"Hoy bakit mo pinapaiyak ang babae? lalake kaba talaga?" Galit na galit ang lalake habang nag tuturo kay Roan.
Nang makita ang pagmumukha ni Roan ay sumimangot ang mukha nito, "Teka, namumukhaan kita.."
"Diba ikaw yung manyak sa south gate kamakailan?" Pumasok sa isipan ng lalakeng user ang itsura ni Roan.
Teka, siya yung hughugin na nambastos ng babae sa southern district!!
Kahit isang beses lamang nakita ng lalake si Roan ay namumukhaan niya ito dahil sa suot na Light Armor Vest at sa plain at beginner equipments na kasuotan nito.
"Oo nga, pamilyar ang plain niyang mukha." Sigaw ng ibang users na nakaalala sa pangyayari.
"Teka, diba si Boob Freak yan?!! Tama si boob freak nga!!"
Sa isang iglap ay nagsilapitan ang mga ibang users at galit na galit. Lalo na ang mga babaeng users, puno ng pang didiri ang bawat titig nila, tila bang sila mismo ang ginawan ng kababuyan ni Roan.
"Hindi kalang manyak, mamatay kapa ng walang kalaban laban na monster!!"
"Di kaba naawa sa napaka cute na bagay nato?"
Halos ibang lalakeng users nakikisali narin na parang mga knight in shining armor na handang protektahan ang mga heroin nila.
Nang makita ni Roan na papuntang south ang pangyayari ay di siya nakapag pigil, "Teka, teka? Anog pinag sasabi nyo ha? Bawal akong pumatay ng monster? Bawal akong kumuha ng EXP's sa monster?" Rebuttal ni Roan habang pinagmasdan ang bawat mukha nila.
"Diba isa 'tong laro? Napaka sensitive niyo naman." dagdag ni Roan.
"Tumahimik ka boob freak, isa kang kupal, hindi kalang mamatay hayop kundi manyak kapa?"
"Huh? kung ganon mag laro nalang kayo ng angry birds." Tumalikod si Roan dahil walang patutunguhan ang ganitong usapan. Umalis at iniwan niya ang mga user sa west gate at pumasok siya sa kaloob-looban ng desolate forest.
*Peng peng Peng*
Naglakad si Roan ng mahinahon papasok sa Forange Forest, nag aalala siyang baka may maka sagupa siyang high level monsters o di kaya'y isang field monster boss na nag ro-roaming sa nasasakupan nitong lugar. Kayat dahan dahan siyang naglalakad papasok sa masukal na gubat dahil sa first time niya itong lumabas ng City kung saan may mga nakabantay na mga NPC guards na handang sumaklolo pag nanganganib.
Kahit low tier ang field na ito ay hindi imposible na makaka hanap rito ng isang malakas na monster. Kung mamalasin, makakatagpo rito ng mga Field Boss, na kahit mababa ang actual level nito ay di hamak na mas malakas sila sa ibang normal monster dahil sa mataas na Grade. Meron ding monsters na grupo kung mag roaming, pag ang mga monster na ito ay makakakita ng bibiktimahin, kahit mga high level users ay mahihirapan ng kaunti na talunin ang mga ito.
Sa loob ng 30 minutes na paglalakad ni Roan ay nakapasok na siya sa loob ng boundary ng Forage forest, napansin niyang iilan na lamang ang mga users na nag hu-hunt ng monster parteng ito.
Dahil ilang buwan narin nagsimula ang server launch ng laro ay karamihan sa mga users ay nasa level 60+ na pataas, kaya't iilan nalamang ang mga low level players na nag hu-hunt sa mga low level area tulad nito.
"Sa tingin ko ang mga monster sa area na to ay nasa level 4 pataas.." Pinagmasdan ni Roan ang isang user na na nakipag bakbakan sa isang monster sa di kalayuan. Sa ilang hits lang ay madaling natalo ng user ang monster.
Humanap ng pwesto si Roan at para masimulan na ang kanyang monster slaying o grinding ng EXPs.
*Pak*
Armored Racoon Lv. 5 has been killed.
- Level Up!
- No primal aspect beads Acquired
- Beginner Hammer Mastery (Lv. 1) Proficiency raised by 8%
Nagulat si Roan ng makita ang notification sa kanyang harapan.
