webnovel

Decoy, ambush, villains

CHAPTER 2: Decoy/Ambush/Villains

Binaling ko nalang ang aking mata sa kinakain ko ng makauwi na dahil hindi ko na trip ang simoy ng hangin dito sa loob ng

resto na to, at baka mapansin pa nila kuya sila alam niyo na yung mga walang hiyang yun, patay ako at baka kantyawan lang

nila ako tungkol sa amin nila Casey.

Nag-aya na ako umuwi pagkatapos namin kumain pumayag naman sila, ihahatid nalang daw nila ako pauwe sa bahay ko,

at sumakay na kami sa kotse ni kuya tiago, nasabi ko din kay kuya ang balak kong bumili ng sasakyan pero bago daw yun,

kumuha muna daw ako ng lisensya, sabagay tama nga sya dun kasi wala pa naman ako lisensya at konti palang alam ko sa

pagmamaneho, pag weekends daw tuturuan nya daw ako kaya pumayag naman ako.

Nung malapit na ako pauwe sa may subdivision kung saan yung bahay ko may napansin naman ako na babaeng nakaitim sa bintana

ng kotse nandun sya nakaupo sa may duyan sa playground ng mga bata swing lang sya dun mag-isa, nagtataka ako bakit andun yung

babae na mag-isa lang at medyo madilim na dun.

Ibinaling ko nalang yung tingin ko sa kabilang side kasi may tinatanong sakin si Ate Michelle, at nung nasa tapat na ako ng

bahay ko bumaba na ko para magwave sakanila at nagbyebye na ko inaya ko pa nga sila pumasok pero wag na daw dahil gabi na

magpahinga nalang daw ako.

Pumasok na ako at nagpalit ng damit pang tulog maaga-aga pa naman kaya nanuod muna ako ng mga movie alas nuebe palang naman

nun hay ang tahimik pag mag-isa lang I find my self peaceful na kahit nakakita ako ng panget na view na nagpa-alala sa

nakaraan na halos dalawang taon ko pinilit kalimutan, lumabas ako ng bahay para bumili ng burger sa isang tindahan para

may makain naman ako habang nanunuod ng movie malapit lang naman yun eh kaya hindi ko na kaylangan pang gamitin yung bike ko nagsindi

ako ng isang yosi habang naglalakad ako napadaan ako sa playground ng mga bata at napansin ko yung babae na nakaupo duon at

tinignan ko yung mukha nya sa malayo at napansin kong napalingon sya sakin at nagulat ako sa nakita ko may dugo sa kanyang

mata pumikit ako at dumilat ulit at nakita ko wala naman palang dugo nakatingin sya sakin ng diretsyo kinilabutan ako sakanya

kaya naglakad nalang ulit ako, at habang naglalakad ako across the road narinig kong nagsalita sya kasi napadaan ako sa harap nya.

"mister kung ayaw mo magkasunog patayin mo na yang sigarilyo mo"

sabi nyang bigla, napalingon naman ako sakanya at nakita ko ang amo pala ng muka nya at ang ganda nya maputi sya, at mahaba

ang buhok nya na may clip pa sa buhok, kaya naman tinapon ko sa lapag ang yosi ko tinapakan at saka dinampot para itapon

sa basurahan.

"ay pasensya ka na ha" sabi ko sakanya kaso yung tingin nya ay ibinaling nalang nya sa semento ng playground na kung saan sya

nagduduyan. Hmp ;| ang suplada naman ata nun kaya tumuloy na ko para bumili ng burger sa may tindahan. Ang nabili ko ay

buy 1 take 1 wala akong kahati kaya ako lahat kakain nito naglakad na ulit ako pauwe sa bahay ko, napansin ko na andun pa

din yung babae sa playground napalingon ulit sya gaya ng lingon nya sakin kanina nagulat ako ng para yatang lumamig ang simoy

ng hangin ng mga oras na yun, naglakad ako papalapit sakanya habang nakatingin yung mga mata nya sakin na para atang hindi

pa kumukurap siguro nagwapuhan sakin ^.^

Umupo ako sa may gutter ng playground at humarap sakanya at nagsalita ako

"ate kanina pa kita napapansin dito gabi na bakit mag-isa ka lang taga dito ka lang ba?"

hindi sya nagsalita tahimik lang na nakaharap sakin na hindi ko mapaliwanag ang kanyang tingin

kaya naman nagsalita uli ako

"ate sayo nalang yung isang burger" at inabot ko sakanya pero hindi nya kinuha napansin ko ngang may hawak syang flute nun

kaya inilagay ko nalang dun sa kabilang duyan sa may upuan nun yung isang burger ng biglang narinig ko syang magsalita.

