webnovel

Conscience

Malcolm's Point of View

Hawak-hawak ko ang aking ulo gamit ang dalawang kamay. Nag-uumpisa na akong mag-panick. "The fúck, dude. Where's Marceline? Kinuha ba siya ng inquisites or vicious?" tanong ko kay Thorn, mukha rin siyang nag-aalala, sa tingin ko?

Kahit naman prinsipe siya may karapatan pa rin akong magsalita sa kaniya ng impormal.

Umiling siya. "She was locked. She's near." iniharap ko sa akin ang gagong ito.

"Asan siya?" aking tanong.

"Sa malamig na lugar, madilim at may mga tumutulong tubig."

Cold place, dark and has a running water. "Madaming ganong lugar dito sa Larrson, sa oras ngayon patay na ang ilaw at heater. Marahil sa girls cr." ani ko sa kaniya. "But you heard anything else?"

Umiling siya at tumingin sa sahig. Pero mukhang naliwanagan ulit siya at nakarinig muli.

"After... After she did her fencing. Where could it b一" hindi na niya tinapos ang kaniyang sasabihin at tinapik ang balikat ko. "I know now where the fúck she's locked. Girls shower room, at the fencing practice place." bigla na lang siyang nag-lahong parang bula sa harapan ko.

Husay mo rin, Thorn! Tangína. Hinayaan ko na lang siya, humakbang at dinala rin ang sarili sa girls shower room sa practice room ng fencing.

Nang sa isang iglap ay nakarating ako sa kinaroroonan ni Marceline.

*

Marceline's Point of View

Sobrang lamig, nanginginig na ako dahil sa nararamdaman ko. I am starting to get scared too, it's too dark that I can't see anything. Bawat patak ng tubig ay nagpipintig sa aking tenga. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hinihinga sa halo-halong nararamdaman ko.

I am too reckless, ang tanga-tanga ko, I've been a victim before, nagpabiktima ulit ako ngayon. This is too much, nakakapagod na. Bakit napaka-tanga ko para hindi maisip ang bagay-bagay na imposible. Mga bampira nga na akala ko hindi totoo, totoo pala. Bakit ang masaraduhan sa isang kwartong ito, makuha ang aking damit at pahirapan ako sa lamig hindi ko na isip manlang? I should thank that girl, atleast she left my towel.

Kesa mag-relax sa hobby kong fencing, minalas pa ako. Hindi na dapat ako pumunta dito pagkatapos kong mag-practice ng fencing. I'm so naive!

I felt my heart ache.

"Ah." sagot ko sa sakit. Sumisikip ang aking dibdib. I half open my mouth and closed my eyes. Napaka-sakit, how can I endure this damn pain.

Iminulat ko ang aking mata ngunit umiikot ang aking paningin, nagdidilim din. Nakarinig ako ng kalabog sa pintuan. Para itong pinipilit na bukasan. Malabo kong nakita ang pag-bagsak ng sira ng pinto. Inapakan ito ng sumira at hinarap ako. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa ako'y nahihilo na.

Hinubad niya ang kaniyang suot na jacket at isinuot ito sa akin.

"You're safe now." isang boses ng lalaki. Pagkatapos noon tuluyan ng pumikit ang aking mata.

Nagising akong mabilis ang paghinga. Should I be glad that I am alive? Seer's sleeping at the sofa here in the infirmary.

Ako ay nakahiga sa hospital bed rito sa infirmary. Alam kong gabi pa rin dahil madilim sa labas.

"Glad you're alive." I almost died because of him. He startled me. Nandito pala siya, nakasandal aiya sa pintuan habang nasarado ang kamay.

"Cursed you Malcolm." biro ko sa kaniya at ngiti.