1 Hit!?
Sa isang casual na hampas gamit lamang ang kanyang dalang hammer na tumama sa ulo ng isang Raccoon monster ay napatay niya agad ito. Hindi mapaka paniwala si Roan sa taglay niyang lakas. Dahil hindi pa niya nasusubukan ng full force ang kanyang battle power, namangha siya sa sarili at puno ng self satisfaction.
"Mabuti hindi ko sinayang ang pagkakataon na mag ensayo sa Training Center, kung hindi dahil dito baka nahirapan na ako sa larong ito, at kung mamalasin ay baka nag quit na ako"
Inilabas ni Roan galing sa kanyang beginner bag ang isang common knife at sinumulan ang pag kuha ng loots sa katawan ng racoon.
Sa WCCO, sa tuwing makapatay ng monster ay walang instant drop ng mga items sa oras nang pagkasawi, di tulad sa ibang game na makukuha agad ng mga users. Kailangan katayin at i-dismantle muna ang patay na katawan ng monster, hiwain at buksan ang katawan nito at kolektahin ang mga importanteng items na pwedeng maibenta at may halaga. Wala ring Coins na makukuha sa tuwing nakakapatay ng monster, bago magka pera ay kailangan ng user na ibenta ang mga nakuhang items sa mga shops o user stall.
Kinatay ni Roan ang katawan ng Racoon Monster at kinuha ang mahahalagang bagay na pwedeng pagkakitaan. Lahat ng may halagang parte ng monster ay may sign na nakapalibot rito, naglalabas ng kulay pula sa parts at nag bli-blink, indikasyon ito na ang umiilaw na mga parts ay valuable na dapat kunin.
Item Acquired:
- Racoon Meat 4 Kg.
- 2 Iron Fangs
- Light Armor Scale
- White grade Monster Core
....
Masasabing masagana ang unang harvest ni Roan simula ng kanyang paglalaro ng virtual game. Dahil under level 20 pa siya, maligaya niyang nagagamit ang x2 item drops galing sa monster dahil sa benefits na bigay ng system, handog ito para sa mga newbie users.
Bukod sa Meat ng Racoon na pwedeng lutuin at magbibigay ng buff effects sa kumain nito, ang monster core naman ang pinaka importante sa lahat ng drops na makukuha sa monster. Ang monster Core ay may 30% chance lamang na nakalagay sa loob ng katawan ng monster, ginagamit ito sa upgrades ng mga equipments. Mas mataas na grade ng core ay mas mataas ang effect nito.
Nagpatuloy si Roan sa pagpatay ng mga monster sa lugar na ito ngunit napansin niyang tumatagal na ang pag-akyat ng kanyang experience points.
"Tsk.. Nagsasayang lang ako ng oras rito. Kailangan kung pumatay ng mas mataas na level na monster para sa mas mabilis ang grinding ng EXPs."
Kahit gusto ni Roan na mas malakas at mataas na level ang patayin na monster ay hindi niya tiyak kung kakayanin ba niya ang mga ito, sapagkat level 2 lamang siya at kung mamalasain baka makakasalubong siya ng field boss dito sa forest.
Pero ganon paman ay mataas ang kompyansa niya sa sarili dahil sa extra stats niyang natanggap sa training grounds.
"Masubukan nga ang movement speed ko.."
Dahil sa Dexterity training ay inaasahan na mas maliksi ang kanyang pangangatawan kaysa sa ibang players na tulad niya na isang level 2.
*Zoom*
Yumoko ng bahagya si Roan at inilagay ang dalawang kamay sa lupa habang ipinuwesto nito ang dalawang paa na parang nasa race track. Huminga ng malalim at tumakbo ng diretso papasok sa pinaka loob ng Forage Forest.
Parang isda sa karagatan na lumalangoy si Roan sa gubat, lahat ng mga nadadaanan na mga puno ay madali niyang naiwasan gamit ang kanyang smooth na mga galawan. Sa tulong ng Dexterity stats ay madali nadadaanan ni Roan ang mga obstacls sa gubat. Mapa-bato man o kahit anong uri ng mga puno, brushes o di kaya'y mga landform ay sisiw lamang na dinadaanan ni Roan.