"Cassandra" mahina nyang salita

"ano po?" sabi ko naman sakanya

"Cassandra ang pangalan ko, wag mo kong tawaging ate dahil mas matanda ka pa sakin"

Nagulat naman ako sakanya panu naman nya nalaman na matanda na ako muka na ba akong matanda grabe naman to lakas mang-asar.

"ah I see ako nga pala si teo" at inabot ko yung kamay ko para makipag-kamay sakanya pero tinignan nya lang ito, sucks

pahiya ako nun ah, kaya binaba ko nalang yung kamay ko.

"may hinihintay ka ba dito kasi kanina ka pa ata dito eh?" tanong ko sakanya

"yung little brother ko"

"ah gabi na ah darating pa ba yun?"

"ewan ko" yan ang matipid nyang salita na di ko alam kung ano ang sasabihin ko para naman syang ewan din kausap nu

"dito ka din ba nakatira, sa village na ito?"

"oo"

Grabe ang tipid nya magsalita

"ah saan bahay mo dito, ako kasi dyan lang sa Block G-15" sabi ko naman sakanya habang nakaupo lang sa gutter nun na

nakaharap sakanya

"Block N-133" yan ang sabi nya

"ah dun ka pa sa may bandang dulo pa, sige miss Cassa uwe na ako, ikaw din gabi na kasi" sabi kong ganyan sakanya at tumayo

na ako, sya naman tahimik lang at hindi na nagsalita.

Nakatingin lang sya sakin ewan ko ba pero ang ganda nya kahit parang ganito lang ang itsura nya -> :|

nakatikom ang bibig na parang ang baho ata ng hininga nya kaya ayaw nya magsalita haha joke lang, umalis na ako at tumungo na

sa bahay pagkatapos ko kainin yung burger pinatay ko na ang tv at natulog na ko.

On the next day as always ko ng ginagawa ganun pa din na papasok ako sa work at nag-abang ako ng taxi sa labas ng bahay para

sumakay papunta sa work. Napadaaan kami sa playground kung saan nakita ko yung babae kagabi at tinignan ko yun sa may

bandang duyan at nakita ko sa lapag ng lupa nun na andun yung binigay ko na burger sa babae tsk. Sayang hindi nya yun kinain

iniwan nya lang grabe naman yun amp! Nainis ako dahil dun.

Nakarating na ako sa work at nagwork ako maghapon ng maayos naman, at inaya naman ako ng mga kasamahan sa trabaho na mag club

tutal friday night naman at wala ng pasok bukas.

Inaya ako ng babaeng General manager namin na mag-shot ng kaunti lang sa club happy happy lang daw pumayag naman na ako tutal

maaga pa naman eh tsaka boring sa bahay kung uuwi agad ako kaya tara lets go and have some party.

Pumasok kami sa isang Club na malapit mga anim na katao kami mga ilang empleyado at mga supervisor sa company ang kasama ko

umupo kami duon sa isang table at umorder ang tatlong babaeng kasama namin ng ladies drink lang at saming mga lalake na

andun kasama eh mga beer naman.

Medyo naiilang pa nga ako dahil ako ata ang pinakabata sakanila at ito ang unang beses ko sumama sa mga katrabaho na gumimik,

masaya naman din sila kasama ang kulit ng mga kwentuhan na ang bida ay yung isa sa mga bisor namin na baklang si Amir panay

ba naman kasi sya patawa, katabi ko naman sa upuan yung General manager namin na si Wendy piling ko nga may gusto sakin to eh

panu ba naman mula nung pumasok ako sa company parang ang gaan-gaan ng pakikitungo nya sakin lagi nya ako tinutulungan sa mga

bagay na hindi ko alam ewan ko din kung bakit parang sa akin lang sya mabaet pero sa mga empleyado terror sya maganda din

naman sya kaso ayoko lang dahil 24 na sya mas matanda sya sakin kaya ayoko sya patulan kahit na tinutukso na ako ng iba naming

katrabaho, haha ayoko talaga trabaho lang nga at walang personalan.

Nagsayaw na yung apat naming kasama ako naman eh naiwan at si Wendy kaya inaya nya din ako sumayaw eh sabi ko nga hindi ako

marunong sumayaw kako, pero mapilit sya kaya napatayo ako at hinatak nya ako para magsayaw kami nahihiya nga ako at hindi ko

alam ang gagawin kaya nakatayo ako dun na parang tanga hinawakan ako ni Wendy sa mga kamay at ginalaw galaw nya ito.

