webnovel

Walls of troy had broken

CHAPTER 1: Walls of Troy Had Broken

"san ka iho?"

"sa norvill lang po"

Pinaandar na nang driver ang taxi, ako lang mag-isa ang nakasakay pauwi na sa bahay, nakakapagod ang trabaho ko ngayong araw

Over time sa work maraming ginawa, at anong oras na pala 11pm na ng gabi.

 

Habang umaandar may napansin ako sa side mirror ng sasakyan napansin ko ang isang babae na nakaitim,

pagtalikod ko upang tignan wala na akong nakita, kaya hindi ko nalang pinansin tumingin nalang ako sa harap ng kalasada.

"dito nalang po ako manong, eto po yung bayad ko" kinuha naman ng driver yung binayad ko at bumaba na ako ng taxi.

Pumasok na ako sa unit ko actually mag-isa lang ako dito nakatira, and by the way hindi nyo pa pala ako kilala ako nga pala

si Thyimothy San Isidro, parang pang matanda talaga yung pangalan nu dapat 'Thimothy' spell talaga nyan eh kaso nagkamali

sa birth certificate kaya "Thyimothy" ang naisulat, kaya yan na talaga nagamit kong name, but you can call me as "teo" yan ang palayaw

ko, ahm 21 years old na ako hindi ko kasama ang family ko sad to say, dahil wala na ang mga parents ko, ang mga kapatid ko

naman ay may kanya kanya ng buhay, may mga asawa na sila bunso ako sa tatlong magkakapatid.

 

Isa akong manager sa isang company. Itong bahay ko ngayon ay niregalo sakin ng mga kapatid ko nung nag 21 ako last October,

dalawang linggo palang ako nakatira dito at ang saya dahil bahay sa isang subdivision ang regalo nila pwede na ako mamuhay

ng mag-isa, or di kaya mag-asawa pero hindi muna dahil mag-iipon muna ako gaya ng sinabi sakin ni ate mitch asawa ng kuya

kong si Santiago, ang pangalan naman ng ate ko ay Trinidad kulit ng mga name ng kapatid ko nu parang pinaglumaan na ng panahon.

Hay maka higa na nga at ng makapag pahinga na napagod ako ngayon araw na to, pasok na sa kwarto sarado na ang mata at

natulog na ZZzzzzzzzZZZ.-_-

Kinabukasan nagising ako ng mga alas syete bumaba ako at tinignan kung may slice bread na nakasabit sa pinto ng bahay at

nakita ko ngang meron at may kasama pang palaman, pinadedeliver ko na kasi to araw araw tuwing alas sais ng umaga.

Nag almusal na muna ako bago maligo para mag prepare na pumasok sa work mga 9 pa naman ang pasok ko eh,

nagbihis na ako at lumabas na ng bahay para mag-abang ng sasakyan hay sa weekend nga makabili na nga ng sasakyan para hindi

na ako mamasahe pa may pera naman ako na 2 milyon sa bangko na nakalagay na bago pa mamatay sila papa dati 500 thousand lang

yun ngayon 2milyon na tumubo na kasi ng tumubo kasi di naman ginalaw.

At may huminto na saking taxi at sumakay na ako para makapasok na sa work ko

"Good morning po sir"

bati ng mga empleyado sakin na nagwowork sa company kahit na matanda naman sila sakin hanep talaga kapag kilala mo

ang may-ari ng company malakas ang kapit nu ninong ko kasi ang may ari nito si ninong Simoun, ipinangako nya

kasi kapag gumraduate ako ng kolehiyo gagawin nya na agad akong Manager sa company nya kaya eto 2 months palang ako dito sir

na agad ako =), pero syempre masipag ako nu ayaw kong isipin ng tao na kaya lang ako napasok dito ay dahil sa ina-anak ako.

Haha kapag nakaipon nga makapagtayo nga din ng company ng shabu joke ^_^

6pm uwian na sa work ng may nagtext sakin si kuya Cael isa sa mga kaibigan ng kuya ko nung kolehiyo

"teo pauwe ka na ba?"

"oo kuya bakit?"

"daan ka muna dito sa bagong coffee shop kape muna tayo"

"o sige punta ko dyan wait lang"

At dumiretso na muna ako sa coffee shop na malapit lang sa work ko sa pagkaka-alam ko bagong tayo lang yun at opening yata

ngayon, pumasok ako ng nakarinig ako na may tumutugtug na banda at nakita ko si Kuya Cael sa may bandang Barista.