At sa isang iglap ay nakapaglakbay siya ilang kilometro sa loob lamang ng 30 minuto.
"Woah.. ang bilis! 10% lang ang ibinawas ng stamina ko."
Tumigil si Roan sa isang burol at nagmasid sa kapaligiran, nang masigurong walang kalaban na nakaabang ay nagpahinga siya ng mabilisan. Laging naka alerto si Roan lalo nang andito siya sa lugar kung saan teritoryo ng mga monster. Mahirap nang ma-ambush, kahit gaano siya kalakas pag na sneak attack ng kalaban ay paniguradong dila lang niya ang walang katay.
"Yosh, makapag simula na nga ng tunay na hunt"
Umakyat si Roan sa isang puno na may weird na trunks. Pinili niya ito dahil ito ang may pinakamataas na height kaysa sa ibang mga puno. Pinagmasdan niya ang tanawin sa taas, pinaliit niya ng bahagya ang kanyang dalawang mata na parang isang agila sa himpapawid na naghahanap ng ma-bibiktima. Napag-alaman niya na sobrang lawak ng kagubatan ng Forage at puno ito ng iba't-ibang uri ng halaman at anyong lupa. Ngunit kahit ni isa ay wala siyang matanaw na malapit na village.
"Baka nasa likod ng bundok ang Doro Village. Tsk... ilang araw kaya ako mag lalakbay?"
Pinagpatuloy ni Roan ang kanyang pag-scan sa buong paligid, bukod sa hinahanap niyang village, gusto rin niyang makahanap ng mga monster para sa grinding ng EXPs niya.
Ilang minuto ang nakaraan ay nakahanap narin siya na bibiktimahin. Nakita niya sa di kalayuan ang isang maliit na grupo ng monster, ito ay ang mga Red Eyed Foxes.
Gamit ang kanyang liksi, ay patalon talon si Roan sa mga sanga ng kahoy parang si tarzan. Ang kamangha-manghang kilos nato ay bunga ng kanyang dugo at pawis.
Bukod sa pagtaas ng dexterity stats niya na nagbigay sa kanya ng agility at reflexes ay nakatulong rin ang ilang technique na natutunan niya sa martial arts. Sa ilang saglit ay nakahanap ng tagong pwesto sa sanga si Roan at bentang-benta ang position ng mga Red Eyed Foxes.
Limang Red Eyed Foxes ang magkasamang palakad lakad sa areang ito Hindi alam ni Roan kung ano at bakit sila magkasama at andito sa lugar na ito. Baka naghahanap ng pagkain?
"San na kaya ang iba nilang kasamahan at ang area ng monster boss?"
Bawat pugad ng monster ay may nakatalagang boss, ngunit napatanong si Roan sa kanyang isipan kung bakit kaunti at walang fox boss ang kanyang nakikita.
"Baka nasa ibang area ng gubat.." Pina-kalma ni Roan ang dati'y tense na sarili.
Malaki at malawak ang gubat kaya't malaki ang tyansa na ang mga monster na target ni Roan ay isa lamang sa maliit na grupo na naiwan sa kanilang hanay.
Habang nasa taas ng isang malaking sanga si Roan ay binunot niya ang kanyang dalang pana sa kanyang likuran at nilagyan ng arrow, pagkatapos ay itinutok niya ito sa isang Red eyed fox.
*Peng*
Sa isang iglap ay kumawala na sa kamay ang arrow naparang kidlat, sa tunog na "plok" tumama ang arrow ni Roan sa isang Red eyed fox ngunit hindi niya ito napatay agad ng isang tirahan lang. Dahil siguro, unang beses palang niyang gumamit ng pana. Kahit sa tunay na mundo ay walang kaalam alam si Roan sa mga ganitong armas.
Na-alarma ang kasamahan ng sugatang Red eyed fox at palingon lingon ang mga ulo nito sa buong paligid ng lugar, naghahanap kung saan nanggaling ang arrow at kung sino ang kalaban nila.
"Nice, next time sapul kana saakin"
Hindi napaghinaan ng loob si Roan dahil nag papainit lamang siya at ang susunod niyang tira ay tiyak sigurado na. Itinutok niya muli ang pana at ipinokus ng maigi ang kanyang tingin sa napiling target.