That guy who saved me, na nagpaka-knight-in-shining armor ay si Malcolm. I'm not surprise at all. He saved me once so it won't be a shocking thing if he'd save me again, right? But still, I know in myself, I'm disappointed. Disappointed na hindi siya, ano bang aasahan ko sa lalaking iyon? Hindi naman niya ako kilala kung hindi lang ako nagpakatanga at inihain ang sarili sa kaniya nung gabing minarkahan niya ako. Pero kahit na may nagdudugtong na sa amin, wala pa ring rason para maging malapit kami at para tulungan ang isa't isa.

My own expectation disappointed me.

Hindi niya nga ako pinansin kanina sa cafeteria, paano pa kaya niya ako tutulungan? Damn you, Acheron. You're a thorn to my life. Your name suits you well.

"Are you thinking about something?" tinaasan ko ng kilay si Malcolm sa tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman."

He nodded. Pagkatapos ay tinanong niya ako kung alam ko, o may ideya ba ako kung sino ang nag-kulong sa akin sa shower room.

I can't accuse someone, yet. Without any proof. Ayokong mang-bintang na lang basta-basta.

"It's a serious offense here, Marcy--- I mean." he sighed. "Ano bang itatawag ko sa iyo? Ang dami kong pedeng inickname sa iyo, pero ayokong mainis kita. You're the first person na tatanungin ko ang gusto nilang itawag ko sa kanila. You're that special to me." he gave me his smile again.

"Don't make me laugh. Pede mo na akong tawaging Celine, we're friends now, tama?" tanong ko.

Nginitian niya ako sabay tango. "Anyway, Celine, that was bullying. Pedeng maparusahan ang may kasalanan nun, suspension of class o di kaya'y community service."

"It's nothing, Malcolm, baka hindi lang sinasadyang masaraduhan ako." I said.

He kept on asking who could it be. If there's someone do such thing. Hindi pa talaga ako pedeng mang-akusa.

"Wala akong maisip na maaari." pagsisinungaling ko.

I remember her voice but it's so weird na tunog ng takong ng sapatos ang yapak niya, napaka-imposibleng siya kaya hindi ko siya maakusahan, her voice is different from her, I can differ that. But the high heels a question mark too. Hindi pa ako sigurado. This is driving me nuts.

"If you want to keep something, don't voice it loud. I'm thinking about your privacy." out-of-nowhere na ani ni Malcolm.

What the heck is he talking about?

"O--kay." sambit ko sa kaniya. Not knowing what he's talking about. "Sa tingin ko, kailangan na naming umuwi, mag-aalala si Tita Emma." I said. Tumayo ako.

May saplot na ako ngayon, pretty sure its Seer. And I still have the jacket Malcolm gave me earlier.

"Nag-paalam si Saoirse para sa inyo dalawa sa mama niya, pero ibang rason."

"Iba?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya. "You should ask her, when she wake up."

"Okay. Pero, I'm fine. Hindi rin ako kumportable rito sa infirmary." nakaupo na ako sa kama nang sumakit ang ulo ko. I smelled something mouthwatering, again. This is bad.

"Gutom ka na? Wait." umalis si Malcolm sa puwesto niya sa pagsandal sa pintuan at pumasok sa isang sliding door, malaki ang infirmary pero sa tingin hindi iyon kabilang dito, tingin ko ay rest room iyon ni Nurse Leona o 'di kaya'y kainan niya ng bagay-bagay. Iniwan niyang bukas ito ng pumasok siya. Humarap siya sa isang malaking refrigerator, he opened it. Nang papabalik na siya papapunta sa akin may dala na siyang bote. Iyung boteng ibinigay niya rin sa akin dati. "Here, hindi mo naman na siguro tatangihan ito?" tanong niya. I know what does he meant. I nodded.