Ang name nga ng coffe shop eh JAMCAFFE'.

"kuya Cael" tawag ko sakanya tumango naman sya at tinapik ako sa balikat ko

"oh teo andyan ka na pala"                                         

"bakit pala kuya andito ka?"                                         

"ah eh sa asawa ko kasi to pinatayo nya opening ngayon"                          

"wow nice naman nasan ba ang asawa mo hindi ko pa sya nakita?"                     

"nasa bahay lang sya eh"                                         

"eh bakit sya andun di ba dapat andito sya?"

"eh kasi nga teo hindi sya nakakalakad, nakawheel chair nalang sya"

"huh, bakit naman may polio ba sya?"

"haha wala ano ka ba, naaksidente kasi sya dati"

"ah ganun ba kaya pala, I feel sorry for her kuya"

"nu ka ba wag mo kaawaan yun nu, dapat nga ma-amaze ka dahil kanya nga itong coffee shop na to oh"

At napatingin ako sa paligid ng shop ang ganda nga nito at ang gaganda din ng mga furniture at paintings sa paligid

"halika maupo tayo" pag-aaya nya sakin, at naupo kami sa isang table habang napapaisip din ako

na ang asawa pala ni kuya ay hindi na nakakalakad pero sila pa din sa gwapo ni kuya tsaka piloto pa sya hanep,

buti hindi sya naghanap ng iba dahil di na nga nakakalad yung asawa nya wagas siguro sila sa pag-ibig buti pa sila

samantalang ako loveless tsk >.< ayaw ko na maalala pa.

"ano bang gusto mong kape?"

"ah yung may chocolate nalang kuya"

at tinawag nya yung isa sa mga waiter at dinalhan kami ng kape na may kasamang pancake.

Maya-maya naman may dumating pa, yun ate ko at kuya inimvite din pala sila ni kuya cael"

"andito ka din pala bunso" bati sakin ng aking kuyang si Santiago kasama yung asawa nya na si ate Michelle

"teo kamusta trabaho?" bati naman sakin ni ate Trinidad habang ginugulo nya yung aking buhok

"ate dada naman oh ginugulo mo naman ang buhok ko eh naka gel pa naman yan oh" dada palayaw ng ate ko

at nagsipagtawanan sila at naupo na din, nagkakwentuhan ng mga kung ano anong mga bagay,

mga bandang alas syete imedya nagka-ayaan na kami magdinner, si Kuya Cael naman ay hindi na sumama pa,dahil magbabantay pa sya

sa shop nila na opening palang daw ngayon nextime nalang daw sya sasama.

"bunso tara na at manlilibre ka pa samin ng dinner hehe"

sabi sakin ng kuya tiago ko tsk naisahan ako ah buti nalang may pera pa ako sa wallet ko, 

at nagpunta na kami sa isang restaurant na malapit lang sa Coffee shop mga ilang lakad lang naman yun.

Nag sipag order na sila at ako na din ng makakain na kami ng hapunan, habang kumakain kami kung ano anong pang-aasar nalang

ang nakuha ko sa ate ko.

"uy teo ano wala ka pa ba ihaharap ulet samin na bago"

"oo nga naman wala na ba chicks dyan ang gwapo-gwapo nitong si bunso eh nawalan"

"haha tigilan nyo nga ako wala nu busy kasi ako"

"hu baka naman humina ang chickboy powers mo?" sabi naman ng ate ko

"kayo naman oh tigilan nyo na si teo bata pa naman sya eh" sabi naman ni ate Michelle sya yung kakampi ko dito sa mga to eh,

tsaka yung asawa ni ate na nagwowork sa Japan.

Kung sino pa yung mga kapatid sila pa yung di ko kakampi eh nu, talagang kapatid ang mortal na kalaban sa asaran :|)

Habang kumakain kami ng masaya may napansin ako sa may dulong kabila na mga pamilyar na muka na alam kong kilala ko sila,

yeah I knew it sila si Caysey at Denzel school mate ko dati, para mas magandang interpretasyon sila ang best friends ko dati.

Si Denzel classmate ko sya at yung si Caysey sya lang naman ang 2 years na naging girlfriend ko sa college at SUCKS!!!