*Peng*
Tumama ulit ang arrow sa sugatang Red eyed fox, sa pagkakataong ito ay na headshot niya ito at bago bumalagta ang katawan sa lupa ay nakapag palabas pa ito ng huling tili!
"Wohoo.." Halos mapatalon si Roan sa saya, kasabay nang kanyang pag celebrate ay siya ring paglabas ng system notification.
[Red eyed Fox has been killed]
- Level up!
- Bow mastery unlock
- Beginner bow mastery (Lv. 1) profeciency raised by 30%
- No primal aspect beads acquired.
"Wow! Nice, nice. Level 3 narin ako sawakas.. hehe"
"Diko akalain mas madali ang grinding ng EXPs pag bow ang gamitin. He he"
Dahil sa dagdag ng Dextery stats galing sa training grounds ay tumaas din ang accuracy ni Roan, pati narin ang kanyang evasion, attack speed at movement speed ay tumaas rin ng ilang percent.
Isa ito sa dahilan kung bakit napili ni Roan ang bow dahil naka agapay ang stats niya at nababagay sa weapon niyang dala. "Pansamantala ay ito muna ang gagamitin ko para maka apak ng mataas na level."
Masayang masaya si Roan at hinahalik halikan pa ang dalang pana, na love at first sight siya rito.
Dahil sa pag patay ng kanilang kasamahan ng mga Red eyed fox ay mas naging alerto ang bawat isa sa kanila, dahil di nila alam kung saan nanggaling ang tumatarget sa kanila.
"Sorry mga sir, ito na ang huling mga araw niyo" Bumunot ulit si Roan ng isang arrow at sa tunog ng swish ay tumama nanaman ito.
[Red eyed fox has been killed]
- No primal aspect beads acquired.
Dahil dito ay nataranta ang tatlong natitirang Red eyed fox dahil hindi nila ma determina kung saan nang-galing ang atake at kung saan naka pwesto ang kalaban.
Walang atubili ay tumakas ang mga natitirang Red eyed fox at pumasok sa loob ng madamong gubat at sa malalaking puno.
Napakunot nalamang ang noo ni Roan sa pagtakas ng mga Red eyed foxes.
Syempre hindi hahayaan ni Roan na pakawalan ang lovely EXPs niya. Kailangan niya ang mga ito para hindi mahirapan sa traveling niya papunta sa Tripod town.
Sigh. Habang lumiliit ang mga pigura ng mga foxes papasok sa gubat ay nag sindi ang mata ni Roan.
Habang dala ang kanyang bow ay hinabol agad ito ni Roan at hindi tinantanan, nagpatuloy ang habulan ni Roan at nang tatlong natitirang Red eyed foxes at naglagay ng distansya si Roan sa pagitan niya at ng mga foxes. Kung nanaisin niya ay madali niya itong mahabol pero hindi niya ito ginawa dahil sa may masama siyang kutob.
Napadaan sila sa iba't-ibang landform, nadaanan rin niya ang mga lambak at may mga kwebang nakapwesto sa parte ng gubat na ito na ikinabahala ni Roan. "Pag may time pa, mapasok nga ang kwebang iyan at baka may mga nakabaon na mga treasure na naghihintay lamang sa aking pagdating.."
Hanggang sa makarating ang mga foxes sa isang Valley, may isang malaking siwang ang nag anyo na parang malaking gate na walang pinto, kung susukating ang width ng malaking siwang na ito ay pwedeng magkasya ang dalawampung katao na nakatayo na pa-horizontal at sa dulo nito ay wala nang ibang daan. Sa dead end na ito ay dali daling pumasok ang tatlong fox!
"Wala na kayong tatakasan pa hehe.."
Ngunit natigilan si Roan sa kanyang pagtakbo, "Ang tuso ng mga fixes na 'to.."
Alam ni Roan na ni-lure lamang siya ng mga cunning fox na ito nang sa gayon ay makaka resbak sila sa atake. Dahil alam nila na bow ang gamit ng kalaban ay pumili sila nang lugar kung saan advantage nila, ito rin ang dahilan para pag pumasok ang user na humahabol sa kanila ay wala na itong matataguan at hindi na ito makakagamit ng bow.