"ganito kasi yan teo, whouow" may tama na yata tong babae na to eh kasi nakarami na rin sya ng inom

"hindi talaga ako marunong ma'am umupo na tayo nahihiya ako eh" bulong ko sakanya

"tara sayaw pa tayo ang saya saya nga eh" at kakataas nya ng mga kamay nya nahulog nya na yung eyeglass nya at aksidente

nya natapakan kaya kinuha ko yun kahit basag na.

"oh ayan lasing ka na nga talaga umupo na tayo ma'am Wen" at bigla sya napayapos sakin ay sucks! Talaga oh

"mamaya na kasi teo sayaw pa tayo" habang iniikot ikot nya yung neck tie ng polo ko aist talaga nga naman to,

ng biglang may bumungo sakin sa likod at napatingin ako sa bumungo sakin.

"aray naman ang sakit nun ah" sabi ko, nagulat ako sa nakita ko si Caysey nakita ko sya na umiiyak at tumakbo nalang palayo,

alam kong nakita nya ako nagtaka naman ako bakit sya umiiyak, grabe bakit ba palagi ko nalang sya nakikita takte yan ha!

hinila ko na sa table namin si Wendy ng nakahawak ako sakanya sa tagiliran nya para alalayan sya ewan talagang

sinasamantala nya ako ha tsk ano ba yan.

Nag-aya na ako umuwi dahil gusto ko ng umuwi tsaka tong si wendy eh lasing na malabo pa naman mata nya sira na yung

salamin nya.

Nag paalam na ako sakanila pero pinigilan nila ako, ihatid ko nalang daw si Wendy kasi sila magstay pa sa club.

Takte yan ako pa nakakainis naman namumuro sakin tong si wen ah sinamantala ako kung alam ko lang pinagtulungan nila ako para

ako talaga ang maghatid sakanya pauwe hu sucks >.<

Kaya inalalayan ko nalang si wen para makauwe na kami kinuha ko nalang yung bag nya at hinawakan sa braso nya.

"ingat kayo sir, at wag nyo pong dalhin kung saan si ma'am ha ideretso sa bahay" sabi ni Amir

At nagtawanan silang lahat pangangantyaw nila sakin, as if naman may balak ako sakanya nu parang ito ngang si wen ang

may balak sakin eh juskupo.

Pumara na kami ng taxi at sumakay na kami papunta sa bahay nya sa grace town daw yun, yun ang sabi nya sa manong driver.

Lumarga na ang taxi habang nasa loob kami panay ang sandal sa balikat ko si wen, hay oportunista talaga hinayaan ko nalang sya

kahit naiilang ako ganito talaga pag gwapo eh joke =) kung ano anong ang tinatanong sakin ni wen pero di ko maintindihan

yung boses nya eh lasing kasi kaya tumatango nalang ako na nakalingon sa labas ng bintana maya-maya sa may bandang papasok

yata sa may village nila sa isang rough road na daan may pumaparang magandang babae kaya hinintuan naman ito ng taxi na

sinasakyan namin, balak na din ata isakay ni manong dahil muka naman syang hindi masama pero nagkamali sya ng akala,

ng ano ano'y may lumabas sa gilid at sa likod ng babae na mga lalaking nakatakip ang mga mukha na may hawak na baril. SUCKS!

Alam na ibig sabihin hito nagdeclare na sila ng isang napakapangit na salita na ngayong ko palang na-encounter.

"HOLD-UP TO!"

DOOM!

Halata naman na hold-up kahit hindi na sabihin pa walang palag dahil dalawa silang may mga armas pag nagkamali kami tsugi

kami nito, biglang nagkamalay yata tong si wen nawala yung lasing nya sa nakita nya kaya sya ay nagmamaka-awa na

wag kami patayin ibibigay nya nalang yung mga gamit nya at tinutukan kami ng mga taong nakamaskara kinuha samin ang mga

gamit namin relo, wallet, alahas, cellphone, tinangay din nila yung kinita ni manong driver sa pasada, nung mga oras din

na yun kabado ako, kasi isang maling galaw tapos ang isa sa aming  buhay na animo'y nasa bingit na ng huling hininga at ang

lakas ng kaba. Si wen ay umiiyak na dahil sa takot yung driver tahimik na alam mong natatakot din at nanghihinayang,

mga oras na sana ay matapos na at isa lang ang gusto mong mangyari ang makauwi na at huminga ng maluwag.

