webnovel

chapter 3

3

oras lamang ang lumipas ay nagkasundo sundo silang lahat na tila mga bagong magkakaibigan isa narin sa dumagdag sa kasiyahan nila ay ang kakulitan ni alex.. hanggang halos lahat ng bagay na naroon ay tila umiikot na at ang mga lupa ay tila lumulutang na...tama.. mukang lahat sila ay mga nalasing na nga. mula sa pag katungo ay naalimpungatan si fella at doon ay di nya napansin na nakatulog pala sya. sa subrang kalasingan..sa kanyang pag tayo ay halata pa sa kanya ang kanyang kalasingan.. dahil nawawala pa sa balanse ang kanyang bawat hakbang. kaya naisip nitong pumasok na sa loob at iwan na ang mga kasama nyang natutulog sa labas.. sa kanyang pag pasok ay kanyang na pansin na napakahimbing ng tulog ni alex. " oi.... mahina ka pala eh" asar nito kay alex na di na sya pinansin. matapos iyon ay naramdaman ni fella na tila nagiba ang ikot ng kanyang sikmura. at mukang iluluwa na ng katawan nya ang mga alak na nainum nya. kaya agad sya tumakbo palabas. kahit nahihilo ay agad nyang tinungo ang likod ng bahay.. at doon ay nag suka. sa kanyang pag susuka sa may di kalayuan ay may napansin syang dalawang tao na magkatabi na tila naghahalikan. kaya agad nyang kinuskos ang kanyang mga mata. at mula doon ay nagulat sya dahil may dalawang tao pala talagang naghahalikan mula sa harapan nya.. ngunit mas nagulat sya ng kanyang makita kung sino ang dalawang tao na nag hahalikan.. si guyong.. at ang kanyang ate jean... sa puntong iyon ay natulala sya sa kanyang nakita bagay na di nya inakala dahilan kung bakit di nya napansin ang isang paso na kanya palang naapakan na pinagmulan ng ingay na nag patigil kay jean at guyong. sa puntong iyon ay napatigil si jean at si guyong lalo na nang makita si fella .. agad nila itong nilapitan at nananalangin na sana ay hindi sila nakita ni fella. " fella andyan ka pala.. anung ginagawa mo dyan kanina ka pa ba dyan" kabang tanong ni jean. " ha.... di ko alam...gusto ko na matulog.." pag kukunwari ni fella bago sya alalayan ng kanyang ate papasok ng bahay at pinagpahinga.

sa mainit na tanggali ay nagising si fella. mula sa kanyang kinahihigaan ay dahan dahan syang tumayo at mula sa sala ay naamoy nya ang mabangong sinigang na niluluto ng kanyang ate mula sa likuran. " tita... akala ko di ka na babangon eh" ani ni gerald. " asan si alex" tanong nito. " kasama po sya ni dhin.. nag selfie selfie ata don sa malayo" sagot ni gerald bago lumabas si jean. " oh gising ka na pala... gusto mo bang kumain na" tanong ni ate nya. " gerald ibili mo nga muna ako ng yelo sa labas" utos ni fella na agad na sinunod ni gerald. sa sa pag alis ni gerald ay agad na sinundan ni fella ang kanyang ate sa kusina. " ate... anu ung nakita ko kagabi. tanong nito. " anong sinasabi mo" pagtangi ni jean.