok ang limang slime sa butas para kunin ang sinasabi nilang treasure.
Ilang sandali ay lumabas na ito na karga karga na nila ang isang Treasure Chest.
"Master, master. Treasure!"
Medyo nabigla ng kaunti si Roan dahil hindi niya inakala na nagsasabi ng totoo ang mga maliliit na slime nato.
Treasure chest nga! Ha ha pagkatapos ng bagyo ay sisikat at sisikat rin muli ang araw!
Dahil sa mga nangyari sa kanyang kamalasan ay di maiwasan ni Roan na maluha, ngayon ay bumalik na ang mga nawala niyang swerte sa buhay.
Binuksan niya agad ito.
Ito ay..... Susi?
Isang susi at iilang food pills ang laman ng treasure chest, biglang gumuho ang expectation niya.
Langhiyang mga slime to, siguro ni-notify nila ako dahil alam nilang may pagkain na naka tago rito.
Habang Kinuha ni Roan ang susi at pills ay napansin niyang naglalaway ang mga alagang slime at dinistribute niya ito para makain nila.
"Salamat master!"
"Pagkain yehey!"
Hays akala ko naka jockpot nanaman ako!
Binusisi niya ang hawak na susi at napansin niyang isa tong susi ng pinto. Naghanap hanap siya sa palibot ngunit wala siyang ibang makita kundi mga bato, mga kahoy at lumot na nakakabit sa pader.
"Mga slime, alam niyo ba kung oara saan tong susi?" Nagtanong si Roan dahil baka alam ng mga slime. Alam nilang may pagkain sa loob ng chest, baka siguro alam din nila kung para saan tong susi.
"No idea!"
"Uh uh"
"Ako ako ako! Susi alam ko!"
Biglang tumungo ang isang slime sa isang pader at sinudan agad naman ito ni Roan.
"Asan?" Walang makitang pinto si Roan kundi puro mga bato at nagkalat na mga lumot lang ang naka kabit sa pader.
Teka...
Winalis ni Roan ang mga nakaharang mga branches, damo at mga lumot hanggang sa may isang matigas na bagay ang kanyang nahawakan.
"!!!!!"
Oh, this is it!
Nang tuluyang malinis ang paligid ay bumungad sa kanya ang isang metal na pinto.
"Ayon sa texture ng metal na ito ay matagal na itong nakatago dahil sa mga rust na bumalot rito."
Inilagay ni Roan ang dalang susi at umaasang mabuksan ito.
Clack!
Oh my god! Nabuksan nga!
Pumasok agad si Roan para makita kung ano ang nasa loob. Humarap agad sa kanyang harapan ang isang mahabang tunnel na hindi niya alam kung saan patungo.
"Guys lets go!" Command ni Roan sa mga maliliit niyang sundalo.
"Master coming!"
"Going!"
"Tara! Tara Tara!"
Sumunod naman ang mga slime kay Roan at tinahak ang madilim na tunnel na ito.
Bat ang lamig rito?
Tulad ng sa Bone Trove Cave ay malamig ang tunnel na dinaanan nila, nang maalala niya ang napansin sa dating tunnel ay natigilan si Roan.
Baka may multo din dito?
Tumindig ang kanyang balahibo, feeling niyang may panganib ang naka abang sa kanya.
"Slime.. ikaw!" Tinuro ni Roan ang isang slime, "Mauna ka, para mag scout. Sabihan mo ko kung may kalaban o wala"
"Takot master?" Takang taka ang Slime sa utong ng kanyang master.
"Si.. Sinong takot? Ako? no freaking way!" Medyo paputol putol na sagot ni Roan sa slime.
"Hi.. Hundi ako takot. Magpapahinga lang muna ako. Anyway, sundin mo nalang utos ko.. Dali.."
"Bago lang master pahinga ay pahinga ulit?" Medyo naguguluhan ang slime.
Bat andami nyong tanong?
"Wag ka nang magtanong, scout mo muna."
"Ok!" Pa talon-talon tumakbo ang slime papasok sa deep tunnel para mag scout. Ilang minuto naka lipas ay biglang itong dumating at kitang kita ni Roang pag aalala na mukha nito.
"Master master. May katulad nyo sa loob. Kuha niya treasure!"
Huh? may ibang players ang nandito? Tsaka may treasure pa?
"Baka pagkain nanaman yang treasure na sinasabi mo?"
"Hindi. Treasure hindi pagkain" Medyo nainis ang slime dahil ayaw siya paniwalaan ni Roan.
Kung ganon may iba pa pala tong lagusan kung saan makakapasok ang ibang players!
Tumayo agad si Roan, "Tara baka maunahan tayo ng ibang players"
Nagmadali si Roan tinahak ang madilim na cave sa pag aalalang maunahan siya ng iba.
Pagkadating niya ay siya na ring pagdating ng isang player na galing sa kabilang lagusan.
Naka full mask ito at balot na balot ang buong katawan, tanging ang mga mata lamang ng misteryosong player ang nikikita ni Roan.
Tama nga ang Slime may ibang players ang naka tunton rito!! Aning gagawin ko?
Nagkaharap silang dalawa at nagkatinginan.
Sa di kalayuan ay may isang malaking Box na nakapatong sa isang malaking semento na parang lamesa. Napatingin si Roan sa direksyon at sinundan naman ito ng Masked Player.
Oh shit.. pareho kaming iniisip!
In the split seconds ng ma-realize ni Roan, ay bigla siyang gumalaw. Ginamit niya ang kanyang bilis a Tumakbo pa punta sa malaking box, nang mapansin ng Masked player ang binabalak ni Roan ay hindi rin ito nagpahuli.
*Grab*
Unang nakuha ni Roan ang box ngunit may espada na kaagad ang sumalubong sa kanya.
True Sight!
Biglaang nag slow-mo ang atake ng Masked player at nailagan ni Roan ang hiwa ng espada pero hindi naka ilag ang parte ng kanyang buhok.
Shit.. ang bilis niya bumunot ng espada!?
"Wag! delikado yan! bawal mag laro ng mga matatalim na bagay ang mga bata!"
"!!!!!" Imbes na umatake sana ang Masked Player ay natigilan ito sa kanyang susunod na gagawin.
'Sinong bata? kinulang lang ako sa height!'
Napa sigaw sa puso ang Masked Player. Medyo nairita siya nang punahin ni Roan ang height niya.
Maliit talaga ang height ng Masked player, sa katunayan, inakala ni Roan na isa lamang siyang bata dahil kasing taas lamang siya ng kapatid ni Roan na isang first year high school.
Umatake nanaman gamit ang kanyang espada ang Masked player, panay takbo lang si Roan hanggang sa wala na siyang matakbuhan pa.
Slime asan kayo?
Sinurvey ni Roan ang paligid ngunit hindi niya makita ang mga Slime.
Demn slimes.. kung kailan ko kayo kailangan...
To be continued~