Sa tagal na ng panahon nakita ko pa ulit ang mga mukang ayoko ng makita pa kahit kelan, 3rd year ako sa college sa kursong

Bachelor of Science in Accountancy nung nasira ang magandang samahan namin na hinubog ng matagal na panahon actually

Elementary palang kami bestfriend ko na si Denzel at si Caysey ay kaibigan ni Denzel ipinakilala sya sakin ni Denzel

nung nasa 1st year kami sa college naging kami for 2 years, ng isang araw may isang napakagandang pangyayari na sumira ng

lahat.

*Flash back 2 years ago*

Naglalakad ako sa hagdan ng pasilyo papunta sa room namin dahil kukunin ko yung bag ko para umuwi dahil binalita sakin ng

kuya ko through phone na patay na si papa humahagulgol akong umiiyak nun papunta sa room nagpaalam na ako nun sa prof namin

na uuwi na ko, galing lang ako sa gym kung saan may activity kami, kinakabahan ako at ang luha ay hindi ko napigilan na

bumagsak.

Pag-open ko ng door ng room namin may nakita akong tao sa Room namin dalawa sila, I saw them kissing torridly

na ang kamay ng lalake eh gumagapang sa katawan ng babae shock ako, ayoko sana sila istorbohin dahil kilala ko yung lalake

si Denzel nagpangap nalang ako na walang nakita at dumiretso ako sa upuan ko para kunin na yung bag ko alam ko napansin na

nila ako, alam ko din napatigil sila at pag lingon ko what I saw is another nightmare kahit na tanghaling tapat yun

nightmare na nakita ko na gising ako at may diwa hindi ko na kaylangan pa sabihin na

"gisingin nyo ako dahil binabangungot ako!" dahil alam kong gising ako sumigaw ang utak ko ng napakalakas na salita na

pwedeng marinig ng buong campus kaso hindi ko ginawa "PUTAN%I*@" ang sabi ng isip ko at biglang nawasak ang

walls of troy sa puso ko, wasak na wasak na wasak pa ang pagkatao ko.

Napatigil sila sa karumaldumal nilang ginagawa hindi dahil sa ginagawa nila kundi sakin na nakakita ng kawalang hiyaan

ng pagtataksil ng dalawang pinakamalapit sakin ang Bestfriend kong si Denzel at, sya oo sya ang malandi kong Girlfriend!!

Nakikipaghalikan sa kaibigan ko na kaibigan nya ano to talo talo nalang, tameme sila at hindi makagalaw,

ako tahimik na namumula ang mga mata pinilit kong hindi malaglag ang luha, aaminin ko sa pagitan namin ni Caysey may

nangyari na samin maraming beses na oh ayan alam nyo na din ang tungkol dyan, sya ang 1st experience ko at sobrang mahal ko

sya talaga ipinakilala ko na nga sya saking papa at mga kapatid ko eh dahil matagal na kami, tinangal ko ang pagiging playboy

ko nung high school dahil sakanya nakontento na ako, dahil maganda sya, mabaet at sweet sa likod pala nun ay isang

makating babae na pumatol pa sa kaibigan ko sucks talaga hindi ko na alam ang mararamdaman pa, akala ko sya ang unang tao na

magpapagaan ng damdamin ko dahil sa pagkamatay ang aking papa yun pala sya pa ang dadagdag ng problema na iisipin at

paghihinagpisan ko napaka walang hiya ng mundo!!

Tinignan ko sila ng isang matalim na tingin na pwedeng hiwain sa hangin ang kanilang mga pagmumuka hindi na ako nagsalita

umalis ako ng mabilis at sila andun lang nakatayo speechless at walang kibo na mga nakayuko.

Tumakbo ako ng mabilis at nagtungo sa ospital hindi alam ng mga kapatid ko ang nangyari ang akala lang nila sa damit kong

basang-basa ng luha ay dahil lang kay papa pero ang isa pang dahilan ay dahil kay Caysey. Wala ng dapat pag-usapan pa

malinaw pa sa sikat ng araw ang mga nasilayan ko wala na kami ni Caysey at sira na ang pagkakaibigan namin ni Denzel,

sabi magpatawad ka daw sa nakagawa sayo ng kasalanan pero kung kayo ang nasa lagay ko hindi ko lang alam kung may salita pang

patawad na naisulat sa bibliya dahil kasumpa-sumpa sila. Mga walang hiyang taksil!

kung ang Dyos nga daw kaya magpatawad tao pa kaya? pero sorry to say hindi ako dyos.