"Darn, napaka tuso ng mga foxes na ito, diko akalain may pag-iisip ang isa sa mga nito"
Ang dating tumatakbo na mga fox ay ngayon ay naglabas na ng kanilang mga pangil sa loob ng valley. Lahat sila ay pulang pula na at halintulad sa pangalan nila. Matiyaga silang naghihintay na pumasok sa trap ang kalaban nila.
Sa mga oras na iyon ay nakalapag na si Roan sa harap ng siwang, at sa loob ng siwang ay kitang kita niya mga pulang mata na nakatitig sa kanya.
Pumasok si Roan sa siwang na walang expression ang mukha, kahit medyo takot siya sa pwedeng mangyari ay kailangan maitago niya ito para ma intimidate ang kaharap na kalaban.
Nang makita ng mga foxes na nasa harapan na nila si Roan ay tinignan ng isang fox sa gitna ang dalawang kasamahan nito. Parang nagbibigay ito ng hudyat, umatake agad ng sabay ang tatlong foxes at walang inawang space kung saan makakatakas si Roan. Lahat ng kanyang escape route ay hinaranagan ng mga tusong fixos!
Bumunot na naman ng isang arrow si Roan at inasinta niya ito sa isang fox at sa tunog na "swish" ay kumawala ang arrow sa bow ngunit hindi ito tumama.
Napakabilis ng mga fox, kaya nilang umilag habang umaatake. Kahit ilang ulit niya itong tirahin ng tirahin ay ni isang fox ay wala na siyang natatamaan. Naging matagumpay lang ang kanyang unang atake dahil na caught off guard ang mga foxes at nasa blind spot siya nito.
Masasabing walang panama si Roan sa tatlong foxes at hindi na epektibo ang kanyang pana dahil na ma-mark na ang kanyang posisyon ng kanyang mga kalaban.
Sa ganitong sitwasyon, level 3 user laban sa tatlong Red Eyed Fox na isang level 9 monster ay tiyak hindi makakaligtas at siguradong sa kangkungan pupulutin.
Ngunit hindi ito mahirap para kay Roan, hindi normal level 3 si Roan dahil sa extra stats niyang 100 strength na magbibigay sa kanya ng damage at depensa na magpapatigas at magpapatibay ng kanyang katawan.
Ngumiti ng bahagya ang isang sulok ng labi ni Roan, "Akala niyo bang archer ako? Pwes, nagkakamali kayo.. soon to be blacksmith to!"
Itinago ni Roan ang dalang pana at magpapalit siya ng weapon dahil wala na itong silbi sa close combat. Inilabas niya ang kanyang nakatagong hammer at nag pakita ng fighting position.
Rawr...
Bumulaga sa harapan ni Roan ang isa sa mga foxes at ibunuka ang mga pangil nito at kinagat siya.
Nabigla kaunti si Roan sa biglaang atakeng iyon, gamit ang kaliwang kamay na panangga ay hinayaan niyang makagat ang ito at laplapin. Kinuha niya agad ang nakatagong nylon string at itinali niya ito sa kanyang kamay kasama ang fox na naka kagat nito. Habang ang kanang kamay naman niya na hawak hawak ang kanyang hammer ay hinampas niya sa isa pang Red eyed fox na paparating sa kanyang tagiliran.
*Bogsh*
Tumama ang napakalakas na hampas ni Roan sa ulo ng fox at nayupi ang mukha nito at tumilapon ang buong katawan ng ilang metro at bumanga sa isang malaking bato. Nagdilim agad ang mga paningin ng Red eyed fox sa oras ng tumama ng full force ang hammer ni Roan sa mukha nito. Hindi niya akalain na isang lowly human ay ang tatapos sa kanyang buhay. Kasunod rito ay paglabas ng maraming bula galing sa bibig ng fox at nanginginig pa ang buong katawan nito at nag hihingalo, at sa ilang sandali ay nabawian ito ng buhay.
[ Red eye fox has been killed ]
- No Primal aspect beads acquired.
- Hammer mastery (Lv. 1) profeciency increase by 20%
"Two monster down" Masaya si Roan sa kanyang bagong lakas