Kinuha ko ito sa kaniyang kamay. "My friend's here, and I can smell her blood, you think I won't refuse this?" alog ko ng bote. Binuksan ko ito at ininom. It is so refreshing, ang dugo ay parang tubig sa isang uhaw na uhaw na bampira, para rin itong tubig ngunit mas malasa at hindi na kailangan pa ng pagkain para mabusog. "Matagal ko na ito gusto tanungin, anong hayop? Anong klaseng hayop galing ang dugong ito?" tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang ubos ko ng bote. "This? An innocent animal." aniya sa akin. "Blood of an innocent animals are better than the blood of an innocent lives." napatingin ako sa kaniyang aking katabi.

Napabuntong-hininga ako, he's right. Mas mabuti na ang dugo ng inosenteng mga hayop kesa sa dugo ng inosenteng mga buhay. I don't how he was raised, one thing for sure. Mabuti ang pagpapalaki kay Malcolm ng vampire parents niya kung meron man siya. He cares about others that's a proof na mabuti siyang bampira. I smiled.

I asked Malcolm kung na saan si Nurse Leona ani niya lang ay, "Wandering around in all probability?" napatawa ako sa statement niya iyon.

Umuwi na kami ni Seer, inaya ko na siya. It's quarter to nine when we left the infirmary. Ihahatid pa sana kami ni Malcolm ngunit hindi ko na siya pinasama pa, hiyang-hiya na ako sa lahat ng ginawa niya para sa akin. Napaka-raming utang ko na sa kaniya.

Nasa kwarto ko ngayon si Seer, makikitulog raw muna siya.

Kanina nang umuwi kami bumungad si Tita Emma, tinanong niya kung bakit nag-bago ang isip namin at hindi na naki-sleep over sa isang kaklase ni Seer. Ayon pala ang dinahilan niya.

"Are you sure that you're okay, Celine?" tanong niya sa akin. Naka-upo siya sa kami ko habang ako naman ay nakahiga na.

Tumango ako.

"I'll remove every hair of that person na kumulong sa iyo. Every bit of it! How dare him or her!" sigaw ni Seer.

"Shh, maririnig ka ni Tita."

"Oopps, sorry." aniya. Biglang nag-iba ang mukha ni Seer at tumingin sa akin. Naka-pout siya. Iniayos naman niya ang hanggang balikat niyang kulot na buhok. "Celine. I really am sorry. Sorry dahil nagalit ako sa iyo hindi ko naman kasi akalaing magkakilala kayo ni Thorn. I'm sorry." ipinilupot niya ang kaninang braso sa aking braso.

"It's fine, Seer. Alam ko naman kasing patay na patay ka sa kaniya, anong magagawa ko? I'm kind of jealous of him."

"Don't be! I'm going to move on na, kahit walang naging kami, sadly. Mag-momove on pa rin ako dahil mas importante ka kesa sa kaniyang never nagkaron sa akin ng pakialam. You're my bestfriend."

Ngumiti ako. "Talaga lang ha?"

She nodded. Saoirse, my bestfriend, is back.

*

Kinabukasan, maaga akong gumising at nag-ayos. Ako na rin ang nag-luto ng breakfast nila. I cooked their favorites. Isinantabi ko muna ang pagkahumaling ko sa spam&egg at inilagay iyon sa plate ni Krei na isang cartoon character ang design.

Tiningnan ko ang mga niluto ko at inalis na ang apron, napag-desisyunan kong sa cafeteria na lang mag-umagahan dahil ang itinext ko kay Malcolm at Anais ay 7:30 AM, sa may library.

Nag-iwan ako ng note at lumabas na ng bahay.

Inilagay ko ang aking phone sa bulsa ng lace dress ko. May t-shirt ako sa loob kaya hindi ako gaanong nilalamig.

Tumunog ang cellphone ko na hudyat na may nag-text.

Malcolm <+6390564----->

Malalate ako ng 30 minutes, wala akong tulog, don't worry two chapters na lang tapos ko na ang research ko 1 hour would be enough. 😉

I sighed. Iniling-iling ko ang ulo ko sa text niya.

Nasa tapat na ako ng library. There's students already sa campus. Sa quadrangle rin ay may mga tao na, at sa benches.