Ang galing ng modus operandi ng grupong to isang magandang babae yung decoy nila, ang malas naman ng araw na ito oh tsk!.

Wala na ako miski piso panu ko uuwe nito mamaya.

Nung nakuha na nila ang mga gamit namin nagsi-alisan na sila gamit ang motorsiklo karipas na silang lumarga at dun na kami

nakahinga ng meyo maluwag huow! Umiiyak pa din si wen sa nangyari nagsalita naman yung manong at humingi ng dispensa na dapat

hindi nalang daw sya huminto.

"wala na nangyari na po nong ituloy nyo nalang po yung pagmaneho ng makauwi na tong kasama ko" sabi ko nalang

nung makapasok sa village umiiyak pa din si wen sa polo kong basa na gosh, ano ba tong pinasok ko oh =\

Ng makarating na kami sa unit ni wen bumaba na kami at yung manong naman nagsabi na wag na kami magbayad dahil kasalanan

naman daw kasi nya at alam nya wala na kaming pera.

"sige ho manong salamat ho" sabi ko kay manong

"paumanhin din sainyo sir" sabi nya sakin at umalis na sya

Pinapasok naman ako ni Wendy sa bahay nya mag-isa lang din sya dito at mas malake yung bahay nya kesa sakin ng kaunti.

"upo ka muna dyan teo, gagawa lang ako ng kape"

"sige lang wen"

Habang iniikot ko yung mata ko sa paligid ng bahay nya napansin ko ngang may kotse sa labas ng garahe nya isang montero yun,

pero bakit hindi nya yun ginagamit at nagtataxi nalang ayan tuloy kanina na hold-up nakanang yan.

Pag balik nya sa kinauupuan ko napansin kong nakasuot na sya ulit ng eyeglass, at nakatali na ang buhok nya, inabutan nya ako

ng isang tasang kape na medyo matapang na barako atang kape yun.

"pasensya ka na sakin kanina teo ah, sobrang natakot lang talaga kasi ako eh"

"ok lang yun naiintindihan ko yun ma'am, ako din nga kinabahan eh"

At sabay kami napangiti habang pinag-uusapan yung nangyari kanina

Binaling ko naman sa ibang usapin yung pinag-uusapan namin

"ma'am sayo yang montero di ba?, bakit hindi mo ginagamit?"

"ah oo yan ba kasi isang taon na ang nakalipas naaksidente ako, at parang natrauma ako na

gamitin ulit natatakot na ko magmaneho"

"kaya naman pala hehe edi display nalang pala yan dyan ngayon?"

"oo tama" Hahaha ang tawanan namin dalawa

Nung naubus ko na yung kape ko nagpa-alam na ako sakanya na uuwe na ako.

"gabi na teo kung dito ka nalang kaya matulog may isa pa naman akong kwarto eh pwede ka dun"

"wag na nakakahiya eh, tsaka babae ka ano pang isipin ng mga tao pag malaman dito ko natulog"

"haha edi wag ipaalam" pabiro nyang sabi sakin

"naku kaw talaga uwe pa din ako ma-aga pa naman yan eh"

"eh inaalala ko lang kasi baka mamaya may hold-up na naman dyan sa daan eh nakakatakot na talaga ang panahon ngayon

lalo pag gabi na"

"haha anu ka ba kung may hold-up pa wala na sila mahohold-up pa sakin dahil nalimas na nila" sabi kong ganyan sakanya

"haha oo nga pala nu, bahala ka na nga sige wait mo ko dito"

At umakyat sya sa may hagdan alam kong may kinuha sya pag baba nya dala nya yung atm card nya

"halika teo samahan mo ko magwithdraw ng pera dahil wala ka ng pera pamasahe din eh, dyan lang yun sa may kanto"

"sige" sabi ko naman habang nakasunod sakanya.

Nung nandun na kami nagwithdraw sya ng 10K at inabot nya sakin yung 3k pamasahe pero 1K lang yung kinuha ko

"ok na to sobra pa nga to, pamasahe lang naman eh"

"eh baka kulangin ka teo wala ka ng pera dyan"

"meron pa naman ako pera sa bahay eh thanks dito ah"

"ano ka ba ako nga dapat ang mag thank you eh"

Ngumiti ako sakanya at nagsabing uwe na ako

"ingat ka teo ha salamat sa paghatid pala"

nagpara na ako ng taxi nag-bye na ko sakanya at pumasok na sa taxi

"take care teo" pahabol nyang salita tinanguhan ko nalang sya