Should I wait Malcolm here or should I eat breakfast first?

Pahakbang na sana ako papapuntang cafeteria nang tumunog ang aking phone. Pangalan ni Anais ang nasa screen. Nag-text siya.

Anais <+6390619----->

I'm at the library now, nasa 2nd floor ako. Don't you mind? Mas okay din dito, tahimik.

Her text creepy. It sended something inside me. I can't accuse her because it's too impossible to be her. Conservative siyang babae at sa isang buwan ko rito sa Larrson, I haven't saw her wearing any revealing nor a high heels. Imposibleng si Anais iyon at the same time. Imposible ring si Carys. Kahit na identical sila magkaiba ang boses nila. Kung nakita ko sana ang mukha lang ng nag-kulong sa akin malaki ang posibilidad na maguluhan ako sa kanilang dalawa pero hindi. Boses lang ang narinig ko. Boses. And the owner of the voice I heard last night was owned by... Anais Johnsen.

I saw Carys, she's with her friends. Nakasuot siya ng all-purple, dress, headband, bags, etc at purple ring high heels.

Hindi ko na talaga alam.

Nang maka-akyat ako sa second library, I saw her, only her. Siya lang ang nandito pati na rin ako. The whole second floor of the library is empty. Nasa labas siya ng balkonahe. Nakahawak siya sa railing nito na naghaharang.

Binuksan ko ang sliding door at saka sinaraduhang muli ito.

Naramdaman niya siguro ang pag-dating ko at lumingon agad. "Marceline." nginitian niya ako.

I smiled too. "Anais." sambit ko sa kaniya. "Should we start now? Tara na sa loob." ani ko. Tinalukuran ko siya at humakbang ngunit hinawakan niya ang kanang braso ko kaya ako ay napatigil.

"Why?" she said.

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Why did you fúcking tell him." napakunot ako sa naging lenggwahe ni Anais. I haven't heard any cursed words came from her. "Bakit ka nag-sumbong!" sigaw niya. Nanlalambot ang tuhod ko sa inaasta niya ngayon. Hinawakan niya ang ulo niya at parang natataranta.

"So it's you? But, Anais. Are you fine?" pag-aaalalang tanong ko. Hindi siya mukhang maayos.

"The heck. Do I look like fine to you? Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin? Fúck!" she said. I can't understand her. "He said, he'll kill me. Should I kill you first?" my eyes widened.

Nilapitan ako ni Anais at sinakal.

"Ana-is." I am choking to death..

Isinandal niya ako sa naghaharang ng balkonahe.

"No. I shouldn't kill you now. Papatayin niya ako 'pag nalaman niya. I should hurt you little by little until you die. Am I right?" she smirked. Is she really Anais Johnsen? Hindi ito ang pagkakakilala ko aa kaniya. She seemed to be possessed. The hell. "Killing two birds with one stone is better. You and Carys, I mean." binitawan na niya ang pagkakasakal niya sa akin.

Anong ibig niyang sabihin sa aming dalawa ng kambal niya?

Hawak-hawak ko ang aking leeg ng hindi mamalayang nakatayo na pala sa edge ng balkonahe si Anais at tila tatalon.

"What the hell, Anais! What are you effing doing!" sigaw ko.

"Like what I said. I am going to hurt you little by little until you die." aniya at talikod sa akin then she jumped.

Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Shít.

"Anais!" sigaw ko. Parang ang bagal ng oras habang tinitingnan ko ang pagbagsak niya. I saw her smirk before she fell on the ground.

Kita ko ang pag-inda niya ng sakit habang nag-uumpisa na siyang pag-kaguluhan ng tao, may nakikita na rin akong dugo sa pinaghihigaan niya.

Tumingala ang mga nakaisyoso kay Anais. They saw me and their eyes gave me a message.

Nanginginig na ako. felt something inside me. Conscience. Did I made her do it? Did I?!